LOGINQuinn Scarlett Laurent's POV
Mabilis lumipas ang oras habang nandito kami sa apartment ni Miza.
“Ako na ang maghuhugas,” pagpepresenta ko dahil katatapos lang naming kumain ng hapunan.
“Me na, ikaw na nga nagluto eh,” sabi ni Shane.
Napangiti ako. “Mag-ayos ka na diyan, ako na rito.”
“Haaaayyyy! Ikaw bahala, ’te!” sabi nito at nag-umpisa nang mag-ayos ng kanyang mukha.
Inayos ko na ang mga pinggan na huhugasan at inilagay ito sa isang lalagyan bago ako lumabas ng silid. Yes, walang sariling lababo (kitchen sink) ang kwarto ni Miza dahil room spacer lang naman siya at sa isang apartment ay lima silang naghahati-hati sa comfort room at kitchen.
“Oh, saan ka pupunta?” tanong ni Diane na nakasalubong ko, mukhang kalalabas lang ng CR.
“Huhugasan ko muna ’to,” sagot ko sa kanya at bahagyang itinaas ang planggana na may lamang mga hugasin.
“Tulungan na kita,” sabi nito at akmang kukunin ang aking mga dala na siyang mabilis kong iniwas sa kanya.
“Nakaligo ka na at nakapagbihis, ako na ang bahala dito,” sabi ko sa kanya at agad siyang nilagpasan dahil alam kong ipagpipilitan nitong tulungan ako.
Dahil hindi naman kalakihan ang apartment ay agad akong nakarating sa kitchen. Buti na lang at walang gumagamit nito. Kanina kasi ay nagluluto dito yung ibang umuupa kaya naisipan namin na sa kwarto na lang magluto. Hindi naman puwedeng pati paghuhugas ng pinggan ay sa kwarto pa rin.
“Parang ang daming bago sa apartment na ’to?” hindi ko mapigilang mapalingon sa aking gilid nang marinig ang boses ng isang lalaki.
Doon ay nakita ko ang hindi kaputian na lalaki, ngunit may kaguwapuhan din at masasabi kong may ibubuga ang katawan. Mukhang isa ito sa mga estudyanteng nangungupahan dito.
“Kaibigan ako ni Miza,” sabi ko sa kanya at inalis na ang tingin dito.
“Yung inunahan ako kanina sa CR, kaibigan niya rin? Hindi siya mukhang friendly, ha?” natatawang sabi nito sa akin.
Napangiti ako habang naghuhugas ng mga plato. Yes, hindi naman talaga friendly si Miza. Sadyang makulit lang kaming tatlo at nasanay na lang din kaming apat sa presensya ng isa’t isa.
“Baka magbabanyo ka rin?” tumingin ako sa kanya at kita ko ang bahagyang pagngisi nito. “Puwede kang sumabay sa akin.”
“What the fuck! Tumigil ka nga diyan,” nagulat ako nang marinig ang sigaw ni Diane sa kabilang gilid ko at nakita ko ito roon na kasalukuyang nagsusuklay.
Tumingin siya sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa lalaki.
“Kaya sinabi kong tutulungan na kita, baka kasi makasalubong mo pa itong manyakis na ’to!” ramdam ko ang pagkaasar sa boses nito kaya dali-dali ko nang tinapos ang paghuhugas ko ng mga plato.
“Ito naman, hindi mabiro. Bitter ka pa rin ba dahil sa nangyari noon?”
Napatigil ako sa aking ginagawa dahil sa narinig at agad na tumingin kay Diane, isang tingin na tila nagtatanong kung kilala niya ba yung hambog na kausap niya.
Tinaasan niya ako ng isang kilay, mukhang nakuha nito ang gusto kong itanong. Nagkibit-balikat na lang ako.
“Bakit naman ako mabi-bitter sa katulad mo?” mataray na sabi nito at tiningnan yung lalaki mula ulo hanggang paa. “Bakit, sino ka ba?”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niyang dinampot yung planggana na naglalaman ng mga hinugasan ko at hinawakan ang aking isang kamay bago ako hinila pabalik sa aking kwarto. Wala na akong nagawa at nagpadala na lang sa kanyang paghila.
I could barely see how dumbfounded his face was.
Kakaiba talaga si Diane.
“Oh, what happened?” agad na tanong ni Shane nang makapasok na kami sa loob ng silid.
“Itong si Diane, balak atang makipag-away doon sa isang umuupa,” natatawang sabi ko at agad na kinuha ang planggana sa kamay ni Diane.
“Ako na,” agad na sabi naman ni Miza at kinuha ito sa aking kamay. “Magbihis ka doon, buti na lang magka-size tayo.”
Napakamot naman ako sa aking ulo kahit hindi makati, kasi naman kanina habang nagluluto ako ay nagkadumi ang aking white halter top kaya kailangan ko talagang magbihis ngayon. Wala naman akong ibang dalang damit dahil ito lang ang binaon ko kanina sa work.
“Sure ka, ito isusuot ko? Baka kabagin ako nito?” natatawang sabi ko habang hawak-hawak ang kulay pulang damit—o kung matatawag pa ba itong damit dahil mukha na itong bra.
“Bagay sa’yo ’yan, ’te, isuot mo na, huwag ka nang magreklamo!” sabi naman ni Diane sa akin na mukhang medyo kumalma na dahil nag-uumpisa na siyang magtuyo ng kanyang buhok.
“Kapag talaga ako kinabag dito,” sabi ko sa kanya, “isusuot ko ito basta pahiram din ako ng jacket ha!”
“Oo na, oo na, magbihis ka na at nang makapag-ayos ka na rin!” tulak naman sa akin ni Shane.
“Saan? Dito?” tanong ko.
“Bakit, gusto mo ba sumabay doon sa gagong ’yon?” nakita kong unti-unti na namang namula ang mukha ni Diane dahil sa inis.
Kaya dali-dali akong nagsalita, “Heto na, heto na, magbibihis na nga.”
Scarlett’s POVBiyernes ng gabi. Dapat masaya ako, dapat excited sa weekend, pero sa halip, parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Tahimik ang bahay—wala si Mama, gaya ng nakasanayan tuwing Biyernes, nasa bahay ni Tita para mag-overnight. Ako lang mag-isa, pero kahit ganoon, hindi ako mapakali. Parang ang liit-liit ng buong mundo, parang kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang bigat ng lahat ng dapat kong itago.Ilang araw na akong umiiwas kay Sebastian—sa text, sa tawag, pati sa eskuwelahan. Pilit ko siyang nilalayo, pilit kong tinatabunan ng trabaho at pagod lahat ng hinanakit at takot. Pero alam kong hindi na siya magpapapigil. Alam kong darating ang gabi na haharapin ko na rin siya, kahit ayaw ko.Hindi nagtagal, may narinig akong papalapit na kotse sa labas ng gate. Kumabog ang dibdib ko, alam ko agad. Bumaba siya ng sasakyan, mabilis ang lakad, halatang matagal nang nagpigil. Sa porch ako naghintay, naglalaban sa pagitan ng gustong lumapit at gustong humiwalay.“Sc
Clyde’s POVHindi ko masabing chismoso ako, pero kahit anong iwas, napapansin ko kapag may kakaiba sa mga taong araw-araw mong kasama. Simula pa nitong linggo, parang may mabigat kina Sir Sebastian at Scarlett. Dati, kahit pagod si Scarlett, laging game sa kulitan, lalo na kapag kami ang magkasama sa faculty room—parang magkapatid lang. Pero ngayon, parang may distansya na siya sa lahat, lalo na kay Sir.Isang araw, habang nag-aayos ako ng worksheets, pumasok si Sir Sebastian na may dalang test papers. “Clyde, pakikuha nga ng attendance sheet kay Scarlett. Nasa library siya,” utos niya, sabay abot ng folder.“Okay po, Sir.” Wala namang kakaiba—pero napansin ko, parang mas madalas na kaming pinagsasabay ni Sir. Parang gusto niyang may kasama si Scarlett palagi.Pagdating ko sa library, nakita ko si Scarlett na abala sa pag-check ng class record. “Scar, hinahanap ka ni Sir. Sabi, sabay daw tayong bumalik,” sabi ko.Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. “Sige, Clyde. Tapos ko na r
Sebastian's POVKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa school. Tahimik pa ang faculty hallway—kakaunti pa lang ang tao, at ang bawat hakbang ko ay parang lalong bumibigat ang loob ko. Diretso agad ako sa library office, pilit na pinapakalma ang sarili habang nagpapanggap na may hinahanap lang sa faculty shelf. Pero ang totoo, pinagmamasdan ko si Ma’am Andrea, na abala sa pag-aayos ng mga faculty files, papel, at envelopes sa kanyang lamesa.Hindi nagtagal, napansin kong may envelope siyang hawak. Saglit siyang lumabas ng office para kausapin ang isang staff sa labas, naiwan na bahagyang nakabukas ang drawer sa ilalim ng kanyang desk. Doon ko naramdaman ang pagkakataon—kabado, pero determinado. Sulyap dito, sulyap doon. Wala namang ibang tao.Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya at binuksan ang drawer. Sa loob, may ilang envelope na may label na “PST Monitoring,” “Intern Reports,” at isa pa na walang anumang label—maliban sa pangalan naming dalawa ni Scarlett. Kumakabog ang dibdib k
Sebastian’s POVHindi ako mapakali buong gabi. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pabalik-balik lang sa isip ko ang eksena kanina—si Scarlett, umiwas ng tingin, umiwas ng yakap, umiwas ng kahit anong koneksyon. Ilang beses kong tiningnan ang phone, umaasang may mensahe siya, kahit simpleng “OK lang ako.” Pero wala. Blangko.Hindi ako sanay na siya ang lumalayo. Palaging ako ang nagpapakumbaba, ako ang nagpapasensya, ako ang nauunang mag-reach out. Pero ngayon, parang may pader na hindi ko kayang basagin, hindi ko maintindihan.Kinabukasan, maaga akong dumating sa faculty room. Sinalubong ako ng mga co-teacher, pero wala akong ganang makipagkwentuhan. Ang utak ko, lumilipad—naghahanap ng sagot. Pagdating ni Scarlett, hindi siya tumingin sa akin. Tahimik siyang dumaan, nagpaalam na may kailangan daw tapusin sa records. Wala. Wala ni isang sulyap, ni isang ngiti.Tumingin ako kay Clyde, na napansin kong parang mas abala kay Scarlett. Lagi siyang nakasunod, laging may dalang pagkain, la
Sebastian’s POVHapong-hapo na ako buong araw—galing sa sunod-sunod na klase, meetings, at mga papel na kailangang i-check. Pero ang pinakaabangan ko, ang tanging nagpapagaan ng araw ko, ay ang makita si Scarlett kahit ilang saglit lang. Kaya nga nandoon ako ngayon, nakatayo sa labas ng library, hawak-hawak ang phone at paulit-ulit na tinitingnan kung online siya.Nag-message na ako:“Scar, okay ka lang ba? Nasa labas ako ng library, hintayin kita.”Nilibot ko ang paningin ko sa hallway, umaasang lalabas na siya anumang oras. Ilang minuto ang lumipas, pero wala pa rin. Napansin kong kakaiba ang atmosphere—parang mabigat ang hangin, parang may bumabagabag kahit sa mga estudyanteng dumadaan.Maya-maya, nakita ko siyang lumabas ng library—mabagal ang lakad, nakayuko, at parang ibang-iba ang aura niya. Wala ‘yung dating sigla, ‘yung simpleng ngiti na laging nagbibigay-buhay sa araw ko. Inangat niya lang saglit ang tingin, nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko nakita—puno ng takot, lungk
Scarlett’s POVKabado akong naglakad papunta sa library office. Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang hangin ngayon—parang bawat hakbang ko, mas lumalalim ang kaba at takot sa dibdib ko. Sobrang tahimik ng hallway, parang lahat ng tao ay lumalayo, parang may paparating na unos na ako lang ang nakakaalam.Pagbukas ko ng pinto, nandoon na agad si Ma’am Andrea. Hindi siya nakaupo sa usual niyang pwesto sa harap ng computer, kundi sa mismong reading nook, malapit sa bintana. Nakataas ang kilay, tuwid ang upo, at mahigpit ang hawak sa envelope na parang sandata.“Umupo ka, Scarlett.” Wala nang lambing sa boses niya, puro lamig at authority.Naglakad ako papunta sa harap niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Umupo akong maayos—kahit gusto ko nang tumakbo, gusto kong magtago, gusto kong maglaho. Pero hindi puwede. Kailangan kong harapin ‘to.“Ano po ‘yon, Ma’am?” mahina kong tanong, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko.Hindi siya sumagot agad. Imbes, dahan-dahan niyan







