MasukQuinn
Habang nagmamaneho, mahigpit kong hawak ang manibela na para bang doon nakasalalay ang natitira kong katinuan.
Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong lamang ng makina at ang tunog ng air conditioner ang kasama ko. Pero taliwas iyon sa ingay na nasa loob ng isip ko. Sunod-sunod ang mga tanong, pag-aalinlangan, at pag-asang pilit kong pinapatahimik.
Please...
Please let this be about us.
Please let this be the day na pipiliin niya rin akong ipaglaban.
Hindi ako relihiyosong tao, pero sa mga sandaling iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang magdasal.
"Sana..." mahina kong bulong habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. "Sana tungkol sa pagsasaayos ng pagsasama natin ang gusto mong pag-usapan, Gavri."
"Sana hindi pa huli ang lahat."
Hindi ko namalayang kumakapit na pala nang mahigpit ang mga daliri ko sa manibela.
Pakiramdam ko, isang maling sagot lang ang maririnig ko ngayong hapon at tuluyan nang mababasag ang puso kong ilang beses nang binuo at dinurog ng iisang tao.
Mahigit isang oras din ang naging biyahe ko bago tuluyang marating ang Queen's Garden Hotel.
Mula pa lang sa labas ay kapansin-pansin na ang engrande nitong itsura. Kumikinang ang mga ilaw na nakapalibot sa gusali kahit na nga medyo maliwanag pa, habang sunod-sunod namang pumapasok at lumalabas ang mga mamahaling sasakyan.
Dahan-dahan kong ipinarada ang kotse sa parking lot na nasa gilid ng hotel.
Pagkababa ko ay napansin kong halos puno na ang parking area.
May mga luxury cars, imported SUVs, at ilang sasakyang halatang pagmamay-ari ng mayayamang bisita.
Napatingin ako sa paligid.
"Ang daming tao..." mahina kong sambit.
Pero agad ko ring ipinagkibit-balikat ang bagay na iyon.
Sikat ang Queen's Garden Hotel.
Normal lang sigurong maraming event na ginaganap dito.
At sa totoo lang, wala na akong pakialam kung ano man ang meron sa loob.
Isa lang ang pakay ko.
Si Gavri.
Gusto ko na siyang makita.
Gusto ko nang marinig ang sasabihin niya.
Gusto ko nang matapos ang isang taon ng paghihintay.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsimulang maglakad.
Mabilis.
Halos nagmamadali.
Malalaki ang bawat hakbang ko na para bang kapag bumagal ako kahit isang segundo ay mawawala ang natitira kong lakas ng loob.
Pagpasok ko sa lobby ay agad akong napahinto.
Napakalawak ng lugar.
Crystal chandeliers ang nakasabit sa mataas na kisame habang makintab na marmol naman ang bumabalot sa sahig. Abala ang mga hotel staff sa pag-asikaso sa mga bisita, at halos lahat ng taong naroon ay nakasuot ng formal attire.
Mabilis kong inilibot ang paningin.
Saan ba ang Grand Hall?
Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil may malaking signage na nagtuturo sa direksyon nito.
Tinahak ko ang hallway hanggang sa makarating ako sa isang napakalaking double door na bahagyang nakabukas.
Napatingala ako.
GRAND HALL.
Nakasulat iyon sa eleganteng gintong letra sa itaas ng pintuan.
Napakunot ang noo ko.
Mula pa lang sa labas ay rinig ko na ang mahinang tugtog ng orchestra.
May mga tawanan.
May mga palakpakan.
May announcer na tila may ipinapakilala.
"May event?" bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong sumilip sa loob.
Hindi ko gustong magmukhang nakikiusyoso, pero kailangan kong hanapin si Gavri.
Maingat akong pumasok.
Hindi ko agad napansin ang mga dekorasyon dahil abala akong hinahanap ang lalaking nag-aya sa akin.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at muling binasa ang mensahe.
Gavri: Let's meet at Queen's Garden Hotel Grand Hall now.
Tama naman.
Queen's Garden Hotel.
Grand Hall.
Walang mali.
Pero...
Nasaan siya?
Imbitado ba siya rito? O baka may business function lang na kailangan niyang puntahan bago kami mag-usap?
Muli akong nag-angat ng tingin. At doon ko lang tuluyang napansin ang buong paligid.
Puting bulaklak.
Mahabang red carpet.
Mga bisitang nakabihis nang elegante. At sa pinakadulong bahagi ng hall...
Bigla akong napahinto.
"...Kasal?"
Hindi ko namalayang iyon pala ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang may kakaibang kaba ang gumapang sa buong katawan ko.
Parang may malamig na kamay na unti-unting pumisil sa puso ko.
Dahan-dahan akong napatingin sa dalawang taong nakatayo sa unahan.
Pareho silang nakatalikod sa akin.
Isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. At isang babaeng nakasuot ng puting wedding gown.
Hindi ko makita ang mga mukha nila.
Pero—bakit pamilyar ang tindig ng lalaki?
Bakit parang...
Hindi.
Hindi maaari.
Unti-unti akong napalakad palapit.
Hindi ko na alam kung bakit may kung anong puwersang tila humihila sa akin. Parang may boses na paulit-ulit na nagsasabing...
Tingnan mo.
Lumapit ka.
Alamin mo ang totoo.
Habang papalapit ako, unti-unting lumilinaw ang likod ng lalaking nakatayo sa altar.
Ang lapad ng balikat.
Ang paraan ng pagtayo niya.
Pati ang bahagyang paggalaw ng ulo niya.
Lahat ng iyon...
Kilalang-kilala ko.
Unti-unting nanlamig ang buong katawan ko.
Hindi ko na naririnig ang boses ng officiant.
Hindi ko na naririnig ang usapan ng mga bisita.
Parang biglang nabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"G-Gavri..."
Halos hangin lang ang lumabas sa bibig ko.
Pero sapat na iyon para dahan-dahang napalingon ang lalaki. At sa mismong sandaling nagtagpo ang mga mata namin...
Nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha niya.
"Quinn..."
Parang nawalan ng kulay ang kanyang mukha.
Samantalang ako, pakiramdam ko ay may malaking martilyong bumagsak sa buong pagkatao ko.
Hindi ako makahinga.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makapaniwala.
Ito ba...
Ito ba ang surprise na sinasabi nila?
Ito ba ang pag-uusap na gusto niyang mangyari?
Sa mismong araw ng first wedding anniversary namin...
Nasa harapan ko ang asawa ko.
At ikinakasal siya...
Sa ibang babae.
Parang may humigpit sa lalamunan ko. Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa babaeng nakasuot ng wedding gown.
Sa sandaling humarap siya sa akin...
Tuluyan akong natigilan.
Nagtagpo ang aming mga mata. At kasabay noon ay ang mabagal na pag-angat ng sulok ng kanyang mga labi.
Isang mapanukso.
Mapagmataas.
At mapanlait na ngiti.
Parang matagal na niya akong hinihintay.
Parang matagal na niyang inaabangan ang eksaktong sandaling ito.
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
"The bride..."
Napaatras ako ng isang hakbang.
"Daphne..."
Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
"Daphne Johnson..."
Hindi pa man tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng may bigla na lang malakas na tumama sa likod ng ulo ko.
Kasabay noon ang matinis na tunog ng nababasag na salamin at sigawan ng mga tao.
Nanlabo ang paningin ko.
Napangiwi ako sa matinding sakit.
"Quinn!!"
Umuugong ang buong hall sa sigaw ni Gavri.
By instinct, tumaas ang kamay ko upang hawakan ang likod ng ulo ko.
Pagbaba ko ng tingin ay mapula ang palad ko.
Dugo.
Maraming dugo.
Hindi pa man ako tuluyang nakakabawi...
Isa na namang matigas na bagay ang buong lakas na tumama sa ulo ko.
Lalong umikot ang paningin ko.
Parang gumuguho ang buong paligid.
"Quinn!!"
Mas malapit na ngayon ang boses ni Gavri.
Mas desperado.
Mas puno ng takot.
Pilitan kong iniangat ang ulo ko upang tingnan siya.
Ngunit sa mismong sandaling nagtagpo ulit ang aming mga mata ay may kung anong tila sumabog sa loob ng isip ko.
Sunod-sunod na eksena ang nag-flash.
Mga mukhang pamilyar pero matagal kong nakalimutan.
Mga boses.
Mga kasinungalingang pinaniwalaan ko.
Mga pangyayaring halos ikamatay ko.
Mga alaalang matagal na palang nakabaon sa pinakamadilim na sulok ng isip ko.
Isa-isa silang bumalik na parang rumaragasang baha.
Parang sirang dam na wala nang pumipigil.
Lahat.
Lahat ng katotohanang matagal kong nakalimutan...
Biglang bumalik sa akin.
Napalunok ako.
Unti-unting bumukas ang mga mata ko habang pinipigilan ang napakalakas na sakit ng ulo.
"Damn it..."
Natawa ako nang mahina. Isang mapait at puno ng panlalait sa sarili kong tawa.
"I'm such a mess..."
Hindi ko alam kung ang tinutukoy ko ba ay ang dugong umaagos sa ulo ko...
O ang sarili kong nawalan ng alaala sa mahabang panahon.
Hindi pa man ako tuluyang makabawi ay mabilis nang tumakbo si Gavri papunta sa akin.
"Quinn!" sigaw niya habang pilit sinasalubong ang pagbagsak ko.
Kasabay noon ay narinig ko ang galit na galit niyang sigaw sa kung sino mang umatake sa akin.
"Take that bastard!"
Ngunit wala na akong lakas upang alamin kung sino ang tinutukoy niya.
Unti-unting naging malabo ang kanyang mukha.
Nawala ang mga tunog sa paligid.
Hanggang sa tuluyan akong lamunin ng nakakabinging kadiliman.
QuinnKinabukasan, maaga akong nagising dahil sa kakaibang pakiramdam sa aking tiyan.Noong una ay inakala kong nagugutom lamang ako. Bahagya akong gumalaw sa pagkakahiga at sinubukang umupo, ngunit bago pa ako tuluyang makabangon ay biglang umikot ang sikmura ko. Napahawak ako sa aking bibig at mabilis na bumaling sa kabilang panig ng kama.Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili.Agad akong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo, kung saan halos hindi ako nakarating sa toilet bago ako tuluyang nasuka."Quinn?"Narinig ko ang boses ni Gavri mula sa likuran ko. Halatang nagising siya nang mapansin niyang wala na ako sa tabi niya. Ilang segundo lamang ang lumipas ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likod, marahang hinahagod iyon habang nakayuko ako sa harap ng toilet."My dear wife, what's wrong?" nag-aalalang tanong niya. "Are you feeling sick?"Hindi ako agad nakasagot. Patuloy akong nasusuka, at kahit wala nang halos laman ang aking tiyan, hindi pa rin tuluyang nawawala a
QuinnKinahapunan, magkasama kaming bumiyahe ni Gavri patungo sa Sterling Estate. Habang papalapit kami sa mansyon ng pamilya Sterling, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa ekspresyon ng asawa ko.=Kanina ay nakangiti at kalmado lamang siya habang ipinapasyal ko siya sa Queen's Estate, pero ngayon ay mas seryoso na ang kanyang mukha.Alam kong hindi ito simpleng pagbisita para sa kanya.May mga miyembro ng pamilya niya na hindi naging masaya sa akin. May mga pagkakataong kinuwestiyon nila ako, at may mga pagkakataon ding tila nakalimutan nilang hindi ako isang taong maaari nilang kontrolin o gamitin para sa kanilang sariling interes.At bilang asawa ko, hindi niya hahayaang maulit iyon.Nang makarating kami sa estate, agad kaming sinalubong ng mga staff. Ipinaalam ni Gavri na gusto niyang makausap ang kanyang pamilya sa main manor, kaya mabilis na ipinasa ang mensahe sa mga naroon.Hindi nagtagal ay nasa malaking receiving room na kami, kung saan nagsimulang dumating ang ilan
QuinnKinabukasan, maaga kaming nagising ni Gavri sa Saunders mansion. Halos hindi ko namalayan ang paglipas ng gabi dahil sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw, pero sa pagkakataong iyon ay mas magaan ang pakiramdam ko.Nakapagpalipas ako ng oras kasama ang aking mga magulang, at kahit sandali lamang ay naramdaman kong para bang unti-unti kong nababawi ang mga panahong nawala sa amin.Matapos kaming mag-almusal kasama sina Dad at Mommy, nagpaalam na rin kami ni Gavri. Marami pa kaming kailangang asikasuhin, lalo na't may isang bagay akong matagal nang gustong sabihin sa aking asawa.Ilang beses ko na iyong naisip noong mga nakaraang araw, ngunit dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay palagi ko iyong ipinagpapaliban.Ngayon, wala na akong balak na maghintay pa.May isang malaking lihim akong kailangang ipagtapat kay Gavri, at gusto kong sa akin mismo niya iyon marinig.Pagdating namin sa sasakyan, nauna akong sumakay sa passenger seat habang si Gavri naman ay umupo sa driver's
Quinn“Anong sinabi mo?” Nanlalaki ang mga mata ng aking ina sa gulat.Kakasabi lamang ng aking ama ng tungkol sa akin at ngayon nga ay nakatunghay sa akin si Mommy na tila hindi makapaniwala. Tumingin siya kay Dad na tila ba gusto nitong siguraduhin sa kanya ang katotohanan ng kanyang narinig.“It’s true, honey. Nung araw na makidnap ka ay natanggap namin ang resulta ng DNA test. She’s really our daughter,” nakangiti pero may luha sa mga matang sabi ni Dad.Tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Mommy ng tumingin siya sa akin.She was sitting sa tapat namin ni Gavri habang katabi si Dad pero mabilis itong tumayo at umupo sa tabi ko.Bigla niyang sinapo ang aking magkabilang pisngi habang sige ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.“My daughter?” tanong niya, tumango ako. “You’re really my daughter?” ulit pa niya.“Yes, I am your real daughter—”Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong niyapos.Mahigpit na tila ba ayaw niya akong pakawalan.It feels warm, like it cou
QuinnDalawang araw na ang nakalipas ng mailigtas ang aking ina mula sa kamay ng mga kidnapper. Pero hanggang ngayon ay parang nanlalambot pa rin ang aking mga tuhod dala ng takot.I just found out na sina Stanley at Frances ang aking tunay na mga magulang ngunit may malaking kaganapan na agad ang nangyari.Nakidnap ang aking ina at namatay si Daphne.At matapos naming maihatid sa kanilang mansyon ang aking mga magulang ay hindi ko pa sila ulit nakita.Naging busy kami ni Gavri sa mga nahuling kidnapper at sa grupo ni Adam.Dahil si Lucas ang susi para malaman kung sino ang nag-utos sa kanya para kunin ako sa mga Saunders noong sanggol pa lamang ako ay ginawa ni Gavri ang lahat upang mapayagan kami ng pulisya na i-interrogate ang lalaki.Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Lucas hanggang sa ipaalam namin sa kanya na namatay na si Daphne.Nagwala ang lalaki, hindi makapaniwala na ang anak na pilit niyang iningatan at tinago kay Adam ay mawawala na lang ng ganon.“Frances Saunders was
Third PersonSa kabilang panig ng siyudad, maingat na nagmaneho si Stanley patungo sa abandonadong warehouse na itinuro ng mga kidnapper. Nasa likod ng sasakyan ang perang hinihingi ng mga ito, maayos na nakalagay sa ilang malalaking bag.Tahimik siyang nakaupo sa likod, hawak ang cellphone at pilit na pinananatiling kalmado ang kanyang paghinga. Ilang beses na niyang sinilip ang screen, umaasang may tawag mula kay Frances, ngunit nanatiling walang pagbabago ang display.Sa labas ng sasakyan, nakapuwesto na ang grupo ni Gavri kasama ang kanyang mga tauhan, si Ranier, at ang mga pulis.Hindi sila direktang nakapaligid sa sasakyan ni Stanley upang maiwasang mahalata ng mga kidnapper na may kasama siyang ibang tao. Sa halip, maingat nilang binantayan ang mga posibleng pasukan at labasan sa lugar, handang kumilos kapag nagbigay na ng senyas si Gavri.“Everyone in position?” mahinang tanong ni Gavri sa kanyang komunikasyon.“Positioned,” sagot ng isa sa kanyang mga tauhan.“Police units ar







