Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Hindi lang pala bastos tumingin ang lalaking 'to, pati pala bunganga niya ay bastos din. Oo nga at may nangyari sa amin ng pinsan niya pero pareho naming hindi iyon ginusto. Pinilit kong ikalma ang sarili.
Tumitig ako sa mga mata niya at matamis na ngumiti, kasabay ang pagtayo at paglipat sa tabi niya. Kaagad kong hinawakan ang kwelyo niya at inayos iyon. "Alam mo, Patrick, ang ganda sana nitong suot mo, mukhang mamahalin," sabi ko sa tonong nanlalandi.Hindi na niya ako nilubayan ng tingin. Kapag lalaki na mahilig sa hilaw na karne, kaagad tinitigasan kunting landi lang, napakagat labi kaagad ang loko. Kita ko pa ang paulit-ulit nitong paglunok.Napangiti ako. Pinatong ko rin ang braso ko sa balikat niya at mas lalo pa akong lumapit sa kanya. 'Yong halos magdikit na ang pisngi naming dalawa. "Gwapo ka rin at mabango," sabi ko, at kaagad hinigit ang kanyang kwelyo."Pero ang pangit ng ugali mo," pabulong, ngunit madiin kong sabi, kasabay ang pagtayo.Nawala ang pilyo niyang ngiti. "How dare you—" Dinuro niya ako pero kaagad kong tinampal ang kamay niya."How dare you! 'Di porket pamangkin ka ng mga amo ko at pinsan ka ng kaibigan ko. May karapatan ka nang bastusin ako!" Hindi na siya nakatugon.Rinig ko na rin ang bulungan ng mga tao na nasa amin na ang tingin. Nagkamali siya ng binangga. Hindi nga ako 'yong tipong nagpapaapi lang, lalo't alam ko namang nasa tama ako.Mapakla siyang tumawa matapos ilibot ang paningin sa paligid. Tumayo na rin siya at hinarap ako. "Akala mo kung sino kang magsalita. Kahit best friend ka pa ni Fred, utusan ka pa rin ng pamilya nila." Duro na naman niya ako. Gigil na gigil nga siya.Damang-dama ko ang pang mamata niya sa pagkatao ko. Sa pagiging utusan ko."Alam ko, at alam nilang lahat." Turo ko ang mga tao sa paligid. Damay-damay na 'to. "Pero alam mo, mas lamang pa rin ako, kaysa sa'yo! Kasi ako... alam ko kung saan ako lulugar. Ikaw? Alam mo ba?"Nilahad ko ang kamay ko mula ulo hanggang paa niya. "Sayang ang purmahan mo—""Shut up! Wala kang karapatan na bastusin ako ng ganyan—""Bakit? Akala mo ba, palalampasin ko ang pambabastos mo sa akin? Hindi kita sasantuhin kahit mayaman ka pa!""Mali ka ng binangga—""Ikaw ang nagkamali ng binastos." Malupit na irap ang ginawa ko, bago humakbang palayo pero kaagad din na huminto at muling hinarap siya. "Isa pa, 'wag ka nang mag-aksaya ng pabango dahil kahit anong mahal pa ng pabangong ginamit mo, umaalingasaw pa rin ang baho mo," gigil kong sabi, habang duro siya. "Bastos!""Gwin!" sikmat mula likuran ang narinig ko.Paigtad akong napalingon. Nakamot ko rin ang batok ko. Huli na naman ako sa aktong gumagawa ng gulo at dito pa talaga sa hotel na maraming nakakakita.Tiniim ko ang labi ko at yumuko. Nagtagis kasi ang bagang ni Sir Franc, galit. Ano ba kasi ang ginagawa niya rito sa ganitong oras?"Good morning, Uncle," bait-baitan na bati sa Tiyuhin niya.Nilingon ko siya. Huling-huli ko ang kakaiba niyang pagngisi habang sa akin rin nakatingin."Ano na naman ba 'to, Gwin. Hindi ka ba talaga marunong magtimpi, kahit saang lugar, sumasabog ka kaagad," pabulong na sermon ni Sir.Pigil na buntong-hininga ang ginawa ko. Bwesit 'tong Patrick na 'to, dumagdag pa sa problema ko. Sawang-sawa na ako sa mga sermon na naririnig ko sa mansyon. Tapos, heto na naman."At ikaw, Patrick, kararating mo lang, gulo kaagad ang hanap mo. Hindi ka na nahiya. Kailan ka ba magtatanda?" Kamot sa batok lang din ang nagawa niya at yumuko.Napangiti ako. Akala ko, ako lang ang makakatikim ng sermon. Siya rin pala."Wala naman po akong ginawang masama, Uncle. I'm just trying to be friendly here. Malay ko ba naman na warfreak pala 'yang best friend ng pinsan ko," gigil nitong sabi."Trying to be friendly? Talaga? Iba ang pagiging friendly sa pagiging bastos!" sabat ko.Hindi ko kayang manahimik na lang habang ang bastos na 'yan ay nililinis ang pangalan. Warfreak nga ako. Bastos naman siya."Tumigil na kayong dalawa!" Pinagduduro niya kami. Sabay na naman kaming nagbaba ng tingin. "Puntahan mo na ang Auntie mo, Patrick," sabi ni Sir, kasabay ang paghakbang.Walang salita na sumunod si Patrick sa tiyuhin niya. Habang ako napako pa rin sa kinatatayuan ko. Nilibot ko pa kasi ang paningin sa buong lounge at nag-peace sign sa mga staff na napangiti na rin lang at napapailing."Gwin, halika ka na!" sikmat ni Sir." 'And'yan na po," tugon ko. Tahimik akong sumunod kay Sir. Mukha na nga akong buntot sa nakasunod sa kanya. Yuko pa rin kasi ang ulo ko. Mukha lang akong walang kahiya-hiya pero ang totoo, para na akong malulusaw sa hiya. Ayaw kasi akong lubayan ng tingin ng mga staff. Hindi ko alam kong pinupuri ba nila ako sa pagiging matapang o kinukutya dahil warfreak ako."Bakit ang tagal ninyo?" salubong sa amin ni Ma'am Leanne. Papunta na rin sana siya sa staff lounge, mabuti na lang, sakto namang lumabas kami. Kung nagkataon na naabutan niya kaming nagbabangayan ng pamangkin niya. Siguradong sandamakmak na sermon ang inabot ko. Mabuti na lang at itong si Sir, medyo tipid lang kung magsermon."Ano 'yong narinig ko mula sa mga staff, na may gulo raw sa loob ng lounge?" tanong ni Ma'am.Hindi sadyang nagkatinginan kami ni Patrick, na ngayon ay nawala na sa mukha ang pagiging bastos Takot pala 'to sa Auntie niya. Biglang bait ng awra."Wala... 'wag mo nang alamin, naayos ko na naman," tugon ni Sir, kasabay ang paglingon niya sa amin. Sabay kaming nagbaba ng tingin ni Patrick."Gwin, hindi ba tumawag si Fred sa'yo?" tanong ni Ma'am. Papunta na kami sa parking."Hindi po," tipid kong tugon. Ayoko na kasi sanang sumama sa kanila, lalo't kasama namin itong si Patrick. Ang hirap makipagplastikan."Hindi niya ba sinabi sa'yo kung saan siya pupunta?" tanong na naman ulit ni Ma'am."Hindi po," tugon ko, saka matamlay na umupo sa front seat. Napalingon naman ako kay Patrick na siya palang magmamaneho."Hindi man lang nag-text?" tanong uli ni Ma'am. Medyo natagalan ako sa pagtugon. Nag-iisip din kasi ako kung bakit nga ba hindi nag-text sa akin si Fred."Hindi po—""Ano ba ang nangyayari sa'yo, Gwin at puro hindi po, lang ang tugon mo?" iritang tanong nito.Napakamot ako sa batok. "Wala po," tugon ko."Habaan mo naman ng kaunti ang tugon mo, Gwin, nakakairita ka na," pagtataray ni Ma'am."Sige po, Ma'am—"Rinig ko ang mahinang tawa ni Patrick. Nilingon ko siya sandali pero nasa kalsada lang ang tingin niya."Tumahimik ka na nga lang. Wala ka talagang pinagkaiba do'n sa kaibigan mong kanina ko pa tinatawagan pero hindi sumasagot. Hindi ko mahagilap. Ikaw nandito ka nga, wala naman sa sarili," talak na Ma'am."Huminahon ka nga, Hon. Baka busy lang iyon sa girlfriend niya," sabi ni Sir.Hindi ko maawat ang sarili na mapalingon sa mga amo ko. Hindi ba nila alam na hiwalay na sila Fred at Mitch? Hindi ba sinabi ni Fred sa kanila? Umaasa pa rin ba talaga ang kaibigan kong 'yon na babalik si Mitch?"Talagang nakakatampo iyong anak mo na 'yon. Hindi man lang tumawag. Alam naman niya na darating itong pinsan niya ngayon.""Tumahimik ka na, heto na nga at tumatawag na," sabi ni Sir. Pinakita pa sa asawa ang cellphone."Anak, nasaan ka na ba?" Kaagad na tanong ni Sir, kay Fred. "Mabuti, parating na kami."" 'Wag ka nang magtampo. Kanina pa raw siya naghihintay sa atin," paliwanag nito sa asawa. Kasabay ang pagsuksok ng cellphone sa bulsa.Sa isang Japanese resto sa BGC kami nagpunta. Kapag ganitong gagala ang pamilya at kasama ako. Ni minsan hindi ko naramdaman na utusan nila ako. Kung ano ang kinakain nila, iyon din ang kinakain ko.Kung sakaling mawala man ako sa buhay nila. Talagang malulungkot ako. Ma mimiss ko silang lahat. Ang pagtrato nila sa akin na kabilang sa pamilya nila.Mahinang pagsiko ang nagpabalik sa diwa ko. Si Patrick. Nagpapansin na naman. Hindi pa yata nadala sa mga pinagsasabi ko kanina at gusto pa ng isang round ng bangayan.Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya. Papasok na kasi kami sa Resto, pero heto, at na nanadya pa. Hindi muna ako umimik lumingon kasi ang mga amo ko. Nakasunod lang kasi kami sa kanila."Ang init mo, talaga. May anger management disorder ka ba?" tanong niya. Matinong tanong. Tanong na walang halong kabastusan. Nag-iba na rin ang tuno ng pananalita niya.Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Wala, talagang ayoko lang sa mga taong bastos at hindi marunong gumalang sa mga babae," matinong tugon ko pero hindi ko na siya nilubayan ng tingin.Tipid siyang ngumiti at napakamot sa ulo niya. "Hindi ko gawain na humingi ng sorry, lalo na sa taong kakakilala ko lang. Ngayon ko lang gagawin 'to. Sorry, Gwin—""Alam mo, kung nagbabait-baitan ka lang dahil makakaharap mo na ang pinsan mo ngayon, 'wag ka nang mag-abala," seryoso kong sabi."Seryoso ako. Sorry, hindi ko naman intensyon na maging bastos. It's a test," nakangiti niyang sabi."Test, mukha mo," sabi ko."Pasado ka na nga na maging girlfriend ko," nakangiti niyang sabi. Naduro ko na naman siya."O, init kaagad ang ulo. Joke nga lang 'yon. Pasado ka na maging friend ko," ngiti niyang sabi."Paano 'yan, hindi ka pa pasado sa akin?" mataray kong tugon."Halika na nga, ang bagal mo," sabi niya, kasabay ang paghawak sa kamay ko at paghila sa akin papasok sa resto."Gwin," masayang bungad ni Fred. "Pinsan," tinapik nito ang balikat ng pinsan niya pero bumaba naman ang paningin sa magkahawak naming kamay."Ang bilis mo talaga, pinsan," umiiling niyang sabi."Fred... "Kaagad bumaling ang tingin ko sa malambing na boses ng babae na tumawag sa pangalan ng best friend ko."Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun
Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.
Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b
Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin
Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel
"Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na