Kahit parang dinudurog ang pagkatao niya sa bawat hakbang na ginagawa, kahit bawat galaw ay labag sa kaniyang kalooban, lumapit pa rin si Alice. Mahal niya si Wenner, at handa siyang gawin ang halos lahat para lang maging maayos ang pagsasama nila, para lang maramdaman niyang sapat siya bilang asawa. Kaya tumabi siya rito sa malamig na tiles ng banyo, at pinanood nang mabuti ang screen ng cellphone na hawak-hawak nito.
"Stand closer," utos ni Wenner habang nakaturo sa video. "Panoorin mong mabuti. Tingnan mo kung paano siya gumalaw. Hindi ganyan ang ginagawa natin kaya siguro hindi ako nilalabasan. Kailangan mong gayahin siya exactly."
Tumango lang si Alice, pinipigilan ang panginginig ng kamay habang nakatingin sa mga galaw ng babae sa screen.
"Okay, simulan mo na," utos nito habang nakatingin pa rin sa video, hindi sa kaniya. "Una, yung paglapit niya—mas dahan-dahan, mas malambot. Huwag kang magmadali. Just copy her."
Sinubukan ni Alice na gawin ang sinabi nito. Lumapit siya nang mas dahan-dahan, pilit na pinapalambot ang bawat galaw ng kamay at katawan, kahit na pakiramdam niya ay hindi naman ito natural sa kaniya.
"Huwag kang titigil diyan," dugtong pa ni Wenner habang nakatingin pa rin sa screen at sa kaniya nang sabay. "Tingnan mo, yung paghawak niya—mas mahigpit pero mas malambing. Ganoon din ang halik niya sa leeg. Subukan mo doon sa may batok ko. Gaya ng ginagawa niya sa lalaki diyan."
Sumunod ulit si Alice. Hinahanap niya ang bawat utos nito, pilit na inaayos ang bawat galaw base sa nakikita niya sa ibang babae.
"Ganyan… continue," bulong nito habang ang mga mata ay hindi pa rin lumilipat sa kaniya. "Mas ibaba pa nang kaunti yung kamay mo. Gaya niya. Don't be shy. She's confident. Be like her."
Sa bawat utos na lumalabas sa bibig ni Wenner, parang lalong bumababa ang halaga ni Alice sa sarili niyang paningin. Hindi siya ang pinupuri—yung ginagaya niya ang pinupuri. Hindi siya ang gusto—yung imahe ng ibang babae ang gusto. Pero pinilit niyang lunukin ang lahat ng hiya at sakit.
"Okay, now look at the screen again," utos pa nito. "Panoorin mo kung paano siya gumagalaw kapag nagsesex na sila. Ganoon din tayo dapat. Kung paano siya umuungol, gayahin mo rin yung tono. Not too loud, not too soft. Exactly like her. Para masanay ang pandinig ko at ang katawan ko sa ganung klase ng tunog."
Sinubukan niyang gayahin pati ang bawat tunog—mga ungol na hindi naman talaga galing sa sarili niyang ligaya, kundi pilit na kinokopya lang mula sa ibang tao.
"More… don't stop," utos nito habang lalong bumibilis ang paghinga. "Just keep doing exactly what she's doing. Huwag kang mag-iisip ng sarili mong paraan. Just follow her lead. I'm telling you, that's the only way this will work for me."
Ginawa niya ang lahat ng iyon. Sinunod niya ang bawat utos, kahit na sa bawat sandali ay pakiramdam niya ay nawawala siya sa sarili—na hindi na siya si Alice, kundi isang anino lamang ng ibang babae na nakikita sa screen. Parang naging instrumento lang siya, katawan na ginagamit para tularan ang estrangherong babae na iyon, para lang makuha ang reaksyong matagal na niyang hinihingi na ibigay sa kaniya nang buong-buo.
At sa wakas—matapos ang mahabang panahon ng pagkabigo, pagpipigil, at paulit-ulit na pagtatangka na magtagumpay—naramdaman niya ang pagbabago sa katawan ni Wenner. Naramdaman niya ang pagbilis ng paghinga nito, ang higpit ng hawak sa kaniyang balikat, at habang patuloy pa rin ang mga utos nito sa gitna ng paghingal…
"Yes… just like that… keep going… don't change…"
…sa huli ay narinig niya ang malakas na ungol na matagal na nilang hinihintay. Nilabasan na siya. Sa wakas, naputukan na rin siya.
Naramdaman niya ang mainit na katas sa loob niya, at sa sandaling iyon, may bahagi sa kaniyang puso na halos mapaluha sa ginhawa—sa wakas, nagawa ko na. Sa wakas, naramdaman niya ako nang buo.
Ngunit ang panandaliang ginhawang iyon ay agad na napalitan ng mas matinding kirot—isang kirot na mas masakit pa sa anumang pisikal na pagod o hiya na naramdaman niya sa gabing iyon.
Dahil habang ginagawa niya ang lahat ng iyon, habang ibinibigay niya ang kaniyang katawan, oras, at dignidad—ang pinakamasakit sa lahat… ay ang katotohanang kahit sa mga sandaling iyon, habang binibigkas nito ang mga huling utos at salita—hindi siya tinitignan ni Wenner sa mata. Ang tingin nito ay nakapako pa rin sa maliwanag na screen ng cellphone.
"Sa akin nga nangyari ang pisikal na bahagi… pero sa iba pa rin siya n*******n." Iyon ang katotohanang parang kutsilyong paulit-ulit na tumutusok sa kaniyang puso. "Ang katawan ko ang nandito, pero ang isip niya, ang pagnanasa niya, ang buong pagkatao niya—nasa ibang tao. Sa taong hindi naman nakakaramdam ng pagod, hiya, o sakit na katulad ko."
Pinilit niyang panatilihing kalmado ang mukha, kahit na nanginginig ang kaniyang mga kamay at nagbabadyang bumagsak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Pilit niyang nilulunok ang bukol sa lalamunan na parang bato ang bigat. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili, "Para sa amin ito. Siguro OA lang ako. Syempre, bakit ako maiinggit dun sa babae na yon, eh, wala naman siya dito. Hindi naman siya totoo."
Ilang sandali pa, pinatay na ni Wenner ang screen ng cellphone, at saka lang dahan-dahang tumingin sa kaniya. "Okay… that worked," sabi lang nito, parang nag-uulat ng resulta. "See? That's exactly what I needed. Next time, we'll just follow the same steps. Just watch, copy, and do exactly what she does. No variations yet until I say so. Understand?"
Tumango lang si Alice, walang nasabi, habang dahan-dahan niyang pinupulot ang kaniyang mga damit na nakakalat sa malamig na sahig ng banyo. Ang lamig ng hangin ay wala sa tindi ng lamig na bumabalot sa kaniyang dibdib.
Ginawa niya ang lahat—sinunod ang bawat utos, tinalikuran ang sariling dignidad, naging kopya ng iba—pero sa huli, habang naglalakad siya paalis sa banyo, naiwan siyang may tanong na tila walang sagot:
Hanggang kailan ko ba kailangang maging ibang babae para lang mahalin mo ako?
Kinabukasan
Kinabukasan, paggising pa lang nila, doon na siya pinuri ni Wenner. Nakangiti ito, mukhang magaan ang pakiramdam, at tila walang bahid ng hiya sa nangyari kagabi.
"Ang galing mo kagabi… sobra akong nag-enjoy," sabi nito habang humihikab at humahalik sa noo niya.
Sa unang sandali, halos mapangiti na rin si Alice. May bahagi sa kaniya na nakaramdam ng saya. Sa wakas, napuri rin ako. Sa wakas, naging sapat na rin ako. Pero hindi pa siya lubusang nakakahinga nang maluwag nang bigla itong dugtungan pa ni Wenner ng isang biro:
"Gayang-gaya mo siya. Magaling ka siguro dati sa school niyo na mangopya, ano?"
Tumawa pa ito nang bahagya, parang wala lang 'yon—isang simpleng biro na walang halong diin. Pero para kay Alice, parang pinasakan siya ng yelo sa puso. Parang biglang binawi ang lahat ng ginhawang naramdaman niya kanina.
Napatigil siya. Namatay ang ngiting halos sumilay na sa kaniyang mga labi. Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang dibdib niya.
"Mangopya." paulit-ulit ang salitang iyon sa isip niya. "Kaya pala ako pinuri hindi dahil ako ang nagustuhan mo, kasi naging magaling lang akong gumaya sa iba. Hindi ako ang pinuri mo… yung ginaya ko ang pinuri mo."
Hindi naman alam ni Wenner na masakit 'yon para sa kaniya. Patuloy pa rin ito sa pagngiti, walang kamalay-malay na sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay tila kutsilyong tumutusok sa natitirang pagpapahalaga ni Alice sa sarili.
"Bakit ang tahimik mo? Nagjoke lang naman ako," sabi pa nito habang inaayos ang unan.
Pinilit ni Alice na ngumiti—isang ngiting halos hindi maipinta sa hirap. "Oo naman. Gets ko… biro lang 'yon," sagot niya nang pilit, kahit na sa loob-loob niya ay parang dinudurog na naman ang kaniyang puso.
Pero sa isip-isip ni Alice, "Bakit? Bakit kailangang may kopyahin pa ako para lang masatisfy ko siya? I thought sex is for lovers. To make love. Bakit ganun siya? For him to errect kailangan pa namin manood ng videos nung babae na yon?"
She wasn’t here but she's destroying me, us, and our marriage.