Share

Chapter Six

"Allison may pera ka na ba? Pautang naman ako oh." Isang araw nagawi ako sa bahay namin dahil nagpapatulong si Abegail, yung pamangkin ko na panganay na anak ni ate Andrea.

Si Abegail, close kaming dalawa to the point na kami yata ang mag-ina sa sobrang close naming dalawa. Every time na may projects or assignments siya ako ang tinatawag niya dahil hindi naman siya tinutulugan ng mama niya.

Senior high school na si Abegail and she's 18 years old. Simula bata yan, ako na ang nag-alaga kaya siguro ako ang kinikilala niyang mama. Wala na din kasing time si ate sa mga anak niya.

"Ate wala pa, marami pa akong pinaggagastusan." Sambit ko kasi totoo naman. Lalo na ngayon, buntis ako kaya kailangan kong magtipid at kailangan ko maging madamot pagdating sa pera kasi may pinag-iipunan akong mahalaga, iyon ang panganganak ko.

"Sobrang damot mo naman. Akala mo ba hindi ko nakita ang pasimpleng pagbigay mo ng pera diyan kay Gail ha?! Parang hindi ka naman kapatid diyan!" Galit niyang sabi at lumapit sa akin.

"Ma!" Sabi ni Gail pero hindi siya pinansin ni ate. Lumapit pa lalo si ate sa akin at bigla akong dinuro-duro.

"Ikaw! Nagkatrabaho ka lang, akala mo na kung sino ka! Porket ba may pinag-aralan ka, nagyayabang kana!"

Kailan ba ako nagyabang?

"Hihiram lang naman ako ng pera masama ba iyon?! Kapatid mo ako Allison, kaya huwag mo akong pagdamutan diyan! Ako ang panganay dito baka nakakalimutan mo!"

"Hoy! kayong dalawa pwede bang tumahimik kayo! Nakakasira kayo ng araw!" Sabi ng kakarating lang na si mama. Halata sa mukha ni mama na pagod na pagod na siya. Pawis siya at mukhang kakatapos lang maglaba sa kapitbahay. Labandera din kasi si mama, sideline niya kapag wala siyang magawa.

Lumapit ako sakanya at nag-mano. Nagulat pa siya doon kahit na lagi ko naman ginagawa sakanya iyon. Kinuhaan ko siya ng tubig sa refrigerator at kinuha naman niya iyon.

"Buti naman at naisipan mo pa na umuwi dito Allison. Baon na ako sa utang, wala ka bang iaabot na pera diyan?" Sermon niya at padabog na binigay sa akin iyong baso buti nahawakan ko siya agad.

"Ma ito po galing sa ipon ko. Gastusin niyo po para sa kailangan dito sa bahay." Binigay ko kay mama iyong isang sobre na pinag-ipunan ko ng dalawang buwan. Six thousand din iyon.

Kinuha naman agad ni mama iyon at sinenyasan si ate na lumapit sakanya. Nagulat nalang ako nang hablutin iyon ni ate at itago agad sa bag niya. Putakte!

"Ma! Para sa mga utang niyo iyon at sa gastusin dito sa bahay! Bakit niyo binigay kay ate?" Natawa lang si mama at ganoon din si ate.

"Baka nakakalimutan mo na ako ang favorite ni mama, Allison! Uto-uto ka talaga ano?! Hindi kana nasanay! Salamat nga pala ha, wala na itong bayad. Kay mama mo binigay e kaya salamat ha!" Pinakita pa niya iyong sobre saka nakipagbeso kay mama at patakbo na umalis. 

Naiwan kaming tatlo ni Gail at si mama dito sa bahay. Tinignan ko naman si mama na ang sama ng tingin sa akin. Bakit ba ganiyan siya makatingin? Binigay ko sakanya yung pera kasi sabi niya marami siyang utang at gastusin sa bahay. Pero bakit niya binigay kay ate yung pera?

Hindi nila alam kung paano ko inipon iyong pera para makapag-share dito sa bahay tapos ipapamigay niya lang ng ganoon? Walang bayad, ano iyon libre? Hindi naman ako tumatae ng pera.

"Ma-" Katulad ng lagi niyang ginagawa, she raised her hand to stop me para hindi ako makapag-reklamo. Ang daya niyo naman. Ako naghirap tapos ganiyan lang gagawin niyo.

Umalis nalang si mama doon at pumunta sa kwarto niya. Nanghihina akong napaupo at agad naman akong nilapitan ni Gail. She hugged me, ayoko naman na umiyak sa harapan ng pamangkin ko.

"Tita dapat kasi hindi mo nalang binigyan si Lola ng pera." Sambit nito.

"Alam mo naman na malambot ang puso ko pagdating kay mama, Gail."

"Hindi ka pa nasanay tita. Lahat ng inaabot mong pera kay lola, kay mama niya binibigay. Pinangsusugal lang iyon ni mama."

"Nakakapagod na Gail pero ayoko naman sumuko nalang basta-basta."

"Bakit ka susuko tita eh ang dami mo nang napagdaanan." Tama siya. Bakit ako susuko eh halos lahat nga ata ng problema nasa akin na eh, nalampasan ko lahat ng iyon kaya bakit ako susuko diba?

Isa pa may mga tao naman na handa akong tulungan kapag sukong-suko na ako eh. Nandiyan si Gail, ang mga kaibigan ko. Sila ang dahilan kung bakit ako nakatayo pa rin hanggang ngayon.

"Thank you be. Ikaw nalang ata ang matino dito, kaya ikaw na ang bahala dito sa bahay ha? Iyong pera na binigay ko, ipunin mo yan at itago mo para hindi makuha ng mama mo." Tumango lang siya doon saka ako niyakap.

"Kaya favorite kita eh, lagi akong kasama sa mga plano mo tita." Hindi ko naman matitiis ang pamangkin ko na ito, sobrang ganda ba naman niya mana sa tita.

"Ikaw ha, huwag ka muna magjojowa. Are we clear?" Tumango lang siya at natawa. "Seryoso ako, Abegail."

"Promise Tita. Ang dami ko na nga na-reject eh. Kahit spoiled brat si AJ napaka-protective niyan sa akin. Halos lahat ng lumalapit na lalaki sa akin, kinikilatis niya." 

Si AJ pamangkin ko din siya, he's in grade 10. Close din kami pero sobrang napaka-spoiled ng batang 'yan. Mabait naman kaya medyo naaasahan naman dito sa bahay, katulad nga ng sinabi ni Gail, si AJ ang parang guard ng niya.

"Basta sinabi ko sa iyo ha, ingatan mo ang sarili mo. May sasabihin sana ako kaso sa ibang araw nalang." Balak ko sana na sabihin sakanya na buntis na ako kaso baka marinig ni mama, kaya huwag muna siguro ngayon.

Curious naman niya akong tinignan at medyo naguguluhan. Umiling lang ako kasi makulit din ito.

"Ano iyon tita? Sabihin mo na please." Nag-puppy eyes pa at pinagdikit ang palad niya at tumingin sa akin.

"Wala saka nalang."

---

"Hon tumataba ka ata ah." Isang araw sabi ni Levi sa akin iyon. Pinagpawisan naman akong tumingin sakanya. Buti naman at hindi niya napansin.

"Medyo napapadami lang kasi yung kain ko Hon." Sambit ko nalang.

Natatakot talaga kasi ako na sabihin sakanya na buntis ako. Ewan ko pero parang may something na humaharang para hindi ko sabihin sakanya.

"By the way hon, iyong next time na sinasabi ko. Pwede na ba natin ituloy ngayon? Nandito tayo sa condo ko." Then he winked at me and bite his lips. Hinampas ko nga siya kaya napaaray siya.

"Sira ka talaga, wala ako sa mood atsaka bawal." 

"Bawal? Bakit?" Saka ko lang na-realize na nasabi ko pala iyon. Takte naman oh! Napapalunok akong tumingin sakanya. Kinakabahan ako. Ano bang pwede na idahilan?

"Ano kasi hon, meron kasi akong period ngayon kaya bawal."

"Ay wala akong pakialam diyan Hon, basta gawin natin iyon."

"Hindi pwede hon." Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. Galit nga siya. "Galit ka ba?" I asked him but he stayed silent. Galit nga siya. Sorry bawal kasi iyon eh. Wala din kasi sinabi iyong doctor na pwede magtalik habang buntis. Natatakot din kasi ako baka mapano si baby sa loob.  Dugo pa lang siya.

Biglang nag-ring ang phone niya at kinuha niya agad iyon at nagpaalam na sasagutin niya iyon sa balcony ng kwarto niya dito sa condo unit niya. Bakit siya lumabas? Hindi ko ba dapat marinig iyong pag-uusapan nila kung sino man iyon?

Bumalik din naman agad siya at dumiretso sa vanity table niya at kinuha ang susi ng sasakyan sa drawer nito. Tumingin siya sa akin at sinabi na ihahatid na niya ako sa apartment.

"Hon." tawag ko pero hindi niya ako pinansin. Galit ba siya dahil hindi ko napagbigyan iyong hiling niya?

"Ihahatid na kita sa apartment niyo." Sagot niya. Hindi pa din niya ako kinakausap hanggang sa makarating na kami sa apartment. Kanina pa gumugulo sa isip ko kung sino iyong tumawag sakanya. Bakit parang atat na atat si Levi na ihatid ako dito sa amin. May iba ba siyang pupuntahan o may bisita ba siyang inaasahan na pumunta sa condo niya?

Si Dianne ba iyon? Ay ewan ko, nag-o-overthink na naman ako. Ayoko nito. Nakakabaliw! Nakaka-stress lang.

"May pupuntahan ka ba hon?" I asked him at hindi pa ako bumababa sa sasakyan niya kasi ayoko ng ganito kami. Gusto ko magkaayos kami ngayon bago ako pumunta sa loob ng apartment at bago siya umuwi.

"Si mommy tumawag. Punta daw ako sa bahay." Putol-putol niyang sagot. Hindi naman siya ganito dati. Napapansin ko na ito eh, simula ng dumating si Dianne lagi na siyang ganito, mukhang wala na siyang interest sa akin. Hindi na siya masyadong sweet sa akin.

Parang kapag kasama ko siya, laging may kulang. Nag-o-overthink na naman ako.

"Sabihin mo na kasi gaga!" 

"Ayoko pa."

"Edi bahala ka diyan. Ma-stress ka lang makaka-apekto 'yan sa anak mo." nanenermon na naman po siya. "Matulog kana doon at maaga ang klase bukas. Huwag mo na isipin si Levi."

"Sana nga ganoon lang kadali iyon!"

"Madali lang, pinapahirapan mo lang 'yang sarili mo. Tulog na ako ha, goodnight!" 

Gaya ng sinabi niya natulog na din ako dahil maaga pa ang klase bukas. Haist! Mag-aaral na naman po tayo.

"Hi, Allison!" Rinig kong tawag ni Andrew, iyong kaibigan ni Zyren na naging kaibigan din namin ni Lei. Kaklase ko nga pala siya. Inakbayan niya ako pero tinanggal ko din baka may makakita na kakilala ni Levi, ma-issue pa.

"Oo pala may jowa kana. Seloso naman niya!"

"Hindi siya seloso, ayaw ko lang na mag-away kami." M*****a kong sabi.

"Okay!" Sagot niya at iniwan ako dito sa hallway at tumakbo papunta sa room.

Mabilis din naman natapos ang klase at halos lahat sila nanibago sa akin, tumaba daw ako at medyo naging blooming. Tanging ngiti lang ang iginanti ko sakanila.

"Susunduin kaba ng boyfriend mo?" Andrew asked. Sabi kasi ni Levi susunduin daw niya ako kaya hihintayin ko siya dito sa waiting area sa labas ng University.

"Sabi niya oo daw."

"Isang oras na tayong naghihintay dito pero wala pa siya."

"Baka traffic."

"Hindi iyon traffic, baka ayaw ka lang talaga sunduin." sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign lang siya. Maya-maya nakatanggap ako ng text galing sakanya. May bigla daw pinagawa si tita sakanya kaya nakalimutan na akong sunduin dito. Nanlulumo akong tumingin sa kalsada.

Mas importante pa ba sa akin Levi? Okay, lang sanay naman na ako. Tumayo na ako dahil sinayang ko lang ang isang oras na paghihintay dito. Wala din naman akong napala.

"Huy! teka, hintayin mo naman ako!" Pumasok kami ulit sa university at pumunta ako sa sasakyan ni Andrew, second option. Alangan naman na maglakad ako papunta sa apartment edi natagtag naman ako baka maka-apekto pa sa baby ko.

Ganito din naman gawain namin ni Andrew eh. Kapag nauuna na umuwi si Lei o kaya may tinatapos pa, si Andrew ang kasa-kasama kong umuuwi at hinahatid niya ako sa apartment.

Tahimik lang kami habang nagba-byahe pauwi nang bigla akong nagutom, narinig siguro iyon ni Andrew kaya nagulat ako nang ihinto niya ang sasakyan sa isang restaurant.

"Kain muna tayo, gutom kana pati iyong baby mo." Mabilis akong tumingin sakanya nang sabihin niya iyon. Paano? Paano niya nalaman?

"Kay Lei ba?" Tumango siya. Napapikit ako sa hiya.

"Nadulas si Lei kaya huwag mo siyang sisihin. Don't worry safe 'yan sa akin. Tara na." Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Inalalayan pa niya ako kaya nag-thank you ako sakanya.

Siya na daw mag-o-order kaya naghanap nalang ako ng table namin at nakahanap naman ako agad. Nakarating din agad ang pagkain namin at magkapareho kami ng pagkain, Carbonara.

"Dinamihan ko na ang order ng sa iyo baka kulang ang isang plato ng carbonara." Asar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Panay lang ang asaran namin dalawa hanggang sa may nahagip ang mata ko, hindi kanais-nais na pangyayari. I saw my boyfriend and he's with Dianne. Biglang kumulo ang dugo ko sa nakita ko. Kaya ba hindi niya ako nasundo kasi may iba pala siyang sinundo?

Nakalimutan ba niya ako dahil kay Dianne? Mas importante ba si Dianne kaysa sa akin na girlfriend niya? Akala ko ba ex niya na si Dianne at ako na ang priority niya ngayon?

Lahat ba iyon puro kasinungalingan lang?

"Ally saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Andrew. Alam ko na nakasunod siya sa akin pero kailangan kong harapin ang magaling kong boyfriend at ang higad niyang ex.

Isang nakakainis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Dianne nang makita ako na papalapit sakanila. Nakatalikod si Levi sa akin at si Dianne naman ay kitang-kita ako. Mabilis niyang pinulupot ang kamay niya sa braso ng boyfriend ko pero ang loyal kong jowa, tinanggal ang pagkakahawak ni Dianne sakanya. Good! Ganyan dapat!

"Levi!" Tawag ko kaya nagulat siyang lumingon sa akin. I crossed my arms and looked at him. I raised my brow at nagpalipat-lipat ang tingin ko sakanya at sa ex niya.

"Hon, that's not what you think." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Explain now. "Nagulat ako nang pagpunta ko sa bahay, nandoon si Dianne. I'm sorry Hon hindi ko alam. Inutusan kami ni mommy na bumili ng foods." Explain niya.

I looked at his eyes at mukha naman na nagsasabi siya ng totoo. Pinag-isipan ko pa siya ng masama, ang sama ko talaga.

"Okay, lang Hon."

"Allison!" Sabay naman kaming lumingon ni Levi kay Andrew na hinahol pala ako. Tumigil siya nang makita na kasama ko si Levi.

"Bakit kayo magkasama?" Seryosong tanong ni Levi.

"Siya sana ang maghahatid sa akin hon tapos nagutom ako kaya sinamahan niya ako dito na kumain." paliwanag ko.

"Edi sana tinext mo nalang ako na nagugutom ka diba?" Naguguluhan akong tumingin sakanya, ano ito, magagalit siya dahil magkasama kami ni Andrew na kaibigan ko?

"Hindi ko naman alam Hon."

"Kahit na! Porket ba hindi kita naihatid, magpapahatid ka na sa iba?! Grabe ka naman Allison." So mag-aaway na naman ba kami ngayon?

"Nang nag-explain ka, pinagbigyan naman kita at hindi ako nagalit. Pero nang ako na ang nag-explain, ayaw mo naman maniwala. Sa totoo nga ako dapat ang magalit kasi magkasama kayo ng ex mo eh." Inis kong sabi sakanya at itinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Hon, sorry." 

"Umuwi na tayo Andrew. Wala na akong gana." Tinawag pa ako ni Levi pero hindi ko na siya pinansin pa. Ayoko muna siyang makita at kumukulo lang ang dugo ko. Siya pa magagalit ngayon ha? Ang unfair niya naman.

"Easy lang baka ma-stress anak mo niyan. Ito kainin mo muna, pina-take out ko na yan para may kainin ka." 

Kaya pala siya natagalan sa paghabol sa akin kasi pina-take out muna niya iyong pagkain namin. Dito tuloy kami sa kotse niya kumakain ngayon. Nagutom din ako dahil sa stress.

Kahit papaano nawala iyong problema ko kay Levi at sa ex niya dahil sa mga biro ni Andrew sa akin. Madaldal kasi ito, daig pa ang babae. Gabi na nang makarating kami sa apartment at nakita ko si Lei na kanina pa naghihintay sa akin, nag-aalala.

"Magkasama lang pala kayong dalawa! My goodness! Pinakaba mo ako Allison! Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo! Salamat Andrew sa paghatid dito sa babaeng ito."

"Thank you!" Nag-salute lang si Andrew at umalis na. Gusto ko nang magpahinga, feeling ko sobrang pagod na pagod ako.

Kapit lang baby ha. Malalagpasan din ito ng mama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status