Share

Mr. Vilmora's Accidental Bride
Mr. Vilmora's Accidental Bride
Penulis: yoonsofi

1 - Pleasurable Mistake

Penulis: yoonsofi
last update Terakhir Diperbarui: 2022-02-11 23:17:20

“Opo Ma, sa isang araw na ho ako uuwi dahil bukas ay didiretso na ako ng pasok,” wika ko habang naglalakad na palabas ng locker room ng trabaho ko.

“Oh sige, batiin mo na lang si Hanz para sa’kin,” sagot naman ni Mama, agad naman akong kumaway dahil nakita ko na si Hanz na hinihintay ako sa labas.

“Ikaw na magsabi sa kaniya oh,” sabi ko at agad na iniabot kay Hanz ang telepono ko bago naglakad na patungo sa passenger seat.

Nakita ko naman na tumatawa pa siya habang kausap ang nanay ko, sobrang close nila ni Mama na halos anak na rin ang turing sa kaniya nito. Pumasok na rin siya nang siguro ay ibinaba na ni Mama ang tawag.

“Buti na lang talaga napapayag ka ni Tita na sumama ngayon,” sabi niya naman habang inaayos ang seatbelt niya.

“Ewan ko sa ‘yo, kapag ako hindi nakapasok sa school bukas, sasakalin kita,” sabi ko na ikinatawa naman niya.

“Regalo ko?” tanong niya kaya kinuha ko naman sa bag ko ang isang paper bag at inabot sa kaniya.

“Hala meron talaga? Nagbibiro lang ako!” malakas niya namang sabi at tumawa pa, buang talaga.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa resort na pagdarausan ng birthday niya, hindi na sana ako sasama dahil may pasok ako kinabukasan pero sadyang mapilit si Hanz at pinaulit-ulit niya sa’kin na ‘hindi masaya ang birthday ko kung wala ang bestfriend ko’.

Pagkapasok namin sa mismong resort ay bumungad sa akin ang maraming tao, napapatigil pa kami sa paglalakad dahil binabati siya ng mga kaibigan niya na nakakasalubong namin. Private resort ito nila Hanz, hindi man niya masyadong pinapahalata pero talaga nga namang may kaya ang pamilya nila– mayaman sila.

“CHYNA SUMAMA KA!” agad na sigaw ni Nica ng makita niya ako.

“Kumalma ka Veronica, nagkita lang tayo kanina sa klase,” sabi ko naman at pinalo pa siya sa braso.

“Halika na at magpalit ka na at langoy na langoy na ako,” sabi niya at hinila ako kaagad patungo sa isang kwarto.

“Dalian mo at ang dami kong nakitang gwapo! It’s your time to shine my love!”

Napairap na lang ako at napilitang magpalit na rin ng damit dahil hindi matatahimik ang bunganga ng babaeng ‘yan. Nakasuot na ako ng rash guard ng lumabas ng banyo at nang makita ako ni Veronica ay agad naman itong napasimangot.

“No love. Hindi ka magsi-swimming ng ganiyan, ayoko! Magpalit ka, dinalhan kita ng extra swimsuit,” malakas niyang sabi at hinanap ang gusto niya ipasuot sa'kin.

“Wala ako sa mood magsuot ng ganiyan Nica, okay na ako dito,” sabi ko naman pero sinamaan niya ako ng tingin at inabutan ng swimsuit na kulay itim.

“Hindi tayo lalabas dito nang hindi ka nagpapalit,” sabi niya at nagkrus pa ng kaniyang braso.

“Hindi mo ba naisip na pabor pa sa’kin na huwag lumabas dito?” tanong ko naman at ngumiti nang mapangasar sa kaniya.

“Chyna naman eh! Dali na! Gusto ko na lumabas!” inis na sabi niya kaya pinagbigyan ko na lang.

“Chy ang payat mo, nakakapagpahinga ka pa ba ng maayos?” tanong niya naman habang pinagmamasdan akong magbihis.

“Oo naman, maayos ‘yung schedule ko sa trabaho at sa paga-aral, sexy lang talaga ako,” sagot ko naman bago tumawa.

Sabay na kaming lumabas nang matapos na akong magbihis at mag-ayos ng kaunti, buti naman at pumayag ‘tong si Veronica na magsuot ako ng cover up. Dumating kami sa may pool at agad na hinanap si Hanz, nakita naman naming siyang nagi-inom na kasama ang mga kaibigan niyang ka-department namin.

“Paano mo napilit ‘yan magsuot ng ganiyan?” bungad niya ng makita kami.

“Nag-inarte siya ng malala bago kami lumabas ng kwarto,” sagot ko naman.

“Kumain na muna kayo, ayon ‘yung buffet.” Tinuro niya ang table sa hindi kalayuan kaya nagpunta kami doon ni Nica.

Habang kumukuha kami ng pagkain ay nalandas naman ang paningin ko sa gilid namin at may nakitang dalawang pigura ng tao na halos magkapatong na kaya naman ay napaiwas ako agad ng tingin, parang ako pa ang nahiya sa nakita ko.

“Bakit ganiyan mukha mo?” bulong ni Nica nang makaalis kami doon.

“Nakakita ako ng nagme-make out sa gilid, nakakakilabot,” sabi ko naman kaya natawa siya.

“Normal na ‘yon, kanina pa nagi-inom mga tao dito. Pinagpe-pray ko rin kay Lord na sana mamaya ganiyan ka na rin,” sabi niya kaya pinalo ko siya sa likod na kaagad naman nagpasigaw sa kaniya.

“Matakot ka sa mga pinagdadasal mo! Mahiya ka kay Lord,” sabi ko naman sa kaniya.

Nakisama na kami sa table nila Hanz dahil kilala naman namin ang mga kasama niya. Mabilis lang ako natapos kumain at nakisama na lang sa mga pinagu-usapan nila, nagsimula na rin kami uminom na talaga nga namang nagpasaya sa katabi ko na kahit kumakain pa ng kanin ay umiinom na ng shot niya.

Kasabay ng paglalim ng gabi ay napagpasyahan na rin namin na magsimula ng lumangoy sa pool, halos maubusan ako ng hangin kakatawa dahil sa katangahan ni Hanz dahil nadulas siya bago pa makaabot sa pool.

“Ang bob* mo!” sabay naming sabi ni Nica habang tinatawanan siya, nagulat naman ako ng hilahin niya ang kamay ko kaya nahulog na rin ako sa pool.

“Puny*ta ka,” sabi ko agad ng makaahon ako.

Naglaro kami kasama ang iba pang kaibigan ni Hanz, halos malimutan ko na may pasok pa ako kinabukasan dahil sa sobrang saya naming magkakasama. Habang nagsi-swimming kami ay naka abang pa rin ang tanggero namin na inaabutan kami ng tagay.

Hindi ko na namalayan na nakarami na kami kaya ng maramdaman kong nahihilo na ako ay umahon ako saglit at hinanap ang cover up ko.

“Si Hanz nasaan?” tanong ko kay Kyle nang makasalubong ko siya.

“Hindi ko alam eh,” sagot niya kaya tumango na lang ako at hinigit na si Nica papunta sa kwarto namin dahil bagsak na.

Nakahiga na ako sa kama namin ng maalala ko ang phone ko dahil kailangan ko mag-alarm dahil may pasok ako, kaya kahit nahihilo na ako ay pilit kong inalala kung saan ko ba naiwan.

Mukhang naiwan ko sa cottage sa labas kaya naman ay bumangon ako at pinilit ang sarili kong maglakad ng maayos palabas.

Nakuha ko naman sa mga kasama namin ang phone ko dahil nakita raw nila sa tabi ng pool. Ngunit bago pa ako makaabot sa mismong kwarto namin ay parang biglang lumindol ang mundo ko, at nagdilim ang paningin ko.

Nagmulat na lang ako nang maramdaman kong buhat ako ng isang tao, umiikot ang paningin ko pero pinilit kong tingnan kung sino ang may hawak sa akin pero hindi ko maaninag ang mukha niya.

Pumasok ito sa isang kwarto at hindi ko alam kung sino ang nauna . . . kung ako ba o siya o kung ano ang nagtulak sa kung sino man sa amin gawin ang bagay na ito pero ngayon ay para kaming kinakain ng sarili naming mundo na kaming dalawa lang nandoon.

Ibinabalik ko ang halik na ibinibigay niya habang unti-unti kong nararamdaman ang mainit niyang palad sa buong katawan ko habang unti-unti ring hinuhubad ang damit naming dalawa.

Lumandas ang mga halik niya sa leeg ko at wala na akong ibang nagawa kung hindi damhin ang mga halik niya habang mahinang napapaungol.

Hindi ko alam kung dahil sa alak ang pag-init ng katawan ko o dahil sa lalaking napakagaling h*****k na nasa ibabaw ko.

“Ahh f*ck,” mahinang bulong nito gamit ang boses na parang nakapagpabuhay ng kung ano sa sistema ko.

Masakit, masarap at nakakabaliw. Ayon ang nararamdaman ko na halos hindi ko na naiintindihan habang sumasabay sa galaw ng lalaking nasa ibabaw ko na tila ba ay may sinasabayang musika na kami lang ang nakakarinig habang bumabayo siya na parang nakasalalay ang sangkatauhan sa aming dalawa.

Wala na akong iba pang inisip at hinayaan na lang na lumipas ang gabi habang kasalo ko sa sarap ang lalaking ni hindi ko man lang nakilala.

Maliwanag na ng magising ako at kaagad ko namang naramdaman ang sakit ng ulo kaya ako ay napapikit ulit. Nagkukusot ako ng mata ng maramdaman na parang ang lamig ng katawan ko at doon ko lang napagtanto na wala akong kahit na anong suot maliban sa kumot na nakatakip sa katawan ko.

Pasigaw na sana ako ng bigla kong makita na may katabi akong lalaki na nakatalikod sa akin, kinagat ko na lang ang labi ko at agad na pinilit bumangon kahit na nararamdaman ko ang kirot sa ibabang parte ng katawan ko.

Binilisan ko ang pagbihis at hinanap rin ang telepono ko na naging puno’t dahilan ng paglabas ko kagabi ngunit bago ako makaalis ay narinig kong parang gumalaw ito kaya nakita ko ang mukha ng lalaking nakasama ko sa isang gabi ng kasalanan.

“Put*ng*na ang gwapo!” nasabi ko kaya agad ko ring tinakpan ang bibig ko at lumabas na ng kwarto dahil baka magising pa siya at makita ako.

Mabuti na lang ay tulog pa si Veronica nang makabalik ako sa kwarto namin, mukhang mas lasing sa’kin ang babaeng ‘to. Napaupo ako sa kama at naalala ang nagawa ko kagabi, sinabunutan ko ang ulo ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa sarili ko.

“Kapag nalaman ‘to ni Mama baka mapatay ako noon,” bulong ko sa sarili at nagtakip ng mukha.

Muli naman akong napabangon ng maalala na may pasok ako ngayon at isa iyong major subject. Binato ko ng unan si Nica para magising na at naligo na ako agad.

Nakatapos na akong magbihis at mag-ayos pero hindi pa rin bumabangon si Nica kaya napahilamos na lang ako ng kamay ko sa mukha ko.

“Veronica Rose Gonzaga bumangon ka na!” sigaw ko naman sa kaniya pero ang gaga ay nagtakip lang ng unan.

“May pasok tayo!” sigaw ko ulit at padabog na umupo na lang sa kama.

“Una ka na. Hindi ko pa kaya,” sabi niya kaya huminga na lang ako ng malalim at kinuha na nag bag ko.

“Magpahatid ka na lang kay Hanz pauwi,” sabi ko at naglakad na palabas, saktong pagbukas ko naman ng pintuan ay nandoon si Hanz at nakataas ang kamay.

“Oh anong ginagawa mo diyan?” tanong ko naman sa kaniya, tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

“Paalis ka na?” tanong niya naman.

“Oo may pasok pa nga ako ‘di ba?” sagot ko naman sa kaniya, nagulat naman ako ng hawakan niya bigla ang balikat ko.

“Anong nangyari at may sugat ka diyan?” tanong niya kaya agad ko namang tinakpan ang parte ng collarbone ko.

“Saan pala kayo napunta ni Nica kagabi? Umalis lang ako saglit dahil bumili ako ng alak nawala na kayo.”

“Lasing na lasing na si Nica kaya bumalik na kami sa kwarto,” sabi ko na lang at nilagpasan na siya.

“Nica hintayin mo ako dito ha! Ihahatid ko lang si Chyna,” sigaw ni Hanz at narinig ko naman ang yabag niya palapit sa’kin.

Hinatid niya lang ako sa campus pero hindi siya papasok dahil babalikan niya pa si Nica sa resort. Na-late ako ng ilang minuto sa first class ko pero pinalampas naman ‘yon ng professor ko dahil ngayon lang naman ako na-late.

Pinilit ko na lang kalimutan ang nangyari ng gabi para makapag-focus ako sa mga subject ko ngayong araw.

Lumipas ang ilang linggo at wala naman ng nangyaring kakaiba sa buhay ko, patuloy lang ako sa pagpasok sa mga klase ko at nagtatrabaho naman ako pagkatapos ng mga ‘yon.

Ako ang nasa cashier ngayon dahil absent ang kasama ko, nagpupunas ako ng counter ng marinig kong may pumasok kaya agad napaangat ang tingin ko at bigla akong natigilan sa kung sino ang pumasok at may kasama pa itong babae.

Ang lalaking nakasama ko ng isang gabi ay naglalakad palapit sa akin kaya para akong nanlamig sa kaba na baka makilala niya ako at ang mas nakakahiya pa ay mukhang may girlfriend pa ito.

“G- good evening, w- what would you like to order Sir?” nauutal kong tanong habang hindi makatingin ng maayos sa mga mata niya.

“I’ll have an iced americano,” sagot niya kaya agad ko iyong nilagay sa order at bumaling naman sa kasama niyang babae.

“I’ll get a strawberry fruit tea,” sabi naman niya kaya tumango ako.

Inulit ko pa ng isang beses ang order nila at nang okay na ay nagbayad na siya gamit ang card at kamuntikan ko pang malaglag ang card niya ng madaplis ang kamay niya sa kamay ko.

Hinayaan ko na ang kasama ko na gawin ang order nila at nagsabi ako sa manager ko na magbe-break na muna ako dahil parang naubusan ako ng lakas sa nangyari.

“Chy kain ka oh, dala ni manager ‘yan,” sabi ni Ate Pau pagpasok ko sa locker room namin.

“Masarap?” tanong ko at kumuha ng tinidor para kumain na ngunit hindi ko pa nalalapit sa bibig ko ay naamoy ko na at agad naman na parang bumaliktad ang sikmura ko, napa takbo na lang ako sa may lababo at sumuka doon.

“Hoy Chy! Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Ate habang hinahagod ang likod ko.

“Ang baho Ate,” sabi ko na lang pagkatapos ko magmumog at hinarap siya, nakita ko naman na seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan ako.

"Hindi ba paborito mo ang carbonara?" tanong ni Ate kaya tumango ako dahil totoo namang paborito ko 'yon, hindi ko lang maintindihan ngayon bakit ganito.

“Chy may nararamdaman ka bang kakaiba?” tanong pa ni Ate.

“Wala naman po, wala lang ‘to Ate ‘wag ka mag-alala,‘ sabi ko naman.

“Chy napapansin ko na ‘to sa’yo nung nakaraang linggo pa. I suggest magpa-check up ka dahil baka may digestive malfunction ka o buntis ka,” sabi ni Ate at nagpantig naman ang tenga ko sa narinig ko.

Naalala ko rin na mula last week may madalas akong nahihilo at naduduwal pero hindi ko pinapansin dahil baka dahil lang ‘yon sa pagod ko sa trabaho at sa paga-aral.

Napagpasyahan ko na rin na sundin ang payo ni Ate kaya bumili ako ng pregnancy test nang matapos ang shift ko.

Halos dasalan ko ang lahat ng santo na pwedeng matawag para lang hindi positive ang makita ko sa test ngunit parang walang ni isa sa kanila ang nakinig sa’kin dahil dalawang guhit ang nakita ko makalipas ang limang minuto.

Isang gabing kasalanan lang ‘yon pero bakit ako pinaglaruan ng tadhana ng ganito?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   39 - The start of a bigger chaos.

    Umaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   38 - “Please breathe mahal!”

    Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   37 - Hanz doing his duty.

    “Bakit nandito ka na naman?” bungad na tanong ni Hendrix ng pumasok si Hanz sa pintuan nila, natawa naman ako habang inaayos ang neck tie ni Hendrix. “Hayaan mo na mahal, para may kasama rin ako dito sa bahay. Ang boring kaya mag-isa!” sabi ko naman kaya nilingon ako ni Hendrix at sumimangot pa. “Ikaw! Ayusin mo ha . . . magkasakit lang si Chy tatamaan ka sa’kin,” sabi pa ni Hendrix. “Luh, parang ako pa nga ata magkakasakit diyan. Napaka exotic ng pinaglilihian ng asawa mo hoy,” sagot naman ni Hanz. “Aalis na ko. Eat on time and don’t get too tired,” sabi ni Hendrix bago ako hinalikan. “Yuck!” rinig ko namang reklamo ni Hanz kaya natawa ako, umalis na rin naman si Hendrix dahil papasok pa siya sa opisina. “Ano plano natin today?” tanong naman ni Hanz noong kami na lang ang nasa sala. “Gawa tayong dessert? Pinapunta ko rin si Nica ngayon eh kaso si Allyson out of coverage noong tinawagan ko,” sabi ko naman, napansin ko namang napatigil siya pero ka agad na bumalik sa ayos. “Tara

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   36 - The other side.

    Papasok ng bahay nila si Allyson, kakauwi niya lang galing sa university nila, magpapahinga lang siya saglit at aalis na ulit dahil meron silang girl’s date nila Chyna ngayon.Kakapasok niya lang ng biglang siyang may narinig na tumatawa mula sa kusina nila, hindi niya na sana ito papansinin dahil baka ang pinsan niya lang ito. Didiretso na sana siya ng akyat ngunit nang may marinig siyang pangalan na binanggit ng pinsan niya at talagang napatigil siya.“Of course! Itutuloy mo ‘yon, I already got his schedule so alam ko kung kailan siya wala sa bahay nila para sigurado na ‘yung babaeng ‘yon lang ang nandun sa kanila. Piliin mo ‘yung hindi masyado matapang ang amoy ha? Para hindi rin magtaka ‘yung neighbors nila if ever.”

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   35 - The friendship we have.

    Pagkasundo namin kay Nica ay si Allyson naman ang sinundo namin sa may kanila, hindi naman malayo ang bahay nila Allyson kila Nica kaya hindi naman nahirapan si Hendrix.“Grabe pala talaga kapag naglihi ang buntis ano?” komento ni Nica noong pauwi na kami sa bahay.“Sorry! Gusto ni baby ng brownies eh,” sagot ko naman.“Napansin ko lang, parang mas maganda ang aura mo ngayon kahit pa madaling araw na,” komento naman ni Allyson kaya inirapan ko siya sa rear view at sabay kami natawa.“Pwera biro ‘yon ah,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako.“Oo nga Chy, mas maganda ka ngayon. Mukhang maganda epekto sa ‘yo ng pag-leave mo ah, mas healthy ka

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   34 - Trying to be a good wife and a good friend.

    “Oh Ma’am Chyna! Ako na ho diyan,” bungad ni Nay Mely nung nakita niya ako nagluluto dito sa kusina.“Ako na po Nay, dadalhin ko po ‘to kay Hendrix sa office,” sagot ko naman habang nagluluto pa rin.“Oh sige, ako na lang ang maga-ayos ng lalagyanan,” sabi ni Nanay kaya tumango na lang ako.Tinapos ko na ang pagluluto at nilagay ko na rin sa baunan ‘yung mga pagkain pero hindi ko muna tinakpan para hindi naman masyadong mainit. Nagbihis din muna ako at nag-ayos ng konti para hindi naman ako mukhang hampaslupa kapag nagpunta ako sa office niya.“Nay si Kuya Ruel po?” tanong ko pagkababa ko.“Nandiyan na iha, kakarati

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   33 - Honeymoon vacation.

    Nagising ako ng maramdaman ko ang tama nang sinag ng araw sa mukha ko kaya napatalikod naman ako doon. Napamulat naman ako ng wala akong maramdaman sa tabi ko, mukhang bumangon na si Hendrix.Bigla naman ako napangiti ng maalala ang nangyari kagabi, grabe thank you Lord talaga. Bumangon na ko ng tuluyan at dumiretso sa banyo kahit na panty lang ang suot ko, nagbihis rin ako bago lumabas.“Good morning,” bati ko ng makalabas na ako sa kwarto, napalingon naman kaagad siya.“Good morning,” sabi niya at nginitian ako kaya napangiti rin ako pabalik.Umupo ako sa may dining table at pinanood siya magluto, wal

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   32 - Where we started.

    “Mahal curious lang ako,” panimula ko ng may maalala ako.“What is it about?” tanong niya at hinawi ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.“Noong gabing ‘yon . . . ano talaga ang nangyari?” tanong ko naman.Nakita ko naman na tumingin siya sa taas na tila inaalala rin kung ano ba talaga ang nangyari at hindi nakatakas sa pansin ko ang pagpigil niya ng ngiti bago nagkamot ng ilong.“First and foremost I just want to apologize for taking advantage of you that night, it was unconsented but don’t get me wrong . . . I am apologizing for the act but I am not regretting anything, okay?” paalala niya naman at tinaasan ako ng dalawang kilay kaya tumango ako.

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   31 - The Vacation.

    Naglalakad kami ngayon ni Hendrix papasok na ng airport dahil magbabakasyon kami sa isang probinsya sa Cebu. Buti na nga lang talaga at pwede pa ako makabyahe dahil pa limang buwan pa lang si baby."Why? Are you scared?" tanong niya noong hawakan niya ang kamay ko, napansin niya sigurong malamig at medyo pinagpapawisan ang palad ko, tumango lang ako sa kaniya at ngumiti naman siya."I'll hold your hand until we get there, okay?" Hinalikan niya ang kamay ko kaya ngumiti rin ako."First time ko kasing sasakay ng eroplano, mabilis lang naman ang byahe 'di ba?" tanong ko naman."45 minutes ang estimated time or baka mas maaga pa," sagot naman niya. "Tell me immediately if you feel something bad, okay?""Next m

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status