BIHAG NG MAPANG-AKIT KONG BOSS: MR. DAKS

BIHAG NG MAPANG-AKIT KONG BOSS: MR. DAKS

last updateLast Updated : 2026-09-11
By:  TristarNightUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Wala namang taong may galit sa pera, 'di ba? Kaya si Lily Alvarez a.k.a. Inday hinding-hindi tatanggi sa datung! Lahat ng raket, legal man o medyo "subok sa tibay," papatusin niya para lang maiahon sa gutom ang pamilya niyang halos asin na lang ang ulam sa probinsya. Dahil sa pangarap na 'to, lumuwas si Inday ng Maynila para maging stay-in housemaid sa isang kulay-ginto at kulay-dugong mansyon. Deadma na sa weird vibes ng bahay, basta makasahod! Pero pagpasok niya, doon niya nakilala ang amo niyang si Damien Halbert Palma o mas kilala sa pantasya ni Inday bilang "Mr. Daks." Si Mr. Daks ay ang perpektong kahulugan ng Dark Romance: pumatay-mata ang kagwapuhan, amoy perwisyo at mamahaling pabango, napakasungit, may kakaibang dilim sa pagkatao... at pang-R-18 ang tindig! Kahit araw-araw siyang sinesermunan at tinatakot ni Mr. Daks, hindi natitinag ang fighting spirit ni Inday. Bakit? Kasi crush na crush niya ang amo! Ang ultimate goal niya: Kumita ng milyon, at kahit isang beses lang, matikman ang labi ng kinatatakutang boss/CEO. Isang gabi, dahil sa tapang at kabaliwan, subukang inakit ni Inday si Mr. Daks. Akala niya matatampal siya o ipapakain sa pating, pero humanda ang panga ni Inday dahil lumabas ang ganid ng kanyang amo at kumagat ito sa kanyang patibong! Lalong gulo ang abutan nang sumingit ang baliw rin na karibal ni Mr. Daks na si Harold Ace Salvador isang pilyong milyonaryong gustong agawin ang lahat kay Damien, kabilang na ang puso (at katawan) ni Inday! Magiging maayos ba ang buhay-yaya ni Inday o magiging ganap na siyang Dark Romance Heroine na laging hapong-hapo sa kwarto ng amo? May mabubuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila? Sino kaya ang pipiliin ni Inday sa kanilang dalawa? magiging happily ever after kaya ang buhay niya?

View More

Chapter 1

#1

Lily's POV

Kung may paligsahan lang sana sa pagiging mukhang pera, sigurado akong hall of famer na ang pamilya namin. Tumingin ako sa paligid ng aming barong-barong ang dingding naming kalahati ay kalawanging yero at kalahati ay lumang plywood na halos maging pulbos na dahil sa katakawan ng mga anay.

Sa tuwing lalakas ang hangin, nagdarasal ako na sana huwag tangayin ang bubong namin dahil paniguradong sa kangkungan ang bagsak namin. Sa gitna ng aming munting mesa, nakahain ang aming pangmatagalang paborito: isang platong asin at dalawang pirasong tuyo na hinati pa sa aming apat nina Nanay at ng dalawa kong nakababatang kapatid.

Nakakatawa na lang kung iisipin, dahil kung tutuusin, mas madami pa ata ang asin sa dugo ko kaysa sa kuryente sa aming poste. Pero sa kabila ng lahat ng 'to, hindi ko hinahayaan na maging kulay abo ang buhay namin.

"Nay, huwag kang mag-alala," sabi ko habang itinataas ang kalahating tuyo na parang nagtataas ng tropeo sa isang Miss Universe pageant. "Ang tuyo na 'to ay hindi lang simpleng ulam ngayong gabi. Isipin mo na lang na pugo ito na inihaw sa mamahaling restawran sa Paris! Medyo maalat lang nang konti, pero 'yun ang secret ingredient!" Napailing na lang si Nanay habang nakangiti nang tipid, bagaman nakikita ko ang labis na pagod at pag-aalala sa kanyang mga mata.

Hindi ko kayang tiisin na makitang ganito ang pamilya ko. Habang nagtatawanan kami sa mesa, naglalaro sa utak ko ang mga pangarap na halos ayaw kong bitawan.

Balang araw, balang araw talaga, makakahawak din ako ng milyun-milyong piso na nanggaling sa sarili kong pawis. Iyong tipong hindi na namin kailangang maghati sa iisang pirasong tuyo, at iyong hindi na kami magtatago tuwing may kakatok sa p***o.

Pangarap kong bilhan si Nanay ng totoong bahay iyong sementado, may malaking gate, at walang anay na nag-aabang sa bawat sulok. Gusto kong makatikim ang mga kapatid ko ng masasarap na pagkain na madalas lang naming makita sa mga patalastas sa lumang TV ng kapitbahay.

Pero sa ngayon, ang realidad ay parang malamig na tubig na gumigising sa akin tuwing umaga. Kahit anong gawin kong pagpapatawa, hindi pwedeng pambayad ng utang ang halakhak, at lalong hindi pwedeng ipakain sa gutom na tiyan ang mga pangarap lang.

Pumatak ang alas-siyete ng gabi nang biglang kalampagin ang aming tila pabagsak nang p***o. "Neneng! Ang utang niyo! Dalawang linggo na kayong delayed! Kapag hindi kayo nagbayad ngayong araw, kukunin ko na 'yang TV niyo!" sigaw ng bumbay mula sa labas.

Mabilis kong itinago si Nanay sa likod ko habang dahan-dahan kong binuksan ang p***o, ibinibigay ang pinakamalapad at pinakaplastik kong ngiti. "Naku, Bossing! Kalma lang, baka tumaas ang presyon mo, mapamahal pa sa ospital! Nag-ipon lang kami ni Nanay, konting pasensya pa. Susunod na linggo, doble ang ibabayad namin sa 'yo, pramis! May kasama pang bonus na tawa!" Mabilis kong pinalipas ang galit ng bumbay gamit ang makapal kong mukha at walang katapusang pambobola, pero nang makapagsalita ang barangay officer na kasama nito, biglang huminto ang ikot ng mundo ko.

Nag-iwan sila ng huling babala: dalawang linggo na lang ang ibinibigay sa aming lugar bago tuluyang gibain ang buong sitio para sa gagawin daw na commercial building.

Nang gabing 'yon, habang tulog na ang lahat at ang tanging naririnig ko na lang ay ang tik-tak ng lumang orasan at ang patak ng tubig mula sa may sirang bubong, hindi ko na napigilang maiyak. Saan kami pupunta kapag giniba ang bahay namin? Saan kami kukuha ng pambayad sa dumaraming utang? Doon na ako nagdesisyon. Kailangan kong kumilos.

Hindi ako pwedeng manatili rito habang pinapanood ang pamilya kong unti-unting nalulunod sa hirap. Kinabukasan, pumunta ako sa bayan at nakipagkita sa isang recruiter na nagpapakilalang nagnanais tumulong sa mga tulad kong gustong magtrabaho sa Maynila.

Inalok niya ako ng isang trabaho bilang stay-in housemaid sa isang eksklusibo at napakamamahaling subdibisyon sa gitna ng lungsod. Sabi niya, malaki daw ang pasweldo dahil kilala at napakayamang pamilya ang nagmamay-ari ng mansyon.

Kahit may kaunting kaba sa aking dibdib dahil wala pa akong nakikitang kahit kanino doon, mabilis kong tinanggap ang alok. Wala na akong ibang mapagpipilian pa; pera na ang nakalatag sa harap ko, at hindi ko na pwedeng hayaang maging luha lang ito.

Dumating ang araw ng aking pag-alis. Nakatayo ako sa pantalan habang nakahawak nang mahigpit sa luma kong bag na naglalaman ng ilang pirasong damit at ng buo kong pag-asa. Nakatayo sa harap ko si Nanay, hawak ang aking mga kamay habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Inday, mag-iingat ka roon sa Maynila, ha? Iba ang buhay sa malaking lungsod. Huwag kang magpapadala sa tukso at huwag mong kalilimutan ang magdasal," paalala ni Nanay sa akin, boses ay nanginginig sa labis na pag-aalala. Niyakap ko nang napakahigpit ang aking ina, pinipigilan ang sarili kong maiyak dahil ayaw kong umalis na mabigat ang kanyang loob.

Pinunasan ko ang patak ng luha sa aking pisngi at inangat ang aking panga. Tinitigan ko si Nanay sa kanyang mga mata habang pilit na ibinabalik ang aking masiyahing mukha. "Nay, huwag kang umiyak, pumapangit ka lalo!" pambibiro ko sa kanya upang maibsan ang lungkot.

"Pangako, Nay, tandaan mo 'tong sinasabi ko ngayon sa harap ng dagat na 'to. Pagbaba ko sa barkong 'yan, gagawin ko ang lahat. Babalik ako rito sa probinsya na napakayaman na natin! O kaya naman, kapag hindi kayanin sa sariling pawis, babalik ako rito na may dalang napakayamang lalaki na makakapag-ahon sa atin sa kahirapan! Gagawin kong donya ang pamilya natin, taga-paypay ka na lang araw-araw!" Natawa si Nanay sa kabila ng kanyang mga luha, at 'un ang huling imahe na gusto kong baunin.

Kumaway ako sa kanila habang dahan-dahang gumagalaw ang barko palayo sa daungan. Sa paglayag ng barko patungong Maynila, buo na ang loob ko. Hindi ako natatakot sa kahit anong trabahong naghihintay sa akin doon. Handa akong magtiis, handa akong magsumikap, at higit sa lahat, handa kong harapin ang kahit sinong amo mabait man o halimaw basta para sa pamilya ko. Maynila, maghanda ka na, dahil dumarating na si Inday!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status