Kinabukasan, parang ang bigat ng ulo ko. Kailangan ko ng kape.
Diretso ako sa paborito kong café, hoping na sana ma-wash away ang weird vibes mula kagabi. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang saya ko, pero parang may mga tanong akong hindi ko kayang sagutin. Pagpasok ko sa café, may nakita akong familiar na mukha. “Luna!” Tawag ni Ethan. Napatingin ako. “Ethan?” tanong ko, parang di makapaniwala. Nakangiti siya. “Hindi ba’t ikaw ‘yung type na masarap ang kape dito?” “Baka,” sagot ko, “pero hindi ibig sabihin noon gusto ko mag-coffee date.” “Doon tayo sa counter.” He led the way. “Ano’ng order mo?” Nagkibit-balikat ako. “Same as usual na lang.” Habang naghihintay, ramdam ko pa rin ang awkwardness. Parang may tinatago siya parang hindi ko siya kilala, kahit pa ilang beses na kaming nagkita. Binigay niya ang kape ko. “Cheers?” “Cheers,” sagot ko, kahit na parang may something na hindi ko kayang i-ignore. Naglakad kami patungong mesa at naupo. Tahimik. May mga pagkakataong gusto ko nang magtanong, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Parang may binabalak siya, pero hindi ko pa siya kayang basahin. “Luna, seryoso lang,” sabi niya, habang nakatutok ang mata sa akin. “Bakit parang may iniiwasan ka?” “Hindi ko alam,” sagot ko, “siguro sa utak ko lang.” Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa kape niya. Bawat sagot niya, may halong misteryo, parang gusto ko na lang sumabog at itanong kung anong laro ito. “Baka,” sabi niya, tumingin sa mata ko. “Minsan, hindi ang sagot ang kailangan, kundi kung paano mo tinatanong.” Nanahimik lang kami, at ang utak ko naglalaban. Gusto ko siyang tanungin ng diretso pero alam kong may sagot siya na hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko alam kung saan ito patungo, pero ayoko ring tumigil. --- Tahimik kami sa loob ng café, at yung awkward na silence na yun, hindi ko na kayang pigilan. May mga sandali na gusto ko nang sumabog at magtanong, pero hindi ko pa rin alam kung anong direksyon ito pupunta. Tumingin si Ethan sa akin, ang mata niyang seryoso pero may konting pagka amused. “May masama bang nangyari kahapon?” tanong niya. “Wala,” sagot ko agad, “pero... parang may mali lang.” “Mali? Anong mali?” Nagkibit-balikat ako. “Baka sa ulo ko lang.” “Luna,” sabi niya, medyo pabirong tono. “Kung ako ang tatanungin, parang may hinahanap ka pa.” “Baka naman ikaw ang may tinatago,” sabi ko, habang kinukuha ang cellphone ko, parang binabaliwala ang mga tanong niya. Naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Hindi ko alam kung paano ko pa ito ipaliwanag sa’yo, pero… there are things I can’t tell you yet.” “Why?” tanong ko, na may halong inis. “Kasi may sikreto kang ayaw mong ibahagi?” “Something like that,” sabi niya. Tumango-tango lang siya, parang nagsususpense. Tumingin ako sa paligid, hindi pa rin kayang magpigil ng curiosity. “Sino ka ba talaga, Ethan?” Tumawa siya. “Bakit, masyado bang nakakaintriga?” “Medyo,” sagot ko, “pero teka, bakit parang ikaw ang may power dito?” Nagbuntong-hininga siya, “You’ll find out soon enough.” Hindi ko alam kung nananadya siya o kung talagang may pinag-aaralan siyang strategy na hindi ko pa nakikita. Pero nung tinanong niya ako, “Puwede ba natin itong gawing secret?” pakiramdam ko parang pinipilit niyang isara ang lahat ng pinto para makalabas. “Secret?” tanong ko, may halong pagtataka. “Kung anuman ang iniiwasan natin, baka magulo lang.” Pero he just shrugged, as if it was just another small thing. “Sometimes, Luna, secrets are the only thing keeping us sane.” Napansin ko ang mabigat niyang tinig. Para bang meron siyang ibig sabihin na hindi ko pa nakukuha. Pero bago ko makuha ang chance na magtanong, bigla siyang tumayo at nagsabi, “I’ll walk you out.” Hinawakan niya ako sa braso, gently, as if to prevent me from walking away. May init sa palad niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero parang hindi ko na kayang umiwas. Naglakad kami papunta sa counter, at ang buong paligid ng café ay parang isang pelikula—matamis na amoy ng kape, malambot na musika, at ang boses ni Ethan na parang palaging may sinasabi. “Order tayo ng parehong ginawa natin kahapon,” sabi ko, hindi na kayang itago ang ngiti. “Tamang-tama.” Umayos siya ng upo. “Pero anong twist ang meron?” “I’m not pretending anymore,” sabi ko, tapos nilingon ko siya. “Gusto kong malaman kung anong meron sa’yo.” Napatingin siya sa akin ng seryoso. “Ano ang tingin mo, Luna?” Wala akong sagot agad. Instead, nakipagtitigan lang kami. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pero ramdam ko na may magnet na umaakit sa’kin papalapit sa kanya. Hindi ko kayang alisin ang mga tanong sa isip ko. “Hindi ko alam. Pero gusto kong malaman.” Bago pa siya magsalita, lumapit ang waiter at inabot sa amin ang order. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kabado—parang lahat ng sinabi ko ay may halong kabigatan, ngunit nararamdaman ko ring may kakaibang koneksyon sa bawat sagot niyang ipinapaabot sa’kin. --- Habang kumakain kami, tumahimik kami. Ang mga mata niya ay parang may mga lihim na hindi ko pa kayang intindihin. Hindi ko matukoy kung totoo ba o laro lang ang lahat ng ito. “Alam mo, Luna, hindi mo pa rin alam kung ano ang pinapasok mo,” sabi niya bigla, ang boses ay halos pabulong. “Hindi ko rin alam,” sagot ko. “Pero gusto kong malaman.” “I told you, there are things better left unsaid.” Tumayo siya, tahimik na naglakad papunta sa counter. “Pero one day, maybe you'll understand.”“Luna, kailangan mong magdesisyon.”Isang simpleng text lang ‘yon. Walang pangalan. Walang kasamang emojis. Pero sa dami ng komplikasyon sa buhay ko ngayon, parang mas nakaka-stress pa siya kaysa sa pending na bills ko at hormonal breakout sa ilong ko.Hawak ko pa rin ang phone habang nakatingin lang ako sa screen. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaisip ng matinong sagot. Ang dami kong tanong, pero ang unang lumabas sa bibig ko?“Teka... sino 'to? Diyos? Siri? O multo ng past decisions ko?”Napailing ako habang tumatawa mag-isa sa loob ng kwarto ko. Ang weird, pero yun ang default ko kapag natataranta—nagbibiro. Kahit sa sarili. Mas okay na yun kaysa mag-breakdown. Again.Biglang pumasok si Mica, best friend ko, suot ang oversized shades at may dalang dalawang take-out na kape. As always, the drama queen arrives.“Giiirl, hindi ka sumasagot sa messages ko. Mukha kang leftover emotions!”“Wow, thanks ha. Good morning din.”“Shut up. Eto kape, and may surprise ako sa’yo. Blind date
Bakit ba ako pumayag? Bakit ko ba pinili na makipagkita kay Ethan? Alam ko na may sakit na dulot ang mga magkasunod na hakbang ko, pero sa kabila ng lahat, bakit nga ba hindi ko kayang magpigil? Nasa harap na ako ng kainan, at hindi ko maiwasang magtanong kung anong nangyari sa mga desisyon ko. Kung ang puso ko lang ang tatanungin, siguradong may sagot. Pero ang utak ko… Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pinagmasdan ko ang paligid, parang ang tadhana ang nagtataglay ng kwento ng nakaraan ko. Ang kainan ay medyo tahimik—puno ng mga magkasamang magka-date at mga magkasunod na lihim na may kasamang tawanan. Kaya’t sa gitna ng lahat ng iyon, ako at si Ethan—dalawang tao na may nakatagong kwento at isang gabing nakalaan para sa kami—ay nakaupo sa isang table na may pagitan ng hindi lang distansya, kundi ng mga taon ng ating mga buhay. "Ito na ba ang hinihintay nating gabi?" tanong ko, pilit binibigyan ng positibong tono kahit may kaba sa dibdib ko. Hindi ko kayang ilihim. "Siguro." An
Tahimik ang buong paligid. Para bang pati ang mundo, natutong huminga ng dahan-dahan para lang marinig ko ang tibok ng puso niya—at ng puso ko. Madilim ang kwarto pero hindi ito nakakakaba gaya ng dapat. Sa liwanag ng isang maliit na lampara sa gilid, kita ko ang anyo niya. Basa pa ang buhok niya, parang bagong paligo. Naka-oversized white shirt lang siya, at wala siyang kahit anong makeup ng pagkukunwari. Si Ethan... o kung sino man talaga siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tulalang nakatingin sa kanyang mga palad na parang may kasalanang hindi kayang hugasan ng tubig. Ako naman, nasa kabilang sulok ng kwarto, hawak ang malamig na mug ng kape na hindi ko naman talaga iniinom. "Dapat galit ako. Dapat tinapon ko ‘tong kape sa mukha niya. Pero heto ako… iniisip pa rin kung paano ko siya papatawarin." Tahimik pa rin siya. Halos limang minuto na, at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya. Napabuntong-hininga ako. “Alam mo, kaya kong maghintay. Pero ‘wag mo akong
Tahimik lang kami ni Ethan habang binabaybay ang madilim na hallway ng lumang bahay. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya—parang may binubuhat siyang hindi ko pa lubos maintindihan. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang siya, pero naunahan ako ng kaba. Pagliko namin papunta sa sala, may narinig kaming kaluskos mula sa itaas. "May tao," mahina pero mariin na bulong ni Ethan. May halong takot ang tono niya—hindi ito ang normal na Ethan. Lumabas ang isang babae mula sa itaas. Matangkad, maitim ang buhok, at may matalim na tingin na parang bumabaon sa balat. Hindi namin siya kilala, pero nang tumigil siya sa tapat namin, alam kong hindi siya basta estranghero. "Pakilala ako," malamig niyang bungad. Walang emosyon, pero may lalim ang galit sa tono niya. "Anong pangalan mo?" tanong ni Ethan. Halata sa boses niya ang panginginig. "Nora." Parang na-freeze si Ethan. "Villareal?" tanong niya, halos pabulong. Hindi sumagot si Nora, pero ang titig niya ay sapat na sagot. Tila ba an
Nasa lumang bahay kami ni Ethan—ang dating tinutuluyan ng yaya niya noon. Karamihan sa gamit ay inaagnas na ng panahon. Pero ang isang kahon sa sulok ang agad niyang binuksan. Hawak niya ang isang album. Luma, puno ng alikabok, pero maingat niyang binuklat. “Ethan, sigurado ka bang dito natin makikita ang sagot? Kasi kung hindi, baka mapasugod na naman ako sa simbahan para mag-novena ng kasagutan.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang tumango, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Para siyang ticking bomb. Sa ilalim ng mga lumang litrato, may isang sobre. Nilukot na, parang ilang ulit nang sinubukang itapon pero laging piniling itago. Binuksan niya iyon. May lumang birth certificate sa loob. Napakunot ang noo ni Ethan. “Hindi ito ang pangalan ng nanay ko... Parang may mali, Ethan. Hindi ko na alam kung anong totoo. Bakit ganito, bakit ako nadadawit sa mga pangalan na wala namang kinalaman sa pamilya ko?” Kinuha ko ang papel at binasa. Name of Child: Ethan Cruz Name
Nanginginig pa rin ang kamay ko habang nakaupo sa gilid ng ambulansya. Kanina pa ako tinatanong ng medic kung gusto kong magpatingin, pero ang tanging sagot ko lang— “Okay lang ako… pero siya?” “Sino po?” Hindi ko na nasagot. Lumingon na lang ako sa paligid, sa umaalulong na sirena, sa pulang ilaw na kumukutitap—pero wala siya. Wala si Ethan. Ang gulo ng safehouse, puro abo’t durog ang naiwan. May mga nahuling tao, pero wala si Lucas. At wala ring Ethan. Paano kung— “Ang hirap mo hanapin, Luna.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako, at dun ko siya nakita. Sugatan. Nakabalot ang braso sa benda, may hiwa sa kilay. Pero buhay. Nakatayo. Nakangiti. “Ethan...?” Tumayo ako agad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—tumakbo ako papunta sa kanya at yakap nang mahigpit, parang ayokong pakawalan. “Akala ko—akala ko hindi ka na babalik,” mahina kong sabi. Hinaplos niya ang ulo ko. “Akala ko rin... pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng mawala nang hindi mo pa ako sinasago
Tahimik ang sasakyan habang binabaybay namin ang paakyat na daan patungo sa bagong safehouse. Maliit lang ito—parang cabin sa bundok. Malayo sa lungsod, malayo sa gulo. Nasa passenger seat ako, nakayakap sa kumot na inabot ni Ethan kanina. Pero hindi lamig ang nangingibabaw—kundi ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko: bakit ako? Bakit ako nadamay? Bakit si Ethan? Pagdating sa cabin, binuksan ni Ethan ang pinto at pinalipat ako sa sofa. “Walang CCTV dito. Walang signal. Hindi nila tayo mahahanap.” “Nice. So kung mapeste ako ngayon, wala kang excuse.” “Actually, may excuse ako. Puyat, stress, at minor bullet trauma sa pride ko.” “Drama mo. Gusto mo ng ice pack para sa ego mo?” “Kung ikaw ang maglalagay, okay lang.” Napangiti ako, kahit punong-puno pa rin ng tanong ang dibdib ko. Nag-init si Ethan ng tubig, habang ako naman ay tahimik na tinitigan ang apoy sa fireplace. Para bang sinasalamin ng apoy ang loob kong gulong-gulo. “Ethan…” bulong ko. “Hmm?” “Sino ka ba
Kahit pa puno ng takot ang mga mata ko, hindi ko pa rin maiwasang magbiro. "Hindi ko alam kung magiging spy na ako o makikita ko na lang sa balita na 'The Case of Luna, The Accidental Sidekick'." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para magbiro, pero sa mga oras na ito, parang mas kailangan ko pa yun kaysa sa lahat ng takot ko. Habang sinusundan namin ang madilim na daan papunta sa safehouse, ang mga heavy moments namin ni Ethan ay pinagaan ko ng ilang sarkastikong komento. Parang hindi pwedeng hindi magbiro kahit delikado. "Anong plan B mo, Ethan? Kung wala ka, baka magbalik na lang ako sa pagiging barista," sabi ko, halos magkasabay ang hininga namin sa bawat hakbang. "Ano, barista ka na ba? Puwede bang makapag-coffee muna habang nililinis ang buong sitwasyon?" sagot ni Ethan, na kahit seryoso pa rin, parang may kasamang konting tawa. Habang tumatakbo kami papuntang safehouse, mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan ko na parang may sumabog na vulkan sa tiyan ko. A
Sa gitna ng kaguluhan at umaalingasaw na usok mula sa sumasabog na rooftop ng building, mabilis kaming tumakbo palabas ni Ethan. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, para bang takot siyang mawala ako sa gitna ng kaguluhan. Tumitibok ang puso ko nang parang may rally—hindi ko alam kung dahil sa takot, o dahil sa kaniya. “Ethan! Saan tayo pupunta?” “Sa kotse ko. Nasa basement parking.” “E paano kung nandun din si Lucas? Delikado!” “Mas delikado kung dito pa tayo magtagal. Kumapit ka lang.” “Kapag nasunog tayong dalawa, ibabaon kita sa tabi ko—promise!” “Sweet mo naman. Mamaya na tayo maglambingan. Takbo!” Nang marating namin ang parking, biglang lumamig ang paligid kahit mainit pa rin ang dibdib ko sa kaba. Tahimik. Walang tao. Parang multong lugar. Binuksan ni Ethan ang pinto ng SUV at itinulak ako sa loob. Mabilis siyang sumampa sa driver's seat, pero bago niya mapihit ang susi—Pak!—binasag ng bala mula sa silencer ang rearview mirror. Tumama agad kami pareho sa upuan. Si Luca