LOGINQuinn Scarlett Laurent's POV
Pagkapasok pa lang namin sa loob ay halos mapahinto ako sa aking paglalakad. Ibang-iba ito sa mga ordinaryong bar na nakikita ko lang sa social media. Madilim ang paligid ngunit hindi nakakailang, dahil sapat lang ang ilaw mula sa naglalakihang chandelier at sa mga warm lights na nakapalibot sa bawat sulok ng lugar. Nagre-reflect ang mga ilaw sa makintab na sahig at sa mga bote ng alak na maayos na nakahilera sa likod ng bar counter.
Mahina ngunit ramdam na ramdam ang tugtog ng musika—hindi iyong tipong sasabog ang tenga mo, kundi iyong klase ng tunog na parang kusang umaayon sa bawat galaw ng mga tao sa loob. Sa gitna ay may maluwag na espasyo para sa mga gustong sumayaw, habang sa gilid naman ay naroon ang mamahaling-looking na mga sofa at mesa kung saan nakaupo ang mga taong halatang sanay na sa ganitong klaseng lugar. Ang iba ay nakasuot ng fitted dresses, ang iba nama’y naka-polo at mamahaling relo, kaya lalo kong naramdaman kung gaano ka-high class ang ambiance ng bar na ito.
Maging ang hangin sa loob ay tila mabango—halo ng mamahaling pabango, alak, at malamig na air freshener na lalong nagpaangat sa elegante nitong dating. Saglit akong napatingin sa kisame, sa mga dingding na may modernong disenyo, at sa bar counter na yari yata sa marmol sa sobrang kinis at linis nitong tingnan. Para akong biglang napaalala na first time ko nga pala sa ganitong lugar, at sa totoo lang ay pakiramdam ko'y para akong napadpad sa mundong hindi ko kinasanayan.
“Hoy, Scar, huwag kang patulala diyan, baka akalain nilang ngayon ka lang nakakita ng bar,” pabulong ngunit natatawang sabi ni Diane sa akin.
Napakurap ako at agad siyang inirapan. “Eh sa ngayon lang naman talaga,” mahina kong sagot na siyang nagpatawa sa kanilang tatlo.
Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi sa ganda ng lugar ay agad na kami niyaya ni Shane sa isang bakanteng mesa sa bandang gilid, malapit sa bar counter. Mula roon ay kitang-kita ko ang bartender na abalang naghahalo ng iba’t ibang inumin, habang ang mga baso ay kumikislap sa ilalim ng ilaw.
“Dito tayo, mas okay. Kita natin lahat pero hindi tayo masyadong lantad,” sabi ni Miza habang nauuna nang umupo.
Agad naman kaming sumunod at naupo sa kulay itim na sofa na sobrang lambot, halos gusto ko nang hindi tumayo. Inilapag ko ang aking bag sa tabi ko at pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Kahit nakaupo na ako ay hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano ka-elegante ang bar na ito.
“Grabe, parang ang mahal rito,” bulong ko kay Diane.
Napatawa siya. “Huwag kang kabahan, Scar. Minsan lang ’to.”
Maya-maya ay lumapit sa amin ang isang waiter na naka-itim na long sleeves at may suot pang vest, mukhang mas maayos pa manamit kaysa sa ilang lalaking nakita ko sa labas.
“Good evening, what would you like to order?” magalang nitong tanong habang hawak ang maliit na notepad.
Biglang nagtitinginan kaming apat, at si Shane ang unang nagsalita.
“Hard drinks agad. Wala nang intro-intro,” sabi nito na para bang sanay na sanay na sa ganitong lugar.
Napatingin ako sa kanya. “Excuse me? Parang expert ka ah.”
“Malay mo,” sabi nito sabay-kindat na ikinatawa naming lahat.
Kinuha ni Miza ang drink menu at mabilis iyong sinilip. “May tequila, vodka, whiskey, rum…”
“Tequila!” agad na sabat ni Diane na tila biglang nabuhayan.
“Of course, tequila ang pipiliin mo,” natatawang sabi ko.
“Bakit? Pang-main character kaya ’yon,” depensa niya sa sarili.
“Ako gusto ko ng vodka,” sabi ni Shane. “Yung malakas-lakas na. Para sulit.”
“Hindi ka pa nga umiinom, maingay ka na,” sabi ko rito.
Bahagya namang natawa si Miza bago tumingin sa waiter. “Isang tequila tower na lang ba? Or mag-iba-iba tayo?”
“Tequila na lang para same-same tayo,” sabi ni Diane. “Para walang atrasan.”
Napakunot ang noo ko. “Teka lang, bakit parang may mission?”
“Meron naman talaga,” ani Shane. “Para sa practicum bukas. Isang tagay para sa mga future licensed professionals.”
“Licensed agad?” natatawa kong sabi.
“Manifesting,” sagot ni Miza nang walang pag-aalinlangan.
Tiningnan ako ng waiter. “And for you, ma’am?”
Bahagya akong napatigil. Sa totoo lang ay hindi naman ako sanay sa hard drinks, at lalo na sa ganitong klaseng lugar. Pero dahil naroon na rin lang ako at kasama ko ang mga kaibigan ko, ayokong magmukhang aatras.
“Same na lang sa kanila,” sagot ko, pilit na kalmado ang boses.
“Four tequila shots first, then one bottle for the table?” tanong ng waiter upang kumpirmahin.
“Yes,” sagot ni Miza.
“And p’wede ring may chaser,” dagdag ko agad, na siyang ikinatawa nilang tatlo.
“Scarlett Laurent, ang babaeng hindi sanay uminom pero gustong magpaka-wild,” ani Diane.
“Natural. Ayoko namang mamatay rito sa first time ko,” sagot ko na naging dahilan para mas lalo silang matawa.
Scarlett’s POVBiyernes ng gabi. Dapat masaya ako, dapat excited sa weekend, pero sa halip, parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Tahimik ang bahay—wala si Mama, gaya ng nakasanayan tuwing Biyernes, nasa bahay ni Tita para mag-overnight. Ako lang mag-isa, pero kahit ganoon, hindi ako mapakali. Parang ang liit-liit ng buong mundo, parang kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang bigat ng lahat ng dapat kong itago.Ilang araw na akong umiiwas kay Sebastian—sa text, sa tawag, pati sa eskuwelahan. Pilit ko siyang nilalayo, pilit kong tinatabunan ng trabaho at pagod lahat ng hinanakit at takot. Pero alam kong hindi na siya magpapapigil. Alam kong darating ang gabi na haharapin ko na rin siya, kahit ayaw ko.Hindi nagtagal, may narinig akong papalapit na kotse sa labas ng gate. Kumabog ang dibdib ko, alam ko agad. Bumaba siya ng sasakyan, mabilis ang lakad, halatang matagal nang nagpigil. Sa porch ako naghintay, naglalaban sa pagitan ng gustong lumapit at gustong humiwalay.“Sc
Clyde’s POVHindi ko masabing chismoso ako, pero kahit anong iwas, napapansin ko kapag may kakaiba sa mga taong araw-araw mong kasama. Simula pa nitong linggo, parang may mabigat kina Sir Sebastian at Scarlett. Dati, kahit pagod si Scarlett, laging game sa kulitan, lalo na kapag kami ang magkasama sa faculty room—parang magkapatid lang. Pero ngayon, parang may distansya na siya sa lahat, lalo na kay Sir.Isang araw, habang nag-aayos ako ng worksheets, pumasok si Sir Sebastian na may dalang test papers. “Clyde, pakikuha nga ng attendance sheet kay Scarlett. Nasa library siya,” utos niya, sabay abot ng folder.“Okay po, Sir.” Wala namang kakaiba—pero napansin ko, parang mas madalas na kaming pinagsasabay ni Sir. Parang gusto niyang may kasama si Scarlett palagi.Pagdating ko sa library, nakita ko si Scarlett na abala sa pag-check ng class record. “Scar, hinahanap ka ni Sir. Sabi, sabay daw tayong bumalik,” sabi ko.Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. “Sige, Clyde. Tapos ko na r
Sebastian's POVKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa school. Tahimik pa ang faculty hallway—kakaunti pa lang ang tao, at ang bawat hakbang ko ay parang lalong bumibigat ang loob ko. Diretso agad ako sa library office, pilit na pinapakalma ang sarili habang nagpapanggap na may hinahanap lang sa faculty shelf. Pero ang totoo, pinagmamasdan ko si Ma’am Andrea, na abala sa pag-aayos ng mga faculty files, papel, at envelopes sa kanyang lamesa.Hindi nagtagal, napansin kong may envelope siyang hawak. Saglit siyang lumabas ng office para kausapin ang isang staff sa labas, naiwan na bahagyang nakabukas ang drawer sa ilalim ng kanyang desk. Doon ko naramdaman ang pagkakataon—kabado, pero determinado. Sulyap dito, sulyap doon. Wala namang ibang tao.Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya at binuksan ang drawer. Sa loob, may ilang envelope na may label na “PST Monitoring,” “Intern Reports,” at isa pa na walang anumang label—maliban sa pangalan naming dalawa ni Scarlett. Kumakabog ang dibdib k
Sebastian’s POVHindi ako mapakali buong gabi. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pabalik-balik lang sa isip ko ang eksena kanina—si Scarlett, umiwas ng tingin, umiwas ng yakap, umiwas ng kahit anong koneksyon. Ilang beses kong tiningnan ang phone, umaasang may mensahe siya, kahit simpleng “OK lang ako.” Pero wala. Blangko.Hindi ako sanay na siya ang lumalayo. Palaging ako ang nagpapakumbaba, ako ang nagpapasensya, ako ang nauunang mag-reach out. Pero ngayon, parang may pader na hindi ko kayang basagin, hindi ko maintindihan.Kinabukasan, maaga akong dumating sa faculty room. Sinalubong ako ng mga co-teacher, pero wala akong ganang makipagkwentuhan. Ang utak ko, lumilipad—naghahanap ng sagot. Pagdating ni Scarlett, hindi siya tumingin sa akin. Tahimik siyang dumaan, nagpaalam na may kailangan daw tapusin sa records. Wala. Wala ni isang sulyap, ni isang ngiti.Tumingin ako kay Clyde, na napansin kong parang mas abala kay Scarlett. Lagi siyang nakasunod, laging may dalang pagkain, la
Sebastian’s POVHapong-hapo na ako buong araw—galing sa sunod-sunod na klase, meetings, at mga papel na kailangang i-check. Pero ang pinakaabangan ko, ang tanging nagpapagaan ng araw ko, ay ang makita si Scarlett kahit ilang saglit lang. Kaya nga nandoon ako ngayon, nakatayo sa labas ng library, hawak-hawak ang phone at paulit-ulit na tinitingnan kung online siya.Nag-message na ako:“Scar, okay ka lang ba? Nasa labas ako ng library, hintayin kita.”Nilibot ko ang paningin ko sa hallway, umaasang lalabas na siya anumang oras. Ilang minuto ang lumipas, pero wala pa rin. Napansin kong kakaiba ang atmosphere—parang mabigat ang hangin, parang may bumabagabag kahit sa mga estudyanteng dumadaan.Maya-maya, nakita ko siyang lumabas ng library—mabagal ang lakad, nakayuko, at parang ibang-iba ang aura niya. Wala ‘yung dating sigla, ‘yung simpleng ngiti na laging nagbibigay-buhay sa araw ko. Inangat niya lang saglit ang tingin, nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko nakita—puno ng takot, lungk
Scarlett’s POVKabado akong naglakad papunta sa library office. Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang hangin ngayon—parang bawat hakbang ko, mas lumalalim ang kaba at takot sa dibdib ko. Sobrang tahimik ng hallway, parang lahat ng tao ay lumalayo, parang may paparating na unos na ako lang ang nakakaalam.Pagbukas ko ng pinto, nandoon na agad si Ma’am Andrea. Hindi siya nakaupo sa usual niyang pwesto sa harap ng computer, kundi sa mismong reading nook, malapit sa bintana. Nakataas ang kilay, tuwid ang upo, at mahigpit ang hawak sa envelope na parang sandata.“Umupo ka, Scarlett.” Wala nang lambing sa boses niya, puro lamig at authority.Naglakad ako papunta sa harap niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Umupo akong maayos—kahit gusto ko nang tumakbo, gusto kong magtago, gusto kong maglaho. Pero hindi puwede. Kailangan kong harapin ‘to.“Ano po ‘yon, Ma’am?” mahina kong tanong, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko.Hindi siya sumagot agad. Imbes, dahan-dahan niyan
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






