Share

Mr. Wright Beside Me
Mr. Wright Beside Me
Author: Eckolohiya23

Chapter 01

Author: Eckolohiya23
last update Last Updated: 2025-01-10 11:15:59

“GOOD morning. Esteemed members of the Luistro Investment board. I’m Gracie Reyes, representing Ideal Solution Marketing Inc. We’re excited to present a comprehensive digital marketing strategy to drive growth and success our company,” puno ng confident na paglalahad ni Gracie ng kanyang business proposal sa harap ng board. Aral na aral niya ang bawat sinasabi niya habang nakahanda rin siyang presentation.

Napangiti siya nang makuha niya ang atensyon ng mga tao sa loob ng conference hall na kinaroroonan. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanya habang matamang nakikinig sa kanya. Naroon din ang step-father niyang si Armand Luistro, ang president and CEO ng kompanya. Maging ang ina niyang si Lucia ay naroon din pero hindi kababakasan ang mukha nito ng paghanga sa kanya. Isa ito sa board member at may share sa malaking kompanya ng asawa nito.

Expected na niya iyon. Ang mahalaga sa kanya ay makuha niya ang tensionn ni Armand.

“Our research indicates LIG’S competitors are leveraging digital channels effectively. We’ll address gaps and opportunities. As one of our goal are keyword research, on-page optimization and link building-”

Napatigil siya sa kanyang presentantion nang biglang bumukas ang pinto ang conference hall. Iniluwa n’on si Tatiana na nanlilisik na tumingin sa kanya. “Stop this damn presentation! That is my original proposal! Ninakaw ng babaeng ‘yan ang pinaghirapan kong gawin.”

Nanigas siya sa kinatatayuan sa matinding pagkabigla. Si Tatiana ay kanyang half-sister kung saan ay dalawang taon ang agwat ng edad niya dito. Alam niya na kakompentensya ang tingin nito sa kanya sa loob ng sariling kompanya ng pamilya.

Nagkaroon na ng bulungan sa loob ng conference hall lalo na ang mga board.

“I am confident Tatiana na ako ang original na gumawa ng business proposal na ito. I can see you the proof,” hindi nagpainag na sabi niya sa kapatid.

“Kahit kailan talaga Gracie ay ang laki ng insecurity mo sa akin,” sarkastikong sabi ni Tatiana.

Nagsimula naman siyang mag-browse ng file sa laptop niya pero nagtataka siya na wala ng laman ang mga iyon. Pinagpawisan na siya dahil sa tensyong nagaganap sa paligid.

“See? Wala kang maipakitang proof na sa’yo nga talaga ang business proposal mo. Pero ako may dala ako na ako ang talagang gumawa ng proposal.” At ibinigay nito sa isa-isa sa board ang mga folder na dala-dala nito.

Hindi maaari ito. May nanabotahe sa akin, sabi niya sa sarili na pilit tinatatagan ang loob. Hindi siya papayag na mabalewala ang pinaghirapan niya dahil tiwala siya sa sarili na original niyang gawa ang proposal.

Naglipat ang tingin ng member ng board sa file na binabasa nito at sa kanilang dalawa ni Tatiana. Mariin siyang napailing.

“It seems na tama nga si Miss Tatiana, kopyang- kopya mo sa kanya ang business proposal na ginawa mo Miss Reyes,” ani ni Mr. Delgado na isa sa mga board.

“Pero malinis ang konsensya ko na hindi ako nangopya ng proposal!” giit niya. “Kahit tanuningin ninyo ako ng maraming beses ay kaya kong i-defense ito sa inyo.”

“Magnanakaw ka! Magnanakaw ka! Ang kapal ng mukha mong nakawin ang pinaghirapan ko,” sumbat ni Tatiana sa kanya na nanggigil na sa kanya. Umiral na naman ang pagiging brat nito.

“Enough of this! Nakakahiya kayo,” matapang na sabi ni Lucia na hindi napigilan ang sarili. Tumayo na ito saka lumapit sa kanya at mabilis na hinila ang kamay niya palabas ng conference hall.

“Pero Ma, maniwala ka sa akin. Hindi ko ninakaw ang proposal ng kapatid ko,” pakiusap niya sa ina nang makalabas na sila. Naroon sila sa tagong bahagi ng hallway.

Marahas na biniitiwan nito ang kamay niya. “Kahit kailan talaga Gracie ay wala sa lugar ang mga ginagawa mo. Pati si Tatiana ay gusto mong pahiyain sa harap ng ama niya at ng board. Wala kang utang na loob!”

“Ginagawa ko lang ang alam kong tama!” hindi nakapagtimping sagot niya sa ina. “Ipinaglalaban ko lang ang alam kong akin. Baka nga si Tatiana pa ang talagang nagnakaw ng proposal na ginawa ko.”

Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi niya mula sa kamay ni Lucia. Pakiramdam niya ay analog ang bungo at utak niya. “Wala kang utang na loob sa pamilyang bumuhay sa’yo Gracie, at ang lakas ng loob mong paratangan ang tagapagmana ng kompanyang ito.”

Nagpahid siya ng luhang bumalong sa mga mata niya. “Wala akong utang sa kompanyang ito Mama. Lahat ng mayroon ako ngayon ay pinaghirapan ko even my job here at hindi ako papayag na ma-agrabyado kahit ng sariling ina at kapatid ko pa!”

Lalong nagliyab sa galit si Lucia. Mariin nitong hinawakan ang baba niya na kulang na na lang ay sakmalin siya. “You have no right to say that. Magpasalamat ka noong magpakasal kami ni Armand ay tinanggap ka niya bilang anak. Kung tutuusin ay ayoko na kitang isama pa sa buhay na mayroon ako ngayon dahil naalala ko sa’yo ang panloloko sa akin ng ama mo.”

“Ma, please nasasaktan ako,” naluluhang pakiusap niya sa sariling ina. Hindi niya mailagana ng mga nanlilisik na tingin nito sa kanya.

“Deserve mo ang masaktan Gracie. Ngayon kung makikipagmaitigasan ka pa rin ay ipapa- dissolve ko sa board ang marketing arm na mina- manage mo. Alam ko naman na ayaw mong mangyari iyon.”

Muntikan siyang matumba nang bigla siyang bitawan ni Lucia. Mabuti na lang ay nabawi niya ang sariling panimbang. Sa pagkakataong iyon ay nilagpasan at iniwan na siya ng ina.

“It’s unfair,” sabi niya saka ganap nang napaiyak. Damang-dama niya ang matinding sama ng loob.

“THIS time ay gusto ko munang makalimutan ang lahat.” Lumagok na nga ng alak si Gracie sa hawak niyang glass. Hinayaan niyang gumuhit ang tapang nasabing likido sa lalamunan niya. Naroon siya sa isang bar na madalas niyang puntahan at madalas ay mag-isa siyag pumupunta roon.

Naroon pa rina ang matinding panlulumo at malaking sama ng loob niya. nadagdagan ang galit niya sa half-sister niyang si Tatiana at maging sa sariling ina na si Lucia.

Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi sa mundo. Muli siyang lumagok ng alak at wala siyang pakialam kung malasing man siya.

“Hi are you alone?”

Nagtatakang napatingala siya sa babaeng lumapit sa kanya. She has a long and silky hair and a slender body. Pang modelo ang datingan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jhen nhie fher
kakaasar to c Tatiana at ung nanay, sarap kutusan......,,sorry nman author,,,umpisa plng ng chapter labanan n agad,,,n miss ko mga stories mu author...️,,slamat po T meron kna ulit dto GN
goodnovel comment avatar
Eckolohiya23
salamat po
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hala grabe ung nanay mo Gracie bakit kasalanan mo ba na nagluko ung tatay mo, ibang klaseng nanay un ahh parang d ka nanggaling sa sinapupunan nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 47

    Kinabukasan. Mahinang sinag ng araw ang unang dumampi sa balat ni Gracie. Marahang gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata, pilit binubuksan sa kabila ng antok at panghihina. Ang unang bagay na naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakayakap sa kanyang baywang, mainit at banayad ang paghinga sa kanyang batok.Si Oliver.Dahan-dahan siyang napangiti. Nakaunan siya sa braso nito, magkadikit pa rin ang katawan nila, pareho pa ring hubo’t hubad, at tila ayaw lumayo sa isa’t isa. Sandaling pumikit muli si Gracie, ninanamnam ang init ng katawan ng lalaking katabi niya.Ngunit hindi nagtagal, unti-unti na ring bumalik sa isip niya ang mga katotohanang pilit niyang inililibing kagabi.Ang totoo niyang pagkatao.Ang dahilan kung bakit siya narito.Ang malaking lihim na maaaring gumiba sa lahat ng ito sa isang iglap.Napabuntong-hininga siya. Maingat na hinawi ang kamay ni Oliver sa kanyang tiyan at marahang tumalikod. Pinagmasdan niya ito—nakapikit pa rin, kalmado ang mukha, tila wala

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 46

    AT sa muling paglalapat ng kanilang mga titig, wala nang kailangang sabihin pa.Unti-unti, lumapit si Oliver. Ang mga mata nito’y tila nananabik, ngunit may pagpipigil pa rin—hindi siya basta-basta sumugod, kundi hinihintay si Gracie. At si Gracie, sa kabila ng kaba at damdaming sumisiklab sa kanyang dibdib, ay hindi na umatras.Muli siyang humilig palapit, dahan-dahan, hanggang sa maglapat muli ang kanilang mga labi—mas mainit, mas totoo, mas malalim kaysa kanina.Ang halik ay naging daan upang mawala ang lahat ng alinlangan.Napasinghap si Gracie nang maramdaman ang dila ni Oliver na bahagyang humagod sa kanyang ibabang labi, humihingi ng pahintulot. At sa paglalapat ng kanilang mga labi’t hininga, wala nang ibang natira sa pagitan nila kundi init—isang init na hindi na mapipigil.Hinawakan ni Oliver ang pisngi niya, banayad, habang ang isa nitong kamay ay gumapang sa kanyang baywang, hinihila siya papalapit. Hindi na kailangan ng salita. Ang katawan nila ang nag-usap—sa bawat haplo

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 45

    Napapikit si Gracie, pinilit ang sariling huminga nang malalim habang ramdam pa rin ang init ng haplos ni Oliver—isang init na tila hindi lang mula sa kanyang palad kundi sa mismong kaluluwang humihiling ng sagot. Gusto niyang magpakatatag. Gusto niyang tapusin ang sandaling iyon—ngunit huli na. Wala na siya sa pagitan ng pag-iwas at pag-amin. Nahulog na siya. At masyado nang malalim.“Oliver…” mahina niyang tawag, bahagyang nanginginig.Hindi ito sumagot. Sa halip, mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay—hindi mapilit, kundi parang humuhugot ng lakas mula sa kanya. Sa simpleng hawak na iyon, may init na nagmumula sa balat hanggang sa dibdib niyang kumakabog.Gusto na sana niyang sabihin ang lahat. Ilahad ang katotohanan. Ipakita ang bahaging matagal na niyang ikinukubli—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa takot. Takot na kapag nalaman ni Oliver, mabura ang koneksyong ito na sa bawat araw ay lumalalim.Pero nakita niya sa mga mata ng binata ang pagkapit sa katahimikan. P

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 44

    Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 43

    Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 42

    Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status