“Best, look! Nasa top 5 ka ng Alera qualified applicants!” Pinakita sa’kin ni Saffie ang bagong post ng Alera Scholars Program. Nakalista nga ang pangalan ko ro’n.
“Sabi sa’yo eh, kayang-kaya mo ‘to! Pa-milktea ka ha ‘pag ikaw ang napili,” sabay sundot sa tagiliran ko.
Katatapos lang din ng klase, hindi na ako nakasuot ng blouse ng uniform ko dahil basang-basa iyon at mabaho. Hiniram ko lang kay Saffie ang suot kong polo shirt, mabuti nga at mayroon siya sa locker niya na extra. Kung wala, uuwi talaga ako sa kanila.
“Mambuburaot ka na naman eh. Sino ba sa’tin ang hindi gipit?” tinaas ko ang hintuturo ko at tiningnan ito, pagkatapos ay dahan-dahang tinapat kay Saffie.
Napa-rolled eyes siya kaya humagikhik ako ng tawa.
“Ewan sa’yo, Calla. Pumunta ka na kaya ng Alera quarters dahil naghihintay ang prince charming mo.”
“What?!”
“Oh, basahin mo. Sabi sa post, may final interview with Mr. Kael mamayang 3pm…” Bumagal sa pagsasalita si Saffie, napatingin kami sa isa’t isa at tumingin sa screen ng phone niya.
“4 pm na Calla! Patay kang sabon ka. Pumunta ka na ro’n, dali!” sabay tulak sa’kin, halos mabitawan ko na ang tumbler ko at bag.
“Oo na, kalma kasi.”
Inayos ko muna ang sarili ko bago pumunta ng Alera quarters. Late na ako ng 1 hour. Baka hindi na ako aabot sa interview. ‘Eh, ano naman ngayon? Mabuti nga ‘yon para hindi ulit ako ma-stressed.’
“Narinig niyo ‘yon? Apat lang daw ang na-interview dahil hindi sumipot ang isang applicant.”
Kumunot ang noo ko sa kanila, mga grupo ng first year na walang ibang ginawa kun’di ang makisabay sa uso ng school at magpa-cute sa mga seniors nila.
“Sayang naman. Dapat binigay niya na lang sa iba ang slot.”
“At ano naman ngayon? Kayo ba nagpakahirap na sagutin ang mga katanungan ng interviewer? ‘Di ba hindi?” tinaasan ko sila ng kilay at nameywang, “‘Di ba may klase pa kayo, freshmen?”
Nagkatinginan silang lahat at kumaripas ng takbo. Natatawa na lang ako sa inasal ng mga First Year, mga duwag din.
“Miss Navarro.”
Napalingon ako sa nagsalita, hindi siya pamilyar sa akin, pero may kutob akong siya ang bagong instructor sa educ department.
“Good afternoon, Ma’am,” bati ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya ng tipid, parang pinapahiwatig niya sa’kin na hindi kami magkakasundo. Nababasa ko kasi ang tingin na ipinupukol niya sa’kin, may halong pagbabanta at inis.
“4th Year student, right? Applicant ka sa Alera Scholars Program?”
“Yes, Ma’am.”
“Aw,” biglang naging malungkot ang mukha niya, nag-pout, pero alam ko ang totoo sa plastik, “Sorry to say this, pero tapos na ang interview, at may napili na si Kael.”
Napangiti na lang ako sa kaniya ng pilit dahil hindi ko gusto ang inasal niya. Parang natutuwa pa siyang hindi ako nakahabol. Hmm, something’s fishy sa bagong instructor na ‘to.
“Ah, gano’n po ba. Sige po, salamat sa pag-inform, ma’am.” Tumalikod na ako dahil gusto ko nang mawala sa paningin niya. Ang weird kasi.
“Gusto rin kitang i-remind,” lumapit siya sa’kin, pumunta siya sa harap ko para makaharap niya ako, “na walang makakapantay sa dating scholar ni Kael. Let’s say na, ex-girlfriend niya, na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya pa rin.”
“Ma’am, wala po akong pakialam sa ex-girlfriend niya. Tuition at allowance po ang sadya ko sa scholarship niya. At tsaka, expert na ‘ko sa ‘no string attached’ na ‘yan,” sagot ko at nginitian siya.
Tumaas ang kilay niya kaya palihim akong ngumisi. Bothered siya sa new scholar ni Mr. Kael, parang ayaw na may full scholar ulit sa Alera.
“Let’s see, then.” Ngumiti siya muna sa’kin bago umalis.
“Let’s see then,” sabi ko habang ginagaya ang boses niya, “Let’s see then mukha niya. Ako pa talaga hinamon niya.” Nakakairita, kahit ngayon ko lang nakita pagmumukha ng babaeng ‘yon.
“Miss Navarro-”
“Oo na po, aalis na.” Nilingon ko siya ulit pero nalaglag ang panga ko sa bumungad sa’kin.
Nasa harap ko ang nag-interview sa’kin kanina, seryoso pa rin ang mukha.
“Mr. Kael is waiting for you.”
“Po?!”
“You heard me, Miss Navarro. Proceed to the Alera quarters now.”
Pilit akong ngumiti dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Ang sabi sa'kin ng bagong instructor tapos na ang final interview at may napili na. Ang sabi naman ng staff ng Alera na ‘to, naghihintay raw sa'kin si Mr. Kael. Sinong paniniwalaan ko sa kanila?
---
“Good afternoon po.”
Naabutan ko ang dalawang staff at dalawang students sa loob ng quarters. Lahat sila nakatingin na sa'kin pagkapasok ko. Habang ang interviewer ko kanina ay nakasunod sa’kin.
“Hinahanap ko po si Mr. Kael-”
“Yes?”
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon, pamilyar, parang naramdaman ko ulit ang lamig ng hapon sa rooftop.
“You’re Miss Navarro, right?”
“Opo,” nahihiya kong sagot at umikot para makaharap siya.
Pero, napanganga ako nang makita ang taong nasa likod ng Alera Scholars Program, literal. Hindi ko inaasahan na ang Mr. Kael na sinasabi nila ay ang lalaking nagpayong sa’kin no’ng nagpaulan ako. Iisang Cojuangco lang pala sila!
“Teka, ikaw si Mr. Umbrella-Na-Pink!” bulalas ko habang nakaturo ang daliri ko sa kaniya.
“You act like you don’t know the Cojuangcos, Ezeline. We’re billionaires, you should know that.”
Nagsalubong ang mga kilay ko sa tinawag niya sa’kin. Hindi ako nagpapatawag sa second name ko. Pakiramdam ko kasi mahina ang tingin nila sa’kin, ‘Ezeline’, easy lang.
“Pakialam ko kasi sa mga Cojuangco.”
Tumahimik bigla ang loob ng quarters, hindi makapaniwalang nakatingin sa’kin ang mga staff, ang dalawang student, ang nag-interview sa’kin kanina, at si Miss new instructor na bagong dating.
“Ah, Mr. Kael, iinterbyuhin niyo raw ako?” pag-iiba ko ng usapan.
Kinain ako ng kaba. Maraming nakasaksi na parang minaliit ko ang pamilya Cojuangco.
“Actually, Miss Navarro, madali lang naman ang interview.”
Napalunok ako ng laway, tatlong beses, nakakatunaw kasi ang mga titig ni Mr. Kael.
“If no string attached po ang gusto ninyo, go na go ako.”
“Really?” lumapit siya sa’kin at ngumiti, ‘yong tipong maaadik ka sa kaniya. ‘Stop it, Calla! One is enough!’
“Ano pong gagawin?” medyo kinakabahan ko nang tanong.
“Come with me. Let’s talk about this in my office, privately,” tumingin siya saglit sa likuran ko kaya napalingon din ako. Si Miss new instructor, hindi pa rin umaalis, at masamang nakatingin sa’kin.
Nanlaki ang mga mata ko, parang ayaw mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Pero napagtagpi-tagpi ko naman ang mga bagay na konektado kay Miss new instructor at kay Mr. Kael.
Si Miss new instructor ang ex-scholar slash ex-girlfriend ni Mr. Kael! Kaya gano’n na lang ang pakikitungo niya sa’kin kanina at nagawa pa akong sabihan ng maling impormasyon.
Mukhang siya ang hindi maka-move on at hindi si Mr. Kael!
“Best, look! Nasa top 5 ka ng Alera qualified applicants!” Pinakita sa’kin ni Saffie ang bagong post ng Alera Scholars Program. Nakalista nga ang pangalan ko ro’n. “Sabi sa’yo eh, kayang-kaya mo ‘to! Pa-milktea ka ha ‘pag ikaw ang napili,” sabay sundot sa tagiliran ko. Katatapos lang din ng klase, hindi na ako nakasuot ng blouse ng uniform ko dahil basang-basa iyon at mabaho. Hiniram ko lang kay Saffie ang suot kong polo shirt, mabuti nga at mayroon siya sa locker niya na extra. Kung wala, uuwi talaga ako sa kanila. “Mambuburaot ka na naman eh. Sino ba sa’tin ang hindi gipit?” tinaas ko ang hintuturo ko at tiningnan ito, pagkatapos ay dahan-dahang tinapat kay Saffie. Napa-rolled eyes siya kaya humagikhik ako ng tawa. “Ewan sa’yo, Calla. Pumunta ka na kaya ng Alera quarters dahil naghihintay ang prince charming mo.” “What?!” “Oh, basahin mo. Sabi sa post, may final interview with Mr. Kael mamayang 3pm…” Bumagal sa pagsasalita si Saffie, napatingin kami sa isa’t isa at tumingin s
“Ahhhhhhhhhhh!” mahabang sigaw ko matapos kong mabasa ang email na natanggap ko, 8 hours ago na ang email, kaya nakakatiyak akong gabi ko natanggap iyon.“What haffen, Bella? Este, what happened, Calla? May nakita ka bang multo sa kuwarto ko?” bungad na tanong ni Saffie, naka-robe na siya at nagsisipilyo.Hindi makapaniwalang tinapat ko ang phone sa kaniya. Iniisip ko kung paano ako nakatanggap ng email kung hindi naman ako nag-apply?“Oh, natanggap ng Alera Scholars ang application mo, best! Meaning, available pa ‘yong slot. Malay mo ikaw ang piliin.”Binaba ko ang phone at pinanliitan ng mga mata si Saffie. May ideya na ako sa nangyayari. Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana.“Saffie, hindi mo naman siguro pinakialaman ‘yong email ko, ‘no?”“Ah, eh, teka, Calla, natatae pala ako,” sabi niya at kumaripas ng takbo papuntang CR.“SAFFIE LUAN SANCHEZ DELGADO, ‘wag ka nang lumabas ng banyo dahil babalatan kita ng buhay!”“Ah, huh, you will thank me later then, dahil ginrab ko ang
Maganda ang sinag ng araw ng hapon na iyon para sa’kin. Hindi mahapdi, hindi rin masyadong mainit. Ang perfect ng hapon dahil sabi ng ilan golden hour ang tawag do’n. Bihira lang ako magpagabi sa school, kapag kasama si Troy. At ngayon, magkikita kami sa favorite spot namin, sabay naming pagmamasdan ang golden hour na sinasabi nila.Papunta ako ng Bloom Courtyard at dala-dala ang dalawang iced coffee boba, isa para sa akin, isa para sa boyfriend kong si Troy. Pero habang papalapit ako sa garden bench, napahinto ang mundo ko. Dahil may nakita ako na hindi dapat makita ng mga mata ko. May kahalikan na ibang babae si Troy.At sa sobrang gulat, bumitaw ang kamay ko, literal. Nalaglag ang dalawang iced coffee boba sa batong pathway, sabay tunog ng pffffttt… plok! Parang background sound ng pusong nawasak.“Calla? I… I can explain,” tarantang sabi ni Troy at lumapit sa akin, pero ako na ang lumayo.Ang babaeng kalandian ni Troy ay tiningnan lang ako na parang walang pakialam. Tinaasan ko