Home / Romance / My Accidental Billionaire Boyfriend / Chapter 5: The Journalist with Lipstick Stains and Trust Issues

Share

Chapter 5: The Journalist with Lipstick Stains and Trust Issues

Author: James0626
last update Last Updated: 2025-04-07 01:32:18

G****e, don’t fail me now.

Nakatitig ako sa screen ng laptop ko habang nakapatong ang paa sa mesa.

“Ethan Villareal scandal,”

“Ethan Villareal past,”

“Ethan Villareal girlfriend” wala. Puro business awards, charity events, at mga litrato niyang naka-suit na parang walking Wall Street magazine cover.

“Seriously? Wala man lang chismis?” bulong ko.

Pero hindi ako sumuko. Tinawagan ko ang isang kaibigan ng kaibigan na kaklase daw ni Ethan sa college.

“Hi, ikaw ba si Maxine?” tanong ko agad sa call.

“Oo, bakit? Sino ‘to?”

“Friend of a friend. Gusto ko lang sanang uh, may tanong lang ako tungkol kay Ethan Villareal.”

Tahimik.

“Teka, si THE Ethan Villareal? Yung hot tech guy?”

“Yup, yun nga.”

“Girl, wala akong alam. I mean, tahimik siya. Pero... may isang babaeng malapit sa kanya noon—journalist. Sofia yata ang pangalan. Medyo... kakaiba rin ‘yun.”

Bingo.

---

I found Sofia sa isang maliit na café malapit sa UP campus. Naka-shades siya kahit indoors, naka-red lipstick na parang kakagaling lang sa 80s disco, at may dalang notepad kahit wala namang ini-interview.

“Luna Reyes?” tanong niya habang ngumunguya ng ensaymada.

“Yup. Sofia?”

“Sino’ng nagpadala sa’yo? Ethan ba? FBI? O multo ng nakaraan niya?”

“Uh... ako lang po. Curious lang. Gusto ko lang siyang makilala.”

Tumango siya.

“Gusto mo ng chismis o katotohanan? Pareho silang masakit.”

“Yung totoo... pero baka ihalo natin ng konting kape.”

Umorder ako habang nagsimula siyang magsalita.

“Ethan was brilliant,” sabi niya.

“Too brilliant. May charm, may utak, may planong hindi mo maintindihan. Isa siyang walking riddle with nice hair.”

Napatawa ako.

“Nice hair talaga?”

“Girl, priority ‘yan. Pero seryoso, may mga panahong parang may itinatago siya. Isang araw sobrang close namin, the next—poof. Parang ghosting pero may confidentiality agreement.”

“Wait, like... legal?”

“Maybe. I’m a journalist, hindi abogado. Pero may isang bagay akong napansin he always avoids talking about his family.”

Napakunot noo ako.

“Wala bang kahit anong kwento? Childhood trauma? Pet hamster?”

“Wala. Pero may isa pa akong napansin lahat ng babae sa paligid niya? Nawawala.”

“Nawawala as in...?”

“As in nawawala sa picture. Social media wipeout. Deleted. Burado. Para bang may pattern.”

Tumahimik ako.

“Bakit mo siya iniimbestigahan?” tanong ni Sofia habang sinisipsip ang caramel macchiato niya like it’s tea.

“Honestly? Kasi parang hindi ko siya kilala. And yet… gusto ko siyang makilala.”

Tinitigan niya ako.

“Girl, kung ganyan ka na ngayon, ingat. Ethan is charming, but charm can be a defense mechanism. Or a trap.”

Tamang-tama, nag-text si Ethan.

Ethan: Coffee later? Same place. No secrets this time, promise.

Napatingin ako kay Sofia.

“Gusto mong malaman kung anong sikreto niya?” tanong niya habang pinupunasan ang lipstick sa tasa.

“Oo.”

“Then stop asking questions.”

“Huh?”

“Observe. Men like Ethan? Mas madaldal ang kilos kaysa bibig nila. Watch him. Not his words.”

---

Pagdating ko sa café, nandoon na siya. Naka-gray hoodie. Medyo gusot ang buhok. Cute in a

“I just woke up but still rich” way.

“Luna,” bati niya.

“Sorry kung weird ako kahapon.”

“Define weird,” biro ko.

“Yung ‘secret’ vibes ko. Gusto lang kita protektahan.”

“From what? You?”

Ngumiti siya, medyo awkward pero sincere.

“Maybe.”

Umupo ako.

“So… no secrets today?”

“Try me.”

“Okay. What’s your favorite childhood memory?”

Natawa siya.

“Ang hirap naman niyan. Akala ko ‘what’s your favorite coffee’ lang.”

“Sige, yun na lang. Favorite coffee?”

“Yung in-order mo kahapon.”

“Copycat.”

He leaned closer.

“Or maybe gusto ko lang malaman kung anong meron sa’yo.”

Napasinghot ako.

“Corny. Pero sige, noted.”

Tahimik kaming uminom ng kape.

“Luna,” sabi niya.

“Kung sakaling may hindi ka nagustuhan sa’kin… sa mga susunod na araw…”

“Too late,” sagot ko.

Napakunot-noo siya.

“Gusto na kitang maintindihan, Ethan. At masyado na akong curious para umatras.”

Tumingin siya sa akin. This time, walang ngiti.

“Baka ‘di mo magustuhan ang sagot.”

“Baka,” sagot ko,

“pero gusto ko pa ring itanong.”

Pagkatapos ng awkward na kape namin ni Ethan, hindi ko na maiwasang mag-isip. Parang may kulang—may mga sagot siyang hindi ko kayang kuhanin. Sabi ko nga, curious lang ako. Pero minsan, parang gusto ko nang magsalita at itanong, “Anong laro ang nilalaro mo, Ethan?”

Kaya’t hindi ko na rin tinantanan ang pagsisiyasat. Binuksan ko ulit ang laptop ko nang makauwi.

“Okay, G****e, time to get serious,” bulong ko.

Nagpatuloy ang paghahanap ko sa mga hindi masyadong visible na mga impormasyon—pati na rin sa mga dating kaklase ni Ethan. Isang gabi, nakatanggap ako ng message mula kay Sofia.

Sofia: “I’ve been thinking. I know someone who knows his family background. This could help you out. But it’s risky.”

“Risky? How?” tinanong ko, nang walang kamalay-malay sa magiging susunod na kaganapan.

Sofia: “Let’s just say the Villareals don’t like to be questioned. At the end of the day, your curiosity might cost you more than you think.”

Kahit medyo kabado, pinili ko na ituloy. “I’m in.”

Kinabukasan, nagkita kami ni Sofia sa isang bar sa may Makati. Hindi ko akalain na magkakaroon kami ng

“secret” mission na ganito.

“Ano ba ang tinitingnan mo kay Ethan?” tanong niya, habang umiinom ng whiskey.

“Gusto ko lang malaman kung sino siya,” sagot ko.

“Baka kasi iba na ang nakita ko sa kanya kumpara sa mga tao sa paligid niya.”

“Ah, ganun ba?” Inisip niyang mabuti.

“Well, ang alam ko lang, Ethan’s family is loaded, but they don’t like to show it. They prefer to stay low-key. Lalo na si Lolo Villareal, pinilit nilang itago ang history nila.”

“History nila?” tanong ko.

“Puwede mo bang i-share?”

Sofia tumango, kunyari’y nag-iisip.

“Okay, let’s say, kung ‘yung mga secrets ng pamilya ni Ethan ay isang puzzle, he’s the missing piece. Pero you won’t be able to solve it unless you get close to him. Kailangan mong maintindihan ang motivations niya.”

Habang pinapakinggan ko siya, parang may naiisip akong paraan para mag-get close kay Ethan. Hindi ko lang alam kung anong parte ng buhay ko ang matatamaan.

Pumasok ako sa café ng may bagong lakas at matalim na layunin. May konting kaba pero natutunan ko na kay Ethan hindi puwedeng basta-basta. Kailangan ko siyang pag aralan ng mabuti.

Pagtapasok ko, nakatayo siya malapit sa counter. Hindi ko inasahan na magkasabay kami ngayon again. Parang may twist na naman sa araw ko.

“Luna,” bati niya.

“You look... different today.”

“Ano'ng ibig mong sabihin?” tanong ko, medyo kinakabahan pero nagtangka nang magpatawa.

“Parang may mission ka na,” sagot niya, at tinitigan ako ng konti.

“You’re thinking about something.”

Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko siya kayang basahin.

“Maybe I’m just thinking about getting more answers.”

“Answers?” Tumawa siya.

“I didn’t think I’d be the one you’re hunting for.”

“Hindi hunting,” sagot ko.

“More like... discovering.”

Napansin ko ang mga pagbabago sa galak ng mukha niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 35: Ang Kape, ang Ex, at ang Kapatid ng Lihim

    “Luna, kailangan mong magdesisyon.”Isang simpleng text lang ‘yon. Walang pangalan. Walang kasamang emojis. Pero sa dami ng komplikasyon sa buhay ko ngayon, parang mas nakaka-stress pa siya kaysa sa pending na bills ko at hormonal breakout sa ilong ko.Hawak ko pa rin ang phone habang nakatingin lang ako sa screen. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaisip ng matinong sagot. Ang dami kong tanong, pero ang unang lumabas sa bibig ko?“Teka... sino 'to? Diyos? Siri? O multo ng past decisions ko?”Napailing ako habang tumatawa mag-isa sa loob ng kwarto ko. Ang weird, pero yun ang default ko kapag natataranta—nagbibiro. Kahit sa sarili. Mas okay na yun kaysa mag-breakdown. Again.Biglang pumasok si Mica, best friend ko, suot ang oversized shades at may dalang dalawang take-out na kape. As always, the drama queen arrives.“Giiirl, hindi ka sumasagot sa messages ko. Mukha kang leftover emotions!”“Wow, thanks ha. Good morning din.”“Shut up. Eto kape, and may surprise ako sa’yo. Blind date

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 34: Laban sa Tadhana

    Bakit ba ako pumayag? Bakit ko ba pinili na makipagkita kay Ethan? Alam ko na may sakit na dulot ang mga magkasunod na hakbang ko, pero sa kabila ng lahat, bakit nga ba hindi ko kayang magpigil? Nasa harap na ako ng kainan, at hindi ko maiwasang magtanong kung anong nangyari sa mga desisyon ko. Kung ang puso ko lang ang tatanungin, siguradong may sagot. Pero ang utak ko… Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pinagmasdan ko ang paligid, parang ang tadhana ang nagtataglay ng kwento ng nakaraan ko. Ang kainan ay medyo tahimik—puno ng mga magkasamang magka-date at mga magkasunod na lihim na may kasamang tawanan. Kaya’t sa gitna ng lahat ng iyon, ako at si Ethan—dalawang tao na may nakatagong kwento at isang gabing nakalaan para sa kami—ay nakaupo sa isang table na may pagitan ng hindi lang distansya, kundi ng mga taon ng ating mga buhay. "Ito na ba ang hinihintay nating gabi?" tanong ko, pilit binibigyan ng positibong tono kahit may kaba sa dibdib ko. Hindi ko kayang ilihim. "Siguro." An

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 33: Kahit Sinungaling Ka, Crush pa rin Kita

    Tahimik ang buong paligid. Para bang pati ang mundo, natutong huminga ng dahan-dahan para lang marinig ko ang tibok ng puso niya—at ng puso ko. Madilim ang kwarto pero hindi ito nakakakaba gaya ng dapat. Sa liwanag ng isang maliit na lampara sa gilid, kita ko ang anyo niya. Basa pa ang buhok niya, parang bagong paligo. Naka-oversized white shirt lang siya, at wala siyang kahit anong makeup ng pagkukunwari. Si Ethan... o kung sino man talaga siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tulalang nakatingin sa kanyang mga palad na parang may kasalanang hindi kayang hugasan ng tubig. Ako naman, nasa kabilang sulok ng kwarto, hawak ang malamig na mug ng kape na hindi ko naman talaga iniinom. "Dapat galit ako. Dapat tinapon ko ‘tong kape sa mukha niya. Pero heto ako… iniisip pa rin kung paano ko siya papatawarin." Tahimik pa rin siya. Halos limang minuto na, at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya. Napabuntong-hininga ako. “Alam mo, kaya kong maghintay. Pero ‘wag mo akong

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 32: Pagkilala kay Nora

    Tahimik lang kami ni Ethan habang binabaybay ang madilim na hallway ng lumang bahay. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya—parang may binubuhat siyang hindi ko pa lubos maintindihan. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang siya, pero naunahan ako ng kaba. Pagliko namin papunta sa sala, may narinig kaming kaluskos mula sa itaas. "May tao," mahina pero mariin na bulong ni Ethan. May halong takot ang tono niya—hindi ito ang normal na Ethan. Lumabas ang isang babae mula sa itaas. Matangkad, maitim ang buhok, at may matalim na tingin na parang bumabaon sa balat. Hindi namin siya kilala, pero nang tumigil siya sa tapat namin, alam kong hindi siya basta estranghero. "Pakilala ako," malamig niyang bungad. Walang emosyon, pero may lalim ang galit sa tono niya. "Anong pangalan mo?" tanong ni Ethan. Halata sa boses niya ang panginginig. "Nora." Parang na-freeze si Ethan. "Villareal?" tanong niya, halos pabulong. Hindi sumagot si Nora, pero ang titig niya ay sapat na sagot. Tila ba an

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   Chapter 31: Lihim ng Apelyido

    Nasa lumang bahay kami ni Ethan—ang dating tinutuluyan ng yaya niya noon. Karamihan sa gamit ay inaagnas na ng panahon. Pero ang isang kahon sa sulok ang agad niyang binuksan. Hawak niya ang isang album. Luma, puno ng alikabok, pero maingat niyang binuklat. “Ethan, sigurado ka bang dito natin makikita ang sagot? Kasi kung hindi, baka mapasugod na naman ako sa simbahan para mag-novena ng kasagutan.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang tumango, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Para siyang ticking bomb. Sa ilalim ng mga lumang litrato, may isang sobre. Nilukot na, parang ilang ulit nang sinubukang itapon pero laging piniling itago. Binuksan niya iyon. May lumang birth certificate sa loob. Napakunot ang noo ni Ethan. “Hindi ito ang pangalan ng nanay ko... Parang may mali, Ethan. Hindi ko na alam kung anong totoo. Bakit ganito, bakit ako nadadawit sa mga pangalan na wala namang kinalaman sa pamilya ko?” Kinuha ko ang papel at binasa. Name of Child: Ethan Cruz Name

  • My Accidental Billionaire Boyfriend   CHAPTER 30: Pangakong Di Na Muli

    Nanginginig pa rin ang kamay ko habang nakaupo sa gilid ng ambulansya. Kanina pa ako tinatanong ng medic kung gusto kong magpatingin, pero ang tanging sagot ko lang— “Okay lang ako… pero siya?” “Sino po?” Hindi ko na nasagot. Lumingon na lang ako sa paligid, sa umaalulong na sirena, sa pulang ilaw na kumukutitap—pero wala siya. Wala si Ethan. Ang gulo ng safehouse, puro abo’t durog ang naiwan. May mga nahuling tao, pero wala si Lucas. At wala ring Ethan. Paano kung— “Ang hirap mo hanapin, Luna.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako, at dun ko siya nakita. Sugatan. Nakabalot ang braso sa benda, may hiwa sa kilay. Pero buhay. Nakatayo. Nakangiti. “Ethan...?” Tumayo ako agad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—tumakbo ako papunta sa kanya at yakap nang mahigpit, parang ayokong pakawalan. “Akala ko—akala ko hindi ka na babalik,” mahina kong sabi. Hinaplos niya ang ulo ko. “Akala ko rin... pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng mawala nang hindi mo pa ako sinasago

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status