
My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal
“Limang Milyon BFF, pumayag ka na please. Mas malaki yan kumpara sa mga nakaraan offer sa'yo. Makakapagbagong buhay ka na at mapapagamot mo pa ang iyong ama.” Malambing na pakiusap ni Selena sa kaibigan niyang si Nicole.
Tatlong taon nang kasal si Selena kay Christopher, isang mayaman at kilalalang negosyante sa bansa. Buong akala ng lahat ay perpekto na ang kanilang pagsasama subalit may bagay na sumisira sa kanilang kaligayahan.
Hindi mabigyan ng anak ni Selena si Christopher. Kaya naman nagpasya si Selena humingi ng tulong sa kanyang matalik na kaibigan, si Nicole Sevilla.
Dating surrogate si Nicole. Kailangan niya ng pera upang maipagamot ang kanyang ama sa ibang bansa at makaahon sa mga problemang pinansiyal ng kanyang pamilya.
Pumayag si Nicole sa kasunduan ngunit hindi alam ni Selena na matagal ng may gusto si Nicole at lihim na pag-ibig sa kanyang asawa.
Sinimulan nila ang proseso kaya naman ilang beses nilang sinubukan sa pamamagitan ng natural conception, ngunit palaging nabibigo dahil palihim na umiinom ng contraceptive pills si Nicole. Ayaw pa niyang mabuntis dahil may isang dahilan pa siya na hindi alam ni Selena.
Hindi nagtagal, unti-unting naging mas malapit sina Christopher at Nicole. Tuluyan nang nahulog si Christopher sa bitag nito, hanggang sa ang dapat sana’y simpleng pagtatangka para sa natural conception ay nauwi sa lihim na pagtatalik na ilang beses nilang inulit.
Hindi alam ni Selena na ang babaeng pinagkatiwalaan niyang magdala ng kanyang pangarap ang siyang unti-unting magnanakaw ng kanyang asawa.
At kapag nabunyag ang katotohanan, maaaring hindi lamang ang kanilang kasal ang tuluyang masira. Dahil may mga lihim ang pamilya Martinez na matagal nang nakatago kaysa sa kanilang ilang taong pagsasama.
May mga pangakong binali. May mga katotohanang binili ng pera. At may isang babaeng matagal naghihintay sa pagkakataong baguhin ang kapalaran ng lahat.
Read
Chapter: Chapter 5Pagkatapos ng ikatlong kabiguan, nagpasya si Selena na magpahinga muna.Hindi niya gustong tuluyang maubos ang kanyang lakas sa paulit-ulit na paghihintay. Sa kabila ng kanyang pagnanais na magkaroon ng anak, alam niyang kailangan din niyang alagaan ang sarili.“Let's take a break,” sabi niya kay Nicole habang nag-aalmusal sila.Napatingin ang kaibigan.“Are you sure?”Tumango si Selena.“Hindi ko gustong madaliin ang lahat. Kailangan nating magpahinga at pag-usapan kung ano ang susunod na gagawin.”“Okay.”“Hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako.”Ngumiti si Nicole.“I know.”Ngunit sa loob-loob niya, may halong takot ang naramdaman niya. Kung magpapahinga si Selena, baka dumating ang araw na maghanap ito ng ibang surrogate. At kapag nangyari iyon, mawawala ang dahilan niyang manatili sa tabi ni Christopher.Hindi niya maaaring hayaang mangyari iyon. Kaya sa mga sumunod na araw, sinimulan niyang pag-isipan kung paano niya mapananatili ang kanyang puwesto sa buhay ng mag-asawa.Hi
Last Updated: 2026-10-22
Chapter: Chapter 4May mga kasalanang nagsisimula sa isang simpleng kasinungalingan. Isang bagay na itinatago dahil sa takot at isang desisyong ginagawa dahil sa pag-asa.Para kay Nicole, nagsimula ang lahat nang itago niya ang kanyang contraceptive pills sa drawer ng guesthouse.Hindi niya itinapon ang mga ito. Hindi pa niya kayang gawin iyon dahil may bahagi sa kanyang sarili na nagsasabing maaari pa siyang umatras, maaari pa niyang itama ang kanyang mga desisyon bago pa tuluyang masira ang lahat.Ngunit sa tuwing nakikita niya si Christopher, nawawala ang kanyang determinasyong maging tapat.Matagal na din niyang minamahal ang lalaki. Ilang taon na rin niyang pinagmamasdan ang kaligayahan ng kaibigan sa piling nito. At sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na sapat nang maging kaibigan siya ni Selena.Ngunit hindi na sapat iyon.Hindi matapos niyang makita kung gaano kadaling mapalapit kay Christopher kapag may dahilan siyang manatili sa kanilang bahay. Hindi matapos niyang m
Last Updated: 2026-10-22
Chapter: Chapter 3Isang hapon, habang nasa sala si Nicole ng mga Martinez, dumating si Christopher mula sa opisina.“Hi, Nicole. Where's Selena?”“May meeting siya. Pabalik na din daw siya in a bit.”Tumango ang lalaki.“Have you eaten?”“Not yet.”“Let's get something to eat. May pagkain sa kusina, sabay na tayo kumain.”Hindi niya alam kung bakit napangiti siya.“Sure.”Habang kumakain sila, madami na sila napagusapan, ang trabaho, ang mga plano ni Selena, at ang mga bagay na gusto nitong gawin kapag nagkaroon na sila ng anak.“She's been looking forward to this for a long time,” sabi ni Christopher.“I know.”“Sometimes sobrang naguiguilty ako.”Napatingin si Nicole.“Why?”“Because I know how much she blames herself. Lagi ko sinasabi sa kanya na Wala siyang kasalanan at okay lang sa akin kung hindi kami magkaanak.”Napayuko si Nicole.“Ang swerte talaga ng kaibigan ko sa'yo, Chris.”Ngumiti nang bahagya si Christopher.“And I'm also lucky to have her.”Parang may kumurot sa puso ni Nicole. Muli na
Last Updated: 2026-10-22
Chapter: Chapter 2Sa Mansyon.Nasa silid-aklatan si Christopher nang dumating si Selena. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon, habang abala sa pagbabasa ng ilang dokumento tungkol sa kanilang negosyo.“Love?”Agad itong tumingin sa kanya.“Hey. How was your day, Love?”Umupo si Selena sa tabi nito.“We need to talk.”Ibinaba ni Christopher ang mga dokumento.“I'm listening.”Huminga siya nang malalim.“I talked to Nicole about surrogacy.”Hindi agad sumagot ang lalaki. Alam nitong ilang buwan nang pinag-iisipan ni Selena ang posibilidad na iyon, ngunit alam din niyang hindi madali para sa asawa ang desisyon.“So ano, pumayag ba siya?”“Hindi pa final ang lahat. Kailangan pa naming dumaan sa medical evaluations at legal consultations. Pero pinag-iisipan niya.”“Bakit naman siya ang napili mo?”“Because I trust her.”Tahimik na pinagmasdan ni Christopher ang asawa.“Selena, gusto kong malaman mo na hindi mo kailangang gawin ito para lang mapasaya ako. Tanggap ko na ang lahat. Okay lang ako ka
Last Updated: 2026-10-22
Chapter: Chapter 1“Mrs. Martinez, kinalulungkot ko po, based on your results, mababa po ang posibilidad na mabuntis kayo.”Tahimik na nakatingin si Selena sa doktor.“Wala na po bang ibang paraan para mabuntis ako?” mangiyak ngiyak na tanong niya.“Mayroon mga fertility treatment na pwedeng subukan pero based sa lab results mo maliit talaga ang chances. Pero may ibang paraan naman kung gusto niyo talaga maagkaanak. If you are aware about Surrogacy”Napayuko si Serena.“Surrogacy, Dra.?”Nadidinig niya na ang tungkol dito at may kilala din siya na gumagawa nun, subalit ayaw sana niya na ibang babae ang magdadala ng anak na pinapangarap niya.Ngunit tatlong taon na silang kasal ni Christopher at tatlong taon na rin silang naghihintay.Sa unang taon pa lang nilang pagsasama, nag-iisip na sila ng magiging pangalan ng kanilang magiging anak. Sa ikalawang taon naman nagsimula silang bumili ng maliliit na gamit para sa magiging nursery Hanggang sa tumigil na sila sa pagbili ng mga iyon.Sa mga bawat negati
Last Updated: 2026-10-22