Share

KABANATA 2

Matagal na tinitigan ni Yvonne ang sarili sa harap ng salamin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakapagsuot ng magarang damit. Kumikinang ang bawat beads ng kulay rosas na gown. Hapit na hapit iyon sa kanya. Kahit chubby siya, nasa tamang pwesto ang bawat kurba niya. Pero kahit nakasuot siya ng magarang damit at naka-make-up ay kinabahan siya. Eighteen years old pa lang siya ngunit nakatakda ng ikasal. Malayo sa pangarap niyang magtapos ng pag-aaral.

Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang pagpipilihan, mas gusto na niya ito kaysa matulog sa lansangan.

Pag-angat ng tingin ay kuminang ang pagkaberde ng kanyang mga mata sa tama ng ilaw. Madalas siyang tuksuhin sa mga mata niyang iyon. Tinatawag pa nga siyang halimaw. Hindi iyon katulad sa kanyang Lolo Isko na itim ang mga mata. Ang sa kanya ay malalim ang berde na aakalain mong itim kung hindi sisinagan ng araw o ilaw. Pansinin iyon kapag nakabilad siya sa araw. 

Wala naman siyang pakialam noon kung bakit berde ang mga mata niya. Pero ngayong wala na ang Lolo niya, gusto niyang alamin kung sino ang mga magulang niya. Tiyak na namana niya ang mga mata sa kanila. Tingin niya ay may lahi siyang banyaga base na rin sa kutis niya.

"Are you happy?"

Napalingon siya sa nagsalita. Nakita niya si Alaric na nakasandal sa hamba ng pinto at nakatitig sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi sa taglay nitong kakisigan. Abuhin ang mga mata nito at ang mala-parisukat na hugis ng mukha ay bagay na bagay sa lalaki. Hindi na rin masama na maaga siyang mag-aasawa kung ganito naman kagwapo at kayaman ang mapapangasawa niya.

"You're staring too much," mariing bigkas nito na kinapula ng mga pisngi niya.

Paano ba namang hindi siya tititig? Kahit hindi ito magsalita o mag-effort, didikit lahat ng babae dito. Kinakabahan na siya na baka marami siyang maging kakumpetensya. Narinig pa naman niyang lapitin talaga ito ng babae kahit may girlfriend na.

Naumid yata ang dila niya at hindi makapagsalita. Kinapos siya sa hininga dahil sa hiya. Dinig niyang mahinang tumawa ang lalaki. Tawang hindi nakakaaliw pero nakababaliw. Sunod niyang nakita ay ang pares na itim na sapatos nito.

"Act normal. Ayokong isipin ng iba na hindi ako gusto ng babaeng pakakasalan ko."

Namilog ang mga mata niya at agad na nag-angat ng tingin. Kahapon niya pa lang ito nakilala pero gusto na niya ito. Crush na niya ang lalaki. May kabaitan ito kahit pa laging matiim ang titig minsan. Mukha rin itong maalaga. Hindi nga siya nito iniwan kagabi hangga't hindi nauubos ang kanin sa plato niya.

"H-indi naman sa ganoon. Nakakahiya kasi—"

"Shh." Nilapat nito ang hintuturo sa mga labi niya dahilan upang matigil siya sa pagsasalita.

"Please, huwag kang mahiya sa akin. Paano magwo-work ang kasal natin kung... nahihiya ka?" Ngumiti pa ito.

Ngiti na sa labi lang at hindi umaabot sa abuhin nitong mata. Basang basa niya sa abuhing mata nito na napipilitan lang ito. Pero kahit ganoon, nahuhulog lang siya sa malalim nitong titig. Tila ba hinihigop ang kaluluwa niya.

Inalis na nito ang daliri sa mga labi niya kaya't napangiti siya nang pilit at sa malamang na namumula ang mga pisngi niya.

"Ayos lang ba talaga sa'yong magpakasal sa batang tulad ko—"

"Hindi ka naman na bata. You're already eighteen," may diing sagot nito na tila pinagdidikdikan sa kanya na legal na ang edad niya.

Hindi siya nakaimik. Narinig niya kasing broken hearted ito kaya't ipapakasal na lang sa kanya upang hindi tumandang binata o makabuntis ng kung sino. Dinig niyang modelo ang ex-girlfriend nito at mas pinili ang career kaysa sa lalaki. Matagal na raw iyong kasintahan ng lalaki pero lagi naman din silang naghihiwalay sa parehong dahilan.

Kahit alam niyang magiging panakip butas lang siya ay hindi siya tumutol. Gusto niya ring tulungan itong maka-move on kapalit ng pagiging mabuti nito sa kanya. Ito yata ang halimbawa ng maginoo pero medyo batos. Mabuti na marahas. Isa pa, gusto niya ring mabawasan ang problema ni Don Frederick.

"After this night, you'll be free. I wish you good luck and success," bulong nito na parang sa sarili lamang binanggit.

Nakakaintindi siya ng Ingles pero hindi niya ma-gets ang sinabi nito. Nakalimutan niya rin iyon bigla noong suotan siya nito ng engagement ring.

Nagningning ang mga mata niya sa maliit na diyamanteng nasa gitna. Kahit hindi iyon sobrang laki, makakaagaw iyon ng atensyon kapag napuna.

"Hindi ba mahal ito?" Inangat niya ang kamay para lamang lalong mamangha sa singsing. Ang simple lang noon pero bagay na bagay sa daliri niya.

"Isangla mo kung gusto mo," blangkong sagot nito.

Napatigil siya at napatitig sa lalaki na bigla na lamang ngumisi.

"Joke lang. Itabi mo kung naiilang kang magsuot ng ganyan," bawi nito.

Bumalik ang ngiti niya. At kahit naunang bumaba si Alaric ay masaya pa rin siyang sumunod. Ngayon hanggang matapos ang bukas ay magiging ganap siyang Mrs. Castellanos.

Mas lalo siyang napangiti dahil doon. Hanggang sa mismong event ay hindi mapuknat ang ngiti niya. Lahat ng guest kahit hindi niya kilala ay nginitian niya. Ganoon din naman si Alaric. Tumigil sila sa tapat ng lalaking may abo ring mata, sa tabi nito ay lalaking naka-man bun.

"Where's Kuya Aldo, Apollo?" tanong ni Alaric.

Nanatili siya sa gilid nito pero nahiya noong sulyapan siya ng lalaki. Tingin niya ay ito na ang kapatid ni Alaric.

"He's busy chasing his life." Ngumisi ito at bigla na lang naglahad ng kamay sa kanya.

"I'm Apollo—"

"She's not interested," putol ni Alaric sa kapatid at winaksi ang palad nito.

Napatanga siya sa ginawa ni Alaric habang si Apollo ay mas nangisi, maging ang lalaki sa tabi nito.

"Huwag mong bakuran, Alaric. Masyado pang bata," makahulugang bigkas ng lalaki na nasa tabi ni Apollo.

"Shut up, Gueco. Itataob ko ang bangko mo," pagbabanta ni Alaric.

"Go on. Like as if I care," ani Gueco.

"Now, I doubt if I can call her Ate," segunda ni Apollo.

"Exactly my point. She's too young. Too innocent for Alaric. Iba talaga mag-isip si Don Frederick," bulong ni Gueco.

Hindi naman sila mukhang magkakaaway at nagngisihan pa nga. Hindi siya makasagot o makaimik. Humahanga lang siya at nahihiya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kapag naikasal na siya kay Alaric, dapat niyang sanayin ang sarili sa magiging pamilya niya.

Gayunpaman, mas pinili niyang i-enjoy ang engagement lalo pa't napaka-elegante ng decorations ng hall. Wala siyang masabi sa sobrang tuwa. Masyado rin siyang na-e-excite para sa kasal nila bukas. Naging usapan iyon sa event at pawang ngiti lang ang sagot niya.

Pero noong mabawasan ang mga bisita ay basta na lang siya hinila ni Alaric sa labas ng event. Nakangiti pa siya nang malawak. Kinikilig siya sa hawak nito sa kanyang palapulsuhan. Kaya lang, wala ng bahid ng ngisi ang lalaki sa kanyang labi. Nakapirmi ang mga labi nito, at seryosong seryoso ang tingin. Hindi kagaya kanina na nangingisi pa minsan o kahit pilit na ngiti lang.

"M-ay problema ba?" alanganin niyang tanong. Natatakot na baka magwakas na lang bigla ang kasiyahan niya.

"Sigurado ka bang gusto mong magpakasal sa akin?" tanong nito.

Maliit siyang tumango, "Oo. Magpapakasal din naman ako balang araw. Ayos lang kahit ngayon na."

Ngumisi ito at pinasadahan siya ng tingin, "Alam mo ring kailangan mong gampanan ang pagiging misis kapag naikasal na tayo bukas?"

"Ah?" Napatanga siya.

"Do you even know how to kiss? Alam mo rin ba anong ginagawa pagkatapos ng kasal? Handa ka bang magbuntis?" sunod-sunod na tanong nito.

Mas lalo siyang napatanga matapos maalalang honeymoon ang tinutukoy nito. Napayakap siya sa sarili. Malaking lalaki si Alaric, paniguradong madudurog siya nito kahit chubby pa siya.

"Kailangan ba agad gawin iyon? Hindi ba pwedeng mag-aral muna ako?"

Mahina itong napamura, "Miss, kukuhanin mo ang pagiging binata ko. Tingin mo ba kaya kong maghintay ng matagal?" sarkastikong tanong nito.

Nag-iba bigla ang ihip ng hangin para sa kanya. Ibang Alaric ang nakikita niya ngayon at malamang na ito ang tunay na ugali ng lalaki.

Napayuko siya. Nawala ang fairytale niya. Nadurog maging ang puso niya.

"Hindi ka pa rin kumbinsidong umatras?" tanong nito ngunit hindi siya sumagot.

Nanghihinayang siya. Saan naman siya pupulutin kung aatras siya? Masyadong malayo ang maynila sa probinsya nila.

"Fine. Kung papakasalan mo 'ko, asahang mong una kong pupunitin ang damit mo ora mismo pagkatapos ng kasal. Baka sunod na buwan, buntis ka na."

Tinakpan niya ang mga tainga upang hindi marinig ang mga sasabihin nito. Panigurado ay tinatakot lang siya nito at epektibo iyon. Oo nga naman. Twenty eight na ito, binata, at hindi magti-tiyagang maghintay kung kailan siya magiging handa. Narinig naman din niya kay Don Frederick na iba-iba ang mga babae nito. Kung hindi rin siya papayag, sa ibang babae ito tatakbo.

Napahikbi siya. Sinusuka yata siya ng mundo. Ngunit napaigtad siya noong ito mismo ang nag-alis sa kanyang kamay mula sa kanyang tainga. Pagkaraan ay may pinahawak itong card. Natigil ang pagluha niya, pag-angat niya ng tingin, nakatitig na ang mga abuhing mata nito sa kanya.

"Listen to me. You're too young. Marami ka pang maaabot. Kung pakakasalan mo ko, mahihinto ang pangarap mo dahil hindi ako nakukuntento. Hindi ka rin magiging masaya," may bahid ng lungkot sa tono nito, "Now, I am giving you a chance to run away. Chase your dreams. Use my card and my money. Please, don't settle for someone like me, Miss. Do not settle for a man who doesn't get satisfied with one woman alone."

Tahimik na bumagsak ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Masakit na marinig ang mga iyon kahit pa para sa kapakanan niya. Mahigpit niyang hinawakan ang card nito. Huminga nang malalim at pinunasan ang mga luha.

"Kung iyan ang gusto mo, sige. Pero babayaran kita," matatag niyang bigkas.

Wala naman siyang magagawa kun'di sumunod. Hindi niya rin naman mapipilit ang lalaki na magpakasal sa kanya. Pareho lang silang hindi magiging masaya, pero nanghihinayang pa rin siya.

"Sure. Mahal ako maningil, Miss. Siguraduhin mong milyonarya ka na kapag nahanap kita." Ngumisi ito kaya't napaiwas siya ng tingin.

Humugot siya ng lakas para makaalis na. Tumalikod na siya at balak ng iwanan ito ngunit natigilan siya at muli itong nilingon. Nakatayo pa rin naman ito at nakatitig sa kanya.

"B-akit ba ayaw mo sa akin?" lakas-loob niyang tanong.

Mapanganib na ngisi ang lumitaw sa mga labi nito. Pinasadahan siya ng tingin bago siya mariing tinitigan sa mata.

"Honestly, I don't like you. You are too innocent for me," pag-amin nito na sumaksak sa dibdib niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status