MasukQuinn Scarlett Laurent's POVSumang-ayon na lang ako sa sinabi ng principal kahit ramdam ko na agad ang kaba.“Sige po, Sir,” sagot ko.Paglabas namin ng office, humarap ako kina Diane.“Mauna na kayo sa station natin. Susunod na lang ako,” sabi ko.“Sure ka?” tanong ni Miza.Tumango ako. “Oo, mabilis lang ’to.”Hindi na sila nagtanong pa at dumiretso na, habang ako ay bumalik sa loob ng principal’s office.Ilang sandali pa, may kumatok.“Come in,” sabi ng principal.Pumasok ang pitong student teachers mula sa Sinclaire University kasama ang kanilang coordinator. Maayos ang kanilang suot, bitbit ang kani-kanilang folders, at halatang handa sa deployment.Bigla akong kinabahan.“Miss Laurent, dito ka sa tabi ko,” tawag ng principal.Agad akong lumapit.Inabot niya sa akin ang isang notepad at ballpen.“I-note mo lahat ng mapag-uusapan natin. Ipaabot mo kay Sir Sebastian,” sabi niya.“Opo, Sir,” sagot ko, kahit parang hindi pa rin ako handa sa role na ibinigay sa akin.Nagsimula ang mee
Quinn Scarlett Laurent's POVTime flies so fast na hindi ko namalayang lunes na agad ngayon.Bumaba ako ng e-jeep sa tapat ng gate ng school, bitbit ang bag ko habang pilit na pinapawi ang antok sa aking mga mata.“Hoy, babaita, alam mo ba? Nabago raw schedule ng deployment ng taga-Sinclaire—and guess what, kung kailan?” bungad agad ni Diane sa akin.Napahinto ang hikab ko. Tsk.“Ano ba, hindi pa ako nakakapasok ng gate, may chismis ka na agad. Nasaan sila Miza at Shane?” sagot ko habang inaayos ang buhok ko.“Wala pa. Napaaga nga ako eh. So ayon na nga, hulaan mo kung kailan,” sabi niya, halatang excited.“Kelan daw ba?”“Ngayon.”“As in ngayon?” nanlalaki ang mata kong tanong.“Shhh…” saway niya agad.Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya.At doon ko sila nakita.Mga estudyanteng tulad namin—naka-uniform na pangguro, pero kulay berde ang suot. Halatang sila ang mga taga-Sinclaire.“At ang sabi pa raw, possible na may mag-double ng practice teacher kasi kailangan kung anong
Quinn Scarlett Laurent's POV“Sir, dito na lang po,” sabi ko habang itinuturo ang kanto malapit sa bahay namin.Dahan-dahan niyang itinabi ang sasakyan.“Malapit na po dito ’yung amin,” dagdag ko.Tumango siya. “Okay.”Agad akong bumaba ng sasakyan at sinilip ang likod kung saan mahimbing pa ring natutulog si Sky.“Sir, mauuna ko lang po siyang dalhin sa loob,” sabi ko habang bubuksan ko sana ang backseat.“Sure,” sagot niya.Dahan-dahan kong binuhat si Sky, siniguradong hindi siya magigising. Medyo mabigat na siya pero kinaya ko pa rin. Kinuha ko rin ang bag niya bago ako naglakad papasok ng eskinita.Pagdating sa bahay, agad kong dinala si Sky sa kwarto niya at marahang inihiga sa kama. Inayos ko pa ang kumot niya bago ako tumingin sandali sa kanya.“Grabe, tulog mantika…”Hindi na ako nagtagal. Lalabas na sana ako para balikan si Sir—Pero pagharap ko sa pintuan—Napahinto ako.Nakatayo na siya doon.At sa pagkakataong ’yon… hawak niya na ang bag ni Sky.“S-sir?!” gulat kong sabi.
Quinn Scarlett Laurent's POVActually, wala pa naman akong balak daanan si Sky, ang bunso kong kapatid.Pero dahil sinabi ko na kay Sir… wala na akong choice kundi panindigan.“Sir, sandali lang po ha,” sabi ko bago ako bumaba ng sasakyan.“Sige,” maiksi niyang sagot.“Ay—Sir, si Kisses—”“I’ll take care of her,” putol niya agad, saka bahagyang tumango na parang sinasabing okay lang, go ahead.Saglit akong nag-alinlangan, pero nang makita kong kalmado lang si Kisses sa loob, tumango na lang din ako.“Okay po…”Dali-dali akong bumaba at naglakad papunta sa karinderya.Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng pamilyar na mukha.“O, Scarlett! Nandito ka pala,” bati ng Tita ko na may hawak pang sandok.“Hello po, Tita,” bati ko, bahagyang ngumiti.“Dadaanan mo na si Sky?” tanong niya habang nilalagay ang ulam sa lalagyan.Saglit akong natigilan, pero tumango rin agad.“Opo, Tita.”“Gusto mo bang ipahatid na lang kayo sa pinsan mo? Nandito lang siya sa likod,” alok niya.Umiling ako. “Ay, huw
Quinn Scarlett Laurent's POV“S-sir…” nauutal kong sabi, hindi ko alam kung ano ba talaga ang sasabihin ko.“Hi, Miss Laurent,” nakangising bati nito sa akin.Nang-aakit ba ’tong teacher na ’to? nasabi ko na lang sa aking isipan.Grabe naman kasi ang ngiti niya—makahulog ng panty. Ano kayang nakain nito at parang nawala ang cold aura niya? Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako o… maiilang.“Sir, bili na hipon, sariwa ’yan—mas sariwa pa sa nagtitinda,” pag-aalok ni Mama.“Ma, ano ka ba!” pagsuway ko agad, ramdam ko ang init ng mukha ko sa hiya.Narinig ko siyang bahagyang natawa. “Magkano po ang kilo dito?”“Ayan, 280 na lang kalahati,” agad na sagot ni Mama habang ako naman ay tulala pa rin, nakatingin lang sa kanya na parang ewan.Anong titig ’yan, Sir? Nakakalusaw! reklamo ko sa sarili ko.“Scarlett, may nabili! Ano’t tulala ka diyan? Pabili raw si Sir ng limang kilo!” sigaw ni Mama.Parang bigla akong hinila pabalik sa reyalidad.“A-ah, sige, Ma,” nasabi ko na lang at agad na n
Quinn Scarlett Laurent's POV“Ma, sino po ba ’yon kanina?” tanong ko habang inaayos ang pinagkainan namin.Hindi agad sumagot si Mama. Busy siya sa pagtupi ng mga plastic at pag-aayos ng mga paninda, pero maya-maya ay napatingin din siya sa akin.“Siya ang Ninang Maricar mo,” sagot niya. “Matagal ’yon nagtrabaho abroad. Ngayon lang ulit nakauwi.”“Ah… kaya pala,” mahina kong tugon. Hindi ko talaga siya maalala, pero base sa kilos at pananalita niya kanina, mukhang malapit talaga siya kay Mama.“Malaki ang utang na loob ko sa kumare na ’yon,” dagdag pa ni Mama, medyo lumambot ang boses. “Noong panahong hirap na hirap tayo, isa siya sa tumulong sa atin.”Hindi na ako nakaimik. Bigla akong napaisip sa envelope na hawak ko kanina. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng bigat sa responsibilidad na ibinigay niya.Mabilis na lumipas ang oras—lunch na kaagad. Napaupo ako sa upuang nandito sa pwesto ni Mama. Mukhang naramdaman naman agad ako ni Kisses, ang aking aso, dahil ito ay tumayo at masayan
Quinn Scarlett Laurent’s POVPagkalabas namin ng Acad Office ay agad kaming apat na nagkatinginan.“Ano na?” tanong ni Shane habang hawak pa rin ang folder na kanina ay bitbit niya sa loob.“Ano pa, lunch break na,” sagot ni Diane, halatang pagod na rin. “Aakyat na ba tayo?”“Oo, tara na sa station
Quinn Scarlett Laurent’s POVMabilis lang ding lumipas ang huling klase namin bago mag-lunch break. Halos puro summative lang din ang ginawa ng section, kaya matapos makolekta ni Sir Sebastian ang lahat ng test papers ay agad na rin kaming lumabas ng silid.Tahimik lang akong sumunod sa kanya haban
Quinn Scarlett Laurent’s POVHindi pa man tuluyang nawawala ang hiya ko sa nangyari kanina ay natapos na rin ang break time. Tahimik akong naupo sa may front desk ng library, pilit inaayos ang mukha ko na para bang wala lang ang lahat.Ngunit sa tuwing naaalala ko ang bahagyang pagngisi ni Sir Seba
Quinn Scarlett Laurent’s POVTahimik lang akong nakaupo sa may front desk ng library habang kunwaring abala sa pag-aayos ng ilang borrower’s slips, kahit sa totoo lang ay ang iniisip ko pa rin ay ang nakakahiya kong eksena kanina sa electric fan.Jusko.Kung puwede lang talagang burahin ang ilang m







