"POV- Szarina.
Nakilala ko ang mga bago kong kaibigan na sina Isadora Ajaziah, Aria Zelle, Marian, Rasselle at Chyrll. Sa Tuwing may gimik ang mga kaibigan ko ay hindi ako nawawala kung nasaan sila ay naandon din ako. Sa aming magkakaibigan ay si Isadora ang naunang nagkaroon ng kasintahan at ito ay si Anthony na ka klase namin. May manliligaw itong gwapo at sikat na negosyante pero sa hindi namin alam na dahilan ay si Anthony ang mas pinili nito. Si kuya Eutanes at Jeran ay magkaibigan na matalik. Hindi ko na hinintay pa ang dalawa kong kaibigan na kasama ko sa dorm, Nauna na ako sa kanila pumasok. Habang naglalakad ako papasok sa university na pinapasukan namin ng aming kaibigan ay nakasalubong ko ang kapitbahay namin sa probinsya na si ate Marie. "Oh Bunso, kumusta kana. Tama nga ang usap usapan sa Kubo ng Barangay natin na dito kana nag aaral sa Manila." Wika ni Ate Marie ng makilala n'ya ako. "Ikaw po pala ate Marie.. Okay lang po ako... Ikaw po kumusta?" Balik tanong ko sa kanya. "Ito tsesmosa parin. Ang swerte mo, Ito lang ang maipapayo ko sayo dahil hindi kana rin iba sa akin sana makapagtapos ka ng pag aaral at h'wag mong gayahin yong ibang kapitbahay natin na kapag nakakaluwas ng alta syudad at makakilala ng gwapong mayaman ay bumubukaka kaagad hindi na iniisip kung bakit sila pumunta dito. H'wag mo sanang masamain Szarina ang mga sinabe ko saiyo dahil gusto kong umangat ang buhay ninyo at hindi habang buhay na nahihirapan sa pang araw araw. "Salamat po ate Marie. Napakabait n'yo po talaga, hayaan po ninyo hindi ko po kayo bibiguin katulad nila nanay at tatay at ang dalawa ko pang kuya na nasa Probinsya. Makakapagtapos po ako ng pag aaral at matutupad ko ang aking pangarap na hindi bumubukaka sa mga mayayamang gwapong lalaki dito sa Manila." Nakangiti kong sagot kay ate Marie. "Mabute naman kung ganun. Nabalitaan mona ba ang nangyare sa mama at tiyahin mo tungkol sa lupa na nakasanla?" Tanong nito sa akin. "Hindi po. Ano po iyong tungkol kina mama tiyang at sa lupang nakasanla. "Pumunta don ang magaling mong tiya Beth mo... Nag eskandalo don sa labas ng bakuran ninyo na kapag hindi pa natubos ang lupang nakasanla sa tiyang Beth mo ay hindi na nila ito makukuha pa sa kanila kaya ang nanay mo ay sinugod sa hospital dahil inatake ito sa puso..." Pagbabalita sa akin ni ate Marie. Nakaramdam ako ng awa sa aking nanay at pagkasuklam sa tiyahin ko. Gusto kong umiyak sa nalaman ko. "Kumusta naman po ang nanay? Wala po sa akin nasasabe ang mga kuya ko kapag sila ay tumatawag sa akin.. "Naku! Ang daldal ko talaga, h'wag mona lang sabihin sa kanila na sinabe ko saiyo kung anong nangyare sa nanay mo at h'wag kana rin mag alala dahil okay na ang nanay mo, ako na ang nagbayad ng lahat ng bill sa hospital... Hayaan mo kapag malaki ang padala ng asawa ko pahiramin ko kayo ng pantubos sa lupa kahit hulog hulogan n'yo na lang kaysa naman nakasanla sa tiyang Beth mo na matapobre." Mahabang saad ni ate Marie. "Maraming salamat ate Marie, Utang na loob ko po sainyong mag asawa ang pagtulong po ninyo sa amin... Nakakahiya naman po kong pati iyong lupa namin ay ihihiram pa namin ng pera sainyo. Magtatrabaho na lang po ako dito habang nag aaral para makapag ipon at maitubos ng lupang nakasanla namin. "Naku hija! Ano pa't naging magkapitbahay tayo, pag aaral na lang ang unahin mo.... Wala naman na akong pinag aaral na anak kaya may naiipon narin naman kami kaya kapag malaki ang ipapadala ng asawa ko ay ipapahiram ko mona sainyo para hindi na kayo nahihirapan magsaka sa tiyang Beth mo.... Nayakap ko na lamang si Ate Marie ng mahigpit, hindi ko alam ang sasabihin ko para magpasalamat sa kanya. Sobra sobra na ang naitutulong niya sa amin. "Pumasok kana, baka magkaiyakan pa tayo dito. Basta magtapos ka ng pag aaral mo dito ha, h'wag magboboyfriend para hindi mabuntis...." Nakangiting wika sa akin ni ate Marie. "Maraming salamat ate Marie... Hinding hindi po ako magboboyfriend promised ko po yan saiyo." Pagkatapos namin mag usap ni Ate Marie ay pumasok na ako sa gate ng university namin. Iniisip ko parin ang nangyare kay nanay, Nagkaroon na ako ng phobia ng mahospital si tatay kaya pinapangako ko sa aking sarili na makakapagtapos ako ng pag aaral bilang isang magaling na doctor.. Naupo ako sa upuan ko... Habang naghihintay ng oras nag iisip ako ng trabaho na pwede kong gawing part time job. Nakakahiya naman sa asawa ni Ate Marie, nagpapakahirap ito sa ibang bansa para makapag ipon ng pera tapos ipapahiram lang sa amin para matubos ang lupa na nakasanla. Hindi ko na namalayan na nasa harapan kona pala ang mga kaibigan ko... "Hoy! Bansot...yohooo.." Pagpitik sa ilong kong matangos ni Marian... "Aw!... Bakit mo pinitik ang ilong ko?" Reklamo ko. "Girl, kanina pa kami dito at kanina kapa namin kinakausap hindi mo kami pinapansin." Saad ni Issa. "Oo nga naman, sino ba iniisip mo?" Tanong naman ni Rasselle. "Eh sino pa ba? eh di si President Jeran na sinusungita nya." Wika naman ni Aria. "Wow naman, ang swerte mo don Szai, biruin mo kahit bansot ka may isang Prisedente ng Pilipinas ang nagkagusto saiyo. Bihira lang ang ganyan ha.. Kaya kung ako saiyo h'wag mo ng sungitan bumukaka ka agad para boom..." Ani naman ni Chyrll na may pamwestra pa ng kanyang kamay... "Magsitigil nga kayo, tigilan n'yo ako kakatawag ng bansot sa akin, hiyang hiya naman ako sa height nyo na 4'11... Paano ba kayo napunta sa harapan ko, ang dami n'yo agad nasabe, hindi ako makasingit sainyo." Pagsusungit ko sa kanila. "Bahala kayo diyan.... Basta ako crush ko si Rage." Kinikilig na wika ni Rasselle. Nakatikim naman ito sa amin ng tig iisang batok... "Aray naman! Kung makabatok kayo parang hindi n'yo din crush yong mga nag guess dito ng Intramurals natin. Lalo kana Marian tumulo pa nga laway mo kay Quinn at ikaw Chyrll isa kapa na kinikilig din naman kay Red. Si Isadora kunwaring hindi gusto si Eutanes pero lihim na may gusto naman, at itong si Aria kunwari din na hindi tipo si Fucklers pero ang panty n'ya basang basa na marinig lang ang pangalan ni Fucklers at ikaw na bansot ka bubukaka ka din kay Jeran kakainin mo din yang sinasabe mo na kailanman ay hindi mo s'ya magugustuhan.... Kapag dumating ang araw na iyon, di lang batok ang gagawin ko sainyong lima." Napipikon na ani ni Rasselle sa amin... Napuno ng tawanan ang classroom namin dahil sa kulitan naming magkakaibigan.... Natapos ang maghapon ng aming klase. Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na ako sa kanilang umuwi dahil marami akong labahin na damit. Hindi na ako sumama sa kanila sa paborito naming tambayan pagkatapos ng klase ang Chysselle coffee shop nila Rasselle at Chyrll. Si Aria ay ganun din nagmamadali itong umuwi ng bahay nila. Kailangan kong makahanap ng trabaho.... Hindi pwedeng wala akong gagawin.. Ayaw kong mawala sakahan na pinaghirapan ng aking magulang. Hindi na ako umuwi sa bahay naglakad lakad ako at naghahanap ng bakanteng trabaho na pwede kong aplayan. Habang naglalakad ako ay may namataan akong nakapaskil na job vacancy, secretary. Nag aalangan ako na magtanong kung anong kompanya ito, baka hindi pwede ang college student.. Tatalikod na sana ako ng bumukas ang sliding door ng isang agency na nakapaskil ang job vacancy. "Miss, naghahanap kaba ng trabaho?" Tanong sa akin ng isang ginang. "O-Opo sana, kaso hindi po yata ako pwede.... Studyante po kase ako...." Putol putol kong sagot sa ginang. "Hindi problema kung studyante ka palang, makakatulong pa nga ito sa pag aaral mo... Hindi naman buong oras mo ang ilalaan mo sa kanya.." Saad ng ginang. "Talaga po.. Sege po balik po ako dito mamaya gagawa lang po ako ng resume para may maibigay po ako saiyo. "H'wag na hija, may biodata dito, iyon na lang ang sagotan mo. Magbigay kana lang ng 1x1 at 2x2 na picture baka kase hindi kana bumalik." Paninigurado ng ginang sa akin. Napangiti naman ako sa sinabe ng ginang. "Hindi naman po sa ganun.. Sege po sa biodata ko nalang po isusulat lahat ng pagkatao ko." Sagot ko sa ginang. "Halika dito sa loob para makapag sulat kana... Hindi mahirap ang trabaho mo bilang isang sekretarya..Mga schedule lang ng mga appointment nya ang gagawin mo... Pwede mong gawin pagkatapos ng iyong klase.. Pagkatapos mong isulat lahat sa biodata ay tatawagan ko ang sekretarya nito na papalitan mo.."Saad ng ginang ako naman ay tango lang ng tango.. Pagkatapos kong magsulat sa biodata at ibigay sa kanya ang hinihingi niyang picture ay nagpaalam na ako. "Tawagan na lang kita kong kailan ka magsisimula ng trabaho mo." Wika ng ginang. "Sege po, salamat." wika ko at lumabas na ng Agency. Naglakad ulit ako pauwi. Masayang masaya ako na nakahanap ako ng trabaho na fit sa pag aaral ko. Hindi na ako mag iisip kong paano ko matutulongan sina nanay at tatay sa Problema. Pagkarating ko sa dorm ay agad akong nagbihis ng damit pambahay.. Nilabhan ko ang iilang damit ko na marurumi na. Habang nag lalaba ako ay nag salang ako ng sinaing magprito na lang ako mamaya ng itlog yon na lang ang iulam ko. Kahit may nabalitaan ako ng masama ay may magandang nangyari naman sa akin ngayon araw ding ito. Mamaya na ako tatawag kina nanay pagkatapos kong maglaba at kumain. Mabilis akong natapos sa paglalaba ko, nagluto na ako ng pritong itlog na ulam ko..Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi