LOGIN"What did you do this time, Ezeline?" tanong ni Daddy, puno ng galit at hiya ang boses niya.He's acting like I'm a disgrace in our family. Takot siya na gumawa na naman ako ng iskandalo, lalo na't nasa event kami ng mga Cojuangco.Sinasabi ko na nga ba at may gagawin na namang kabalbalan si Evone. Pinapamukha niya sa lahat na ako ang masama at siya ang inapi."Sir, Mr. Daddy ni Aunt Sparkle, my aunt didn't do anything to her. Your bad daughter is so mean to me. Aunt is just protecting me from that bad lady," sabat ni Inigo, mababakas sa tono niya ang inis sa kapatid ko.Hindi makapaniwala si Daddy sa sinabi ng bata. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Inigo. Parang nakakita siya ng multo na hindi naman dapat."Ah, eh, Mr. little man, you don't need to defend her from me. I get it, my daughter, Calla is not good," sagot ni Daddy, halatang maingat siya sa sinasabi niya na baka lalong mag-trigger sa inis ng bata. "Tinakot ka ba niya kaya mo siya pinagtatanggol? I can assure you
Nakapasok kami ni Inigo sa venue dahil may bitbit siyang invitation. Muntik pa akong hindi makapasok. Kaya ang sabi ni Inigo, ako ang guardian niya. Pinapasok din nila ako dahil naniwala naman sila sa bata. May hawig naman daw kami, kaya pumayag na sila.Mabuti na lang talaga at may invitation si Inigo. Magmumukha talaga kaming trespasser kung wala. Pahamak din kasi si Kael. Hindi niya man lang ako binigyan ng kahit isa."Thank you, Inigo. Dahil sa’yo nakapasok ako.”"You’re welcome, Aunte Sparkle. Pero dapat kasi hindi mo iniwan ang boyfriend mo.”Hindi ako nakapag-react kaagad sa sinabi niya. Hindi ko alam kung manggigigil ako sa batang ito o matatawa. Ang matured na niya mag-isip sa edad na six years old. Tsaka, nagsusuot na siya ng tuxedo at black suit, ha.Naalala ko tuloy ang unang beses na nakita ko siya. Mukha talaga siyang boss no’n. At dahil nga maliit pa siya, alam ko kaagad na ginagaya lang niya ang pormahan ng mga CEO."Hindi ko nga siya boyfriend. Kulit mo naman, bata,”
Pabalik-balik ang tingin ko sa phone ko dahil ilang beses itong nagpatay-sindi na parang emergency light. Kasabay ng pag-ring nito ay siya namang pag-vibrate. Sa totoo lang, naiinis na ako. May ginagawa kasi ako ngayon at hindi ko puwedeng iwan para lang kuhanin ang phone ko at sagutin ang tawag. Pero kanina pa ako naiinis dahil sa ang kulit niya. Hindi naman siya VIP para unahin ko.“Si Kael na naman siguro ito,” sabi ko. Maya-maya ay umilaw ulit ang phone screen at nag-vibrate.Kaya naman kinuha ko na ito at tiningnan sa screen kung sino ang tumawag. At tama nga ako, si Mr. Funder ang tumatawag.Ano na naman kaya ang kailangan niya?
“Kael, okay ka na?” tanong ko mula sa labas ng cr.Hindi pa rin siya lumalabas. Napano na kaya siya roon? Baka ang sama talaga ng tama ng spaghetti sa kaniya. Maraming cheese ‘yon eh. Tapos, uminom pa siya ng gatas.Hindi ko naman alam na bawal siya niyon. “Just go.” “Bakit?” nagtatakang tanong ko.Siguro nahihiya siya sa nangyari. Baka wala na siyang maihaharap na mukha sa akin.Bakit pa siya mahihiya sa akin? Ako lang naman ito. Tao rin naman ako na nararanasan din ang nangyayari sa kaniya ngayon. “Leave now. I’ll see you tomorrow.”Tumalikod na lang ako at pumunta sa sofa. Kinuha ko na ang bag ko at sinuot ko ito.Nilingon ko ang pinanggalingan ko kanina. Nag-aalala talaga ako sa kaniya. “Alam kong hindi siya okay. So, bakit ako aalis? Isa pa, kasalanan ko kung bakit siya nagkaganoon.”Mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng sofa dahil narinig kong bumukas ang pinto ng cr. Mukhang tapos na siya.Tahimik lang ako habang pinapakiramdaman ang paglapit niya sa sofa. Ilang beses
Hindi pa rin ako pinapansin ni Kael. Tahimik lang siyang nagmamaneho. Habang ako nakatitig lang sa paanan ko.Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin.Sanay naman ako na palagi siyang tahimik. Iba lang talaga ngayon. Alam kong may pinagmumulan iyon.Baka nagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa horror house.Lagot na ako nito. Baka bawasan ang allowance ko o baka tanggalin ako sa scholarship. Kailangan kong bumawi kay Mr. Funder. “Kael, puwede ba akong dumaan sa condo mo?” tanong ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya, inaabangan ang magiging reaksyon niya. “For what?” “Basta. Pumayag ka na.”Sinulyapan niya ako saglit, pagkatapos ay binalik ang tingin sa daan. Binalik ko na lang din ang tingin ko sa mga paa ko. Mukhang ayaw naman niyang pumunta ako sa place niya.Eh, ‘di wag. “Okay. But I want some spaghetti.”Mabilis kong inangat ang ulo ko at lumingon sa kaniya.Seryoso pa rin siya. At mukhang seryoso naman siya sa spaghetti na ni-request niya sa akin.Sige na nga. Ip
“So, anong nangyari sa iyo at bigla kang lumitaw?” tanong ko kay Kael. Pagkatapos ay sumimsim ng inorder naming iced coffee boba. “Hindi ka naman siguro kinidnap ng babae sa puno ng balete, ‘di ba?”Wala kami sa mall. Instead, dinala niya ako sa isang café. First time kong pumasok dito kasi expensive ang mga pagkain at drinks. Nasasayangan kasi ako sa pera, eh. Kaya palagi akong bumibili sa shop na regular lang ang price. “Why?”Ang ikli ng sagot ni Kael. Pero ramdam ko ang pagiging seryoso niya.Parang ayaw ko tuloy na tanungin siya ulit. Baka mamaya isipin pa niya na concerned ako sa kaniya. “Never mind, okie dokie?” sagot ko. Sumubo ako ng cake at in-enjoy ang pagnguya rito.Ang tamis ng cake. Saktong-sakto sa iced coffee boba ko.Kung may isang bagay man ang makakapagpakalma sa akin at makakapagpawala ng init ng ulo, ‘yon ay ang cake at ang favorite drink ko na iced coffee boba. Kahit inaway pa ako, basta binigyan ako ng favorites ko, makakalimutan ko saglit iyon.Ewan ko ba. B
It’s been five days pero hindi na kami nakakapag-usap ni Kael—ni anino niya ay hindi ko makita. Wala rin akong alam kung anong nangyari sa kaniya.Hindi sa nag-aalala ako, pero nakakapanibago.Isa siyang Cojuangco and it’s weird na wala man lang balita tungkol sa happenings sa buhay niya. Hindi ko
Gaya ng sinabi ko, dinala ako ni Kael sa isang restaurant. Nasa VIP room kami kaya wala akong ibang nakikitang customer. Kami lang ni Kael.Tahimik lang ako. Hindi sa nangyari kanina, kun’di sa hindi ko alam kung anong sasabihin.Na-mental block yata ako.Ito namang si Kael ay hindi nagsasalita. Ka
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakuha ko ang title. Me over candidate number 1? Mas magaling pa nga siya kaysa sa akin, eh.Hindi ko maintindihan ang desisyon ng mga judges. “Once again, our Mr. & Ms. CIT 2026… Sean Andreu Mortiza of Architectural Drafting Technology and Calla Ezeline Navarro of
“Hello, candidate number 3,” bati ni Kael.Napa-rolled eyes na lang ako sa isip ko. Asal anghel siya ngayon. Nahihiya sigurong makita ng iba ang totoo niyang ugali. “Hello, Mr. Cojuangco,” tugon ko na lang, dahil nakakahiya kung hindi ko siya gagantihan sa pagbati. Isipin pa nilang kill joy ako. “







