Share

Kabanata 42

"Kapag 25 na tayo pakakasalan na kita," binitawan ko ang mga salitang iyon habang ang paningin ko ay nakatuon sa maliwanag na kalangitan dahil sa nagkikislapang bituin habang ang buwan ay bahagyang nakasilip sa ulap na nakatakip sa kaniya.

Ramdam ko ang paglingon ni Azon sa akin ngunit nanatili lang akong nakamasid sa mga bituin habang napapangiti.

Sigurado na ako sa mga salitang binitawan ko. 16 na ako ngayon at siyam na taon pa ang lilipas, walang kasiguraduhan kung anong mangyayari sa loob ng siyam na taon na iyon ngunit isang bagay lang ang sisiguraduhin ko ngayon kapag 25 na siya ay pakakasalan ko na siya.

"Ang advance mo naman mag-isip, mag tapos ka muna ng collage, aba!" 

Natatawang nilingon ko ito sa kanang gawi ko habang masungit na naman siyang nakatingin sa akin.

"Sinabi ko bang ngayon na kita pakakasalan, hindi naman ah. Sabi ko pag 25 ka na." Napakamot ako sa kilay ko matapos

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status