POV- Szarina.
SZARINA KIM, 20year old, isang Probinsyana at ampon ng pamilyang Eusebio na nakatira sa Barangay Masikap Bitin Laguna. Si tatay Rey at nanay Francia Eusebio ang kumokop sa kanya noon. Hindi nila itinuring na iba sa kanila ang dalaga, salat man sila sa pera pero pagdating sa pagmamahal ay mayaman sila. Nagkaroon ng sakit ang kanyang ina kaya ang lupang sinasaka nila ay naisanla sa isa nilang kamag anak na mataas ang tingin sa kanilang sarili. Wala pa silang sapat na pera na pang tubos kaya hindi nila ito mabawi pa. Tumigil mona sa pag aaral si Szarina pagka graduate ng highschool dahil hindi sapat ang kinikita nila sa sinasaka nilang lupain para sa pagpapatuloy ng pag aaral nito. Nagkaroon ng programang libreng edukasyon sa kolihiyo kaya hindi na pinalampas pa ni Szarina kaya nagbakasakali ito. Hindi nga s'ya nabigo at naipasa pa n'ya ang pagsusulit kaya masayang masaya siyang naglalakad pauwi para ibalita niya sa kanyang pamilya ang magandang balita na natanggap niya ngayong araw. "Nay! Tay. Nakapasa po ako sa exam ng scholarship na pinasahan ko, makakapag aral na po ako sa Manila. Maipagpapatuloy kona po ang pag aaral ko sa kolehiyo!" Masaya kong balita sa aking kinikilalang magulang. Usap usapan dito sa aming Barangay Masikap na hindi ako tunay na anak nila nanay at tatay, basta na lang daw nila ako nakita sa isang basket na nakabalot sa isang pink na lampin na may na nakasulat na Szarina Kim pero walang apelyido at nakalagay din kung kelan ako isinilang. Ang lahat ng iyon ay totoo pero para sa akin at kina nanay at tatay at sa dalawa ko pang kuya ay tunay nila akong pamilya. Hindi kona inalam pa kung sino nga ba ang tunay kong magulang, hindi na sa akin mahalaga iyon dahil kong mahalaga ako sa kanila hindi nila ako aabandonahin o iiwan na lamang sa labas ng bakuran ng isang bahay kaya wala na rin akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mga taong kumupkop sa akin ngayon at nagmamahal ng totoo na imbis na dapat ay sa kanila ko ito nararamdaman. "Kaya mona bang mag-isa sa Manila, walang magtatanggol saiyo don kapag mayroon nang-aapi saiyo, malayo ka sa amin. Maraming pang mga sira ulo sa Maynila anak ko." Wika ni nanay sa akin na nag aalala. "Nay, maliit man ako o dwende ako sa paningin ng ibang tao pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kapag inaapi nila ako, ako yata si Szarina Kim Eusebio.......Naputol ang sasabihin ko ng dumating si kuya Paulo na galing sa pag-aani ng palay. "Tama ba ang narinig ko na luluwas ng Manila ang bunsuan namin ni Franco? Aba! Mawawalan na kami ng prinsesa dito sa bahay kapag umalis ka." Sabi nito. "Kuya Pawpaw, para naman sa pag aaral ko ang gagawin ko don, ayaw mo ba nun na ang pangarap mo na maging isang magaling na doctor ay matutupad ko na? Wala naman na kayo pang gagastosin dahil sagot na ng university ang lahat ng gagastosin ko sa pag aaral." Paliwanag ko sa kanilang lahat. "Basta anak, kung saan ka masaya ay susuportahan ka namin ng iyong Ina." Wika naman ni tatay. "Yan ang tatay Rey ko, the best tatay ever talaga." Pagmamalaki ko at yumakap pa ako sa kanya. "Tay, paano kung mahirapan yan don sa Manila alam mo naman na malawak ang Manila at marami pang adik, rapist doon. Lahat na yata ng masasamang tao sa mundo ay nasa Manila na tapos papayagan n'yo pa na doon yan mag aral." Turan ni Kuya Pawpaw na ayaw pumayag na sa Manila ako mag aaral ng kolihiyo. "Sino ang mag aaral sa Manila? Tanong ni Kuya Franco na kadarating lang din na galing sa pagpapastol ng kalabaw at kambing. "Sino pa ba? ay di si Bunso." Sagot ni Kuya Pawpaw. "Totoo ba iyon Bunso?" Tanong ni kuya Franco sa akin. "Opo kuya, nakapasa po ako sa exam na binigay ng Mayor natin dito sa barangay." Nakangiti kong sagot sa kanya, itong si kuya Franco ang pinaka close ko kaya sana pumayag s'ya sa gusto ko. "Aba! congratulations bunso! Sa wakas makapagtapos kana ng pag aaral mo." Masayang bati sa akin ni kuya Franco. Hindi nga ako nagkamali sa akin kumampi si kuya Franco. "Pumapayag ka na mag aral yan don, hindi mo ba naiisip na baka may mangyaring hindi maganda don sa kanya Franco! Kung malayo s'ya sa atin!" Galit na wika ni kuya Pawpaw. "Ano kaba? Kuya Pawpaw, huminahon ka nga isang opportunity na ang lumalapit sa atin para makapag aral ang bunso natin hahayaan pa ba natin. Isang beses lang dumating sa atin ito kaya hwag na natin pang palampasin pa. Hindi naman ni Bunso hahayaan ang kanyang sarili don na saktan lang ng kung sinong Poncio Pilato. Diba Bunso? Katwiran ni kuya Franco at tumingin pa sa akin na s'ya na ang bahala kay kuya Pawpaw matupad lang ang pangarap ko. "Bahala nga kayo, kapag mayroon lang na nangyare d'yan na hindi magandaikaw mismo ang una kong uupakan!" Galit nitong sabi sabay labas ng bahay namin. Nagkatinginan naman kaming apat at nagkibit balikat lang. "Nalulungkot lang iyon si Kuya Pawpaw kapag natuloy ang pag aaral mo sa Manila. Alam mo naman yon si kuya mahal na mahal ka non kaya h'wag mong isipin na galit si kuya saiyo." Wika ni kuya Franco sa akin sabay yakap nito sa akin. "Ako na ang bahala kumausap sa kuya mo. Broken hearted nanaman seguro kay Rosa." Ani ni Tatay. *** Ito na ang araw ng pag luwas ni Szarina pa Manila. Nagkataon na wala pa silang pera para sa kanyang pamasahe. Gabi na hindi parin umuuwi ang kuya Franco niya dahil sa pagbebenta ng isang kambing. Mabuti na lamang pumayag narin si kuya Pawpaw na mag aral ako sa Manila. "Bunso, malakas na ang ulan hindi pa dumarating ang kuya Franco mo, bukas kana lang lumuwas ng Manila gabi narin tiyak na walang magbabyahe na tricycle ngayon. Alam mo naman ang lugar natin hindi pa sementado ang daan tapos madulas pa at mataas ang lupa kapag ganito takot silang bumyahe ng tricycle." Wika ni nanay habang nakasilip sa bintana ng aming simpleng bahay na yari sa kahoy at ang bobong ay anahaw. "Bukas na nga lang po seguro ng madaling araw nay, Seguro naman po ay tila na ang ulan bukas ng madaling araw." Sagot ko. Lahat ng gamit ay naka impake na pera na lang talaga ang wala para sa pamasahe ko at kaunting allowance. Alas-dyes na ng gabi nakauwi ang kuya Franco na dala ang pinagbintahan ng kambing. Mabute na lang ay tumigil din ang malakas na pag ulan. "Basang basa ka kuya Franco! Ito po ang tuwalya ibalot mo po sa katawan ninyo!" Nag-aalalang salubong ko kay Kuya Franco na tinanggap naman ang tuwalya na iniabot ko sa kanya. "Naglakad na kase ako habang umuulan kanina, hindi na ako naghintay ng masasakyan pa dahil alam ko naman na walang dadaan." Sagot ni kuya sa akin. Pagkatapos ay naligo na ito at nagbihis baka magkasakit pa kapag nababad ang katawan sa lamig. NAGISING ako ng Alas-tres ng madaling araw para maghanda para sa pagluwas ko ng Manila, sana lang ay may masakyan ako na tricycle ng ganitong oras. Ngayon pa naman ang unang klase namin. Nakasakay din ako sa wakas nang tricycle, eksaktong may dumaan paglabas ko ng aming bakuran. "Bunso mag-iingat ka don ha! Umuwi ka kaagad dito kapag may nang-api saiyo don para maresbakan ko." Bilin sa akin ni kuya Pawpaw. "Sus Kuya Pawpaw, kaya na ni Bunso ipagtanggol ang sarili niya don sa Manila. H'wag mo na syang gawin pang baby. Hayaan natin s'yang masanay na wala tayo sa kanyang tabi, dahil hindi habang buhay ay magkakasama tayo dahil magkakaroon din tayo ng sari-sariling pamilya." Wika ni Kuya Francona pinapalakas ang aking loob, pero sa loob loob nito ay nalulungkot din siya sa aking pag-alis. "Tumigil na nga kayong dalawa basta anak kapag nalulungkot ka don, h'wag kang mag dalawang-isip na umuwi dito ha, at tsaka h'wag mong pababayaan ang sarili mo don kumain at matulog ka ng tama sa oras para naman kahit papaano ay madagdagan ang iyong height." Bilin ni nanay na ikinatawa naming lahat. "Ito naman si Francia, aalis na lang ang kanyang bunso nilalait pa ang height.....Pero anak ko, tama ang iyong ina para naman makasali ka ng miss Universe o miss world man lang." Pang aasar din sa akin ni tatay. "Tay naman eh.. Nang aasar ka din.." Nauwi sa masayang tawanan ang pagpapaalam ko sa kanila. "Mahal!" Boses ni Lazaro habang tumatakbo ito papalapit sa akin. Tumingin naman ako sa dalawa kong kuya na tumatawa nanaman. Siraulo talaga itong si Lazaro kung hindi lang ito ing-ing na kuntyatan kona ito. "Mahal, saan ka punta? Bakit ang dami mong dala na bag? Tanong sa akin ni Lazaro. "Eh Lazaro, luluwas ako kailangan ko monang mag-aral sa Manila para sa future nating dalawa. Alam mo naman dito sa lugar natin mahirap ang hanapbuhay." Paliwanag ko kay Lazaro para hindi ito umiyak, iyakin pa naman ito. "Babalik ka din dito ha, kapag nakapagtapos kana magpapakasal na tayong dalawa ha." Wala sa sariling wika ni Lazaro na hinayaan ko lang. "Oo Lazaro, pangako ko yan saiyo." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Paano ba yan Lazaro aalis na ako, kanina pa naghihintay si kuya sa akin." Paalam ko. "Sege mahal ko," Nakangiting saad ni Lazaro sabay kiss sa aking pisngi. Sanay na kami kay Lazaro kapag hinahalikan ako sa pisngi. May sakit kase s'ya sa pag-iisip simula bata pa lang kami kaya hinahayaan na lang namin s'ya, hindi naman niya ako binabastos. Mabaet naman si Lazaro, hindi s'ya nanakit ng tao at masayahin pa, kaedaran ko lang din s'ya. "H'wag kang malulungkot kapag wala na ang future wife mo ha.." Habol ko kay Lazaro habang kumakaway ako sa kanya at sa pamilya ko. "Pangako mahal ko, hihintayin kita. Ngayon lang ako iiyak kase aalis kana." Habol din nito at umiyak na nga ng tuloyan bago pa ako makalayo sa kanila. Inalalayan na s'ya ng dalawa ko pang kuya papasok ng bakuran namin, dahil alas kwarto pa lang ng madaling araw. Nakangiti ako habang binabaybay ang papalabas ng Barangay namin patungo sa terminal ng Bus papuntang Manila, pagkakataon kona ito. Ito na ang simula ng pagbabago ng aming pamumuhay, ako ang magiging daan para sa lahat ng pangarap ng aming pamilya.Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi