تسجيل الدخولQuinn
Araw ng first wedding anniversary namin ni Gavri.
Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinititigan ang madilim nitong screen. Halos ilang minuto na rin akong nakatulala roon, umaasang anumang sandali ay sisindi iyon dahil sa isang tawag o mensaheng matagal ko nang hinihintay.
Ngayon din ang balik ni Gavri mula sa business trip niya. Bago siya umalis isang buwan na ang nakalipas, malinaw niyang sinabi na may kailangan kaming pag-usapan pagbalik niya. Dahil doon, kahit gaano pa kabigat ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang buwan, pinili kong maghintay.
At umaasang baka sa pagkakataong ito, iba na ang kahihinatnan ng pag-uusap naming dalawa.
As for the surprise na paulit-ulit na binabanggit ni Lola Neria?
Wala akong balak na tanggapin iyon.
Hindi ko na kailangan ng kahit anong regalo, mamahaling alahas, bouquet ng bulaklak, o engrandeng anniversary surprise na manggagaling pa kay Gavri. Wala nang halaga ang mga materyal na bagay kung ang taong nagbibigay naman nito ay matagal nang wala ang puso sa relasyon.
Isang taon.
Isang buong taon akong nagsumikap maging mabuting asawa.
Isang buong taon kong sinubukang intindihin ang pagiging malamig niya, ang pagiging abala niya sa trabaho, at ang mga pagkakataong kahit magkatabi kami ay pakiramdam ko milya-milya ang pagitan naming dalawa.
Idagdag mo pa ang dalawang beses isang buwan lang namin na pagkikita para lamang sa matugunan ang init ng kanyang katawan.
Ginawa ko ang lahat ng alam kong kaya kong gawin.
Pero minsan, kahit ibigay mo ang buong sarili mo, hindi pa rin sapat kung ang taong pinaglalaanan mo ay hindi naman marunong lumingon.
Napatingin ako sa wall clock.
Bandang hapon na.
Lumipas na ang ilang oras mula nang dapat ay nakauwi na siya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam maliban sa katahimikang unti-unting pumapatay sa natitira kong pag-asa.
Napangiti ako nang mapait.
"Of course," bulong ko sa sarili habang marahang umiling. "Ano pa nga ba ang ine-expect ko?"
Tumayo ako mula sa kama at kinuha ang maleta na ilang araw ko ng inihanda. Hindi naman marami ang dala ko dahil wala rin naman akong planong magtagal sa lilipatan ko.
Ang apartment na nahanap ko ay maliit lang.
Hindi iyon katulad ng mansyon na ito na punong-puno ng mamahaling gamit at malalawak na silid.
Pero sapat na iyon para sa isang taong pagod nang magpanggap na masaya.
Sapat na iyon para sa isang taong gusto nang magsimulang mabuhay para sa sarili.
Mahigpit kong hinawakan ang hawakan ng maleta at nagsimula nang maglakad palabas ng kwarto.
Ngunit bago pa man ako tuluyang makarating sa pintuan...
Biglang umilaw ang screen ng cellphone ko kasabay ang pag-vibrate nito.
Napahinto ako.
Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang pangalan sa notification.
Gavri.
Nanatili akong nakatitig doon nang ilang segundo na parang natatakot akong buksan ang mensahe.
Ano na naman kaya ang sasabihin niya?
Huminga muna ako nang malalim bago dahan-dahang in-unlock ang cellphone.
Isang maikling mensahe lang ang bumungad sa akin.
Gavri: Let's meet at Queen's Garden Hotel Grand Hall now.
Napakunot ang noo ko.
Queen's Garden Hotel?
Bakit doon?
Bakit kailangan pa naming magkita sa hotel kung pwede naman kaming mag-usap dito sa bahay?
Hindi naman ito business meeting.
Mag-asawa kami.
O... baka dati na lang.
Lalo akong nalito habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe. Walang paliwanag. Walang kahit anong detalye. Isang simpleng utos lang na parang sigurado siyang susunod ako.
At ang mas nakakainis ay alam kong isang bahagi ng sarili ko ang gusto pa ring sumunod.
Biglang pumasok sa isip ko ang naging usapan namin ni Lola Neria ilang araw na ang nakakalipas.
"May surprise si Gavri para sa'yo, Quinn. Hintayin mo lang siya."
Nanlalamig akong napahawak sa dibdib.
Biglang nagbago ang ritmo ng tibok ng puso ko habang nagsimulang maglaro ang iba't ibang posibilidad sa isip ko.
Hindi kaya may koneksyon ang surprise na iyon sa gusto niyang pag-uusapan namin?
Dahan-dahan akong napalingon sa bedside table.
Tahimik na nakapatong doon ang isang puting envelope. Sa loob non ay ang divorce agreement namin.
Parang biglang bumigat ang buong silid sa simpleng pagtingin ko pa lang doon.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Hindi ko man aminin, pero may maliit na bahagi ng puso kong pilit na kumakapit.
Paano kung...
Paano kung nagbago na talaga ang isip ni Gavri?
Paano kung sa wakas ay na-realize niyang hindi pa huli ang lahat?
Paano kung gusto niyang subukan ulit?
Paano kung gusto niyang iligtas ang kasal naming matagal nang unti-unting namamatay?
Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sa kabila ng lahat ng sakit na tiniis ko sa loob ng isang taon, biglang nabuhay ang isang pag-asang akala ko ay nailibing ko na.
Napakagat ako sa ibabang labi.
Naalala ko ang umagang umalis siya.
Late na siyang umalis noon.
Naabutan pa niya akong magising at bago tuluyang lumabas ng aming silid, huminto pa siya sa may pintuan ng kwarto.
"Pagbalik ko ay kailangan nating mag-usap."
Maikli lang ang sinabi niya.
Pero sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon, parang may kakaibang emosyon akong nakita sa mga mata niya.
O baka gusto ko lang talagang maniwala.
Pero kasabay ng pag-asang iyon ay naalala ko ang mga larawang sunod-sunod na natanggap ko nitong mga nakaraang araw.
Mga litrato niyang may kasamang ibang babae. Si Daphne.
Mga blind item.
Mga balitang kumakalat sa social media.
Mga tsismis na halos araw-araw kong pilit binabalewala.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
Parang may dalawang boses na nagsisigawan sa loob ng isip ko.
Ang isa ay nagsasabing umalis na ako habang may natitira pa akong dignidad.
Ang isa naman ay pilit na hinihikayat akong manatili... at pakinggan muna ang sasabihin ng lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa sarili ko.
"Quinn..." mahina kong sambit sa sarili habang napapailing. "Ano ba talaga?"
Naguguluhan na ako.
Hindi ko na alam kung alin ang dapat kong paniwalaan.
Ang mga ebidensyang nasa harapan ko ba o ang pag-asang pilit pa ring kumakapit sa puso ko.
Muli akong huminga nang malalim.
Unti-unti kong niluwagan ang pagkakahawak ko sa hawakan ng maleta hanggang sa tuluyan ko iyong binitawan.
Marahang bumagsak ang maleta sa sahig.
"No," mahina ngunit matatag kong sabi. "Siguro... kailangan muna talaga naming mag-usap."
Kung ito na ang magiging katapusan ng lahat...
Gusto kong marinig mismo mula sa kanya.
Walang ibang tao.
Walang tsismis.
Walang litrato.
Si Gavri lang at ako.
Tumango ako sa sarili, saka muling humugot ng malalim na hininga na para bang naghahanda sa isang laban na matagal ko nang iniiwasan.
"For the last time..." mahina kong bulong habang pinupunasan ang namuong luha sa gilid ng mga mata ko. "Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon, Gavri."
Hindi ko alam kung tama ba ang desisyong iyon.
Hindi ko alam kung pag-asa ba ang naghihintay sa akin o panibagong sakit na tuluyan nang dudurog sa natitira kong puso.
Pero kailangan kong malaman ang totoo.
Kaya walang lingon akong lumabas ng kwarto, tinahak ang mahabang hallway ng bahay na naging tahanan ko na simula ng ikasal kami ni Gavri, at dumiretso sa garahe.
Ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan habang nakatitig sa malaking bahay sa likuran ko.
Napangiti ako nang mapakla.
Hindi ko alam kung babalik pa ba ako rito pagkatapos ng gabing ito.
Marahan akong sumakay sa driver's seat, isinara ang p***o, at mahigpit na hinawakan ang manibela bago pinaandar ang makina.
Habang unti-unting lumalayo ang sasakyan sa mansyon, pakiramdam ko ay unti-unti ring lumalayo ang buhay na pinangarap kong mabuo kasama si Gavri.
At hindi ko pa alam na ang hapong ito ang tuluyang magbabago sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa aming dalawa.
QuinnHindi ko alam kung saan nagpunta si Gavri matapos niyang umalis ng hospital room ko. Pero matapos kong makausap Denzel, ang aking right hand man ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor.“Mrs. Sterling,” tawag ng doktor. Napangiwi ako. Paano ko nagawang magpakasal sa lalakking yon?Ah, oo nga pala.Dahil gwapo at maganda ang katawan and I am a sucker to both. At dahil sa nangyari sa amin ay nadagdagan pa ng isa. He’s very good in bed.Damn, Laree.“Doctor, can I be discharge now?’ tanong ko.Saglit na natigilan ang doktor na tila hindi alam ang sasabihin.“Pero ang sabi ni Mr. Sterling ay—”“I don’t care what he says. Ako ang pasyente kaya ako ang masusunod para sa sarili ko.”“But he’s—-”“Am I in danger?” putol ko sa sasabihin niya. Ayaw ko ng makarinig pa ng kahit na anong tungkol kay Gavri.“Okay naman na ang lahat. You just need a comnplete rest after discharge. Tapos na kami sa lahat ng scan and the results are all good.”“Kung ganon, please process the d
Quinn"Laree? She's just a tool. When the time comes, we'll eliminate her.""She's nothing but a toy you'll get to play with once she's old enough.""If necessary, we can even send her to another Don's bed in exchange for territory.""Laree knows too much about us. We can't let her live."Napadilat ako nang mariin, kasabay ng isang malalim na paghigop ng hangin na tila ba matagal akong nalunod sa kailaliman ng dagat.Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame.Kasunod noon ang paulit-ulit na tunog ng isang heart monitor.Beep... Beep... Beep...Unti-unti kong inilibot ang tingin sa paligid.Amoy disinfectant.Puting kurtina.IV stand.At ang malamig na ilaw ng silid.Hospital.Nasa ospital ako.Ngunit hindi iyon ang pinakaunang bagay na tumatak sa isip ko.Hindi ang sugat sa ulo ko.Hindi ang matinding sakit na nararamdaman ko.Kundi ang katotohanang... bumalik na ang lahat.Lahat ng alaalang matagal na nawala. Lahat ng bahaging ninakaw sa pagkatao ko. Lahat ng katotohanang pilit
QuinnHabang nagmamaneho, mahigpit kong hawak ang manibela na para bang doon nakasalalay ang natitira kong katinuan.Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong lamang ng makina at ang tunog ng air conditioner ang kasama ko. Pero taliwas iyon sa ingay na nasa loob ng isip ko. Sunod-sunod ang mga tanong, pag-aalinlangan, at pag-asang pilit kong pinapatahimik.Please...Please let this be about us.Please let this be the day na pipiliin niya rin akong ipaglaban.Hindi ako relihiyosong tao, pero sa mga sandaling iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang magdasal."Sana..." mahina kong bulong habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. "Sana tungkol sa pagsasaayos ng pagsasama natin ang gusto mong pag-usapan, Gavri.""Sana hindi pa huli ang lahat."Hindi ko namalayang kumakapit na pala nang mahigpit ang mga daliri ko sa manibela.Pakiramdam ko, isang maling sagot lang ang maririnig ko ngayong hapon at tuluyan nang mababasag ang puso kong ilang beses nang binuo at dinurog ng iisang
QuinnAraw ng first wedding anniversary namin ni Gavri.Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinititigan ang madilim nitong screen. Halos ilang minuto na rin akong nakatulala roon, umaasang anumang sandali ay sisindi iyon dahil sa isang tawag o mensaheng matagal ko nang hinihintay.Ngayon din ang balik ni Gavri mula sa business trip niya. Bago siya umalis isang buwan na ang nakalipas, malinaw niyang sinabi na may kailangan kaming pag-usapan pagbalik niya. Dahil doon, kahit gaano pa kabigat ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang buwan, pinili kong maghintay.At umaasang baka sa pagkakataong ito, iba na ang kahihinatnan ng pag-uusap naming dalawa.As for the surprise na paulit-ulit na binabanggit ni Lola Neria?Wala akong balak na tanggapin iyon.Hindi ko na kailangan ng kahit anong regalo, mamahaling alahas, bouquet ng bulaklak, o engrandeng anniversary surprise na manggagaling pa kay Gavri. Wala nang halaga ang mga materyal na bagay kun
QuinnKahit nasasaktan ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay.Pero dahil sa nakita ko sa social media, pati na rin sa larawan na pinadala sa akin ni Daphne ay nagdesisyon na akong makipaghiwalay kay Gavri.Ayaw ko ng sayangin ang buhay ko sa kanya.Para sa akin ay sapat na ang halos isang taong pag-asam na mababago ang damdamin niya o kahit man lang ang pakikitungo niya sa akin.Nagdesisyon akong makipaghiwalay na sa kanya.I should learn to love and live for myself.Wala akong ibang libangan kundi ang makipag-chat kay Shalani. She's working kaya madalas na weekend lang kami nagkikita. Kung minsan ay hindi pa. At sa mga panahon na ako lang mag-isa ay nasa bahay lang ako.Kasalukuyan akong nasa balcony ng aming silid at nagdidilig ng alaga kong mga halaman ng biglang tumunog ang aking cellphone.Kinuha ko iyon sa ibabaw ng mesa at tinignan.“I'll be back next week. We will talk.”Text mula kay Gavri. Muli kong nilapag ang cellphone at nagpatuloy na sa pagdidilig na parang wala akong
QuinnMarahan kong minulat ang aking mga mata.Dama ko pa ang sakit ng katawan dulot ng nagdaang gabing pag-angkin ni Gavri sa akin.Ngunit sa kabila non ay hindi ko maipaliwanag kung bakit masaya pa rin ako. Alam ko na para sa kanya ay sex lang ang lahat ng ito. Ginagampanan lang namin ang obligasyon bilang mag-asawa.Makailang beses niya akong inangkin kahit na nga lasing siya. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan. Ang sabi nila ay nawawala ang pagnanasa ng isang lalaki kapag lasing. Ngunit hindi si Gavri. He’s a beast in bed everytime na aangkinin niya ako dahilan upang mag-iwan siya ng mga marka sa aking buong katawan.“You're awake.”Bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng tinig.Nakita ko si Gavri, nakatayo malapit sa may pinto at inaayos ang cufflink ng longsleeve polo na suot niya.Gamit ang kumot ay tinakpan ko ang aking katawan habang bumabangon at nakayuko ang ulo bago nagsalita.“Ipaghahanda kita ng almusal.”“No need,” tugon niyang wala man







