Quinn Scarlett Laurent's POVIlang sandali pa ay nakarating na kami sa apartment ni Miza at dahil tabing-kalsada lang naman ito, pagkababa pa lang ng e-jeep ay rinig na rinig na namin ang malakas na boses ni Shane.“Mukhang nasa loob na si Shane,” banggit ko kay Diane.“Obvious ba? Ang lakas ng speaker ng bunganga eh,” natatawang sagot ni Diane sa akin.Napatawa na lang din ako at nagtuloy-tuloy na sa aming paglalakad.“Papunta kayo kay Miza? Pakisabihan naman yung isang bisita na medyo hinaan ang boses,” sabi ng isang lalaki na nakasalubong namin.“Sige, Kuya, pasensya na,” sagot ko sa kanya.Ngumiti naman ito at umalis na, tila babalik na sa kanyang silid.Nagtuloy-tuloy na kami patungo sa silid ni Miza. Actually, this apartment is shared with 5 people.“Pakihinaan daw ang boses, bes, nagrereklamo yung kasama n’yo dito,” sabi ni Diane nang makapasok na kami sa silid.“Hindi naman malakas boses ko, te,” pabalyang sagot ni Shane.“Ewan ko sa’yo, pero in fairness, ang ganda ng view dit
Last Updated : 2026-04-01 Read more