Hindi kaagad ako nakapagsalita. Maski na si Fred ay gano'n din. Anong pumasok sa utak nitong mga magulang niya na basta na lamang magdisisyon sa buhay ko.Wala namang problema kung gusto nilang ipakilala ang Anak ko sa madla bilang Anak ni Fred. Kaya lang, ang isama ako at gawing kasinungalingan ang relasyon namin ng Anak nila 'yon ang hindi pwede."Ma'am Leanne, Sir Franc. Walang problema po kung gusto n'yo man na ipapakilala si Widmark bilang parte ng pamilya n'yo.Nilingon ko si Fred na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Bahagyang pang nakaawang ang labi."Pero ang maging fake fiancee ni Fred—" umiling ako at yumuko ako. "Ayoko ko po, pasesnya na—""Sino ba ang may sabi na magiging fake fiance ka nitong Anak namin?""May oras pa naman kayong maayos ang relasyon n'yo. Plano naming isabay sa pagbubukas ng bagong branch ng hotel ang pagpapakila namin sa inyo." Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin. Pero huminto kay Fred, kalaunan habang duro na siya."Kaya ikaw Fred, galingan mo an
"Mommy..." Sumulyap sa akin sa Fred. Naiilang at tipid na ngumiti si Gwin, saka nagyuko ng ulo. Natiim niya rin ang labi. "Ah, Widmark, tapos ka na bang kumain?" Tumayo si Tonyo. Na sa akin na rin ang tingin niya at bahagyang ngumiti.Alam niya kaagad na seryoso ang topic na binuksan ni Mommy, at hindi maaring marinig nila. Lalong hindi pwedeng marinig ni Widmark."Yes po, Uncle Tonyo." Matamis na ngumiti si Widmark, sabay inum ng tubig at nagpunas ng labi. "Sige, wash your hands na at maglalaro tayo sa labas." Kaagad namang tumayo si Widmark at patakbong nagtungo si sink at kaagad naghugas ng kamay. "Tara na muna sa kusina," sabi naman ni Nana Puring sa mga kasama na kaagad namang sumunod sa kanya.Tumayo na rin si Patrick, pero sandaling sumulyap kay Gwin, na hindi na magawang mag-angat ng ulo.Naging awkward na tuloy sa amin ang sitwasyon. Ewan ko ba rito sa mga magulang ko. Talagang sinabay pa sa hapunan ang topic na 'to. Imbes na ganado akong kumain, nawala tuloy ang gana ko
Naningkit ang mga mata ni Gwin, bakas ang pagkalito. Umawang pa ang bibig na parang gustong magtanong pero hindi magawa."Masyado bang nakakagulat?" Mapakla akong ngumiti."Paanong inagaw, Fred? Ano ba ang nangyari?" Nagawa niya rin ang magtanong matapos ang sandaling pagkabigla.Mapakla na naman akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. " 'Wag mo nang alamin. Kung maari, 'wag mo nang isipin. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Ang isipin mo lang ay blessing in disguise ang nangyari, kasi 'yon kasi ang dahilan kung bakit nabuo ang baby natin na si Widmark." Hinapit ko ang baywang niya."Aww!" Lumagapak naman kaagad ang noo ko. Bumitiw na lamang ako kaagad. Baka sapak na ang kasunod."Maparaan ka talaga, 'no? Kala mo naman kunting pa sweet mo lang, bibigay na ako." Tinulak niya rin ako at dinuro pa.Himas ko na ang noo ko at dumistansya ng kunti. "Naman! Talagang lahat ng paraan ay gagawin ko, makuha lang ang matamis mong Oo." Matamis na ngiti at kindat ang kasabay ng sinabi ko."Hoy, Fre
GWIN POVNapapikit si Fred at mapait na ngumiti. "Oo nga naman, hindi mo nga pala ako mahal." Nahagod niya ang buhok niya, bumuga ng hangin at sandaling yumuko. "Ang sabi mo noon, nakakatakot akong mahalin pero ang totoo, ikaw 'yong nakakatakot mahalin, ang sakit mahalin, at nakakapagod mahalin, Gwin." Humakbang siya palayo mula sa akin matapos sabihin 'yon. Alam ko naman na masyado na siyang nasasaktan sa mga sinasabi ko, sa mga pagpapakipot ko. Kaya lang, kung magpapadala kaagad ako mga paglalambing niya, panunuyo niya, baka sa huli ako lang din ang masasaktan at muling mahirapan. Grabe na ang sakit na dinanas ko noon dahil nga sa nangyari sa amin at ayokong maranasan ulit 'yon. Ayong sumugal kung hindi man lang ako sigurado kung totoo nga niya akong mahal.Mapakla akong tumawa na kaagad nagpahinto sa paghakbang niya at muli akong hinarap. Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Wala na rin ang matamis na ngiti."Ang bilis mo na naman palang sumuko, Fred. Hindi ka pa nga umabot ng isa
Medyo nakaramdam ako ng sama ng loob pero ako nga ang may gustong mag-inarte at magpakipot kaya wala akong karapatan na magdamdam."Tara, Tonyo." Nauna na rin akong pumasok pero huli ko pa ang sabay na pag-iling ng dalawang lalaki. "Salamat, Tonyo." Ngiti ang tugon nito matapos maingat na ilapag si Widmark at kaagad na ring lumabas ng kwarto ni Fred. Pagod na rin ako at gusto na rin sanang humiga pero ayoko namang iwanan ng mag-isa ang Anak ko. Nagpunta na lamang muna ako sa balcony. Kita ko mula rito sa balcony ng kwarto ni Fred ang malaking pool at si Fred na parang manok na sinisipon. Nakayuko kasi at laylay ang mga kamay. Ewan ko ba at ayaw na maalis ang tingin ko sa kanya. Ang lungkot kasi niya. Napabuntong-hininga ako at sandaling natiim ang mga mata. Nagkataon namang pagdilat ko ay siya namang pagtalon ni Fred sa tubig. Hinintay kong umahon siya pero hindi. Unti-unti na akong nakaramdam ng kaba."Gago!" Talagang gago siya kung lulunurin niya ang sarili. Taranta na akong b
FRED POVNanlaki ang mga mata ko at napalunok pa ng paulit-ulit. Tama ba ang rinig ko o nabingi lang ako dahil sa matagal na pagsisid sa ilalim ng tubig?"T-tulog tayo? Sa kwarto ko? Sigurado ka? Seryoso ka?" Putol-putol kong tanong. Wala akong paki-alam kung magmukha man akong tanga dahil sa pinagsasabi ko. Gusto ko lang makasiguro kung tama ba talaga ang dinig ko. "Nabingi ka na ba?" Hindi ko na magawang tumugon. Tumitig na lang ako sa kanya. Nag-rumble na kasi ang utak ko. Kung ano-ano kaagad ang pumasok isip ko. Kaming dalawa, magkatabi sa iisang kama. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. "Gwin, magsalita ka naman," bagot kong sabi. Gusto ko nga na marinig ulit ang sinabi niya.Kagat ng pang-ibabang labi ang tugon. Humigpit pa ang pagkapit niya sa batok ko at lalong dumiin ang katawan niya sa akin.Muli akong napalunok. May pakagat labi pa kasi, sinabayan pa ng kapit na mahigpit. Hindi ko tuloy mapigil ang paggalaw ng ulong walang utak na nasa baba ko at ngayon ay bahagyang kumiski
Sandaling sulyap sa isa't-isa ang ginawa namin ni Gwin saka dahan-dahan kaming humarap kay Mommy. Nakahalukipkip si Mommy habang seryosong nakatitig sa amin. Talagang walang ka ngiti-ngiti. Tingin ko nga gusto niya pa kaming pagkukurutin sa singit. "Mga hitsura ninyong dalawa! Para kayong mga bata." Nilingon niya pa ang bakas ng mga paa namin sa sahig. "Tingnan n'yo 'yang ginawa ninyo sa sahig. Ang dudumi ng mga paa n'yo, hindi man lang muna kayo naglinis ng mga paa bago pumasok. Ano ba ang pumasok sa mga utak ninyo?" Simula ng mahaba niyang talak."Mommy—""Tumahimik ka!" Duro niya ako. Napakibot na lamang ako ng bibig."Pinakaba n'yo na nga kami sa kahahanap sa inyo kanina. Nagbabad lang pala kayo sa pool, hindi man lang kayo sumagot. Ngayon, binigyan n'yo pa ng trabaho ang mga kasambahay ng dis oras ng gabi."Nakamot ko ang tainga ko. Alam ko kasi na simula pa 'to sa mahabang sermon ni Mommy."Kaya nga po, Mommy. Gabi na po, kaya awat na po sa sermon at talak, please.""Awat sa s
"Teka nga lang, Fred." Nilapat niya ang mga palad niya sa dibdib ko. "Masyado ka namang hot." Kagat niya na rin ang pang-ibabang labi matapos sabihin 'yon pero ang mga mata, namumungay gaya ng sa akin. Para kaming mga lasing; lasing sa pagmamahal."Dati pa naman akong hot, ngayon mo lang ba napansin." Hawak ko na ang mga kamay niya at pinulupot iyon sa baywang ko."Hindi lang pansin kitang-kita pa ng dalawang mata ko. Kapal ba naman ng mukha mong humarap sa akin na lantad ang katawan mo." Napabungisngis siya. Lalo ko namang diniin ang katawan ko sa kanya. Sinabayan ko na rin ng kunting hagod."Gano'n talaga, kapag may ibubuga—" "Hindi ka rin mahangin 'no?""Talagang hindi, sabi mo nga ang hot ko, hindi ba? 'Tsaka, kita naman ang ebidensya." Nilingon ko si Widmark. "Ang gwapo at ang cute ng obra natin." Haplos ko na naman ang pisngi niya, saka marahan kong nilapat ang labi ko sa puno ng tainga niya. "Kaya gawa na tayo ng isa pang obra." Pinahangin ang pagsasalita ko. Halos kapusin na