After 5 years
"May lead ka na?" tanong ni Yvonne sa kanyang private investigator. Mura lang iyon kumpara sa iba. Baguhan pa, pero umaasa siyang may mahahanap ito kahit katiting.
"Miss Yvonne, ano, wala pa akong lead sa pamilya mo—"
"Jeffrey, naman! Hindi kita binabayaran ng libo-libo para lang sa wala!" putol niya sa sinasabi nito.
"Miss Yvonne, naman," panggagaya nito, "Sampong libo pa lang binayad mo. Kulang pa iyon para sa mga gasgas ko pagkatapos kong suyurin itong eskinita," protesta nito.
Napataas ang kilay niya. Kailangan lang naman niya ng isang lead. Kahit isang tao lang, tapos siya na ang mag-iimbestiga.
"So ano, may nahanap ka?"
"Limang libo muna," hiling nito.
"Hindi ako nakikipaglokohan, Jeffrey. Tatanggalan kita ng trabaho o magsasabi ka na—"
"Oo na. May nahanap na ako. Dating katrabaho daw ng Nanay mo sa club. Hostess din. Matalik yatang kaibigan. Kaso mahirap kausapin. Matanda na. Ilang ubo na lang din yata ang natitira nito sa mundo."
Sa lahat ng sinabi nito ay isa lang ang tumatak sa isip niya, "Club? Hostess?" pag-uulit niya.
"Ayun ang nalaman ko, Miss Yvonne. Sa night club daw rumaraket ang Nanay mo. Baka doon nakilala ang Tatay mo," komento pa nito.
Napatigil siya. Hindi iyon imposible pero mas lalo siyang mahihirapang maghanap kung ganoon ang nangyari.
"Isa pa, Miss Yvonne. Matagal ng sarado ang night club. Nineteen kopong-kopong pa yata iyon! Gusto mo bang hanapin ko ang may-ari? Dagdag ka lang ng sampong libo."
Napairap siya kahit hindi nito nakikita, "Salamat na lang, Jeffrey," sarkastikong bigkas niya, "Malamang na hindi naman matatandaan ng may-ari ang Nanay ko."
"Malay mo lang naman—"
Hindi na niya ito pinatapos at pinatay na lang ang tawag. Hindi madali ang hanapin ang mga kamag-anak niya. Ni wala siyang makitang lead o kakilala man lang ng Lolo niya bukod kay Don Frederick. Sinabi ng matanda na kaibigan ito ng Lolo Isko niya pero, ayaw niyang maniwala. Nahihiya rin siyang magtanong matapos niyang lumayas sa mansyon ng walang paalam.
Naipirmi niya ang mga labi matapos maalala ang gabing iyon. Akala niya ay magiging fairytale ang buhay niya, hindi pala. Hindi na rin masama dahil nakatapos siya ng pag-aaral at nakapagpatayo pa ng coffee shop.
Napailing siya't binuksan na lang ang hawak na tablet. Nangalap ng balita, baka sakaling pinaghahanap na pala siya. Pero ibang balita ang bumungad sa kanya.
"Bumalik na pala ng bansa si Miss Margarita."
Napalingon siya kay Nina na nakasilip sa binabasa niyang news online. Agad niyang ni-off ang tablet at tinaasan ito ng kilay.
"Ang chismosa mo, Nina."
Imbis na magalit ay humalakhak ito at binitiwan ang tray ng coffee mug. Nagawa pa nitong umupo sa tabi niya sa counter.
"Tingin mo pakakasalan na siya ni Alaric Castellanos ngayon?" kuryosong tanong nito.
Napaiwas siya ng tingin matapos marinig ang pangalan ng lalaki. Kanina rin ay nabasa niya ang pangalan nito pero pinilit niyang hindi maging apektado.
"Malay ko. Toxic na ang relasyon nila. Ang tagal na nilang ganyan, on and off. Dapat kapag ganyan na, bitiwan na lang," mapait niyang komento.
Wala namang alam ang kaibigan niya patungkol sa nakaraan nila ni Alaric kaya't malakas ang loob niyang magsabi. Isa pa, paanong hindi siya magiging bitter kung basta lang din siya binitiwan ni Alaric? Sumasama talaga ang timpla niya kapag naiisip ang lalaki. Pagkatapos ba naman siya nitong paalisin ay nabalitaan niyang iba-iba ang mga babaeng na-link dito. May balita pa nga siyang may nabuntis ito pero sinabing fake news daw. Akala pa naman niya ay ayaw lang nito sa kanya, iyon pala, hindi nito mabitiwan ang pagiging babaero.
Napapaismid na nga lang siya at napapamura kapag bumubungad ang mukha nito sa balita. Daig pa ang celebrity. Puro pambababae naman ang laman ng balita, o di kaya ay ang relasyon nito kay Margarita Montenegro.
"Sabagay, may point ka rin. Tumanda na sila pero ganyan pa rin ang relasyon nila. Kahit sabihing modelo si Miss Margarita, tumatanda pa rin ito. Iba kasi kapag lalaki ang tumatanda, hindi masyadong halata."
Naibalik ang atensyon niya kay Nina. Nangunot ang noo pero napataas din ng kilay, "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Sus! Parang hindi mo naman alam. Lagpas na sa kalendaryo si Miss Margarita, malamang na kakaunting lalaki na lang ang magkakagusto sa kanya. Baka nga ayaw na diyan ni Mr. Alaric kaya iniiwan-iwan na lang. Sa ganoong kagwapong itsura, hindi iyon magtitiyaga sa kaedad niya, hahanap iyon ng mas bata."
"Ah? Bakit naman siya aayawan ni Alaric? At paano mo nasabing gusto niya ng mas bata? Hindi niya nga mahiwalayan iyan," mapait niyang komento.
Paano hahanap ng mas bata ang lalaki kung siya nga mismo ay inayawan nito? Isa pa, kung tama ang pagkakatanda niya, ilang beses na broken hearted ang lalaki dahil sa modelong iyon. Kaya nga muntikan na silang ikasal dahil sa sawi nitong puso.
Umiling-iling si Nina at tinitigan siya, "My dear friend, kahit gaano na katanda ang lalaki, hahanap at hahanap iyan ng fresh na taong."
Siya naman ngayon ang umiling at binuksan muli ang tablet niya, "Alam mo, Nina. Walang fresh-fresh sa lalaking babaero," litanya niya.
"G*ga, gusto ko lang sabihin na huwag kang magpalagpas sa kalendaryo. Maghanap ka na ng lalaki habang fresh ka pa. Shake that booty, baby." Mahina pa nitong hinampas ang p*wetan niya saka umalis.
"Ano ba, Nina! Huwag ka na nga ulit lalapit sa akin!"
Inirapan niya ang kaibigan na ngumisi lang sa kanya. Kung hindi lang ito mabait at maalalahanin, hindi niya ito pakikisamahan. Pero sa limang taong pag-iisa niya, si Nina ang tinuring niyang pamilya. Sabay silang nag-graduate tapos ngayon ay kasa-kasama niya ito sa pinundar niyang coffee shop.
Saan nanggaling ang pera niya? Sa bulsa ni Alaric. Gusto niyang sinasahid ang card nito pero lagi namang napupuno. Ewan niya lang kung hindi pa nagrereklamo ang lalaki sa kakagastos niya. Alam naman niyang napapansin nito agad dahil agad ding nagkakalaman ang card niya. Gusto niya lang din itong asarin at gantihan sa pagpapaalis sa kanya. Wala naman siyang pakialam kahit maghirap pa ang mga Castellanos.
Isa pa, pampalubag loob niya iyon sa nasawi niyang puso five years ago. Mas marangya sana ang buhay niya kung hindi siya nito pinaalis. Napabilis pa sana ang paghahanap sa pamilya niya.
Muli niyang tiningnan ang balita kung saan naroon ang larawan ni Miss Margarita. Nagtataka pa rin siya kung bakit hanggang ngayon hindi pa kasal ang dalawa. Totoo naman ding babaero si Alaric, pero sa tuwing single lang ito. Alam niyang mahal na mahal ng lalaki ang modelo, hindi ito magiging broken hearted kung hindi. Naisip nga niya noon na kaya pinaalis siya ni Alaric ay dahil hindi pa ito nakamo-move on kay Miss Margarita.
Kumpara naman kasi sa kanya ngayon, sexy na sexy pa rin ang modelo. Siya nga ay hindi nagawang pumayat kahit na sinabi niya sa sariling magpapayat siya para kung magkita muli sila ni Alaric, isasampal niya ang pagiging sexy niya. Kaya lang, hindi talaga siya biniyayaan ng kasipagang magpapayat. Swerte lang na hindi siya sobrang taba. Chubby lang talaga.
Napabuga siya ng hangin at inayos ang suot na puting t-shirt. Hindi naman siya nasisikipan sa damit, sakto lang iyon pero pakiramdam niya ang init. Napapaypay siya sa sarili at saktong paglingon niya sa harapan ay siya ring pagkatigil niya. Maging mundo niya ay natigilan.
Napatanga siya. Maliit na kinurot ang sarili. Baka kasi sa sobrang kaiisip niya kay Alaric kaya nakikita na niya ito sa harapan. Pero dahil nakaramdam siya ng sakit, napagtanto niyang totoo ang lalaki.
"How are you, Yvonne?" tanong nito na tila nilaro lamang ang pangalan niya sa sariling dila.
Ngumisi ito nang nakakaloko at diretsong nakatitig sa kanya ang abuhin nitong mga mata.
Bigla, nagkagulo ang dibdib niya. Naestatwa at hindi makapaniwalang nasa harap niya nga ito.
Bakit naman siya nito pupuntahan? Nagbago na ba ang isip nito? O baka may malalang sakit na?
Napakurap siya noong pumitik ang daliri nito.
"Enjoying my money, Missy? Pwede na ba akong maningil?"
Napagising siya sa katotohanan dahil doon. Nawala ang mga iniisip niya at napairap. Noong makabawi ay humalukipkip siya sa lalaki.
"What do you want? Sa tagal ng panahon, bakit ngayon ka pa nagpakita?" malamig niyang tanong dito.
May nararamdaman pa rin siyang pait kahit limang taon na ang lumipas. Para kasing pinamukha sa kanya ng lalaki na hindi siya kagandahan para pakasalan nito.
Sinandal nito ang braso sa counter. Nilibot ng tingin ang coffee shop niya bago muling ngumisi.
"Malayo naman pala ang narating ng pera ko—"
"Pwede ba, Alaric? Tumahimik ka!" mahinang bawal niya rito. Natatakot siyang malaman ng mga empleyado at kaibigan niya na galing sa lalaki ang pera.
Mas lalong ayaw niyang malaman ni Nina na kilala niya si Alaric.
"Why? Natatakot ka bang gumawa ako ng eksena rito? Don't be, Miss Yvonne. Hindi ko balak na guluhin ang buhay mo kung papayag ka sa gusto ko."
Napatitig siya sa lalaki. May multo pa rin ng ngisi sa mga labi nito pero ang mga mata ay masyadong seryoso.
Tumikhim siya. Kung maninigil na ito ay wala pa siyang maibabayad.
"A-no bang gusto m-o?" muntik na siyang mautal, hindi makayanan ang mariin nitong titig.
Mas dumukwang ito. Kulang na lang ay hilahin ang batok niya para halikan.
"We need to get married. As soon as possible," bulong nito na nagpakabog sa dibdib niya.
"Are you willing to marry me this time, Yvonne Buenavista?"
"Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin
"I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin
"Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k
Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw
"G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta
Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig
"A-no bang pinagsasabi mo, Alaric? P-aanong kasal pa tayo?"Kanina niya pa ito kinukulit ngunit ayaw na nitong sumagot. Pilit siya nitong pinapatulog. Paano naman siya makatutulog kung ganoon ang sinabi nito kanina?"Just sleep, Yvonne—""The f*ck, Alaric? Tingin mo ba makatutulog ako ngayon?!"Hinila niya ang buong kumot para ibalot sa katawan niya. Walang pakialam kahit pa mangisay sa lamig ng aircon si Alaric."Hind ako nakikipagbiruan, Alaric. Ji-no-joke time mo ba ako?""Just don't marry that Connor guy."Napatawa siya nang mapakla. Gusto niyang maiyak bigla. Sayang lang ang pag-alis niya at pagpaparaya kung kasal pa rin naman pala siya rito."Connor is my fiance, pakakasalan ko siya no matter what," pagdidiin niya.Bigla itong humarap sa kanya at kitang-kita niya ang gigil sa panga nito. Naningkit ang mga mata nito at bigla na lang hinawakan ang braso niya."I'm still your husband, Aber—""Don't call me that! Hiwalay na tayo! Dapat pinroseso mo ang annulment papers natin! May pi
Buong araw siyang tinuruan ni Alaric. Kinabukasan naman ay ilang meetings din ang dinaluan nila maghapon. Lahat iyon medyo nakaka-frustrate lalo pa't ayaw na talaga ng ilang investors. Ma-i-stress siguro siya ng sobra kung hindi nila napapayag ang huling investors. Dahil doon ay nakangiti pa naman siyang naka-uwi."Mommy, you became so busy," si Chelsea na agad yumakap sa bewang niya noong makapasok siya sa condo."I'm sorry, Baby. I'm helping your grandfather, hm. After this problem is solved, we can go on vacation. Alright?"Napalabi ito pero tumango rin, "Am I being a burden to you, Mommy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Melly dahil doon."Ma'am, kahapon pa iyan ganyan. Sabi ko mahal mo siya ng sobra kaya huwag niyang isipin iyon," kwento ni Yaya Melly.Napatango siya. Lumuhod at pinantayan ang tangkad ni Chelsea, "Baby, nope, you are not. You are my happiness and strength. Remember that, hm.""But, Mommy, someone told me that you might no
"Dad, hindi naman na kailangan. Hindi naman ako obligasyon ni Alaric," pangungumbinsi ni Yvonne sa ama nito.Kahapon kasi ay sa mansyon siya nito umuwi sa sobrang sakit ng damdamin niya. Naikwento niya ang nangyari dito, maging ang paghingi niya ng tulong kay Alaric. Ngayon naman ay basta na lang siya nitong niyaya sa kumpanya ni Alaric."Look at him now? He is beyond successful. Noon ay allergic iyan sa salitang kumpanya," komento nito habang naghihintay sila sa opisina ni Alaric.Napalabi siya. Himala ngang nagpatayo ito ng kumpanya gayong puro dagat ang hilig nito."This only means he didn't love you at all. Kung mahal ka talaga niyan dati, siya mismo ang magkukusang tumulong sa kumpanya noon pa!" mahina ngunit gigil nitong bigkas.Nanlaki ang butas ng ilong niya. Ayaw na nga niyang magbalik tanaw pero pinipilit talaga nitong hindi siya mahal ni Alaric."I know, Dad," labas sa ilong na sagot niya.Natatandaan pa naman niya ang pagsabi sa kanya ni Alaric ng I love you, maging paglab