Share

Chapter 17

Penulis: KeithWrites
last update Tanggal publikasi: 2026-10-30 11:40:44

“May isa pa akong gustong sabihin,” dagdag nito.

“Ano po iyon?”

“Kung may nakakatanggap ka ng mga kakaibang tawag o mensahe, sabihin mo sa amin. Huwag mong solohin.”

Biglang nanlamig ang mga palad ni Nicole. Naalala niya ang mga anonymous text tungkol kay Isabelle, ang mga larawang ipinadala sa kaniya, at ang mga babalang huwag magtiwala sa pamilya Martinez. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang lahat. Ngunit paano kung magtanong si Christopher kung bakit hindi niya ito agad sinabi?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 30

    “May good news ba kayo?”Nakangiting tanong ni Selena mula sa video call. Kitang-kita sa mukha nito ang pananabik habang naghihintay ng sagot mula kina Nicole at Christopher.Nagkatinginan ang dalawa.Hindi alam ni Nicole kung paano magsisimula. Gusto niyang sabihin ang totoo, ngunit nang makita niya ang masayang mukha ng kanyang matalik na kaibigan, hindi niya magawang biguin ito.“Wala pa kaming final update,” sagot ni Christopher. “May mga bagay pa kaming kailangang kumpirmahin sa klinika.”Bahagyang nawala ang ngiti ni Selena.“Wala pa rin ba?”“Don't worry. We'll figure things out,” dagdag ni Christopher.“It's okay. Alam kong ginagawa ninyo ang lahat.” Ngumiti muli si Selena. “Nicole, kumusta ang pakiramdam mo?”“Okay naman ako. Nagpapahinga lang gaya ng bilin ng doktor.”“Good. Please take care of yourself. Ayokong mapagod ka dahil sa akin.”“Don't say that. Ginagawa ko ito dahil gusto kong matulungan ka.”“Alam ko. Kaya nga sobrang thankful ako sa'yo.”Napayuko si Nicole. Lalo

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 29

    Maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher upang kunin ang resulta ng kanilang pagtatangka. Sa buong biyahe, halos walang nagsalita. Paminsan-minsan ay sumisilip si Christopher sa kanya, ngunit nakatingin lamang si Nicole sa bintana, pilit na pinapakalma ang sarili.Ilang araw niyang inalagaan ang pag-asang ito. Sinunod niya ang mga bilin ng doktor, nagpahinga, at iniwasan ang mga gawaing maaaring makapagpagod sa kanya. Sa bawat araw na lumipas, iniisip niyang baka sa pagkakataong ito ay matutupad na ang pangarap ni Selena.Pagdating nila sa klinika, agad silang tinawag ng doktor.“May resulta na po ba?” tanong ni Christopher.Tumango ang doktor at inilapag ang folder sa mesa. Sandaling sinuri nito ang mga papel bago tumingin sa kanilang dalawa.“I’m sorry. Negative pa rin ang resulta.”Hindi agad nakapagsalita si Nicole. Para siyang nawalan ng lakas. Napayuko siya, at mahigpit na pinisil ang mga kamay sa kanyang kandungan.“May iba pa po ba kaming puwedeng subukan?” tanon

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 28

    Pagsapit ng Martes, maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher. Tahimik si Nicole habang nasa biyahe, mahigpit ang hawak sa kanyang bag. Kahit ilang araw na silang naghahanda, hindi pa rin niya mapigilan ang kaba.“Are you okay?” tanong ni Christopher.Tumango siya. “I just feel nervous. Sana maging maayos na sa pagkakataong ito.”“Anuman ang maging resulta, don't worry about it.”Napatingin si Nicole sa kanya. May kung anong kapanatagan sa boses nito na unti-unting nagpawala sa kanyang kaba.“Salamat,” mahina niyang sabi.Pagdating nila sa klinika, sinalubong sila ng staff at inihatid sa silid kung saan gagawin ang proseso. Muli nilang sinuri ang mga dokumento at ipinaliwanag ng doktor ang mga susunod na hakbang.Bago pumasok si Nicole, huminto siya sa may pintuan.“Christopher?”Lumingon ito. “Bakit?”“Samahan mo ako please.”Hindi nag-atubili si Christopher. “Of course, I will.”Hinawakan niya ang kamay ni Nicole at marahang pinisil iyon. “Kaya mo ’to.”Ngumiti si Nicol

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 27

    Habang nasa ibang bansa pa si Selena, gthindi iyon naging hadlang para patuloy siyang makausap nina Nicole at Christopher. Halos araw-araw ay tumatawag siya upang kumustahin ang paghahanda nila para sa susunod na pagtatangka. Sa bahay, abala naman sina Nicole at Christopher sa pag-aayos ng mga kailangang dalhin sa klinika. Nakatakda ang kanilang appointment sa Martes, at pareho nilang gustong maging maayos ang lahat. “May listahan ka na ba ng mga kailangan?” tanong ni Christopher habang inilalapag sa mesa ang isang folder. “Oo,” sagot ni Nicole. “Mga dokumento, resulta ng mga pagsusuri, at mga instructions ng doktor.” “May nakalimutan ka.” Napatingin siya rito. “Ano?” “Water.” Itinaas ni Christopher ang isang bote. “Lagi mong nakakalimutan ’yan kapag abala ka.” Napangiti si Nicole. “Hindi ko naman laging nakakalimutan.” “Talaga? Ilang beses na kitang nakitang naghahanap ng tubig pagkatapos mong sabihing hindi ka nauuhaw.” “Napapansin mo pala ’yon?” Saglit na natigil

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal    Chapter 26

    Hindi maalis ni Isabelle ang tingin sa mensaheng natanggap niya.Kung itutuloy nila ang schedule sa susunod na linggo, maaaring wala nang pagkakataong pigilan ang plano.Muli niyang binasa ang mga salita. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit alam niyang hindi ito basta babala lamang. Dahan-dahan niyang pinatay ang screen ng telepono.Hindi pa niya maaaring sabihin kay Selena ang tungkol sa kasunduan. Hindi pa ngayon. Ngunit kung magpapatuloy sina Nicole at Christopher sa susunod na linggo, maaaring tuluyan nang magbago ang lahat.Kinabukasan, maagang nagising si Nicole. Hindi siya mapakali habang naghahanda para sa araw na iyon. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na ginagawa niya ito para kay Selena, hindi niya maalis ang bigat ng lihim na dala niya.Nang dumating siya sa klinika, naroon na si Christopher. Naghihintay ito sa may reception.“Are you okay, Nicole?” bati at tanong nito.“Hindi ako masyado nakatulog,” sagot ni Nicole.“Dahil sa schedule?”Bah

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 25

    Matagal na nanatiling tahimik si Christopher matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Nicole.Nasa pagitan nila ang kopya ng kasunduan—isang papel na dapat sana’y matagal nang nakalimutan, ngunit ngayo’y nagbabantang guluhin ang buhay nilang lahat.“Hindi puwedeng malaman ni Selena ang tungkol dito,” sabi ni Christopher.Napatingin si Nicole sa kanya. “Alam kong ayaw mong masaktan siya. Pero hindi ba mas lalo siyang masasaktan kapag nalaman niyang may itinago tayo?”“Alam ko.” Napahawak si Christopher sa noo. “Pero kung sasabihin natin sa kanya ngayon, baka isipin niyang may dahilan pa rin para matuloy ang kasunduan. Baka isipin niyang may bahagi ng buhay natin na hindi pa niya alam.”“Wala naman na tayong dapat ituloy,” mabilis na sagot ni Nicole. “Matagal nang wala nang saysay ang kasunduang iyon.”“Para sa atin, oo. Pero hindi natin alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanya at kung ano ang iisipin niya kapag nalaman niya ito.”Napayuko si Nicole. Alam niyang may punto si Christ

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status