Share

Chapter Twenty Nine

BAKLA ako! 

Kung hindi lang si Franco ang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon, hindi siya maniniwala. Well, hindi pa rin naman siya makapaniwala kaya nga hindi siya makakilos ngayon gayung kanina ay gustung-gusto na niya itong pagsasasapakin. Matalik na kaibigan niya ito, dapat ay karamay niya pero ito pala ang naging dahilan ng kanyang pagdurusa. 

"Mahal na mahal kita pero hindi ko magawang masabi sa'yo dahil ayokong layuan mo ako. Ayokong pandirihan mo ako. Kaya lang, selos na selos ako kay Jillian kasi mahal na mahal ko siya. Gusto ko sana akong tingnan mo ng ganu'n. Gusto ko, ako ang yakapin mo. Gusto kong ako ang halikan pero pero hindi pwede."

"Talagang hindi pwede!" sigaw niya. 

Ngayon niya naintindihan kung bakit ini-entertain lang ni Franco ang mga babaeng nagkakagusto rito kapag nasa paligid siya. Sadya lang nitong ipinagmamalaki sa kanya na playboy ito para hindi niya mapansin ang tunay nitong pagkatao na pilit nitong itina

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status