Matamis na ngiti ang sumalubong sa paningin ko. Ngiti mula kay Mitch. Kaya lang, hindi ko man lang magawang ngitian din siya. Nakaramdam kasi ako ng inis.
Ang laki ng pinsalang nagawa niya sa buhay ko. Ang laki ng nawala sa akin. Ngayon babalik siya sa buhay ng kaibigan ko na parang walang nangyari.Ang galing din naman talaga maglaro ng tadhana. Malaya siyang nakakangiti, habang ako, tulala at hindi alam ang dapat gawin. Masaya sila, habang ako, malungkot. Tuloy ang buhay nila na parang walang unos na dumaan, habang ako, patuloy na binabagyo ang puso ko.Paano naman ako? Paano 'yong nawala sa akin no'ng gabing 'yon? Hindi na kailan man maibabalik 'yon. Habang buhay kong dadalhin dito sa loob ko ang pangyayaring 'yon sa buhay ko.Hindi ko sadyang napahigpit ang paghawak sa kamay ni Patrick. Doon ko naibuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Alam kong ramdam niya na galit ako. Kita ko ang pagsulyap niya sa akin sa gilid ng paningin ko.Matapos ang sandaling pagkagulat at pagkainis ay nagawa ko rin ang ngumiti. Ayoko na ako pa ang magmukhang walang modo."Hi, Mitch," bati ko. Sinabayan ko pa ng pagkaway."Hello, Gwin,"tugon niya, kasabay ang pagsulyap kay Patrick."Gwin, thank you. Tama ka nga, babalik din si Mitch," sabi niya pero wala naman sa akin ang tingin.Na kay Mitch pa rin. Ang tamis din ng ngiti niya pero hindi naman para sa akin ang ngiti niya, kun'di para kay Mitch. Bakas ang sobrang saya sa mukha niya."Sabi ko naman sa'yo, babalik din siya. Ang drama mo lang kasi," tugon ko.Pinipilit kong hindi bumakas ang pagiging plastic. Hindi nga ako masaya pero wala akong magagawa, kun'di ang magkunwaring masaya para rito sa kaibigan ko.Ngiti na lang ang tugon ni Fred, kasabay ng pagbawi niya sa kamay ko mula sa paghawak ng pinsan niya, at kaagad akong hinila palapit sa lamesa. Umupo ako sa upuan na kaharap ni Mitch. Nilingon ko na lamang si Patrick, na nanatiling nakatayo pa rin sa tapat ng pinto."Patrick, halika na," tawag ko rito.Ngumiti siya at kaagad naman na sumunod at umupo sa upuang katabi ko. Kaharap naman niya si Fred. Kakainis nga, kitang-kita ko ang lampungan nila. Nagsusubuan pa.Napalingon lang ako kay Patrick, nang binigay niya sa akin ang chopstick. May kasama pa 'yong kakaibang ngiti. Hindi ko nga alam, kung gusto niya ba na gamitin ko itong chopstick para kumain o gusto niya na itusok ko kay Mitch?"Ito tubig, Gwin," ngisi nitong sabi, kasabay ang pag-abot niya sa tubig."Thank you," sabi ko, kasabay ang pagtanggap no'n. Napangiti na rin lang ako matapos uminum. May silbi rin pala ang isang 'to. Alam niya kasi kung kailan ko kailangan ng tubig."Mabuti naman, at magkasundo na kayo—" pahapyaw na sabi ni Sir.Sabay kaming napasulyap sa Tiyuhin niya na napapailing na lang habang tanaw kami. Paanong hindi siya mapapailing, nasaksihan nga niya ang bangayan namin ni Patrick kanina. Pero ngayon, parang walang nangyaring bangayan. Magkasundo na nga raw kami, sabi ni Sir."Pinsan, wala ka man lang bang balak na ipakilala ako sa girlfriend mo?" tanong ni Patrick, na may pilyong ngiti at malagkit na tingin kay Mitch.Kita ko ang agarang pagngiti ni Mitch. Inipit pa nito ang ibang hibla ng buhok sa tainga niya. Kahit pa pinsan ng boyfriend niya ang kaharap niya ngayon, talagang bumakas pa rin ang pagiging maland¡ niya. Ang lambot din talaga ng ilong ng isang 'to. Kaya nga madalas niyang iwan itong matalik kong kaibigan dahil sa kung sinong lalaki na lalandi sa kanya."Hi, I'm Mitch," kaagad na pakilala ni Mitch, kasabay ang paglahad ng kamay.Hindi man lang siya naghintay na ipakilala sila ni Fred sa isa't—isa. Inunahan na niya. Ang landi talaga.Kaagad namang tinanggap ni Patrick ang kamay ni Mitch."Patrick," pakilala nito, kasabay ang paghalik sa kamay ni Mitch.Kita ko ang pagsalubong ng mga kilay ng kaibigan ko. Bakas ang inis at selos nito. Pinsan nga kasi niya itong si Patrick, kaya malamang ay alam niya hilatsa ng kukuti nito."Pinsan, hawak mo na nga ang kamay ng best friend ko kanina, pati ba naman girlfriend ko?" inis na sabi ni Fred, pero may bakas na biro naman sa boses niya." 'Wag kang mag-alala, hindi ko naman sila aagawin sa'yo," tugon ni Patrick."Kumain na nga muna kayo. Mayaya n'yo na ituloy iyang asaran ninyo, " sabat ni Ma'am.Bahala nga sila. Basta ako, kakain ako. Ang appetizers ang binanatan ko. Ang sarap kaya ng spring roll, may gyoza pa or dumplings, prawn tempura, pero ang pinakagusto ko ay ang sushi roll."Siya nga pala, wala nang pasok sa susunod na linggo. Ano ba ang plano ninyong gawin, Fred, Gwin?" tanong ni Sir."Tuwing bakasyon kasi, binibigyan nila si Fred ng isang buwan na bakasyon, at ako isang linggo. Iisang lugar lang din ang pinupuntahan namin pero nauuna akong umuwi at naiiwan itong kaibigan ko.Ang bait mga kasi nila, kahit madalas akong napagagalitan, ramdam ko naman ang malasakit nila para sa akin."Hindi pa namin napag-uusapan, Sir," tugon ko.Ako na lang ang tumugon. Si Fred kasi, hindi na maalis ang tingin kay Mitch. Sobrang saya talaga niya. Kailan pa kaya matatauhan ang kaibigan kong 'to na hindi nga siya mahal nitong si Mitch.Nakapa ko ang tiyan ko. Hindi yata ako natunawan dahil sa nakikita ko." Excuse po, punta lang ako sa ladies room," paalam ko, kasabay na ang pagtayo.Matapos kong magpunta sa ladies room, hindi na ako bumalik sa loob ng secluded private room kung saan kami kumain.Sa waiting area na lamang ako naghintay. Hindi ko na rin kasi kayang panoorin ang kaibigan ko na masaya kasama si Mitch, habang ako hindi na alam ang gagawin kung sasabihin ko pa ba sa kanya ang totoo o hindi na.Bakit ba naman kasi ngayon pa bumalik si Mitch, gayong buo na sana ang pasya ko na sabihin sa kanya ang totoo?Panay ang pagbuntong-hininga ko habang tanaw ang mga naglalakihang mga koi sa loob ng aquarium."Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," bungad ni Patrick.Sulyap lang ang ginawa ko at hindi tumugon. Wala nga rin akong balak na kausapin siya. 'Tsaka nag-iisip nga kasi ako kung ano ba talaga ang dapat kong gawin."You really don't like her, don't you?" tanong na naman niya, kasabay ang pag-upo sa tabi ko.Sulyap at mapaklang ngiti ang tugon ko. Saka bumuntong-hininga na naman."Gano'n ba, talaga ka obvious?" Mapait na ngiti ang kasabay ng tanong kong 'yon."That's why I gave you the chopstick. Kaya lang naisip ko, na sobrang harsh na kung tutusukin mo si Mitch gamit 'yon, so, I just replaced it with water, but you drank it instead of pouring it on Mitch."Natawa at napailing na lamang ako. Malakas din pala ang pakiramdam nito. " Alam naman nilang lahat, na noon pa, ayoko na talaga sa babaeng 'yon para sa matalik kong kaibigan.""Talaga? Anong sabi ni Fred?""Wala. Mahal nga niya. Kaya kahit anong sabihin ko, walang silbe. Bulag, pipi at bingi siya sa totoong ugali ng babaeng 'yon. Kita mo naman kung gaano siya kasaya kanina, hindi ba? Halos ayaw na niyang lubayan ng tingin. ""Anong balak mong gawin ngayon?"Natawa ako. "Balak? Wala akong balak. Best friend nga lang niya ako, Patrick. Wala akong karapatan na manghimasok sa mga desisyon niya sa buhay. Ang papel ko lang ay taga-untog ng ulo niya minsan at madalas na support buddy niya. Kahit hindi ko gusto ang ugali ng Mitch 'yon. Suportahan ko pa rin siya dahil do'n naman siya magiging masaya," seryoso kong tugon."Ang swerte talaga ni Fred, may kaibigan siyang kagaya mo. Ako kasi, wala. Lahat ng kaibigan kong babae, katawan ko lang ang habol," biro niya."Ayan ka naman sa mga biro mong ganyan. Hindi ka pa ba nadala' sa bangayan natin kanina? Gusto mong mapahiya na naman?" Duro ko siya."O, kalma! Malala pa sa dala' ang naramdaman ko! Kaya nga ang bait ko na sa'yo, at handa na rin ako na maging support buddy mo," nakangiti nitong sabi."Support buddy, para namang magtatagal ka rito.""Kung pipigilan mo ako, bakit hindi?""Tumigil ka na nga sa mga biro mo—""Nandito lang pala kayo. Akala namin ay nauna na kayong umuwi," biglang sabat ni Fred."Sinamahan ko lang si Gwin, sumakit kasi ang tiyan," seryosong tugon ni Patrick."Fred, bilisan muna. Para namang hindi kayo magkikita sa mansyon mamaya," bagot na sabi ni Mitch."Sige na, mauna ka na sa kotse. Susunod ako kaagad," tugon ni Fred."Papadyak na naglakad si Mitch, palabas ng resto."Sundan mo na lang 'yon, Fred, bago pa tuluyang mabagot 'yon at umalis," taboy ko sa kanya. Wala din naman kasi ang tingin niya sa amin, kung hindi na kay Mitch.Ngumiti siya. "Pinsan, ikaw na muna ang bahala sa best friend ko."Binilin pa ako sa pinsan niya. Alam niya naman siguro ang kapilyohan nito."Siya nga pala, Gwin, ano nga ba iyong gusto mong sabihin sa akin kanina?" seryosong tanong nito."Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na