LOGINAyun at talagang nakukuha pa niyang makipaglambingan... Okay lang yan, kaysa naman ma-stress ka sa kakaisip ng tungkol sa Mommy mo.
JenelynKatatapos ko lang maligo nang dumiretso ako sa silid ni Bradley.Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko siyang nakita.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nakapagpalit na siya ng pambahay at bahagya pang basa ang buhok niya, senyales na kalalabas lang din niya mula sa banyo.Hindi siya gumagawa ng kahit ano.Tahimik lang siyang nakaupo, tila may malalim na iniisip.Kanina habang sabay kaming naghahapunan ay naikuwento na niya sa akin ang lahat ng nangyari sa mansyon.Hindi ko man nakita ang eksena mismo, ramdam ko ang bigat ng mga pinagdaanan niya.Ikinuwento niya kung paano muling ipinagtanggol ni Alfonso ang babaeng nagpapanggap na Mildred. Kung paano nito pinaniwalaan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng impostora.At higit sa lahat, kung gaano kahirap para kay Bradley ang manatiling tahimik.Sapat na sana ang mga ebidensyang hawak nila upang magalit siya.Pero hindi pa sapat ang mga iyon upang tuluyang ilantad ang katotohanan.Kailangan pa rin nilang hintayin ang resul
JenelynAlam kong hindi basta-basta nagpapatawag si Lolo Ruel ng kahit sino sa mansyon, lalo na kung si Bradley ang hinahanap niya. Sa ilang buwan ko nang nakikilala ang pamilya Salazar, alam ko na may sapat siyang dahilan sa tuwing gumagawa siya ng ganoong hakbang.Kaya nang sabihin sa akin ni Bradley na pinapunta siya ng kanyang lolo sa mansyon, hindi ko na siya tinanong pa kung bakit. Pakiramdam ko ay may kinalaman iyon sa nangyayari sa kanilang pamilya. Posibleng may bagong impormasyon, o baka naman muling nagkaroon ng pagtatalo dahil kay Tita Mildred.Habang iniisip ko iyon ay tumayo muna ako mula sa workstation ko. Ilang oras na rin akong nakatutok sa harap ng monitor at nagsusulat ng codes para sa Dr. Machine. Kailangan ko ring bigyan ng pahinga ang sarili ko kahit ilang minuto lang.Nagpunta ako sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso. Tahimik ang buong condo. Tanging mahinang ugong ng air conditioner at refrigerator ang maririnig. Habang umiinom ako ay hindi k
Third Person“I am your father.”Mababa ngunit matigas ang tinig ni Alfonso. Hindi man siya sumisigaw, sapat na ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya upang maramdaman ng lahat ang kanyang hinanakit.“Paano mo nagawa na pagsalitaan ako nang ganyan, Bradley?”Diretso ang tingin niya sa panganay na anak. Hindi niya maitago ang sakit na nararamdaman dahil sa unang pagkakataon ay tila kinukuwestiyon ng sariling anak ang kanyang desisyon bilang ama.“Isa pa,” dugtong pa niya, “sarili mong ina ang pinaparatangan ng lolo mo. Kung hindi ako ang magtatanggol sa kanya, sino pa ang gagawa no'n? Bilang asawa niya, responsibilidad kong protektahan siya. Hindi ko hahayaang may basta na lang magbibintang sa kanya nang walang sapat na dahilan.”Tahimik na nakinig si Bradley.Marami siyang gustong sabihin.Marami siyang gustong ilabas.Sa bawat salitang ipinagtatanggol ng ama ang babaeng nasa tabi nito ay tila mas lalo lamang kumukulo ang dugo niya. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, pilit niyang p
Third Person“Kung hindi mo talaga magagawang tanggapin ang asawa ko, mabuti pang umalis na lang kami rito sa mansyon.”Mabigat ang tinig ni Alfonso nang bitawan niya ang mga katagang iyon. Hindi iyon simpleng pagbabanta o bugso ng damdamin. Ramdam ng lahat na handa siyang panindigan ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Mildred, para bang gusto niyang iparamdam dito na anumang mangyari ay hindi niya ito bibitawan.Nagulat ang lahat ng naroon.“Dad!” halos sabay-sabay na bulalas nina Nathan, Calvin, at Matthew. Hindi nila inaasahang darating sa puntong handang talikuran ng kanilang ama ang tahanang kinalakihan niya para lamang ipagtanggol ang babaeng mahal niya.Nanlaki rin ang mga mata ni Lolo Ruel. Hindi niya inakalang magiging ganoon kabigat ang magiging reaksyon ng anak. Akala niya ay kahit paano ay maglalaan ito ng panahon upang makinig sa kanila, ngunit tila tuluyan na itong nabulag ng pagmamahal kay Mildred.Samantala, bahagyang yumuko
Third Person“Dad, simula nang dumating si Jenelyn dito sa mansyon ay mas lalo ninyong hindi nagustuhan si Christine.”Basag ni Mildred sa katahimikan ang mabigat na katahimikan sa loob ng living room.Hindi na niya sinusubukang itago ang sama ng loob na matagal na niyang kinikimkim. Mula nang magsimula ang usapin tungkol sa kanila ni Christine ay pakiramdam niya ay unti-unting nagbabago ang tingin ng buong pamilya sa kanya.“Pati ang magandang trato ko kay Christine ay napansin n’yo na rin,” dugtong pa niya habang nakatingin kay Ruel. “Nakalimutan n’yo na ba? Ang presensya niya ang naging dahilan kung bakit nag-enjoy ako nang bumalik ako rito sa mansyon.”Bahagyang napahigpit ang hawak ni Mildred sa braso ng asawa.Sakto ang tiyempo ng pagsasalita nito.Sakto rin ang punto.At alam niyang iyon ang pinakamabisang paraan upang maibalik ang emosyon ni Alfonso sa panig niya.“Alfonso…” mahina niyang tawag sa asawa na tila ba humihingi ng saklolo.Nakuha naman ni Alfonso ang nais ng asawa
Third Person“Dad, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit mo sa asawa ko.”Basag ang katahimikan ng mabigat na tinig ni Alfonso. Nakatingin siya kay Lolo Ruel, puno ng pagkalito at sama ng loob. Hindi niya matanggap ang malamig na pakikitungo ng sariling ama sa babaeng buong puso niyang minahal sa loob ng napakaraming taon.“Okay naman kayo noong una,” dugtong niya habang pilit na inuunawa ang sitwasyon. “Sa totoo lang, ikaw pa nga ang isa sa mga pinakamasayang tao nang ipakilala ko sa inyo si Mildred. Pero simula nang bumalik siya… parang bigla na lang nagbago ang lahat. Para bang naging estranghero siya sa paningin mo.”Tahimik lamang si Lolo Ruel. Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakaupo, nakasandal sa sofa habang pinagmamasdan ang anak na unti-unti nang inilalabas ang lahat ng kinikimkim nitong emosyon.Hindi alam ni Alfonso kung saan nagsimula ang lahat.Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang alaala ang mga panahong nagsisimula pa lamang silang dalawa
Jenelyn“Ano naman ngayon kung may sixty million ako?” tanong ko, dahan-dahang itinataas ang baba ko habang diretso ang tingin kay Celetse. Hindi ko itinago ang bahid ng kayabangan sa boses ko, sinamahan ko pa ng bahagyang pag-irap para siguradong makarating sa kanya ang punto ko. “Inggit ka?”Ramda
Bradley“Para sa future daughter-in-law n’yo?” tanong ni Asher matapos nitong makahuma sa kakatawa, bahagya pang pinupunasan ang gilid ng labi na tila ba hindi pa tuluyang nakakarecover sa huling sinabi ni Jenelyn.Hindi man lang nag-alinlangan ang babae. “Mmm,” tugon niya habang marahang tumatango
BradleyAko clingy?“Fine. Wala na akong sinabi,” sabi ko kay Jenelyn, pinipilit panatilihing steady ang boses ko kahit ramdam kong unti-unti nang kumikipot ang pasensya ko. Hindi ko na siya pinigilan pa, dahil sa puntong iyon ay malinaw na kahit anong sabihin ko ay hindi rin niya susundin. Mas lalo
JenelynNang tuluyan akong makalapit sa mesa nila, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Diretso akong tumayo sa tabi ni Bradley, hawak pa rin ang plato ko habang sabay-sabay na napatingala sa akin ang limang lalaki.For a moment, walang nagsalita.At dahil doon, kusang kumurba ang labi ko sa isang pily







