Bihis na si Charline nang lumabas ng banyo si Mr. Vergara, halatang alaga sa ehersisyo ang katawan nito para itong modelo sa mga nababasa n'yang men's magazine, iniwas ng dalaga ang paningin sa ibabang bahagi ng katawan nito na natatakpan lang ng maikling tuwalya. Nahihiya s'yang nagyuko ng ulo nang tingnan s'ya nito. Para s'yang alipin na naghihintay na manduhan ng amo.
"Follow me." Narinig n'yang muling utos nito. Tapos na itong magbihis, naka-suot ito ng simpleng short at white t-shirt na tila lalo lang nagpadagdag sa karisma nito. Sinundan n'ya ito palabas ng silid. Tinalunton nito ang maluwang na sala saka binuksan ang may kalakihang pinto na yari sa kahoy na may kakaibang ukit na hindi n'ya maintindihan. Bumungad sa dalaga ang may kalakihang Dining Area, may mahabang dining table na tingin n'ya ay tila mamahaling antigo. Tanaw n'ya ang katamtamang luwang ng kusina mula sa kinatatayuan. Para s'yang nasa lumang pelikula ng international movies. "Tatayo ka na lang ba 'dyan?" Nakatitig na naman ang mga mata nitong tila laging may nais ipahiwatig."S-sirr?" "Magluto ka na! Marunong ka naman sigurong gumamit ng stove?" Sarkastikong utos nito."Yes Sir." Pinilit n'yang maging kalmado kahit unti-unti na naman s'yang kinakabahan. Makakasama n'ya ito ng dalawang linggo at hindi n'ya alam kung paano masasanay? Para itong Heneral na laging nag-uutos sa mga disipulo. Idagdag pa sa isiping kailangan n'ya itong tabihan sa kama.Nakahinga s'ya ng maluwag nang iwanan s'ya nito. Binuksan n'ya ang malaking refrigerator at tumambad sa kan'ya ang iba't ibang uri ng pagkain. Napapalatak s'ya at napa- Sana all, kumpleto ang laman ng fridge. Naglabas s'ya ng karne ng manok na nakalagay sa katamtamang laki ng storage box at ilang gulay na ihahalo n'ya sa chopsuey at cabbage omelette na naisip lutuin. Nakalimutan n'yang itanong kung ano ang gusto nitong kainin? Bahala na, aniya sa sarili. Nakita n'yang may box nang chocolate cake kaya siguro naman pwede nang 'iyon ang ihain n'yang dessert.Naghahain na s'ya nang muli itong bumalik. Humila nito ng upuan at nag-umpisa nang kumain. Tumango-tango ito na tila nagustuhan ang iniluto niyang pagkain."Masarap kang magluto." Sinulyapan s'ya nito.
"HRM student po ako Sir, nasa huling taon na po ako ng culinary arts." Tila nagulat ito. "Saluhan mo ako." "Ho?" "Sabi ko, saluhan mo ako." Napilitang kumuha ng plato si Charline at humila nang upuan malapit rito. Nanginginig ang kamay na nagsandok s'ya ng kanin at muntik n'ya pang mabitiwan ang serving spoon."So, working student ka pala?" Sa gitna nang pagsubo ay tanong nito.Nahihiyang tumango si Charline."Ilang taon ka ng HC prostitute?" "Ho?" Muntik na mabilaukan ang dalaga. Tinakpan n'ya ang bibig para hindi tumalsik ang pagkaing nginunguya. HC prostitute ang tawag sa mga empleyado ng Club Halimuyak- High Class Prostitute. Pinagandang tawag sa babaeng mababa ang lipad. High Class, dahil lahat ay mga magagandang babae na maihahalintulad sa mga naggagandahang modelo. Puro mayayaman ang parokyano na naghahanap ng panandaliang-aliw para pagbigyan ang tawag ng laman."May nakakagulat ba sa tanong ko?" Umiling ang dalaga. Ano nga ba ang inaasahan n'ya? "Bagong pasok lang ho ako." Sinubukan n'ya itong tingnan sa mga mata. Pero nagsisi s'ya, ang hirap palang makipagtitigan sa ganito ka-gwapo? Tantiya n'ya ay nasa edad trenta lang ito, malayo sa inaakala n'yang isa na itong DOM. "Bakit ito ang pinasok mo? Marami namang marangal na trabaho?" Gusto n'yang maluha sa tanong nito. Bakit nga ba?"May kailangan akong bayaran." "Kaya magbebenta ka ng katawan? Mindset ng mga mahihirap na gustong kumita sa madaling paraan."Naiiling na tinapos nito ang pagkain.Pakiramdam ni Charline ay sinampal s'ya sa tinuran nito. Natutulalang iniligpit n'ya ang pinagkainan nila at naghugas ng plato. Muntik s'yang mapatalon nang bigla itong sumulpot sa tabi n'ya, nakaupo na s'ya sa upuang malapit sa lababo at ipinahinga ang mga binti."Ayusin mo na ang sarili mo, aalis na tayo." Agad-agad? Nagmadali s'yang sumunod rito. Nakita n'ya ang nakangiting driver ni Mr. Vergara. Saan kaya ito nanggaling? Biglang nawala kaninang umaga matapos s'yang ihatid. Tapos parang kabuteng bigla na lang muling sumulpot. Tanong n'ya sa isip."May quarters sa likod ng bahay si Mang Banoy." Tila nahulaan nito ang gusto n'yang itanong.Tinulungan s'ya nitong isakay ang mga dala nilang bagahe. Ihahatid daw sila nito sa Vergara's Building. Pamilyar sa kan'ya ang pangalan pero hindi n'ya alam kung saan sa Makati. Napabuntong-hininga s'ya, ni hindi man lang s'ya nito pinagbigyang maligo man lang.Tantiya n'ya ay mga isang oras pa lang yata ang nakalipas ay heto na sila, nasa loob na sila ng elevator ng Vergara's Building. Nasa rooftop ang sasakyan nilang private chopper nito. Namangha s'ya sa nakikita, ubod pala ito ng yaman.Sinikap n'yang ayusin ang mahabang buhok na nagulo dahil sa lakas ng hampas ng hangin pero nagkabuhol-buhol na ito kaya tinalian n'ya na lang ng lastiko. Kinakabahang tumingin s'ya sa ibaba ng himpapawid nakita n'yang papaliit na ng papaliit sa paningin n'ya ang mga gusali habang papalayo sa pinanggalingan. Pinakiramdaman n'ya ang katabi, blangko ang ekspresyon nito, bigla s'yang kinabahan sa paraan ng pagtitig nito sa kan'ya. Iniwas n'ya ang paningin at lihim na umusal ng panalangin na sana makayanan n'ya ang pakikisama rito.
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!