Share

Chapter Two

Author: purplepink
last update Huling Na-update: 2025-07-16 23:06:57

“Ahhhhhhhhhhh!” mahabang sigaw ko matapos kong mabasa ang email na natanggap ko, 8 hours ago na ang email, kaya nakakatiyak akong gabi ko natanggap iyon.

“What haffen, Bella? Este, what happened, Calla? May nakita ka bang multo sa kuwarto ko?” bungad na tanong ni Saffie, naka-robe na siya at nagsisipilyo.

Hindi makapaniwalang tinapat ko ang phone sa kaniya. Iniisip ko kung paano ako nakatanggap ng email kung hindi naman ako nag-apply?

“Oh, natanggap ng Alera Scholars ang application mo, best! Meaning, available pa ‘yong slot. Malay mo ikaw ang piliin.”

Binaba ko ang phone at pinanliitan ng mga mata si Saffie. May ideya na ako sa nangyayari. Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana.

“Saffie, hindi mo naman siguro pinakialaman ‘yong email ko, ‘no?”

“Ah, eh, teka, Calla, natatae pala ako,” sabi niya at kumaripas ng takbo papuntang CR.

“SAFFIE LUAN SANCHEZ DELGADO, ‘wag ka nang lumabas ng banyo dahil babalatan kita ng buhay!”

“Ah, huh, you will thank me later then, dahil ginrab ko ang opportunity na dapat ay pinaglalaban mo!” sigaw ng kaibigan ko pagkatapos ay malakas na sumara ang pinto.

Nanggigil akong umupo sa kama habang nakatingin sa screen ng phone ko.

Pinindot ko nang matagal ang email at nilagay ito sa trash. Ayaw ko nang ma-stress sa ganiyan. Tapos na ako sa katangahan era ko. 

Kung ang presence ko lang ang requirement para maging full scholar ng Alera, thank you next na lang. Iniiwasan ko na talaga ang fake dating dahil diyan kami nagkamabutihan ni Troy pero sa huli iniwan din ako.

“Hindi ako magpapaalipin sa isang  Cojuangco. Ever!”

---

“Anong sabi mo ulit, Calla?” tanong ni Saffie, pareho kaming nakatingin sa bulletin board ng school.

Marami ring nakikiusyoso pero wala akong pakialam, dahil napako ang mga mata ko sa pangalan na nakalagay sa Top 10, ‘Calla Ezeline Navarro’ 

“Alera Scholars Program Top 10 Qualified Applicants. Wow, Top 3 ako!”

“Oy, sino ‘yong Top 1?”

“Naks, naka Top 7!”

“Calla, chance mo na ‘to!” excited na sabi ni Saffie habang niyuyogyog ako.

Sumama ang timpla ng mukha ko dahil wala na talaga akong takas, nakalista ang pangalan  ko.

“Bisitahin mo na lang ako sa mental hospital after ng first semester, best.”

“Sira!”

Kabado talaga ako. Hindi ko alam kung paano iha-handle ang fake dating session ng Alera. 

Aminado akong marupok ako, kaya nga ayaw ko nang ma-involve sa mga ganiyan. Pero heto, at binugaw ako ng kaibigan ko.

“Attention! Alera Scholars qualified applicants, please proceed to the ASP Quarters for the interview.”

Maraming excited sa gaganapin na interview, samantalang ako, nawalan ng gana. Parang nagsisisi akong pumasok ako ngayon.

“Saffie, anong itatanong nila sa’kin? Baka on the spot tapos hindi ko alam ha.”

“Kaya nga interview best, on the spot talaga ‘yan. Tsaka, ikaw pa, expert ka sa ganiyan.” Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napa-aray siya sa sakit.

Kulang pa iyon sa pantitrip ni Saffie sa akin.

Marami nang nagsialisan na mga students, maliban sa mga napiling applicants na papunta na sa quarters ng Alera. Lahat sila excited, samantalang ako parang tinakasan ng energy sa katawan.

“Sige na best. Punta na ro’n. Don’t waste the opportunity. Ayan na oh, kumatok na sa pinto mo,” sabi ni Saffie at ngumiti ng nakakaloko.

“Bakit parang may nagsasabi sa’kin na dapat akong kabahan dahil diyan sa mga ngiti mo, ha? Plano mo talaga ito ‘no?”

Sinamaan ko siya ng tingin, magkasalubong ang mga kilay ko at naka-pout ang bibig.

“Good luck, bestfriend!” sabi lang ni Saffie at iniwan ako.

Huminga ako nang malalim at napakuyom ng mga kamay, nanggigigil ako sa kaibigan ko.

“‘Pag ito pinahirapan ako, kakalbuhin kita, Saffie,” gigil kong sabi at tumungo ng ASP quarters.

---

“What motivates you to apply for the Alera Scholars program?”

“Because I need money? I mean, additional allowance,” kabadong sagot ko.

Ako na lang ang natitirang applicant na ini-interview, mukhang mangangain pa ng buhay ang interviewer kaya sobra ang kaba ko.

Pero pakiramdam ko hindi naman totoong fake dating clause ang Alera. Walang tanong na related sa ganoon. Parang same lang din sa ibang scholarship ang Alera.

“Fake news na naman siguro ang nasagap ni Saffie. Ang Alera, isang fake dating clause?” bulong ko sa sarili, pero hindi ito nakatakas sa pandinig ng interviewer, narinig niya ang sinabi ko.

“Ms. Navarro, Alera is not a fake dating clause. Those are rumors to attack Mr. Kael.”

“Okay po. Sorry.” Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ng interviewer. Kaya naman bumalik ang sigla ko. I knew it, fake news ang nasagap ni Saffie!

“Okay, let's proceed to the next question. How do you handle stressful situations, especially in high-pressure environments?”

“I take time to reflect and recharge before… ahm… tackling the issue.”

Umayos ako ng upo at tumikhim. Pangalawang tanong pa lang pero pakiramdam ko naha-hot seat na ako, palalim nang palalim ang mga tanong. Pero ilalaban ko ‘to, wala nang dahilan para bitawan ko ang opportunity na ito.

“What best describes your approach to teamwork?”

“I collaborate actively and contribute ideas.”

“What is your greatest strength that you believe will contribute to your success as an Alera Scholar?”

“Syempre ano, ‘yong humor ko at positivity,” sagot ko, sabay tingin sa interviewer.

Kabado ako sa sinagot ko dahil bigla akong nagtagalog. Napataas ng kilay ang interviewer kaya napakagat ako ng labi.

“Last question, Miss Navarro. Are you prepared to remain emotionally unattached?”

Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko inasahan ang tanong na iyon. Napatanong ako sa sarili kung part pa ba ‘yon ng program, o baka totoo nga ang rumor sa fake dating issue.

“Emotionally unattached?” kumurap ang mga mata ko. 

Pero dahil kakagaling ko lang sa break-up, confident akong masasagot ko ang tanong, baka bumilib pa sa’kin ang interviewer.

“That's not what you think, Ms. Navarro. Mr. Kael will never date a student, especially a low-class student like you. The question here concerns your love life outside Alera.”

“Oh, I’m always prepared to stay detached… at hinding-hindi na mapo-fall kahit may mag-offer pa sa’kin ng mentorship sessions na may kasamang iced coffee boba at emotional trauma.” Nasaktan ako sa sinabi ng interviewer na low-class ako, pero hindi ko pinahalata.

Tumaas baba ang mga kilay ko at ngumisi. Pero nanatiling seryoso ang mukha ng interviewer. Kaya naging seryoso ulit ako, mukhang hindi madadala sa humor ang babaeng ‘to. Pero atleast, tapos na ang interview.

“That’s all, Miss Navarro. You have finished the interview. Please wait for the announcement in the afternoon, which will be posted on the Alera Scholarship Program F******k Page. Thanks for your interest and cooperation.”

---

“How is it, Calla?” tanong ni Saffie, bitbit ang banana milk coffee na malapit nang maubos.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa malawak na quadrangle ng campus, haggard galing sa klase. Lunch time na rin kaya nagrereklamo na ang mga tiyan namin.

“Bad.” At tumingin sa iniinom ni Saffie.

Bad talaga dahil hindi pa ako nakakainom ng kape after ng interview ko kanina. Natakam ako bigla.

“Baka jejemon na naman sinagot mo. Nang-good time ka ‘no? Kilala kita, Calla Ezeline Evangelista Navarro,” tanong pa niya na nakataas na ang kilay, “alam ko ang tabas ng dila mo.”

“Eh, paano ba naman best friend, ‘yong tanong nila, kung handa raw ba akong ‘wag ma-inlove.”

“Talaga?” Nakatingin si Saffie sa akin, tila nang-aasar pa.

“Kasalanan mo kaya ‘to. Dapat ikaw ang nandoon.” 

Sinisisi ko talaga si Saffie dahil sa ginawa niyang pantitrip sa akin. Kung alam ko lang na i-a-apply ako ni Saffie, ni-log out ko sana ang email account ko sa phone niya.

Tinaasan niya ako ng kilay, “Bakit sino ba ang nangangailangan ng pera, aber? Ako ba?”

“Whatever.”

“Atleast, ‘pag nakapasok ka sa Alera, secure na ang second semester mo best! May budget ka na pang practicum mo!”

Napabuntong hininga na lang ako. Okey lang naman talaga sa akin na makapasok ako sa Alera, lalo na't sinabi ng interviewer na hindi totoo na isang fake dating clause ang scholarship.

“Isa pa, best friend, presence mo lang naman ang kailangan eh.”

Napangiti ako kay Saffie. Hindi dahil sa sinabi niya, kun’di sa rumor na pinaniniwalaan ng kaibigan ko.

“Oh, ‘diba, nakangiti ka na. Sure na mag-e-enjoy ka sa date ninyo ni Mr. Kael.” Kinilig naman siya habang iniisip na magde-date ako at si Mr. Kael.

“Tangek, hindi totoo na fake dating clause ‘yong Alera, rumor lang ‘yon sabi ng interviewer.” Confident ako sa sinabi ko dahil galing iyon mismo sa staff ng Alera. There’s no way na magsisinungaling sa akin ang babaeng ‘yon.

“Talaga? At, naniwala ka naman?” sabay tawa niya sa’kin, bigla akong kinabahan.

Ginalingan ko pa naman ang pagsagot kanina. Bakit pakiramdam ko naloko rin ako ng Alera mismo?

“Anong ibig mong sabihin, Saffie?”

“Calla, isang Alera grantee ang pinsan ko. Hindi siya nag-apply ro’n dahil sa allowance, naroon siya para makita si Mr. Kael tuwing weekend,” sabi ni Saffie, tawang-tawa siya na parang naisahan ako.

“Saffie Luan, what did you do?” Magkasalubong na ang mga kilay ko. Mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod na sasabihin ng kaibigan ko.

“Calla, totoo ang fake dating kay Mr. Kael.” Parang nanghina ako sa narinig. Pakiramdam ko isa akong sabon na pagkatapos basain ng tubig, bumula na lang dahil iyon ang kahinaan ko.

Kahinaan ko ang fake dating dahil diyan kami nagsimula ni Troy. Ngayon parang na-de javu ako sa nangyari.

“Pinipili pa naman diba kung sino ang makakapasa? I mean, sampu kami ro’n. Imposibleng ako ang mapili.”

“Pero, posible ring ikaw.” Tiningnan ako ni Saffie ng nakakaloko. Parang gusto kong sumigaw sa inis at gigil sa kaibigan ko.

---

“Sorry na my loves. Gusto ko lang naman makatulong, eh.” Nilalambing ako ni Saffie dahil kanina ko pa siya hindi pinapansin.

Malapit na kaming matapos kumain pero panay ang kulit sa akin ni Saffie. Naiinis kasi ako. Pakiramdam ko binalewala ni Saffie ang pinagdadaanan ko, na wala lang sa kaibigan ko ang break-up namin ni Troy.

Kunsabagay, never naman naging fan ng relasyon namin si Saffie. 

“Oo na, nakakaawa ka naman kasi,” sabi ko at ngumiti ng pilit.

“Yehey, thank you, bestfriend. I love you!”

“Woah, wala ka na bang mahanap kaya nilalandi mo na pati bestfriend mo, Calla?”

Natigilan kami sa biglang pagsulpot ni Solenn, kasama niya ang dalawang alipores niya. Nakaharang sila sa daanan kaya umiiwas ang ibang students sa kanila.

“Ano na naman ang kailangan mo, Solenn?” bored na tanong ko, pero palihim kong hinahanap si Troy. Nagbabakasakaling makita ko ulit ang lalaking laman pa rin ng puso ko.

“Hinahanap mo si Troy? Sorry ha, engaged na kami,” sabay pakita ng singsing, parang nanikip ang dibdib ko sa narinig.

Pangarap naming dalawa ‘yon ni Troy, magpo-propose siya sa akin sa graduation namin. Pero heto, at naka-propose na siya sa ibang babae pagkatapos ng break-up namin. Para akong sinaksak ng dalawang beses, double kill.

“Eh ‘di, congratulations sa inyo. Magsama kayo ng walking red flag na ‘yon!” sabat ni Saffie.

“Saff, tama na.” Kinuha ko ang bag ko at tumayo.

Wala akong panahon para makipagbardagulan sa kagaya ni Solenn. Isa pa, napatunayan ko na walang talagang kuwenta si Troy.

“Where are you going, sabon? Hindi pa tayo tapos!” Biglang hinablot ni Solenn ang buhok ko at kinaladkad ako pabalik ng table.

Bumangga ang likod ko sa edge ng table, parang maiiyak ako sa sakit.

“Hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa bestfriend ko!” galit na sabi ni Saffie, sabay tapon sa kanila ng pinagkainan namin.

“Yuck! Ew! Kadiri!” pagsisigaw nilang tatlo, tawa nang tawa naman ang ibang students na nanonood sa away namin.

Lalong nagalit si Solenn kaya kinaladkad niya ako sa maliit na timba na ginagamit ng janitor panlinis ng sahig. Nilublob niya ang mukha ko sa maitim at maruming tubig, napapikit ako at tinikom ang bibig.

“Ito ang bagay sa’yo!”

“Calla!” sigaw ni Saffie, pero hindi siya makalapit sa akin dahil pinipigilan siya ng mga alipores ni Solenn.

“Ano, Calla, bumubula ka na ba?” nanggigigil na tanong ni Solenn at muli akong nilublob sa tubig.

Walang nakialam sa away namin dahil lagot sila kay Solenn. Maraming takot kay Solenn dahil maraming koneksiyon ang daddy niya. Puwede silang ma-expel kapag kinanti nila ang unica hija ng mga Arevalo.

“Solenn! Tama na ‘yan!” Dumating si Troy, hinila niya si Solenn at inilayo sa akin.

Naiiyak kong inangat ang mukha ko, hiyang-hiya ako sa ginawa sa akin ni Solenn. Ang baho na ng amoy ko. Pero mas bumaho ang image ko sa school, tiyak na ibu-bully na rin ako ng mga students.

“Troy, ba’t ka nakikialam? Tinuturuan ko lang ng leksiyon ‘tong si Calla.”

“Solenn, walang kalaban-laban sa’yo ‘yong tao oh.”

“Pero, sinaktan niya ako, Troy!”

“Saan banda Solane?” singit ni Saffie, nasa tabi ko na ang kaibigan ko, galit na galit.

“Umalis na tayo, Saffie,” sabi ko na lang, gusto kong umiwas, nasasaktan lang ako ‘pag nakikita na magkasama ang lalaking mahal ko at si Solenn.

Inalalayan ako ni Saffie na tumayo, kinuha niya ang bag ko, saka kami naglakad palayo. Pero nang malapit na kami sa exit, narinig ko ang boses ni Troy.

“Calla!”

Tumigil kami, tumibok nang mabilis ang puso ko, pero hindi ko nilingon si Troy.

“I’m sorry.”

At pumatak ang luha na akala ko’y tinakasan na ako. Ngayon ko lang narinig ang sorry na hinihintay kong sabihin niya.

Pero mas lalo lang akong nasaktan dahil ang sorry na iyon ay para sa ginawa niyang pagdurog sa puso ko.

“Calla?” tinawag ako ni Saffie, marahil ay nag-aalala ang kaibigan ko.

“I’m okay. And I’m over it.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter Three

    “Best, look! Nasa top 5 ka ng Alera qualified applicants!” Pinakita sa’kin ni Saffie ang bagong post ng Alera Scholars Program. Nakalista nga ang pangalan ko ro’n. “Sabi sa’yo eh, kayang-kaya mo ‘to! Pa-milktea ka ha ‘pag ikaw ang napili,” sabay sundot sa tagiliran ko. Katatapos lang din ng klase, hindi na ako nakasuot ng blouse ng uniform ko dahil basang-basa iyon at mabaho. Hiniram ko lang kay Saffie ang suot kong polo shirt, mabuti nga at mayroon siya sa locker niya na extra. Kung wala, uuwi talaga ako sa kanila. “Mambuburaot ka na naman eh. Sino ba sa’tin ang hindi gipit?” tinaas ko ang hintuturo ko at tiningnan ito, pagkatapos ay dahan-dahang tinapat kay Saffie. Napa-rolled eyes siya kaya humagikhik ako ng tawa. “Ewan sa’yo, Calla. Pumunta ka na kaya ng Alera quarters dahil naghihintay ang prince charming mo.” “What?!” “Oh, basahin mo. Sabi sa post, may final interview with Mr. Kael mamayang 3pm…” Bumagal sa pagsasalita si Saffie, napatingin kami sa isa’t isa at tumingin s

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter Two

    “Ahhhhhhhhhhh!” mahabang sigaw ko matapos kong mabasa ang email na natanggap ko, 8 hours ago na ang email, kaya nakakatiyak akong gabi ko natanggap iyon.“What haffen, Bella? Este, what happened, Calla? May nakita ka bang multo sa kuwarto ko?” bungad na tanong ni Saffie, naka-robe na siya at nagsisipilyo.Hindi makapaniwalang tinapat ko ang phone sa kaniya. Iniisip ko kung paano ako nakatanggap ng email kung hindi naman ako nag-apply?“Oh, natanggap ng Alera Scholars ang application mo, best! Meaning, available pa ‘yong slot. Malay mo ikaw ang piliin.”Binaba ko ang phone at pinanliitan ng mga mata si Saffie. May ideya na ako sa nangyayari. Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana.“Saffie, hindi mo naman siguro pinakialaman ‘yong email ko, ‘no?”“Ah, eh, teka, Calla, natatae pala ako,” sabi niya at kumaripas ng takbo papuntang CR.“SAFFIE LUAN SANCHEZ DELGADO, ‘wag ka nang lumabas ng banyo dahil babalatan kita ng buhay!”“Ah, huh, you will thank me later then, dahil ginrab ko ang

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter One

    Maganda ang sinag ng araw ng hapon na iyon para sa’kin. Hindi mahapdi, hindi rin masyadong mainit. Ang perfect ng hapon dahil sabi ng ilan golden hour ang tawag do’n. Bihira lang ako magpagabi sa school, kapag kasama si Troy. At ngayon, magkikita kami sa favorite spot namin, sabay naming pagmamasdan ang golden hour na sinasabi nila.Papunta ako ng Bloom Courtyard at dala-dala ang dalawang iced coffee boba, isa para sa akin, isa para sa boyfriend kong si Troy. Pero habang papalapit ako sa garden bench, napahinto ang mundo ko. Dahil may nakita ako na hindi dapat makita ng mga mata ko. May kahalikan na ibang babae si Troy.At sa sobrang gulat, bumitaw ang kamay ko, literal. Nalaglag ang dalawang iced coffee boba sa batong pathway, sabay tunog ng pffffttt… plok! Parang background sound ng pusong nawasak.“Calla? I… I can explain,” tarantang sabi ni Troy at lumapit sa akin, pero ako na ang lumayo.Ang babaeng kalandian ni Troy ay tiningnan lang ako na parang walang pakialam. Tinaasan ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status