Share

Chapter 61

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-04-17 21:30:12
Jenelyn

“Ano naman ngayon kung may sixty million ako?” tanong ko, dahan-dahang itinataas ang baba ko habang diretso ang tingin kay Celetse. Hindi ko itinago ang bahid ng kayabangan sa boses ko, sinamahan ko pa ng bahagyang pag-irap para siguradong makarating sa kanya ang punto ko. “Inggit ka?”

Ramdam ko ang biglang pagbigat ng hangin sa paligid. Parang kahit ang mga players na kanina lang ay abala sa practice ay napapahinto at napapalingon sa amin. Hindi na ito simpleng bangayan—isa na itong eks
MysterRyght

Paki-like, comment and gem votes po dahil motivation ko pa yan. Maraming salamat!

| 43
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
merlita
mayaman si jen mayaman pa ang lolo
goodnovel comment avatar
Anne Saballero
pa ikot2 na lbg ang story nito
goodnovel comment avatar
Manang Beb
nag tataka din aqo ky lex Bigla Bigla nasa eksena ahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 188

    JenelynAng bilis ng panahon. Pakiramdam ko ay kailan lamang nang dumating ako sa mansyon ng mga Salazar dala ang pagkainis at pagtutol sa plano ni Lolo, ngunit ngayon ay malapit nang matapos ang unang semester.Marami nang nangyari sa loob ng ilang buwan. Kung minsan ay napapaisip ako kung paano nagawang baguhin ng iilang tao ang direksyon ng buhay ko nang hindi ko namamalayan.Naging maayos na rin ang sitwasyon nina Marie. Totoo sa sinabi niya, hindi siya pumayag na hayaan na lamang ang lahat ng naitulong ko sa pamilya nila. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi naman kailangang bayaran ang mga iyon, patuloy pa rin siyang naghuhulog ng pera sa account ko.Hindi man kalakihan ang halaga, alam kong mahalaga iyon para sa kanya at sa kanilang pamilya. Nakausap ko na rin ang ama niya matapos itong makauwi mula sa ospital. Halos hindi nito maitago ang pasasalamat habang kausap ko siya. Sa huli ay tinanggap ko na lamang ang gusto nilang gawin dahil alam kong hindi iyon tungkol sa pera ku

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 187

    JenelynNaglalakad ako papunta sa classroom para sa first subject ko nang bigla na lamang may yumakap sa akin mula sa gilid. Dahil sa gulat ay napahinto ako sa paglalakad at muntik pang mawalan ng balanse. Nang makilala ko kung sino iyon ay agad na napalitan ng pagtataka ang gulat ko.“Jen!” umiiyak na tawag ni Marie sa pangalan ko habang mahigpit akong niyayakap.Napakurap ako at agad siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “Uy, anong nangyayari sa’yo?” tanong ko habang sinusubukang tingnan ang mukha niya.Gayunpaman, lalo lamang siyang kumapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at ang mahinang paghikbi na pilit niyang pinipigilan. Ilang estudyante na rin ang napapalingon sa amin habang naglalakad sa hallway. May ilan pang halatang nagtataka kung bakit umiiyak si Marie sa umagang iyon.“Thank you,” sabi niya sa pagitan ng kanyang paghikbi. “Sobrang thank you talaga, Jen.”Hindi ko napigilang mapangiti. Dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik at marahang hinagod ang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 186

    BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 185

    BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 184

    BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 183

    JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 96

    Bradley Masamang tingin ang binigay ko sa mga kaibigan ko ng sunod-sunod silang nagbatian kay Jenelyn na may kasamang yakap. Ang nakakainis, lahat sila ay nakatingin sa akin habang ginagawa iyon na tila ba nang-iinis. Ano ba ang babaeng 'to, payag na mayakap ng kung sino! Kung makatawag ng f

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 95

    Bradley“Binigyan mo ng trabaho si Jenelyn?”Kaswal ang tanong ni David, ngunit may halong interes habang inaayos niya ang hawak sa golf club. Tahimik ang paligid ng golf course, tanging ihip ng hangin at mahihinang tunog ng paghampas ng bola ang maririnig. Isang tipikal na Sabado—kalmado, maayos, a

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 94

    BradleySa totoo lang, para sa aming dalawa ang pagkain na in-order ko.Pagdating ko pa lang kanina, napansin ko na agad ang estado niya—kakagising lang, halatang pagod, at tila wala pang malinaw na plano kung ano ang kakainin. Hindi naman ako ignorante sa gano’ng klaseng sitwasyon.Alam ko kung gaa

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 93

    JenelynMatapos kong iluto ang instant noodles, maingat ko itong sinalin sa isang may kalakihang bowl. Umaangat pa ang usok mula rito, dala ang pamilyar na amoy na lalo lamang nagpaalala kung gaano ako kagutom.Saglit ko pa itong pinagmasdan bago ko dinala papunta sa mesa, kung saan tahimik na nakau

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status