Share

Chapter 10

Author: Eckolohiya23
last update Huling Na-update: 2025-01-24 23:10:56

“LOPEZ,” malumanay na basa ni Gracie sa pangalan ng bayan na nakaukit sa istatwang bunga ng niyog na naroon sa tabi ng national highway matapos na lumagpas sila ng tulay. “Malapit na ba tayo Luis?”

“The long wait is over Gracie, ilang sandali na lang ay nasa bahay na tayo. Welcome to my hometown. Sensya na at talagang malayo itong amin,” natatawang tugon ni Luis na nanatiling nasa pagmamaneho ang konsentrasyon.

Napatawa rin siya. “Oo nga, limang oras din ata tayong nagbyahe ano. Don’t worry dahil hindi naman ako nagsisisi na sumama ako sa’yo.”

Nakumbinse siya ni Luis na tanggapin ang alok nitong trabaho sa kanya sa probinsya nito mismo. Kahapon na matapos siyang kupkupin ng lalaki ay nagpasya na siyang umalis sa tinutuluyang apartment. Tinulungan siya nito na makuha ang lahat ng damit at gamit niya.

“Good,” anito na hindi siya nililingon. “Oops, ano naman tinitingnan mo d’yan sa cellphone mo huh? Baka mag- install ka naman ng social media apps huh.”

“Hindi ah, tumingin lang ako sa ora
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku bakit anjan c Oliver makita kaya nya c Gracie?
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
buti nman pumayag ka sa alok ni Luis Gracie
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 47

    Kinabukasan. Mahinang sinag ng araw ang unang dumampi sa balat ni Gracie. Marahang gumalaw ang talukap ng kanyang mga mata, pilit binubuksan sa kabila ng antok at panghihina. Ang unang bagay na naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakayakap sa kanyang baywang, mainit at banayad ang paghinga sa kanyang batok.Si Oliver.Dahan-dahan siyang napangiti. Nakaunan siya sa braso nito, magkadikit pa rin ang katawan nila, pareho pa ring hubo’t hubad, at tila ayaw lumayo sa isa’t isa. Sandaling pumikit muli si Gracie, ninanamnam ang init ng katawan ng lalaking katabi niya.Ngunit hindi nagtagal, unti-unti na ring bumalik sa isip niya ang mga katotohanang pilit niyang inililibing kagabi.Ang totoo niyang pagkatao.Ang dahilan kung bakit siya narito.Ang malaking lihim na maaaring gumiba sa lahat ng ito sa isang iglap.Napabuntong-hininga siya. Maingat na hinawi ang kamay ni Oliver sa kanyang tiyan at marahang tumalikod. Pinagmasdan niya ito—nakapikit pa rin, kalmado ang mukha, tila wala

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 46

    AT sa muling paglalapat ng kanilang mga titig, wala nang kailangang sabihin pa.Unti-unti, lumapit si Oliver. Ang mga mata nito’y tila nananabik, ngunit may pagpipigil pa rin—hindi siya basta-basta sumugod, kundi hinihintay si Gracie. At si Gracie, sa kabila ng kaba at damdaming sumisiklab sa kanyang dibdib, ay hindi na umatras.Muli siyang humilig palapit, dahan-dahan, hanggang sa maglapat muli ang kanilang mga labi—mas mainit, mas totoo, mas malalim kaysa kanina.Ang halik ay naging daan upang mawala ang lahat ng alinlangan.Napasinghap si Gracie nang maramdaman ang dila ni Oliver na bahagyang humagod sa kanyang ibabang labi, humihingi ng pahintulot. At sa paglalapat ng kanilang mga labi’t hininga, wala nang ibang natira sa pagitan nila kundi init—isang init na hindi na mapipigil.Hinawakan ni Oliver ang pisngi niya, banayad, habang ang isa nitong kamay ay gumapang sa kanyang baywang, hinihila siya papalapit. Hindi na kailangan ng salita. Ang katawan nila ang nag-usap—sa bawat haplo

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 45

    Napapikit si Gracie, pinilit ang sariling huminga nang malalim habang ramdam pa rin ang init ng haplos ni Oliver—isang init na tila hindi lang mula sa kanyang palad kundi sa mismong kaluluwang humihiling ng sagot. Gusto niyang magpakatatag. Gusto niyang tapusin ang sandaling iyon—ngunit huli na. Wala na siya sa pagitan ng pag-iwas at pag-amin. Nahulog na siya. At masyado nang malalim.“Oliver…” mahina niyang tawag, bahagyang nanginginig.Hindi ito sumagot. Sa halip, mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay—hindi mapilit, kundi parang humuhugot ng lakas mula sa kanya. Sa simpleng hawak na iyon, may init na nagmumula sa balat hanggang sa dibdib niyang kumakabog.Gusto na sana niyang sabihin ang lahat. Ilahad ang katotohanan. Ipakita ang bahaging matagal na niyang ikinukubli—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa takot. Takot na kapag nalaman ni Oliver, mabura ang koneksyong ito na sa bawat araw ay lumalalim.Pero nakita niya sa mga mata ng binata ang pagkapit sa katahimikan. P

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 44

    Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 43

    Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti

  • Mr. Wright Beside Me   Chapter 42

    Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status