LOGINVIVIAN
Nilingon ko naman ang likuran ko at tinignan baka sakaling may kasabay ako, at siya pala ang kinakausap. "Ako ba?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ang sarili ko. "Ikaw nga," nakangiting sabi niya sa akin. "Ikaw 'yong bago hindi ba? Ako pala si Jomer!" Pakilala niya sa akin. "Vivian," tinanggap ko naman ang kamay niya. "Sabay na tayong pumasok?" Tumango naman ako sa sinabi niya at sabay na kaming lumakad. "Matagal ka na ba rito?" Tanong ko sa kanya. "2 year na, matagal na ba 'yon? Parang hindi di ba?" Natatawang sagot niya sa akin. "Hoy, Bakla!" Sabay naman kaming napalingon ng may isang babae ang sumigaw sa hallway. "Parang may microphone 'yang bibig mo!" Sagot sa kanya ni Jomer. "Shempre naman, bakla! Baka may mabiktima ka naman kasi!" Tinignan naman ako ng babae at ngumiti. "I'm Trixie!" Nakita ko naman ang kamay niyang nasa harapan ko kaya tinanggap ko na lang. "Vivian," simpling sagot ko sa kanya. "H'wag kang magpapaloko sa taong 'to, katulad natin 'yan!" Tinignan ko naman si Jomer dahil sa sinabi niya. "Bakla talaga siya?" Tanong ko sa kanila. Narinig ko namang tumawa silang dalawa. "Oo, ganyan talaga 'yan manamit pag nandito siya sa companya, kaya hindi talaga siya mukhang bakla," tumango naman ako sa sinabi ni Trixie. "Pasok na tayo?!" Sabi ni Jomer na sinang-ayunan naman namin ni Trixie. Agad kaming pumunta sa kanya-kanya naming upuan at hindi ko pala alam na silang dalawa pala ang katabi ko. "Vivian, gusto mong sumama mamaya? Dinner sa labas?" Tinignan ko naman si Jomer sa sinabi niya. "Yup! Sama ka sa amin?" Hindi naman ako tumanggi sa kanilang alok. Isa pa, nakakawalang ganang kumain sa bahay ng mag-isa. "Sige ba," ngumiti naman sila sa sinabi ko. Kaya ginawa ko na lang ang gagawin ko, para matapos ng maaga. "Vivian, Tara na! Bukas na 'yan!" Rinig kung sabi ni Jomer. Tinignan ko naman ang orasan ko, 5:30 na pala. Nasanay kasi akong magtrabaho hanggang hating-gabi. "Sandali lang," sabi ko sa kanilang dalawa at pinatay na ang computer ko. "Saan tayo kakain?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman nila sinabi at kinaladkad lang ako. "Sumama ka na lang sa amin, masarap ang mga pagkain dito!" Hindi naman ako pumalag sa pinag-gagawa nila, at sinundan na lang. Nakarating naman kami sa isang kainan at hindi gaano matao rito. "Manang, 3 order po!" Sabi ni Trixie sa isang babae. "Kayo pala, at may kasama kayong bago ah?" Sabi sa kanila ng babae. "Hello po," bati ko sa kanya. "Maupo na kayo, ako na ang bahala sa order niyo. Ganun pa rin 'di ba?" Tanong niya sa amin. "Opo, manang!" Sagot ng dalawa sa kanya, at kinaladkad na naman nila ako para umupo na. "Balita ko galing ka sa Reign Company?" Tinignan ko naman si Trixie bago tumango. "Bakit ka umalis? Maraming gustong mag-apply do'n 'di ba?" Tanong ulit ni Trixie. "Hindi ko rin alam kung bakit ako umalis e." Nakita ko naman silang dalawa na naguguluhan sa sinabi ko. "Siguro may boyfriend ka ro'n? Tapos naghiwalay kayo kaya umalis ka?" Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Jomer. "Wala akong boyfriend," sagot ko sa kanila. Asawa siguro mayro'n pa. "Ito na 'yong order niyo!" Agad namang ibinigay sa amin ang pagkain. Isang kanin, kaldereta, at barbecue. "Salamat manang!" Sabay naming sabi bago umalis si Manang. "Kumain na tayo, gutom na ako e!" Sabi ni Jomer at kumain na. Hindi naman ako nagsalita pa at kumain na rin, dahil nagugutom na rin ako. Nang matapos na kaming kumain ay kanya-kanya naman kaming nagbayad ng kinain namin. "Nabusog ba kayo?" Tanong ni Manang sa amin. "Oo naman, Manang! Ang sarap kaya ng niluto mo!" Sabi sa kanya ni Jomer. "Ikaw Iha?" Ngumiti naman ako sa kanya. "Masarap po ang luto niyo, babalik po ulit ako!" Ngumiti naman siya sa sinabi ko. "Oyy! Isama mo naman kami pag bumalik ka rito!" Tumawa naman ako dahil sa sinabi ni Trixie. "Aalis na po kami!" Paalam ni Jomer at kinaladkad niya na kami ni Trixie sa labas. "Parang bukas pa kayo uuwi e, maaga pa kaya pasok natin bukas!" Natawa naman kami ni Trixie dahil sa sinabi niya. "Sabihin mo kasing may ka-meet ka namang lalaki!" Pagbibiro sa kanya ni Trixie. "Shempre naman!" Natatawang sagot sa kanya ni Jomer na ikinatawa namin ni Trixie. Hindi naman nagtagal at umuwi na kaming tatlo. Ako sumakay lang sa taxi at nagpahatid sa bahay. Habang nasa byahe ako, bigla na lang ako kinabahan. "Anong nangyayari?" Bulong ko sa sarili ko, habang naka hawak ako sa dibdib ko. "Miss, nandito na po tayo!" Napatingin naman ako sa labas at nakita ko ang bahay namin. Nandito na nga ako. Binigyan ko agad ng pera si Manong at bumaba na. Tinignan ko naman ang paligid ko bago pumasok ng bahay. Bakit ba kasi ako kinakabahan? "Wala pa siya?" Bulong ko. Hindi na ako nag-abalang magpailaw at lumakad na papuntang kwarto para makabihis na. Habang naliligo ako, hindi pa rin mawala ang kaba ko, kaya lumabas na ako sa shower room at nagbihis na. Habang nagbibihis ako nakita kong umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Kinuha ko 'yon at tinignan kong sino ang nag-text. Si Trixie lang pala. Nagtatanong kung naka-uwi na ako. Nag-reply naman ako sa kanya bago ko ulit linagay ang cellphone sa kama. Matapos kong mag-ayos ay bumaba mona ako para kumuha ng tubig. Habang kumukuha ako ng tubig, narinig ko ang sasakyan ni Andrei na umurong sa labas. Hinintay ko lang siyang pumasok sa loob, bago ako umakyat sa taas. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi ako mapakali. Nakita ko naman ang pagbukas ng pintuan, ngunit hindi si Andrie ang pumasok. Isang babaing nakatayo sa may pinto na parang may hinihintay, at hindi nagtagal ay pumasok din si Andrie, at agad niyang hinawakan ang beywang ng babae. Ano to? Bakit ang hirap huminga? "Sino siya?" Natauhan naman ako dahil sa sinabi ng babae. "Katulong, Tara na sa taas!" Nakaramdam naman ako ng paninikip ng dibdib dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman namalayan na may luhang lumalabas sa mga mata ko habang sinusundan sila ng tingin habang paakyat sila sa taas.VIVIANNilingon ko naman ang likuran ko at tinignan baka sakaling may kasabay ako, at siya pala ang kinakausap."Ako ba?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ang sarili ko."Ikaw nga," nakangiting sabi niya sa akin."Ikaw 'yong bago hindi ba? Ako pala si Jomer!" Pakilala niya sa akin."Vivian," tinanggap ko naman ang kamay niya."Sabay na tayong pumasok?" Tumango naman ako sa sinabi niya at sabay na kaming lumakad."Matagal ka na ba rito?" Tanong ko sa kanya."2 year na, matagal na ba 'yon? Parang hindi di ba?" Natatawang sagot niya sa akin."Hoy, Bakla!" Sabay naman kaming napalingon ng may isang babae ang sumigaw sa hallway."Parang may microphone 'yang bibig mo!" Sagot sa kanya ni Jomer."Shempre naman, bakla! Baka may mabiktima ka naman kasi!" Tinignan naman ako ng babae at ngumiti."I'm Trixie!" Nakita ko naman ang kamay niyang nasa harapan ko kaya tinanggap ko na lang. "Vivian," simpling sagot ko sa kanya."H'wag kang magpapaloko sa taong 'to, katulad natin 'yan!" Tinignan ko na
VIVIAN Lumipas ang isang linggo, at ngayong araw ang kasal namin. Hindi kami sa simbahan ikinasal, sa abogado lang at may penermahan lang kami ni Andrie, at BOOM tapos na. "Pasensya na kong ito ang nangyari sa kasal niyo," tinignan ko naman si Tita at ngumiti."Okay lang po." Hindi kasi pumayag si Andrei na magpakasal kami sa simbahan, at wala namang nagawa ang mga magulang niya at pumayag na lang, kaysa hindi matuloy ang kasalan.**Nandito ako ngayon sa mansion ni Andrei, may pag-uusapan daw tungkol sa kasal."Anong gusto niyong venue sa kasal?" Hindi naman ako nagsalita sa tanong ni Tita. Nakakahiya naman dahil wala naman akong gagastuhin kahit peso."Itong gown mo, Vivian? Okay na ba 'to?" May pinakitang magazine naman sa akin si Tita, subrang ganda at alam mong mamahalin."Kayo na po ang bahala," nakangiting sabi ko sa kanya."Walang gaganaping kasal." Napatingin naman kaming lahat sa bagong dating."Anong ibig mong sabihin, Andrei?" Tanong sa kanya ni Tita."Hindi ako magpapa
"Magpapakasal ka? Nagpapatawa ka ba?" Hinawakan niya naman ako sa dalawang balikat ko at niyugyog."Nahihilo na ako!" Tumigil naman siya at umupo ulit."Seryoso, ano nga?" "Magpapakasal na nga ako," pag-uulit kong sabi sa kanya, pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya."Sino naman ang papakasalan mo? Wala ka pa ngang boyfriend e," Sabi niya sa akin habang nakataas pa rin ang isa niyang kilay."Kagabi kasi, ano... nawala 'yong ini-ingatan ko," nakita ko naman kung papaano namilog ang mga mata niya."Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?" Seryosong tanong niya na ikinatango ko lang."Patay kang bata ka! Sinong matinong lalaki ang pumatol sa'yo?" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya."Haha, joke lang!" Natatawang sabi niya sa akin habang hinahaplos ang ulo niyang binatukan ko."Seryoso? Magpapakasal ka talaga?" Tumango naman ako sa sinabi niya."Oo nga, ayaw mo pang maniwala e!" "Sinong papakasalan mo?" Tinignan ko naman siya bago ngumiti ng pilit."Si Boss.""Si Boss?" Panini
VIVIAN "Wala ka nang magagawa, Andrei. Sa ano mang araw na ito, malalaman at malalaman din ng lahat ang nangyari. Kaya sa susunod na linggo, magpapakasal na kayo!" Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi ni Tito."Papaano ang Girlfriend ko?" Tanong ni Boss sa kanila."Ipapakasal na siya sa pinsan mo." Deretsang sagot sa kanya ni Tito."F*ck, Dad!" Nagulat ako dahil sa sinabi niya."Ano bang ginawa ko para paghirapan niyo nang ganito? Bakit sa pinsan ko? Pwede naman sa akin!" Nakita ko naman kong papaano sabunutan ni Boss ang sarili niya."Si Sam mismo ang nagsabi na gusto niyang pakasalan ang pinsan mo, at tinanggap naman ng pinsan mo." Tumigil naman si Boss sa paggulo ng buhok niya, at tinignan ako."Kasalanan mo 'to!" Umalis kaagad siya matapos niyang sabihin 'yon sa akin. Pupuntahan niya siguro ang Girlfriend niya."H'wag mo na lang pansinin ang anak namin, matatanggap niya rin sa oras na magsama na kayo sa iisang bahay," paliwanag sa akin ni Tita.Parang kumuha lang ako ng bato pa
"Po?" Naguguluhang tanong ko pero tumawa lang siya ng mahina."Ikaw ba ang nakasama ng anak ko kagabi?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Sino po bang anak niyo?" Tanong ko sa kanya."Si Andrie," namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya."Si Mr. Reign po?" Tumango lang siya sa sinabi ko."So, ikaw nga ang babaing 'yon?" Hindi ko naman siya tinignan at umiwas. Pag inamin kong ako 'yong babae baka sabunutan ako. Naghiwalay ba naman 'yong anak niya at girlfriend nito nang dahil lang sa akin."Alam kong ikaw 'yon." Hindi naman ako sumagot sa sinabi niya. Alam niya naman pala, tinanong pa ako?"Hindi ko namang ginusto 'yon, hindi ko talaga alam kung ano po ang nangyari!" Pagtatangol ko sa sarili ko."Alam ko, pumasok muna tayo sa sasakyan. Maraming mga matang nakamasid rito!" Tinignan ko naman ang paligid namin, bago ako pumayag sa sinabi niya. Hindi ko namang gusto ibalita sa TV no? Isa ba namang kilalang tao ang katabi ko."Okay lang ba sa'yo na sasama ka sa akin p
"F*CK!" Napakusot naman ako nang mata ng may narinig na boses."B-boss?" Agad akong napatayo ngunit biglang sumakit ang pang-ibaba ko dahilan ng pagkalaglag ko sa kama. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko!" Napalunok naman ako sa sinabi niya. "H-hindi ko po a-alam." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumayo at nagmamadaling magbihis. Tinignan ko naman ang sarili ko at agad nagtakip ng katawan. May nangyari sa amin? Isa pa, masakit yung ilalim ko.Agad naman kaming napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas, "A-Andrei?".Patay! Girlfriend ni Boss!"S-sam? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba mamayang hapon pa tayo magkikita?" Kinakabahang tanong sa kanya ni Boss. Nakita ko namang tinignan ako ng Girlfriend ni Boss bago niya binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya."Tama nga ang hinala ko! Kaya ayaw ko sa babaing 'yan e, pero pinipilit mong sabihin sa akin na wala kayong may ginagawang mali!" Lumapit naman sa kanya si Boss, pero isang sampal ang natanggap niya."Pi







