“Luna,” seryoso ang tono ni Ethan.
“May mga bagay tungkol sa pamilya ko na hindi mo gustong malaman.” Napatigil ako. Tumigil din ang paghinga ko. Pero syempre, mas lalo akong naintriga. “Too late,” sabi ko. “Nagsimula na ‘kong magtanong.” I mean, seriously, ang gwapo ni Ethan, pero parang may kasamang malaking tanong mark sa buhay niya... Kaya siguro siya nawawala sa limelight, hindi lang dahil business mogul siya, kundi baka may secret life siya na hindi ko kayang i-handle. But then again, baka hindi ko na kayang hindi hanapin kung ano yun... Gosh, Luna, ikaw na ang pinakamalupit na 'saksi' sa secretive billionaire world. “Kung ayaw mong malaman ko, huwag kang magpa-misterious.” Tahimik siya. “Fine,” dagdag ko. “Kung hindi mo sasabihin, ako na lang ang hahanap.” “Luna—” “Salamat sa coffee.” Tumalikod ako at tuluyang lumabas. --- Pagbalik ko sa apartment, hindi ako tumigil. Agad kong binuksan ang laptop. Type. Click. Scroll. Villareal family missing connections. Villareal estate secrets. Ex-girlfriends ng Villareal heir nasan na sila? Walang solid. Lahat puro blind items. Puro "source close to..." vibes. Pero may isang article na humatak ng pansin ko. “Villareal ancestral house no longer open to public mystery behind sudden closure.” Hmm. Matagal na nilang binuksan ‘yon sa charity events, ‘di ba? Bakit biglang isinara? --- Dalawang araw ang lumipas, at narito na ako sa tapat ng ancestral house. Oo, nag-sneak in ako. Salamat kay Maxine. “Sure ka dito?” tanong niya habang nagtatago kami sa likod ng mga halaman. “Kapag hindi mo makita sa G****e, hanapin mo sa realidad,” bulong ko. “Sana hindi tayo makulong.” “Kung makulong tayo, at least kasama kita,” sabay kindat. “Ugh. Wag mong idamay sa kabaliwan mong may kilig.” Tahimik na tumaas ang mga kilig ko, pero hindi ko pinahalata. Wala pang bantay sa paligid. Mabilis kaming gumapang papasok sa side door na hindi nakalock. Weird. Sa loob, amoy alikabok at luma. Madilim. Tahimik. Hanggang sa may narinig akong click. “Teka, did you hear that?” “Tao ba ‘yan?” Hindi. Isang frame ang gumalaw sa wall. Napalapit ako. Hinipo ko ang gilid. Click. May umusog na panel. Secret door. “Maxine, ‘wag kang hihiwalay sa’kin.” Tumango siya, nanginginig na rin. Pumasok kami. --- Pagpasok namin sa loob, isang mini-library ang sumalubong sa amin. Pero hindi ito ordinaryo. Mga libro na walang titulo. Lumang documents. Mga sketch ng... mga symbols? Ngunit isang bagay ang agad nakakuha ng pansin ko: isang maliit na kahon sa ilalim ng mesa. Binuksan ko. Isang kwintas. Silver. Circular pendant. Gaya ng suot ni Ethan nung minsang nagtagpo kami sa elevator. “Hala,” bulong ni Maxine. “Parang creepy yan ah.” Bago pa ako makapagsalita, may narinig kaming yabag. Paparating. At pamilyar na boses. “Who’s there?” si Ethan. Oh no. “Oh my gosh—run?” tanong ni Maxine. “Hide?” sabi ko. Pero huli na. Bumukas ang pinto. At doon siya nakatayo, seryoso, hawak ang isang maliit na remote. Pero ang mas nakakakilabot? Sa likod niya, bumukas ang isang bagong pader. At sa loob noon… May isang upuang mukhang pang-interrogation. At litrato ko sa pader. Nakatingin ako kay Ethan, na ngayon ay hawak ang remote na parang walang nangyaring kakaiba. Ang katawan ko’y nag-freeze, ang mga kamay ko’y nagsimulang manginig. “Ano ‘to?” tanong ko, ang boses ko parang hindi ko na kilala. “Bakit… bakit may mga litrato ko dito?” Hindi siya sumagot agad. Tumango lang siya, pinapanood ako ng mata niyang hindi ko matukoy kung nag-aalala o seryoso lang. “Ethan…” nilapitan ko siya, pero ang distansya namin ay parang hindi ko kayang tapusin. “Ano ‘to?” Hindi ako sigurado kung nagbabalak siya o kung ang tunay na sagot ay hindi ko kayang tanggapin. “I don’t know what you’re thinking, but you need to tell me what’s going on here.” Mabilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng tanong ko, parang dumaan na sa isip ko at naging mas madali, pero hindi ko kayang pigilan ang kaba. At pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita siya. “It’s not what you think,” sabi niya, ang tinig niya ay puno ng ganap na seryosong tono. Tumingin ako sa mga litrato sa pader, sa mga old documents na nakatambak sa mesa. “Then what is it, Ethan? Because this looks like I’m part of some kind of investigation… or worse, an obsession.” Tumagilid siya, hindi matukoy kung paano ko siya basahin. “It’s all connected, Luna.” “Connected? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko habang kumunot ang noo ko. “I’ve been asking questions, and now you’re telling me everything’s ‘connected’? I need answers, Ethan.” Walang sagot mula sa kanya. Tumagal ang mga ilang segundo ng katahimikan, ang bawat isa ay nag aantay ng susunod na galaw. Maya-maya pa, inilabas niya ang isang maliit na file mula sa kanyang bag, hindi ko ito nakita nang una. Pinakita niya sa akin ang mga litrato ng pamilya Villareal. Mga eksena sa mga old family gatherings, ngunit may mga faces na hindi ko nakikita sa public records. May mga pangalan din na hindi ko alam. “Mga pamilya ko… mga pinaprotektahan ko. Kung papayag kang magpatuloy, magka-alaman tayo,” sabi niya. Pero hindi ko na kaya. “Ethan, sa bawat sagot na tinatago mo, parang may higit pang madilim na nakatago. Hindi lang ikaw hindi lang tayo. Lahat. Pati ako.” Tumahimik siya. Sa mga mata niya, may halong panghihinayang at sakit. “Baka hindi mo kayanin ang mga susunod na sagot,” aniya, hindi ako tinitingnan. “But if you want to know, you’ll have to understand… I’m not just any businessman.” “Then what are you?” tanong ko, na parang hindi ko kayang pigilan. He closed his eyes for a brief moment, then finally met my gaze. “Luna, I’m part of something bigger than you can imagine. And if you’re not careful, your curiosity will make you a target.” Ang mga salita niyang iyon ay parang palasong dumaan sa katawan ko. Wala akong sinasabi, pero ramdam ko ang bigat ng lahat ng ito. Ang mga tanong ko, ang mga sagot na tila may kailangang itago, ang misteryo na hindi ko kayang alisin. Kaya naman, nang sumunod na araw, nagdesisyon ako hahanap ako ng sagot. Kahit anong mangyari. --- Isang linggo ang lumipas, at nagpatuloy ako sa pagsisiyasat sa pamilya Villareal. Pero habang tumatagal, parang lahat ng mga clue na nahanap ko ay nagiging mas malabo. Isang taon na akong nagtatanong, at hindi ko na alam kung anong totoo at kung anong kasinungalingan. Hanggang sa natagpuan ko na naman si Maxine. “Ano bang nakita mo kay Ethan?” tanong niya, habang umiinom ng cocktail sa isang bar. “Mas madami pang tanong,” sagot ko. “Alam ko, may sekreto siya. Pero ngayon, parang may buong pamilya niyang tinatago.” “Luna,” sabi ni Maxine, habang tumingin sa paligid. “Alam ko, ikaw na rin ang may sariling paghahanap. Pero… ingat lang.” Pero bago pa siya makapagsalita ng mas marami, dumating na si Ethan.“Luna, kailangan mong magdesisyon.”Isang simpleng text lang ‘yon. Walang pangalan. Walang kasamang emojis. Pero sa dami ng komplikasyon sa buhay ko ngayon, parang mas nakaka-stress pa siya kaysa sa pending na bills ko at hormonal breakout sa ilong ko.Hawak ko pa rin ang phone habang nakatingin lang ako sa screen. Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makaisip ng matinong sagot. Ang dami kong tanong, pero ang unang lumabas sa bibig ko?“Teka... sino 'to? Diyos? Siri? O multo ng past decisions ko?”Napailing ako habang tumatawa mag-isa sa loob ng kwarto ko. Ang weird, pero yun ang default ko kapag natataranta—nagbibiro. Kahit sa sarili. Mas okay na yun kaysa mag-breakdown. Again.Biglang pumasok si Mica, best friend ko, suot ang oversized shades at may dalang dalawang take-out na kape. As always, the drama queen arrives.“Giiirl, hindi ka sumasagot sa messages ko. Mukha kang leftover emotions!”“Wow, thanks ha. Good morning din.”“Shut up. Eto kape, and may surprise ako sa’yo. Blind date
Bakit ba ako pumayag? Bakit ko ba pinili na makipagkita kay Ethan? Alam ko na may sakit na dulot ang mga magkasunod na hakbang ko, pero sa kabila ng lahat, bakit nga ba hindi ko kayang magpigil? Nasa harap na ako ng kainan, at hindi ko maiwasang magtanong kung anong nangyari sa mga desisyon ko. Kung ang puso ko lang ang tatanungin, siguradong may sagot. Pero ang utak ko… Hindi ko alam kung anong sasabihin. Pinagmasdan ko ang paligid, parang ang tadhana ang nagtataglay ng kwento ng nakaraan ko. Ang kainan ay medyo tahimik—puno ng mga magkasamang magka-date at mga magkasunod na lihim na may kasamang tawanan. Kaya’t sa gitna ng lahat ng iyon, ako at si Ethan—dalawang tao na may nakatagong kwento at isang gabing nakalaan para sa kami—ay nakaupo sa isang table na may pagitan ng hindi lang distansya, kundi ng mga taon ng ating mga buhay. "Ito na ba ang hinihintay nating gabi?" tanong ko, pilit binibigyan ng positibong tono kahit may kaba sa dibdib ko. Hindi ko kayang ilihim. "Siguro." An
Tahimik ang buong paligid. Para bang pati ang mundo, natutong huminga ng dahan-dahan para lang marinig ko ang tibok ng puso niya—at ng puso ko. Madilim ang kwarto pero hindi ito nakakakaba gaya ng dapat. Sa liwanag ng isang maliit na lampara sa gilid, kita ko ang anyo niya. Basa pa ang buhok niya, parang bagong paligo. Naka-oversized white shirt lang siya, at wala siyang kahit anong makeup ng pagkukunwari. Si Ethan... o kung sino man talaga siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, tulalang nakatingin sa kanyang mga palad na parang may kasalanang hindi kayang hugasan ng tubig. Ako naman, nasa kabilang sulok ng kwarto, hawak ang malamig na mug ng kape na hindi ko naman talaga iniinom. "Dapat galit ako. Dapat tinapon ko ‘tong kape sa mukha niya. Pero heto ako… iniisip pa rin kung paano ko siya papatawarin." Tahimik pa rin siya. Halos limang minuto na, at wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya. Napabuntong-hininga ako. “Alam mo, kaya kong maghintay. Pero ‘wag mo akong
Tahimik lang kami ni Ethan habang binabaybay ang madilim na hallway ng lumang bahay. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang niya—parang may binubuhat siyang hindi ko pa lubos maintindihan. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang siya, pero naunahan ako ng kaba. Pagliko namin papunta sa sala, may narinig kaming kaluskos mula sa itaas. "May tao," mahina pero mariin na bulong ni Ethan. May halong takot ang tono niya—hindi ito ang normal na Ethan. Lumabas ang isang babae mula sa itaas. Matangkad, maitim ang buhok, at may matalim na tingin na parang bumabaon sa balat. Hindi namin siya kilala, pero nang tumigil siya sa tapat namin, alam kong hindi siya basta estranghero. "Pakilala ako," malamig niyang bungad. Walang emosyon, pero may lalim ang galit sa tono niya. "Anong pangalan mo?" tanong ni Ethan. Halata sa boses niya ang panginginig. "Nora." Parang na-freeze si Ethan. "Villareal?" tanong niya, halos pabulong. Hindi sumagot si Nora, pero ang titig niya ay sapat na sagot. Tila ba an
Nasa lumang bahay kami ni Ethan—ang dating tinutuluyan ng yaya niya noon. Karamihan sa gamit ay inaagnas na ng panahon. Pero ang isang kahon sa sulok ang agad niyang binuksan. Hawak niya ang isang album. Luma, puno ng alikabok, pero maingat niyang binuklat. “Ethan, sigurado ka bang dito natin makikita ang sagot? Kasi kung hindi, baka mapasugod na naman ako sa simbahan para mag-novena ng kasagutan.” Hindi siya sumagot. Tahimik lang siyang tumango, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Para siyang ticking bomb. Sa ilalim ng mga lumang litrato, may isang sobre. Nilukot na, parang ilang ulit nang sinubukang itapon pero laging piniling itago. Binuksan niya iyon. May lumang birth certificate sa loob. Napakunot ang noo ni Ethan. “Hindi ito ang pangalan ng nanay ko... Parang may mali, Ethan. Hindi ko na alam kung anong totoo. Bakit ganito, bakit ako nadadawit sa mga pangalan na wala namang kinalaman sa pamilya ko?” Kinuha ko ang papel at binasa. Name of Child: Ethan Cruz Name
Nanginginig pa rin ang kamay ko habang nakaupo sa gilid ng ambulansya. Kanina pa ako tinatanong ng medic kung gusto kong magpatingin, pero ang tanging sagot ko lang— “Okay lang ako… pero siya?” “Sino po?” Hindi ko na nasagot. Lumingon na lang ako sa paligid, sa umaalulong na sirena, sa pulang ilaw na kumukutitap—pero wala siya. Wala si Ethan. Ang gulo ng safehouse, puro abo’t durog ang naiwan. May mga nahuling tao, pero wala si Lucas. At wala ring Ethan. Paano kung— “Ang hirap mo hanapin, Luna.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako, at dun ko siya nakita. Sugatan. Nakabalot ang braso sa benda, may hiwa sa kilay. Pero buhay. Nakatayo. Nakangiti. “Ethan...?” Tumayo ako agad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko—tumakbo ako papunta sa kanya at yakap nang mahigpit, parang ayokong pakawalan. “Akala ko—akala ko hindi ka na babalik,” mahina kong sabi. Hinaplos niya ang ulo ko. “Akala ko rin... pero sabi ko sa sarili ko, hindi ako pwedeng mawala nang hindi mo pa ako sinasago
Tahimik ang sasakyan habang binabaybay namin ang paakyat na daan patungo sa bagong safehouse. Maliit lang ito—parang cabin sa bundok. Malayo sa lungsod, malayo sa gulo. Nasa passenger seat ako, nakayakap sa kumot na inabot ni Ethan kanina. Pero hindi lamig ang nangingibabaw—kundi ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko: bakit ako? Bakit ako nadamay? Bakit si Ethan? Pagdating sa cabin, binuksan ni Ethan ang pinto at pinalipat ako sa sofa. “Walang CCTV dito. Walang signal. Hindi nila tayo mahahanap.” “Nice. So kung mapeste ako ngayon, wala kang excuse.” “Actually, may excuse ako. Puyat, stress, at minor bullet trauma sa pride ko.” “Drama mo. Gusto mo ng ice pack para sa ego mo?” “Kung ikaw ang maglalagay, okay lang.” Napangiti ako, kahit punong-puno pa rin ng tanong ang dibdib ko. Nag-init si Ethan ng tubig, habang ako naman ay tahimik na tinitigan ang apoy sa fireplace. Para bang sinasalamin ng apoy ang loob kong gulong-gulo. “Ethan…” bulong ko. “Hmm?” “Sino ka ba
Kahit pa puno ng takot ang mga mata ko, hindi ko pa rin maiwasang magbiro. "Hindi ko alam kung magiging spy na ako o makikita ko na lang sa balita na 'The Case of Luna, The Accidental Sidekick'." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas para magbiro, pero sa mga oras na ito, parang mas kailangan ko pa yun kaysa sa lahat ng takot ko. Habang sinusundan namin ang madilim na daan papunta sa safehouse, ang mga heavy moments namin ni Ethan ay pinagaan ko ng ilang sarkastikong komento. Parang hindi pwedeng hindi magbiro kahit delikado. "Anong plan B mo, Ethan? Kung wala ka, baka magbalik na lang ako sa pagiging barista," sabi ko, halos magkasabay ang hininga namin sa bawat hakbang. "Ano, barista ka na ba? Puwede bang makapag-coffee muna habang nililinis ang buong sitwasyon?" sagot ni Ethan, na kahit seryoso pa rin, parang may kasamang konting tawa. Habang tumatakbo kami papuntang safehouse, mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan ko na parang may sumabog na vulkan sa tiyan ko. A
Sa gitna ng kaguluhan at umaalingasaw na usok mula sa sumasabog na rooftop ng building, mabilis kaming tumakbo palabas ni Ethan. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko, para bang takot siyang mawala ako sa gitna ng kaguluhan. Tumitibok ang puso ko nang parang may rally—hindi ko alam kung dahil sa takot, o dahil sa kaniya. “Ethan! Saan tayo pupunta?” “Sa kotse ko. Nasa basement parking.” “E paano kung nandun din si Lucas? Delikado!” “Mas delikado kung dito pa tayo magtagal. Kumapit ka lang.” “Kapag nasunog tayong dalawa, ibabaon kita sa tabi ko—promise!” “Sweet mo naman. Mamaya na tayo maglambingan. Takbo!” Nang marating namin ang parking, biglang lumamig ang paligid kahit mainit pa rin ang dibdib ko sa kaba. Tahimik. Walang tao. Parang multong lugar. Binuksan ni Ethan ang pinto ng SUV at itinulak ako sa loob. Mabilis siyang sumampa sa driver's seat, pero bago niya mapihit ang susi—Pak!—binasag ng bala mula sa silencer ang rearview mirror. Tumama agad kami pareho sa upuan. Si Luca