Share

Chapter Twenty One

"NICE meeting you," matabang na sabi ni Jillian sa babaeng nagpakilalang Bianca Francisco. Kahit kasi nakangiti ito sa kanya ay hindi pa rin makuhang makampante ng kanyang kalooban. Pakiwari niya kasi ay may kung anong gagawin ito. Gayunman, hindi naman siya duwag kaya kahit na matalim na matalim ang tingin nito sa kanya ngayon ay hindi rin siya nagbaba ng tingin. 

"Sana nga maging nice tayo palagi sa isa't isa." Nakaingos na sabi nito sa kanya tapos tinaasan pa siya ng kilay.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit naman parang may pagbabanta akong naaaninag sa boses mo?" matapang niyang tanong dito 

Ang naglalarong ngiti sa labi ni Bianca Francisco ay biglang naglaho. Sigurado siyang hindi nito inasahan na magtatanong siya ng ganoon. Sa palagay niya kasi ay ito ang tipo ng taong palagi na ipinapadama sa iba kung gaano kalaki ang lamang nito at hindi rin naman siya ang tipo ng tao na nagpapatakot sa kung sino lalo na't wala naman siyang masaman

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
parang sarap maging frenny ni claire ehhehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status