Share

Mr. Reign, You've Lost Your Wife
Mr. Reign, You've Lost Your Wife
Author: Ychiegin

Kabanata 1

Author: Ychiegin
last update publish date: 2026-06-16 07:45:29

"F*CK!" Napakusot naman ako nang mata ng may narinig na boses.

"B-boss?" Agad akong napatayo ngunit biglang sumakit ang pang-ibaba ko dahilan ng pagkalaglag ko sa kama.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko!" Napalunok naman ako sa sinabi niya.

"H-hindi ko po a-alam." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumayo at nagmamadaling magbihis. Tinignan ko naman ang sarili ko at agad nagtakip ng katawan. May nangyari sa amin? Isa pa, masakit yung ilalim ko.

Agad naman kaming napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas, "A-Andrei?".

Patay! Girlfriend ni Boss!

"S-sam? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba mamayang hapon pa tayo magkikita?" Kinakabahang tanong sa kanya ni Boss. Nakita ko namang tinignan ako ng Girlfriend ni Boss bago niya binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya.

"Tama nga ang hinala ko! Kaya ayaw ko sa babaing 'yan e, pero pinipilit mong sabihin sa akin na wala kayong may ginagawang mali!" Lumapit naman sa kanya si Boss, pero isang sampal ang natanggap niya.

"Pinagkatiwalaan kita, Andrei!" Umiiyak na sabi sa kanya ng Girlfriend niya.

"Magpapaliwanag ako, mali 'yong nakita mo!" Nakita ko namang ngumiti ang girlfriend niya sa sinabi ni Boss.

"Hindi ako tanga, Andrei!"

"I'm sorry." Paghihingi ng tawad sa kanya ni Boss.

"Kaya ba hindi mo ako kayang pakasalan? Dahil sa babaing 'yan!" Nagulat naman ako ng bigla niya akong tinuro. Tinignan ko naman si Boss, pero isang malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin.

"H-hindi ko po talaga alam ang nangyari." Pagtatangol ko sa sarili ko.

"Alam kong matagal mo nang gusto ang Boyfriend ko, pero benaliwala ko lang 'yon kasi naniniwala ako kay Andrie! Pero mali ako, dahil mga sinungaling kayo!" Bigla namang maypumatak na luha sa mga mata ko.

Hindi ko naman talaga alam kung anong nangyari e, kung bakit ako nandito.

"Maghiwalay na tayo!" Agad naman akong natauhan dahil sa narinig.

Nakita ko naman kung papaano lumuhod si Boss sa kanya.

"Hindi ko kaya! Sam, don't leave me!" Pagmamakaawa sa kanya ni Boss, pero tinignan niya lang ito, bago umalis sa harapan ni Boss.

"Nakakapagod na!" Huling sabi nang Girlfriend ni Boss bago lumabas ng kwarto, tumayo naman si Boss at sinundan siya.

Pinilit ko namang tumayo at kinuha ang damit sa sahig bago ko ito sinuot. Agad naman akong lumabas sa kwarto at nagmadaling umalis sa Hotel.

Sumakay lang ako sa taxi at nagpahatid sa bahay. Wala ako sa sariling lumabas ng taxi at lumakad papasok ng apartment.

Hindi ko naman talaga gusto makasira ng isang relasyon. Kahit may gusto ako kay Boss, hindi naman ako tanga para pumatol sa kanya, dahil alam kong masyadong mataas siya para sa akin.

Naligo agad ako at nagbihis dahil papasok pa ako sa trabaho. Umalis agad ako sa apartment at sumakay ulit sa taxi papuntang company.

Habang papasok ako, nakita ko namang pinagtitinginan nila ako habang nagbubulungan. Problema nila?

"Ms. Villamor," napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Bakit?" Isa siya sa HR Department.

"Pinapatawag kayo ni Mr. Reign." Tumango lang ako sa sinabi niya at lumakad papuntang office ni Boss.

Nang makarating ako, kumatok ako bago binuksan ang pintuan ng office niya.

"Pinapatawag niyo po ako?" Tanong ko sa kanya nang makapasok na ako sa office niya. Tinignan niya lang ako at may itinurong folder sa lamesa niya, linapitan ko 'yon at tinignan.

"B-boss?" Kinakabahang sambit ko.

"Tama 'yang nabasa mo," walang ka ganang-gana niyang salita.

"B-boss, maawa naman po kayo, mahalaga po talaga 'tong trabaho ko!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi na kita kailangan bilang secretary, pwede ka nang umalis!" Umiling lang ako sa sinabi niya.

"Hindi! Hindi ako aalis!" Pagmamatigas ko sa kanya.

"Itong trabaho lang po ang bumubuhay sa akin. Please, Boss!" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sa palagay mo ba papalagpasin ko lang ang ginawa mo? Kakalimutan?" Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Umalis kana sa harapan ko, at 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa akin!" Hindi naman ako nakapagsalita hanggang sa nakalabas na ako sa office niya.

Nakita ko namang tinignan ako ng mga empleyado, at naghihintay sa susunod kong gagawin. Lumakad na lang ako ng tahimik at hindi sila pinansin. Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho.

"Vivian!" Napalingon naman ako at nakita ang best friend ko.

"Anong nangyari? Ano 'tong narining kong magre-resign ka?" Ngumiti lang ako sa kanya.

"Wala e, napagod lang." Resign? Pinaalis ako, hindi resign!

"Bakit biglaan?" Tinignan ko naman ang paligid namin bago ko siya ulit tinignan.

"Punta ka mamaya sa apartment, sasabihin ko sa'yo kung bakit!" Tumango naman siya sa sinabi ko.

"Aalis na ako, baka abutan pa ako ni Boss." Sabi ko sa kanya.

"Sige, mag-iingat ka. Puntahan kita mamaya sa inyo!" Tumango lang ako sa sinabi niya at nagmadaling umalis do'n. Ayaw kong makita ang mukha ng lalaking 'yon, baka ano pang masabi sa akin e.

Nakalabas naman agad ako sa company, kaya naghintay na lang ako ng taxi para makauwi.

Ang gastos ko ngayong araw sa taxi pa lang. Kung alam ko lang na papaalisin ako, sana 'di na lang ako pumasok!

"Excuse me?" Natauhan naman ako ng may narinig na boses. Tinignan ko naman kung nasaan nanggaling, at nakita ko ang isang napakagandang babae.

"Ako po ba?" Tanong ko sa kanya, dahil wala naman akong katabi e.

"Yes, ikaw nga." Nakangiting sabi niya pabalik sa akin.

"Bakit po?" Magalang na tanong ko.

"Ikaw ba ang naikama nang anak ko?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Reign, You've Lost Your Wife   Kabanata 6

    VIVIANNilingon ko naman ang likuran ko at tinignan baka sakaling may kasabay ako, at siya pala ang kinakausap."Ako ba?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ang sarili ko."Ikaw nga," nakangiting sabi niya sa akin."Ikaw 'yong bago hindi ba? Ako pala si Jomer!" Pakilala niya sa akin."Vivian," tinanggap ko naman ang kamay niya."Sabay na tayong pumasok?" Tumango naman ako sa sinabi niya at sabay na kaming lumakad."Matagal ka na ba rito?" Tanong ko sa kanya."2 year na, matagal na ba 'yon? Parang hindi di ba?" Natatawang sagot niya sa akin."Hoy, Bakla!" Sabay naman kaming napalingon ng may isang babae ang sumigaw sa hallway."Parang may microphone 'yang bibig mo!" Sagot sa kanya ni Jomer."Shempre naman, bakla! Baka may mabiktima ka naman kasi!" Tinignan naman ako ng babae at ngumiti."I'm Trixie!" Nakita ko naman ang kamay niyang nasa harapan ko kaya tinanggap ko na lang. "Vivian," simpling sagot ko sa kanya."H'wag kang magpapaloko sa taong 'to, katulad natin 'yan!" Tinignan ko na

  • Mr. Reign, You've Lost Your Wife   Kabanata 5

    VIVIAN Lumipas ang isang linggo, at ngayong araw ang kasal namin. Hindi kami sa simbahan ikinasal, sa abogado lang at may penermahan lang kami ni Andrie, at BOOM tapos na. "Pasensya na kong ito ang nangyari sa kasal niyo," tinignan ko naman si Tita at ngumiti."Okay lang po." Hindi kasi pumayag si Andrei na magpakasal kami sa simbahan, at wala namang nagawa ang mga magulang niya at pumayag na lang, kaysa hindi matuloy ang kasalan.**Nandito ako ngayon sa mansion ni Andrei, may pag-uusapan daw tungkol sa kasal."Anong gusto niyong venue sa kasal?" Hindi naman ako nagsalita sa tanong ni Tita. Nakakahiya naman dahil wala naman akong gagastuhin kahit peso."Itong gown mo, Vivian? Okay na ba 'to?" May pinakitang magazine naman sa akin si Tita, subrang ganda at alam mong mamahalin."Kayo na po ang bahala," nakangiting sabi ko sa kanya."Walang gaganaping kasal." Napatingin naman kaming lahat sa bagong dating."Anong ibig mong sabihin, Andrei?" Tanong sa kanya ni Tita."Hindi ako magpapa

  • Mr. Reign, You've Lost Your Wife   Kabanata 4

    "Magpapakasal ka? Nagpapatawa ka ba?" Hinawakan niya naman ako sa dalawang balikat ko at niyugyog."Nahihilo na ako!" Tumigil naman siya at umupo ulit."Seryoso, ano nga?" "Magpapakasal na nga ako," pag-uulit kong sabi sa kanya, pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya."Sino naman ang papakasalan mo? Wala ka pa ngang boyfriend e," Sabi niya sa akin habang nakataas pa rin ang isa niyang kilay."Kagabi kasi, ano... nawala 'yong ini-ingatan ko," nakita ko naman kung papaano namilog ang mga mata niya."Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?" Seryosong tanong niya na ikinatango ko lang."Patay kang bata ka! Sinong matinong lalaki ang pumatol sa'yo?" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya."Haha, joke lang!" Natatawang sabi niya sa akin habang hinahaplos ang ulo niyang binatukan ko."Seryoso? Magpapakasal ka talaga?" Tumango naman ako sa sinabi niya."Oo nga, ayaw mo pang maniwala e!" "Sinong papakasalan mo?" Tinignan ko naman siya bago ngumiti ng pilit."Si Boss.""Si Boss?" Panini

  • Mr. Reign, You've Lost Your Wife   Kabanata 3

    VIVIAN "Wala ka nang magagawa, Andrei. Sa ano mang araw na ito, malalaman at malalaman din ng lahat ang nangyari. Kaya sa susunod na linggo, magpapakasal na kayo!" Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi ni Tito."Papaano ang Girlfriend ko?" Tanong ni Boss sa kanila."Ipapakasal na siya sa pinsan mo." Deretsang sagot sa kanya ni Tito."F*ck, Dad!" Nagulat ako dahil sa sinabi niya."Ano bang ginawa ko para paghirapan niyo nang ganito? Bakit sa pinsan ko? Pwede naman sa akin!" Nakita ko naman kong papaano sabunutan ni Boss ang sarili niya."Si Sam mismo ang nagsabi na gusto niyang pakasalan ang pinsan mo, at tinanggap naman ng pinsan mo." Tumigil naman si Boss sa paggulo ng buhok niya, at tinignan ako."Kasalanan mo 'to!" Umalis kaagad siya matapos niyang sabihin 'yon sa akin. Pupuntahan niya siguro ang Girlfriend niya."H'wag mo na lang pansinin ang anak namin, matatanggap niya rin sa oras na magsama na kayo sa iisang bahay," paliwanag sa akin ni Tita.Parang kumuha lang ako ng bato pa

  • Mr. Reign, You've Lost Your Wife   Kabanata 2

    "Po?" Naguguluhang tanong ko pero tumawa lang siya ng mahina."Ikaw ba ang nakasama ng anak ko kagabi?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Sino po bang anak niyo?" Tanong ko sa kanya."Si Andrie," namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya."Si Mr. Reign po?" Tumango lang siya sa sinabi ko."So, ikaw nga ang babaing 'yon?" Hindi ko naman siya tinignan at umiwas. Pag inamin kong ako 'yong babae baka sabunutan ako. Naghiwalay ba naman 'yong anak niya at girlfriend nito nang dahil lang sa akin."Alam kong ikaw 'yon." Hindi naman ako sumagot sa sinabi niya. Alam niya naman pala, tinanong pa ako?"Hindi ko namang ginusto 'yon, hindi ko talaga alam kung ano po ang nangyari!" Pagtatangol ko sa sarili ko."Alam ko, pumasok muna tayo sa sasakyan. Maraming mga matang nakamasid rito!" Tinignan ko naman ang paligid namin, bago ako pumayag sa sinabi niya. Hindi ko namang gusto ibalita sa TV no? Isa ba namang kilalang tao ang katabi ko."Okay lang ba sa'yo na sasama ka sa akin p

  • Mr. Reign, You've Lost Your Wife   Kabanata 1

    "F*CK!" Napakusot naman ako nang mata ng may narinig na boses."B-boss?" Agad akong napatayo ngunit biglang sumakit ang pang-ibaba ko dahilan ng pagkalaglag ko sa kama. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko!" Napalunok naman ako sa sinabi niya. "H-hindi ko po a-alam." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumayo at nagmamadaling magbihis. Tinignan ko naman ang sarili ko at agad nagtakip ng katawan. May nangyari sa amin? Isa pa, masakit yung ilalim ko.Agad naman kaming napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas, "A-Andrei?".Patay! Girlfriend ni Boss!"S-sam? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba mamayang hapon pa tayo magkikita?" Kinakabahang tanong sa kanya ni Boss. Nakita ko namang tinignan ako ng Girlfriend ni Boss bago niya binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya."Tama nga ang hinala ko! Kaya ayaw ko sa babaing 'yan e, pero pinipilit mong sabihin sa akin na wala kayong may ginagawang mali!" Lumapit naman sa kanya si Boss, pero isang sampal ang natanggap niya."Pi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status