Share

My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)
My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)
Author: Moonstone13

Chapter 1

Author: Moonstone13
last update Huling Na-update: 2024-06-18 07:50:19

"Sergeant Sanchez, iwanan mo na ko rito. Iligtas mo na lang ang sarili mo. Hindi ko na kaya pang tumakbo. Nanghihina na ako at marami ng dugong nababawas sa akin. Nanlalabo na rin ang aking paningin," hinahapong turan ni Corporal Rojen Santiago.

"Hindi, Santiago. Hindi kita iiwanan dito. Sabay tayong bababa ng bundok, magpakatatag ka lang. Alam ko na may darating na tulong sa atin. Maniwala ka sa mga kasamahan natin. Sigurado akong ililigtas nila tayo," saad ni Sergeant Dixson Sanchez na hinihingal na rin sa pagod.

Nagpahinga na muna silang dalawa sa nakita nilang maliit na bukana ng kweba na hindi na rin pwedeng pasukin pa dahil sa kipot ng daan papasok. Kaya nakuntento na lang silang magtago muna sa bandang bungad ng kweba na natatakpan lang ng mataas na talahib.

Hinubad ni Dixson ang suot niyang damit at pinunit iyon. Itinali ng mahigpit ang tela sa mga sugat ng kasama niyang sundalo. Natamaan ng bala ng baril ang tagiliran ng kanang hita nito at may tama rin sa isang braso niya si Corporal Santiago.

"Makinig ka sa 'kin, Sergeant. Mababalewala ang ginawa nating pagtakas kanina sa kuta ng mga rebelde, kung kahit isa sa atin ay walang mabubuhay. Magiging pabigat lang ako sa iyo, dahil sa kalagayan ko. Kaya iwanan mo na ako rito!" Pagpapaintindi pa ng kapwa sundalo ni Dixson sa kanya.

Iniiling ni Dixson ang ulo niya. "Magkasama tayong tumakas sa kuta ng kalaban Santiago, kaya magkasama tayong makakalabas sa bundok na ito. Konting tiis pa at darating din ang mga kasamahan natin. Naniniwala akong babalikan nila tayo."

"Ang tigas ng ulo mo, Sergeant! Nakikita mo naman ang kalagayan ko ngayon, pero pinipilit mo pa rin ang gusto mo. Hindi mo ba nauunawaan na pagod na ako at hindi ko na kayang takbuhan ang mga kalabang humahabol sa atin. Ayokong maging pabigat pa sa iyo, Sergeant. Sa ating dalawa ikaw ang may malaking chance na makababa ng bundok. Kung makakatakas ka sigurado akong mababalikan mo ako rito. Hindi man siguradong buhay, kahit ang katawan ko na lang maibalik mo sa pamilya ko." matapang na saad ni Corporal Santiago.

Batid kase nilang dalawa na kung mapapatay sila ng mga rebelde ay susunugin din ang kanilang mga katawan. Katulad ng ginawa sa iba nilang mga kasamahan na napatay sa engkwentro.

Ganun ang ginagawa ng mga rebelde sa katawan ng mga sundalong napapatay nila.

Napabuntong hininga si Dixson. Naiintindihan naman niya ang kasama niya, ayaw lang talaga niya na maiwan si Santiago. Saglit siyang nanahimik at nag isip.

Nakangiwing napahawak sa hita niyang tinamaan ng bala si Corporal. Napaungol din ito sa sakit na nararamdaman kaya napabaling ng tingin sa kanya si Dixson.

Halata sa mukha ng binata ang pag aalala niya para sa kasamahan.

"Kung iiwan kita dito, maipapangako mo ba sa akin na kahit na anong mangyari ay hindi ka lalabas dito hanggang walang dumarating na tulong sa iyo, Santiago?"

"Pangako, Sergeant. Mag iingat ka!" walang pag- aalinlangang sagot sa kanya ni Santiago.

Naghahabol na ng hininga ang lalaki at dama ni Dixson ang paghihirap nito.

"Babalikan kita, Corporal. Mag iingat ka rin."

Binunot ni Dixson ang baril na nakaipit sa suot niyang pantalon at tiningnan kung ilan na lang ang bala ng baril.

"Ito, apat pa ang bala nito. Gamitin mo kung kinakailangan." saad ni Dixson at ipinahawak ang baril kay Santiago.

Tinanggihan si Santiago ang baril at ibinabalik kay Dixson. "Mas kakailanganin mo ito, Sergeant. Maraming kalaban ang makakasagupa mo, paglabas mo rito."

"Santiago, wag mo akong alalahanin. Magaling ako sa self defense, black belter ako sa taekwondo at martial arts. Ikaw, itong baril lang ang magiging depensa mo ngayon." litanya ni Dixson at tinanggap na rin ni Santiago ang baril.

"Dito, nandito sila..," dinig nila Dixson na sigaw ng isa sa mga humahabol sa kanilang kalaban.

"Malapit na sila sa atin. Umalis ka na, Sergeant Sanchez."

Nagdadalawang isip naman si Dixson kung iiwanan pa ba niya si Santiago.

"May patak ng dugo rito at sariwa pa, kaya hindi pa sila nakakalayo. Sundan ninyo ang mga patak ng dugo." aning saad at utos ng isang lalaking malakas ang hinala ni Dixson na isa sa mga may mataas na rango sa mga rebelde.

"Ka Terong, dito sila dumaan." muling sigaw ng kalaban na naririnig nila Dixson.

Mabilis na kumilos si Dixson at nagpaalam kay Santiago. "Mag iingat ka, Sergeant Sanchez." bilin ni Santiago.

"Ililigaw ko ang mga kalaban gamit ang dugo ko. Magpapahabol ako sa kanila upang makalayo sila dito, kaya wag kang lalabas." bilin din ni Dixson.

Maingat at mabilis ang mga galaw ng binatang sundalo. Kumuha siya ng mga malalagong halaman na pangtabing pa sa kinalalagyan ng kasama niya.

Bahagya na siyang lumayo sa lugar at sinugatan ang braso niya gamit ang kutsilyo. Sinadya niya iyon ipatak sa mga dinaraanan niya palayo sa pinagtataguan ng kasama niya.

Tumakbo siya ng mabilis at napahinto siya ng takbo ng marinig niya ang palitan ng putok ng baril at ang malakas na sigaw na pagdaing ni Santiago sa sobrang sakit.

Muling nakarinig si Dixson ng ilang magkakasunod na putok ng baril at hindi na niya narinig pa ang pagsigaw ni Corporal Santiago.

Batid na niyang tinapos na ng mga rebelde ang buhay ni Santiago.

Muli siyang tumakbo, ngunit may nakakita na sa kanyang kalaban kung saan siya papunta. Hinagisan siya ng granada na naiwasan niya ng makapagtago siya sa malaking bato.

Hinabol na siya kaya sunud-sunod na putok ng baril ang narinig niya. Tinamaan ang kaliwang binti niya at ang isa niyang braso. May ilang daplis din ng bala ang tagiliran ng katawan niya. Bumagal ang takbo ni Dixson at napahinto siya ng mapansin niyang nasa tuktok siya ng isang talon. Pinag-iisipan niya kung anong gagawin niya ng marinig niya ang tawanan ng mga rebeldeng pinanood na pala siya.

"Ano na ang gagawin mo Sergeant? Wala ka ng matatakbuhan pa, dead end na." nakangising wika ng lalaking sa tingin ni Dixson ay lider ng mga humabol sa kanya.

Pasimple niyang sinulyapan ang talon. Malakas ang pressure ng tubig hindi siya sigurado kung mabubuhay pa siya kapag tumalon siya.

"Hindi mo ba kayang tumalon sa talon? Gusto mong tulungan ka na namin, Sergeant?" muling saad ng lalaking nagsalita kanina at nagtawanan muli ang mga kasama nito.

Dalawa lang ang pagpipilian ni Dixson. Ang pagtalon sa falls na rumaragasa ang tubig o ang magpahuli sa mga rebeldeng alam niyang pahihirapan muna siya bago patayin.

Nagulat ang mga rebelde ng makita nilang tumalon si Dixson at agad din silang lumapit sa kinatatayuan ni Dixson kanina upang paputukan ng bala ng baril ang ibaba ng talon, kahit hindi na nila nakikita ang katawan ng sundalo.

Tinamaan pa rin ng dalawang bala ang katawan ni Dixson kahit na nasa ilalim na siya ng tubig. Nagkulay pula ang tubig ng humalo ang dugo ng binata sa tubig ng talon. Nakita iyon ng mga rebelde kaya sigurado silang hindi na mabubuhay pa ang sundalo.

"Ka Terong, tinamaan siya ng bala," wika ng isang rebelde.

"Tara na, hindi na mabubuhay yan. Bumalik na tayo sa kuta natin." seryosong turan ni Ka Terong na lider ng mga rebelde.

Nawalan naman ng malay si Dixson ng tamaan siya ng bala sa katawan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
sana makaligtas ka sanchez ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 14

    "Bumalik na tayo sa bahay ng maiayos ko na ang mga gamit ko." wika ni Yanna. "Pwede ba akong sumama sa 'yo?" tanong ni Anton na ikinatitig ni Yanna sa lalaki. "Mas makakabuting dumito ka na lang Anton. Dito mapoprotektahan ka nila Tiyo Tunying at Mang Dencio. Kung isasama kita sa Maynila baka hindi rin kita maasikaso roon. May mga bruha pa akong kasama sa bahay namin. Baka mamaya ay apihin ka lang nila. I'm sorry.., hindi talaga pwede Anton." sagot ni Yanna na ikinayuko ng ulo ng lalaking kausap. "Babalik ka pa rin ba rito?" malungkot na tanong ni Anton na hindi na makatingin kay Yanna. "Babalik ako Anton, babalikan kita. Babalikan ko kayo nila Tiyo Tunying dito." sambit ng dalaga na ikinasulyap muli ni Anton sa kanya. "Mahal kita, Yanna.., sana pagbalik mo marinig ko na mula sa iyo na mahal mo rin ako. Maghihintay ako sa iyong pagbabalik. Hihintayin kita, Yanna." Nakadama ng kirot sa puso niya si Yanna. Nahihirapan siyang tignan si Anton. Damang-dama niýa na nagsasabi ng tapat

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 13

    Nasa gilid ng tarangkahan si Anton dahil ibinabalik nito ang dalawang aso sa loob ng dog house matapos paliguan. Nahagip ng mata niya si Yanna na umiiyak palabas kaya niya ito tinawag. "Anton, sigurado akong sa ilog siya pupunta. Pakisundan mo nga at kausapin. Galit siya sa akin kaya hindi ako papansinin ng pamangkin ko. Pakiusap samahan mo na muna siya at hikayating bumalik dito sa bahay." pakiusap na utos ni Tunying kay Anton. "Sige po, Ka Tunying. Huwag po kayong mag alala babalik po kami agad. Susundan ko na po siya." "Mag iingat ka. Huwag mong iaalis sa paningin mo si Yanna at baka kung ano ang gawin ng pamangkin ko." "Opo, makakaasa po kayo Ka Tunying." Pasigaw na sagot ni Anton na nakalabas na rin ng bakuran at sinusundan ang dalagang si Yanna. "Yanna.., sandali! Yanna.., Yanna, teka lang!" sigaw ni Anton ng malapit na siya sa dalaga. "Huwag mo na akong sundan, Anton. Gusto ko munang mapag-isa. Bumalik ka na ng bahay." saad ni Yanna na saglit na huminto sa paglakad takbo

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 12

    "Huh?! si Anton sundalo? paano naman ninyo nasabi na isa siyang sundalo, Tiyo?" "Hindi mo ba siya naoobserbahan? Kayo madalas ang nakakapag-usap at laging magkasama di ba? Sa pamamaraan ng pakikipag-usap niya halatang mayroon siyang pinag aralan. Marunong siyang magsalita ng english. Kahit ang kilos niya ay aral. Hindi katulad ng mga rebelde na karamihan sa kanila ay laki sa hirap. Napansin mo ba ang paghawak niya ng kutsara at kahit na magkamay siya pagkukumakain tayo ng sabay-sabay. Nung una ay inisip ko na lang na nahihiya siya pero ganun talaga ang pagkilos niya." saad ng Tiyo ni Yanna. "Hindi ko napapansin ang mga iyon, Tiyo Tunying." "Dahil pareho kayo, Yanna." wika ni Tunying. "Dati ka bang secret agent, Tiyo Tunying? Yung mga maliliit na bagay kase ay nakikita o napapansin mo. May nililihim ka sa amin noh?!" biro ni Yanna. Natawa si Tunying sa pinagsasabi ng pamangkin. "Agriculture ang tinapos ko, Yanna. Malabo yang sinasabi mo. Mahilig lang akong manood ng mga

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 11

    "Tiyo Tunying, kumusta po ang naging lakad ninyo?" tanong ni Yanna pagkarating ng tiyuhin sa bahay kasama si Mang Dencio. "Wala pa ring magandang resulta. Ilang araw na o mahigit dalawang linggo na ngang nasa sa atin si Anton pero walang naghahanap sa kanya o lumalapit sa mga presinto para hanapin siya. Ilang bayan na ang pinuntahan namin ni Dencio, wala talaga. Palagay ko ay taga-maynila siya at walang alam ang pamilya niya sa pagkawala niya. Kung may pamilya nga siyang matatawag." sagot ni Tunying sa pamangkin. Tulad ng mga naunang araw na nagbabyahe ang tiyuhin ni Yanna sa mga kalapit bayan ay bumabalik ito na walang magandang balita ay hindi maiwasan ng dalaga na malungkot para sa lalaki. "Nasaan si Anton?" tanong ni Tunying ng mapansin na wala ang lalaking pinag-uusapan nila. "Nasa likod bahay. Pinapaliguan ang mga alaga mong aso, Tiyo. Medyo nangangamoy na kase kanina kaya nagkusa na si Anton na paliguan sina Blacky at Gido." sagot ng dalaga. "Nahawakan ni Anton si Gido?!"

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 10

    Hindi na rin muna nagsalita ang dalaga at naglagay na lang ng palaman sa tinapay na kakainin niya. Nagpakiramdaman ang dalawa at ilang minuto lang ay nagpaalam na si Anton na babalik na sa silid. "Dito ka muna, wala ka namang gagawin sa loob di ba? malapit na rin mag alas dose ng tanghali, ang mabuti pa ay tulungan mo na lang akong magluto ng tanghalian natin." "Hindi ba nakakailang?" tanong ni Anton. "Nakakailang?! Bakit ka maiilang? Pwede ba Anton, wag mo ng intindihin yang naiisip mo. Wala naman tayong gagawin na hindi kaaya-aya. Tulungan mo kong magluto." saad ng dalaga. "Teka, titignan ko kung anong pwedeng lutuin. O eto may naka-marinate na palang baboy at manok sa refrigerator. Mag gigisa na lang siguro ako ng ampalaya at magpiprito ako ng manok. Kaso may problema!" "Anong problema?" napasulyap si Anton kay Yanna. "Takot ako sa tilamsik ng mantika eh!" Natawa ng bahagya si Anton. "Tawa ka diyan! Hindi ako nagbibiro, takot nga akong matalsikan ng mainit na mantika. Huwa

  • My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)   Chapter 9

    Lumipas ang ilang araw at nakakakilos na rin si Dixson na tinawag na ngang Anton nila Yanna at Manang Rita. "O Anton, bakit ka tumayong mag isa? kaya mo na ba?" tanong ni Yanna ng makita niya si Anton na na maingat na naglalakad palabas ng pinto ng silid nila Manang Rita. Kakababa lang ng dalaga sa hagdan ng umagang iyon. "Kailangan ko kaseng magbanyo, Yanna. Nakakahiya naman sa iyo kung tatawagin pa kita. Nahihiya na rin ako sa mag asawa sa abalang ginagawa ko sa kanila at sa inyo na rin ng Tiyo mo. Kaya ko naman ng tumayo at maglakad kahit na mabagal." sagot ni Anton sa dalaga. "Nauunawan ko, sige na magpunta ka na ng banyo at titignan na nga lang kita." wika ni Yanna na nginitian ang lalaki. Tumango si Anton at naglakad nga mag isa patungong banyo. Dumiretso naman ng kusina si Yanna at naghandang magtimpla ng kape. "Nakapagkape ka na ba?" tanong ni Yanna pasigaw upang marinig siya ni Anton sa loob ng banyo. "Kanina ipinagtimpla ako ng kape ni Manang Rita bago siya umalis pa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status