LOGINQuinn Scarlett Laurent's POVThe lunch break was over. Ilang oras na lang at uwian na.But… wala pa rin akong balita kay Sir.Nakahalumbaba lang ako ngayon sa countertop ng library, hinihintay ang oras dahil may klase pa mamaya. Luckily, magbabantay lang naman kami, at nandiyan si Clyde. Kahit papaano, hindi ko ramdam ang pagod today dahil may katulong ako sa pagsaway.“Scarlett, tara na sa class,” sabi ni Clyde.Napatingin ako sa kanya. Sinenyasan niya ako papunta sa wall clock—at doon ko lang napansin na one minute na lang pala.“Let’s go,” sabi ko habang dali-daling kinukuha ang mga gamit ko. “Lalakarin pa natin ’yon.”“Sa kabilang building ba ’yon?” tanong niya.Tumango ako. “Oo, ’yung pinuntahan natin kanina.”“Should we bring an umbrella?” tanong niya, napansin siguro na wala akong dala.“Magdala ka. Tinatamad ako,” diretso kong sagot.Madalas akong makisukob sa mga kaibigan ko. Yes, tamad talaga ako magpayong. Mas pipiliin ko pang mainitan o maambonan kaysa magdala ng payong. A
Sebastian Chase Salvatore's POVI couldn’t help but smile when I remembered what I heard earlier.“So… mamimiss mo pala ako, Miss Laurent?”Napailing ako habang nakatingin sa cellphone ko.I shouldn’t be thinking about that.Pero paulit-ulit pa rin siyang pumapasok sa isip ko.The truth is, wala naman talaga akong pakialam kung malaman man ng principal na absent ako o hindi. He knew I had seminars yesterday.Yes—seminars. With an S.Tatlo iyon.9 AM. 1 PM. 4 PM. Iba-ibang lugar pa.Hindi pa nga tuluyang gumagaling ang katawan ko mula noong nagkasakit ako last Friday. Lumabas pa ako noong Saturday dahil dumating sila Mom, then Sunday—seminars ulit.Wala akong pahinga.Kaya ngayon, kahit simpleng pagkuha ng tubig… parang ang hirap.Pakiramdam ko ang bigat ng buong katawan ko. Wala pa akong kain.I forced myself to sit up, pilit na kinakalaban ang hilo.Kailangan kong kumain. Kailangan kong uminom ng gamot.Kailangan kong gumaling agad.…baka kasi—Napahinto ako.“…mamiss ako ni Scarlett
Quinn Scarlett Laurent's POV“Sorry, I didn’t know na inaanak ka pala ni Mommy,” nakangiting sabi ni Clyde sa akin.“It’s fine,” maiksi kong sagot, dahil tila naubos ang sasabihin ko matapos ang mahabang usapan namin kanina nang makita ako ni Ninang.“Pwede ka nang mag-recess. Balik ka na lang dito after, or kahit pumunta ka muna sa station n’yo. Wala naman si Sir,” sabi ko pa kay Clyde nang mapansin ko sa orasan na 8:20 AM na pala.“Ikaw ba?” tanong niya.“Inaantay ko lang message ng friends ko,” sagot ko, kahit hindi naman totoo dahil hindi ko nga nasabi sa kanila na sasabay akong mag-recess.“Okay, gotta go!” sabi niya at isinukbit ang bag niya.Tumahimik ang paligid nang makaalis siya. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa cellphone ko.Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Sir ang tungkol kay Clyde… o hahayaan ko muna siyang magpahinga at siya na lang ang makaalam mamaya.“Scar to earth! Scar to earth!”Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Shane.“Gr
Quinn Scarlett Laurent's POVSumang-ayon na lang ako sa sinabi ng principal kahit ramdam ko na agad ang kaba.“Sige po, Sir,” sagot ko.Paglabas namin ng office, humarap ako kina Diane.“Mauna na kayo sa station natin. Susunod na lang ako,” sabi ko.“Sure ka?” tanong ni Miza.Tumango ako. “Oo, mabilis lang ’to.”Hindi na sila nagtanong pa at dumiretso na, habang ako ay bumalik sa loob ng principal’s office.Ilang sandali pa, may kumatok.“Come in,” sabi ng principal.Pumasok ang pitong student teachers mula sa Sinclaire University kasama ang kanilang coordinator. Maayos ang kanilang suot, bitbit ang kani-kanilang folders, at halatang handa sa deployment.Bigla akong kinabahan.“Miss Laurent, dito ka sa tabi ko,” tawag ng principal.Agad akong lumapit.Inabot niya sa akin ang isang notepad at ballpen.“I-note mo lahat ng mapag-uusapan natin. Ipaabot mo kay Sir Sebastian,” sabi niya.“Opo, Sir,” sagot ko, kahit parang hindi pa rin ako handa sa role na ibinigay sa akin.Nagsimula ang mee
Quinn Scarlett Laurent's POVTime flies so fast na hindi ko namalayang lunes na agad ngayon.Bumaba ako ng e-jeep sa tapat ng gate ng school, bitbit ang bag ko habang pilit na pinapawi ang antok sa aking mga mata.“Hoy, babaita, alam mo ba? Nabago raw schedule ng deployment ng taga-Sinclaire—and guess what, kung kailan?” bungad agad ni Diane sa akin.Napahinto ang hikab ko. Tsk.“Ano ba, hindi pa ako nakakapasok ng gate, may chismis ka na agad. Nasaan sila Miza at Shane?” sagot ko habang inaayos ang buhok ko.“Wala pa. Napaaga nga ako eh. So ayon na nga, hulaan mo kung kailan,” sabi niya, halatang excited.“Kelan daw ba?”“Ngayon.”“As in ngayon?” nanlalaki ang mata kong tanong.“Shhh…” saway niya agad.Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya.At doon ko sila nakita.Mga estudyanteng tulad namin—naka-uniform na pangguro, pero kulay berde ang suot. Halatang sila ang mga taga-Sinclaire.“At ang sabi pa raw, possible na may mag-double ng practice teacher kasi kailangan kung anong
Quinn Scarlett Laurent's POV“Sir, dito na lang po,” sabi ko habang itinuturo ang kanto malapit sa bahay namin.Dahan-dahan niyang itinabi ang sasakyan.“Malapit na po dito ’yung amin,” dagdag ko.Tumango siya. “Okay.”Agad akong bumaba ng sasakyan at sinilip ang likod kung saan mahimbing pa ring natutulog si Sky.“Sir, mauuna ko lang po siyang dalhin sa loob,” sabi ko habang bubuksan ko sana ang backseat.“Sure,” sagot niya.Dahan-dahan kong binuhat si Sky, siniguradong hindi siya magigising. Medyo mabigat na siya pero kinaya ko pa rin. Kinuha ko rin ang bag niya bago ako naglakad papasok ng eskinita.Pagdating sa bahay, agad kong dinala si Sky sa kwarto niya at marahang inihiga sa kama. Inayos ko pa ang kumot niya bago ako tumingin sandali sa kanya.“Grabe, tulog mantika…”Hindi na ako nagtagal. Lalabas na sana ako para balikan si Sir—Pero pagharap ko sa pintuan—Napahinto ako.Nakatayo na siya doon.At sa pagkakataong ’yon… hawak niya na ang bag ni Sky.“S-sir?!” gulat kong sabi.
Quinn Scarlett Laurent’s POVKinabukasan ay maaga akong nagising, kahit puyat pa rin ang katawan ko dahil sa dami ng nangyari kahapon. Ngunit mas lamang ang kaba ko para sa second day ng practicum kaya kahit gusto ko pang humiga nang kaunti ay pinilit ko na ring bumangon.Tahimik lang ang bahay nan
Quinn Scarlett Laurent’s POVMabilis lumipas ang oras habang pinapanood ko si Sir Sebastian sa kanyang pagtuturo. Hindi ko namalayan na malapit nang matapos ang klase dahil abala akong sinusundan ang bawat galaw niya sa harapan. Maayos siyang magpaliwanag, hindi nagmamadali ngunit hindi rin mabagal
Quinn Scarlett Laurent’s POVTumango siya nang marahan. “Good.”Akala ko ay doon muna matatapos ang pag-uusap namin, ngunit agad siyang tumingin sa wall clock na nakasabit sa gilid ng kanyang opisina.“Two-fifty,” sabi niya bago tumayo. “We have class.”Napakurap ako at mabilis na inayos ang hawak
Quinn Scarlett Laurent’s POVMuli na namang bumigat ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.Pinaglaruan ko ang dulo ng aking ID habang iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap, ang magpanggap na kalmado o ang pigilan ang kaba na unti-unting umaakyat sa dibdib ko.“Miss
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






