Share

4 get ready

Margaret's POV

Binibiro ba ako ni destiny? nakita ko na naman sya I mean that boy Julius, I don't like this feeling. Parang katulad lang noon ng ma fall ako sa ex ko.

Hindi pwede to! Ayoko ng mabilis na tibok  ng puso ko kasi naman parang nabasa ko ang bibig nya kanina.

Adik yong lalaking yon kakikilala pa lang kanina, yon na agad ang sinabi? I love you daw? Mukha nya! 

Pero parang seryoso sya parang may something sa kanya na di ko mawari,

"Ate pano ka nag karoon ng cake diba wala ng ganyang flavor?"

Singit ng kapatid ko sa aking malalim na pag iisip.

Ang taka kasi nya ng binuksan ko ang cartoon ng cake, kahit ako nagulat ng favorite ko nga ang nasa loob non.

Parang na amazed ako kay J, well I decide na yon ang na lang din ang itawag ko sa kanya since M tawag nya sakin. Sobra na namang mapagbiro ang tadhana kung makikita ko pa sya ulit diba?

Boung byahe wala silang ginawa kundi kulitin ako kung saan galing ang cake. Aish!! Ano big deal don? Pero sa maniwala kayo sa hindi di ko masabi na galing sa guy na bago ko lang nakilala, siguro ayaw ko lang maasar lalo nila yon lang.

At sa wakas pagkatapos ng matagal na byahe nakarating na rin kami.

God wala pa ring pag babago nagkaroon lang ng carnival at maliit na mall sa bayan and that's an hour na byahe, pag nasa bahay ka ni lola, so I mean kylangan ng effort.

Sinalubong kami agad ni lola at ng pinsan kong sila Cristy at Cedric kasing edad ko lang sila kambal kasi at wala na silang ama ang mama naman nila nasa ibang bansa, nurse kaya naiwan sila dito kay lola.

Nauna na kong mag-mano kay lola at humalik, tapos diretso sa loob. Aakyat sa nakatalaga kong room in this house.

Kaya lang napahinto ko sa sala ng may lalaki kong nakita nanonood  ng TV.

I admit gwapo but not my type kasi ang type ko ay mga lalaking?? Like....J? 

No! Erased I don't say that bakit ko ba naisip yon?

"Who the hell are you?"

Mataray kong tanong ng malinaw ko na ang utak ko about J, masyado kasing nakaw atensyon tong kumag na lalaki na nasa sala namin.

Parang may- ari nakataas pabang paa sa lamisita. 

But nagulat ito sakin, kanda ugaga nga to sa pag tayo ng makita ako. Tumama pa tuloy ang tuhod nya sa lamisita na tinuntungan ng paa nya kanina. Buti nga.

"Ahm I'm ace, friend of Cedric, and you Beautiful?"

Duh whatever.

Tinalikuran ko na agad  to, di basta-basta nakukuha ng kung sino- sino man ang name ko from my mouth. Umakyat na ko nang madinig ko pang pinag- uusapan ako ng pinsan ko at ng whatever na boy na yon.. Wala akong paki! 

.............................................................

Xander's POV

Kinabukasan ang aga ko gumising.

Dilat mata sampal mukha. Waaaa totoo talaga I'm back to my young self.

And the date? Tama bernesanto ngayon and today the official day na magkakakilala kami ni M tanda ko yon. Kasi kahapon binase ko lang sa sinabi ni M na don nya ko una nakita yong kumanta ako. Yon natandaan nya boses ko kaya nong nag kita kami sa burol' naalala nya ko, pero di agad kami naging close dahil yong pinsan nya may gusto sakin kaya tinutulak nya ko don kaya rin lagi kami nag- aaway naiinis kasi, ako kaw ba naman pamigay ng crush mo di ka mainis, but iba na ngayon I assure that! 

Bumangon na ko at inasikaso lahat, bumili ako ng favorite cake ni M, nag-pagwapo ng super at dinala ang gitara ko sa kanang balikat. Excited na ko makita sya! Parang tangang nakangiti at malapit na mapunit ang labi. Wala naman sakin maninisi diba? Kong bakit ganito ako kasaya.

Habang nag-lalakad ako papuntang burol biglang may dumamba sakin tsk, sino? 

Ang pinaka annoying kong kababata na si Missy. Kainis nakalimutan ko, patay na patay sakin to kaya twing umuuwi ako dito sa probinsya pinagtataguan ko, kaya nga lagi akong nasa burol... 'Cause Missy hate putek so much.' Maarte nya laging sinasabi yon. 

Grabe pero nagkakapag- taka ano kasi kahit ganyan din ang ugali ng M ko di ko nagustohan si Missy, siguro kasi parang kapatid lang sakin si Missy o di kaya kasi panay ang habol nya sakin samantalang  si M ko panay ang tulak sa kin. And maybe because she's my magnet and im her steel she's my only love and destiny as simple as that.

"Asan ka pupunta Xander?"

Tanong nito habang nakasabit pa rin sa likod ko na parang unggoy lang, naku pag nasira gitara ko patay sya sakin.

"Missy pwede ba bumaba ka ang bigat mo para kang baboy na nasa likod ko. Wait hindi rin pala parang unggoy rin."

Seryoso kong sabi.

"How dare you to say that! Kainis ka Xander ang mean mo!"

Sabay baba nito sa likod ko.

Aba tinatablan ka na ngayon ng words ko Missy? 

"And you know me right?  Kaya kong sabihin lahat at gawin lahat ng gusto ko." Nananakot kong sabi sabay unti-unting lapit  dito kaya napasandal to sa puno at mukhang natakot kasi mariing nakapikit ang mata nito. Haha ganito ako ka mean noon.. Lahat natatakot.

"Yah! Oo na panalo ka na Julius Xander!"

Ngumiti ako at habang nakapikit to kumaripas na ko ng takbo. Naluko ko na naman sya!

Narinig kong sumisigaw  to at pinababalik ako tinangka pa nga nitong habulin ako kaya lang with her heels I doubt it. Natatawa akong lumayo siguro nag tataka kayo bakit Xander tawag sakin ng lahat tapos kay M Julius ang sabi ko, kasi mabait pakinggan ang first name ko at sya lang ang gusto kong tumawag  sakin non. Basta yon na yon ayoko na mag explain ng mahaba gusto kung erelax boses ko para mas mabighani si M pag nadinig nya ko kumanta.

Pinag masdan ko ang burol galing ko talaga kahit sa future walang pinag bago to na i-maintain ko kasi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status