Share

KABANATA 4

"Ah? Kasal?!" hindi mapigilang bulalas ni Yvonne.

Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang mga labi sa sinabi nito. Hindi niya sigurado kung nabingi lang ba siya o ano.

"Shh. Lower down your voice, Missy. This is an agreement between the two of us only. I don't want other people to know this," bulong nito.

Simple pa itong sumandal sa counter at nagyuko nang kaunti, tinatago ang mukha sa mga customer.

Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang d*bdib. Nakapa niya roon ang engagement ring nila noon na ginawa niyang kwintas. Hindi siya makapaniwalang niyaya siya ulit nitong ikasal. Five years ago ay tinanggian siya nito, pero heto at gusto pang maging mabilisan ang kasal nila.

Pinasingkit niya ang mga mata. Pinagmasdan niya ang lalaki kung seryoso ba ito. Wala siyang makitang biro sa mga mata nito. Pero paano siya papayag gayong may pera na siya? May pambili na siya ng pagkain at may apartment na. In short, hindi na niya kailangan ang yaman nito.

"You mean, as in wedding? Are you kidding me?" pagkumpirma niya bago humalukipkip.

Umigting ang panga nito at tila nawalan ng pasensya sa kanya. Mas lumapit ito dahilan upang ilayo niya ang mukha.

"Yes, as in marriage, Missy," mabilis na bulong nito.

Sandali silang nagtitigan. Para siyang nalunod sa abo nitong mga mata, hindi rin nakatutulong ang mga papatubong balbas nito upang makaiwas siyang titigan ang angkin nitong kakisigan.

Mabilis siyang napaiwas ng tingin at tumikhim nang malakas upang alisin ang ano mang bumara sa lalamunan niya kahit wala naman. Pagkaraan ay nilingon niya ito at ngumiti nang malawak.

"No," matigas niyang sagot bago binura ang ngiti sa mga labi niya, "I won't marry you," mas malinaw niyang sagot.

Mukhang hindi nito inasahan ang sagot niya dahil bumakas ang gulat sa mga mata nito. Ano ba ang tingin nito sa kanya? Madaling mauto? Easy to get? Na-huh. Natuto na siya mula sa nakaraan. Isa pa, ito mismo ang tumanggi sa kanya noon kaya't wala siyang dahilan upang pumayag sa gusto nito. Duda rin siya sa totoong motibo ng lalaki. Kuryoso kung bakit ito biglang gusto magkasal gayong kaliwa't kanan ang babae nito? At bakit sa kanya pa na tinapon lang nito noon?

Tinaas niya ang kilay noong muling makita ang pag-igting ng panga nito. Tinapatan niya ang nanliliit nitong mga mata.

"Are you sure you don't want to get married to me?" may dudang tanong nito.

Napairap siya, "Absolutely."

"I can feed you—"

"I can feed myself, Mr. Castellanos. May pera na ako—"

"Yeah? Your money? Or my money that you wasted and used?" sarkastiko ang tono nito.

Napirmi ang mga labi niya at mas naningkit ang tingin sa lalaki. Nasira na ng tuluyan ang mood niya. May kagaspangan pala talaga ang ugali nito.

"Babayaran naman kita."

Tumikwas ang kilay nito at sandaling sinuyod ng tingin ang coffee shop niya bago dumukwang palapit sa kanya muli.

"You can pay me by marrying me, Missy."

Gigil niyang kinuyom ang mga kamao. Mukhang makulit pa ito sa Lolo nito. Maliit siyang ngumisi bago binigay ang matigas na hindi.

"Hindi, Mr. Castellanos. Umuwi ka na lang. Wala kang mapapala sa akin. Hindi ako sexy, hindi sobrang mayaman, at hindi modelo."

"Exactly my point. You are an ordinary girl, perfect to what I need," mabilis na sagot nito.

Napaawang ang mga labi niya. Sinasabi ba nitong hindi siya maganda?! Oo at chubby siye pero may laban naman ang beauty niya!

Matalim niya itong tinitigan bago malakas na tinawag si Nina.

"Nina! May baliw na nakapasok sa coffee shop!" malakas niyang sigaw dahilan upang mapalingon ang ibang customer.

Kita niyang nalito si Alaric. Naguguluhan siya nitong tiningnan at bahagyang nagpanic noong magbulungan ang mga customer.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" mahina at gigil na protesta nito.

Umakto siyang walang narinig at pinokus ang atensyon niya sa computer.

"Saan ang baliw, Yvonne?" gulat na tanong ni Nina noong makalapit.

"I'm not crazy!" malakas na sigaw ni Alaric dahilan upang matigilan silang lahat.

Napatanga siya lalo pa't nakita ang galit sa mga mata nito. Kinagat niya ang labi. Mukhang ginalit niya ito matapos masalubong ang matalim nitong titig sa kanya.

Si Nina ang unang nakabawi ngunit muli ring nagulat matapos mapagtantong isang Alaric Castellanos ang nasa harap nito.

"Mr. Alaric Castellanos?! Baliw po kayo—"

"I am not! I just want to have some espresso," bawi nito.

Napanguso siya. Mukhang wala itong balak na umalis kahit pa pinahiya na niya ito.

Ramdam niya ang mariin nitong titig sa kanya. Para ngang sa kanya pa rin ito nakatingin kahit pa ginigiya na ito sa isang mesa ni Nina. Pagsulyap niya ay sa kanya nga ito nakatingin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Pakiramdam niya ay namumula ang mga pisngi niya kasabay ng bilis ng tibok ng puso niya sa kaba.

Dapat ay galit at inis ang maramdaman niya at hindi ganito! Pero hindi eh, para siyang sinisilaban sa titig nito. Tinutunaw at gustong higupin. Nanigas ang mga paa niya. Kun'di pa siya kinurot sa tagiliran ni Nina ay hindi mababalik ang katinuan niya.

"Bakit mo tinawag na baliw si Mr. Alaric?! Gusto mo bang mawalan ng customer?" mahinang sermon nito pero may hagikhik naman siyang naririnig mula rito.

Umismid siya at muling sinulyapan ang lalaki. Pasalamat siya at sa cellphone ito nakatutok pero noong mag-angat ng tingin ay agad siyang umiwas.

"Ang gwapo, shemay!" kinikilig na bulong ni Nina, "Sir Alaric, Warakin mo ako!" mahinang sigaw nito bago humagikhik.

Napatanga siya sa kaibigan. Talaga bang sinabi nito iyon? Nagsasalubong ang kilay niya sa inaasta nito. Kulang na lang ay lapitan nito ang lalaki at yayain sa motel.

Umikot ang mga mata niya at tinapik ito sa balikat upang gumising sa katotohanan.

"Ihatid mo na iyong espresso sa kanya," malamig niyang utos.

"Ay, cold iyan? Ayaw mo ba sa gwapo?" tukso nito.

Inirapan niya na lang ito bago mahinang tinulak upang umalis na ito sa tabi niya. Napaismid siya at sinulyapan muli si Alaric. Nakasandal na ito sa upuan at tila kanina pa nga siya tinitigan ulit nang malalim na para bang hindi siya pwedeng mawala sa paningin nito.

Nagkarera bigla ang mga daga sa puso niya. Mabilis siyang nagyuko at pinagalitan ang sarili.

Sa buong araw yata ay nasa coffee shop si Alaric. Tila hinihintay na magsara sila. Nakakarami na rin ito ng kape. Ewan lang kun'di pa ito kinakabahan sa dami ng nainom nito. Nagtataka na rin si Nina sa presensya nito. Ningunguso nga sa kanya ngunit patay malisya siya. Alangan namang sabihin niyang ex-fiancee niya di ba?

Noong papasara na sila, balak na niyang ipagtabuyan ang lalaki. Kaya lang, bigla na lang itong tumayo at nag-iwan ng lilibuhin sa mesa. Napatanga sila ni Nina dahil doon. Sobra-sobra ang bayad nito. Hanggang sa magsara sila at maglakad pauwi ay iyon ang bukambibig nito.

"Feeling ko babalik ulit bukas si Sir Alaric, Yvonne. Ano maganda suotin?"

"Ah? May Cafe uniform tayo—"

"No-no iyan. Dapat maganda tayo. Malay mo naghahanap na iyan ng mapapangasawa. As in Fresh na mapapangasawa. Parang tayo," pagrarason nito.

Para siyang nasamid pero hindi sumagot. Hindi naman niya pwedeng sabihing inalok siya nito ng kasal. Nanahimik na lang siya hanggang sa lumiko na ito sa kabilang eskenita. Siya naman ay kinuha ang susi ng gate niya sa bag.

Tinakbo na niya ang distansya sa kaniyang bahay. Madilim ang paligid kaya't binuksan niya ang flashlight ng cellphone. Inipit niya ang cellphone sa kanyang bibig upang mabuksan ang lock ng gate. Seryoso pa siyang nagsusuksok sa susi noong bigla na lang kuhanin ang cellphone niya. Awang ang mga labi niyang nilingon ang salarin ngunit napaatras siya noong agawin din nito ang susi sa mga kamay niya.

"Ano bang ginagawa mo, Alaric?! Sinundan mo ko rito?!" histerya niya.

Napalayo siya ngunit mabilis pa sa alas kwatro siya nitong nahapit sa bewang. Bumangga ang katawan niya sa matigas nitong katawan. Lalong nanlaki ang mga mata sa kakaibang nararamdaman ngayong balat sa balat ang dikit nila.

"Mukhang maluwang ang apartment mo. Dito na lang ako makikitira," pilyong bigkas nito na siya namang nagpagimbal sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status