Share

Chapter Nineteen

"I love you," wika ni Mark Wayne nu'ng nasa restaurant na sila. Buong tiim itong nakatingin sa kanya na para bang kinakabisado pa ang kanyang hitsura.

Mabilis naman niya itong sinagot. "Mahal din kita."

Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling siya rito kaya sinalubong niya ang tingin nito. Kunsabagay, hindi naman talaga siya nagsisinungaling kapag sinasabi niyang mahal niya ito dahil talaga namang mahal niya ito. Ibang level nga lang. Ngunit, alam niyang hindi niya makakaya kapag nawala ito sa kanyang buhay dahil sanay na siyang lagi itong kasama. 

At sa kanila ngang pagsasama ay kabisadong-kabisado na nila talaga ang isa't isa. Hindi na nga kailangang tanungin ni Mark Wayne kung ano ba ang gusto niyang kainin kapag pumapasok sila sa restaurant dahil alam na nito kung ano ang kanyang gusto kaya hinahayaan na lang din niyang ito ang mag-order para sa kanya. 

"Alam mo bang sa bawat araw ay paganda ka ng paganda," wika nito. 

Matami

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status