Share

Chapter 5

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-02-13 16:34:25

Bradley

“Cal! Tinawag niya akong Cal!” iritadong sabi ni Calvin habang palakad-lakad siya sa harapan ko. Nasa study room ako at kasalukuyang tinitignan ang report na binigay sa akin ng aking assistant na si Charles.

Gusto kong magkaroon ng bagong line ng jewelry at for three years ay matunog ang pangalang “EmNagui”. Wala pang nakakakita sa kanya at walang may idea kung paano sila nagtatransact ng fashion luxury brand na Epitome Fashion.

“It's late, itulog mo na lang yan.” Walang buhay ang pagkakasabi ko at nanatili ang mga mata ko sa dokumentong hawak ko.

“Are you not listening? Hindi mo ba naiisip na baka mamaya ay ako na pala ang target niya?” Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. 

“Congratulations, magkakaasawa ka na.”

“Kuya!” bulalas niya, nanlalaki ang mga mata.

“You know what, I'm really busy. Hindi ko na alam kung paano ko matatagpuan ang hinahanap ko ay dumadagdag ka pa.”

“Alam mo naman siguro na late na. Hindi ka ba magpapahinga man lang?” tanong niya.

“Do I look like I have that luxury?” tanong ko habang ibinalik ang tingin sa report na hawak ko. 

“Kuya, sa tingin ko dapat ay matuto ka ring magpahinga. Isipin mo, kapag narelax ka ay lilitaw ang gandang lalaki mo. Kapag lumitaw ang gandang lalaki mo ay hindi ka na magmumukhang matandang masungit,” sabi ni Calvin at mukhang hindi niya napapansin ang paghigpit ng pagkakakapit ko sa folder dahil patuloy pa rin ito sa pagsasalita.

“Sigurado ako na mababaling na sayo ang pagtingin ni Jenelyn. In that way, malaya na akong—”

Bigla siyang tumigil sa pagsasalita ng mapansin niya na ang matalim na tinging binibigay ako. 

“In that way, matutulog na ako–” At mabilis na siyang nanakbo palabas ng study room.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Naipatong ko ang aking siko sa lamesa at tsaka hinilamos ang mga kamay sa aking mukha.

I feel so exhausted tapos dumadagdag pa talaga si Calvin? Isama pa ang Jenelyn na ‘yon at ang pagrereto ni Lolo.

Bakit ba kasi ang hirap mahanap ng jewelry designer na ‘yon? Pinahalughog ko na ang buong Boston dahil ayon sa imbestigasyon ay mula doon ang entry ni EmNagui na nanalo sa isang prestihiyosong kompetisyon sa Dubai five years ago.

Three years ago ay mas lalong pumutok ang pangalan niya at nagulat na lang ang lahat ng malaman na pumirma si EmNagui ng kontrata sa Epitome Fashion na noon ay nagsisimula pa lang. Walang kontrata na lumitaw online pero malinaw na ang jewelry collection ng Epitome ay mula sa sikat na si EmNagui kung ang pagbabasehan ay ang mga design nito.

Damn.

Kailangan ko talaga ang jewelry designer na ‘yon. Ang market dito sa bansa ay talagang lumalawak kaya gusto ko na mapasama sa line of jewelry collection ng kumpanya si EmNagui.

Kinusot ko ang aking mga mata at muling tumingin sa folder. Maybe EmNagui just wanted a lowkey life kaya ayaw niya ang nae-expose.

Whatever! Sumasakit pa rin ang ulo ko.

Then, bigla akong natigilan ng maalala na naman si Calvin.

Totoo ba na tinawag siya ni Jenelyn na Cal?

Sa palagay ko ay totoo. Hindi naman magwawala ang ungas na ‘yon ng ganon kung hindi.

Pero si Lolo…

“Bradley, apo. Gusto ko sana na subukan mong kilalanin si Jenelyn. Sa inyong magkakapatid, naniniwala ako na ikaw ang mas nababagay para sa kanya. Sigurado akong hindi ka magsisisi dahil napakalively niya,” sabi ni Lolo sa akin kanina matapos ang aming tanghalian. Hindi na ako pumasok sa opisina at nagdesisyon na lang na dit nga sa bahay magtrabaho.

Lively? Sa palagay ko ay mas lalong sasakit ang ulo ko kung magiging asawa ko ang babaeng ‘yon.

Maigi na nga siguro kung sila ni Calvin ang magkatuluyan.

Ako, wala akong balak makisali sa gulo nila.

Si Jenelyn? Mag-aaral daw siya pero dito titira. Hindi naman kami magkikita araw-araw kaya sa palagay ko ay tolerable na ang kaalaman na may kasama kaming ibang tao dito.

Sinara ko ang folder at tumayo para lumabas ng silid at pumunta sa sarili kong kwarto.

Palabas na ako ng biglang tumunog ang aking cellphone at nakita ko ang pangalan ni Charles. Dahil alam kong hindi siya tumatawag ng walang dahilan lalo sa ganitong oras ay agad kong sinagot iyon.

“Sir, medyo good news.”

Medyo lang?

“Say it,” sabi ko sa malamig na tinig at tuluyang lumabas ng study room. Pagsara ko ng pintuan ay saktong nagsalita si Charles.

“Nakarating sa akin ang balita na nandito sa bansa ang hinahanap natin.”

Natigilan ako. “Sigurado ka na nandito sa bansa si EmNagui?” tanong ko, kasunod ang pagbaling ko ng tingin at nakita ko si Jenelyn na tnakatingin sa akin.

For a moment, napansin ko na tila may gulat sa kanyang mukha. Pero dahil medyo madilim ang hallway ay hindi ko na pinansin iyon at tsaka naglakad ako papunta sa aking silid saka pinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Charles.

“Okay, make sure na malaman mo agad kung nasaan siya nag-i-stay.”

“Yes, Sir.” Iyon lang at tinapos na namin ang pag-uusap.

Medyo nakahinga ako ng maluwag.

Sana naman ay tuluyan na siyang matagpuan.

Then biglang nagbalik sa isip ko ang mukha ni Jenelyn.

Damn, bakit ba siya pumapasok sa isip ko? Bahala na sila ni Calvin. Mas bagay sila, sa totoo lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 186

    BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 185

    BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 184

    BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 183

    JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 182

    JenelynNaging maayos ang mga sumunod na araw.Sa katunayan, mas maayos pa kaysa sa inaasahan ko.Hindi ko akalaing talagang tutuparin ni Bradley ang sinabi niya noong gabing sinundo niya ako sa police station.Sinibak niya si Clarabelle.Hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala.I mean, kahit paano ay kilala ito ni Lolo Ruel. Medyo malapit din sila at alam kong may koneksyon pa rin ang pamilya nito sa ilang taong malapit sa pamilya Salazar. Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon ni Bradley, baka nagdalawang-isip pa.Pero hindi si Bradley.Kapag nakapagdesisyon na siya, mahirap na siyang baguhin.At ayon sa kanya, mas lalo lamang siyang nagalit nang makita niya ang CCTV footage mula sa bar.Hindi na niya sinabi ang lahat ng detalye sa akin, pero base sa ekspresyon niya nang mapanood iyon, alam kong mas marami siyang nakita kaysa sa mga naikwento namin sa police station.Sa huli, wala na rin naman akong pakialam.Matagal nang nakakaabala si Clarabelle sa buhay ko.Sa opis

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 181

    JenelynTahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang binabagtas ni Bradley ang daan pauwi.Matagal nang naihatid sina Denise at ang iba pa. Sa katunayan, halos kalahati ng biyahe ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang ilaw ng mga sasakyang kasalubong namin ang nagsisilbing kasama sa katahimikan.Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap kay Bradley.Pareho pa rin ang ekspresyon niya mula nang sunduin niya ako sa police station.Seryoso.Tahimik.At iyon ang mas nakakatakot.Mas gugustuhin ko pang magalit siya nang diretsahan kaysa sa ganitong hindi ko mabasa ang iniisip niya.Sa huli ay hindi ko na kinaya ang katahimikan.“Wala si Denver?” tanong ko, naghahanap lamang ng kahit anong pwedeng pag-usapan.Hindi man lang siya lumingon. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada.“Gusto mo pang mang-abala ng natutulog na tao?”Agad akong napakurap.Well...Mali yata ang napili kong topic.Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Sabi ko nga sa saril

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 75

    JenelynMatapos ang nangyari, niyaya na ako nila Charles na umalis at bumalik sa Grand Hyatt Seoul kung saan sila naka-check in. Wala na rin naman akong dahilan para magtagal pa sa Park Hyatt Seoul lalo at nagkita na kami dito.Tahimik kaming sumakay ng sasakyan. Umupo ako sa likod, katabi si Bradle

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 74

    JenelynPutik yan, mabuti na lang at agad ko siyang nakita. Kung hindi ay baka nabuking na ako.Anong ginagawa niya dito?Bakit siya nandito?Sa pagkakaalam ko ay nasa Grand Hyatt Seoul sila, bakit sila naggala dito?Nakabalik na ako galing meeting at pasakay na ako ng elevator ng maisipan kong magk

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 73

    BradleyHalos isang oras din kaming bumiyahe bago tuluyang makarating sa Park Hyatt Seoul. Mabigat ang daloy ng trapiko, at bawat minutong ginugugol namin sa kalsada ay parang may kasamang unti-unting pagtaas ng tensyon sa loob ko. Hindi ko man diretsong maipaliwanag kung bakit, pero pakiramdam ko a

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 72

    BradleyAn hour and a half past lunch time at kumakain ako nang tumunog ang cellphone ko, bahagyang napahinto ang kamay ko sa ere habang hawak ang kubyertos. Napatingin ako sa screen at nang makita ang pangalan ni David, agad ko iyong kinuha—hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.“Hey,” bungad niya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status