“So, you’re Miss Navarro, huh? The crying lady in the rooftop,” tanong ni Mr. Kael nang ‘di lumilingon sa’kin.
Namilog ang mga mata ko sa tinuran niya. How dare him na tawagin akong crying lady sa rooftop? Ni hindi nga niya alam ang pinagdadaanan ko ng hapong iyon.
Napakuyom ako ng mga kamay sa inis, pero pinakalma rin kaagad ang sarili.
“And you’re Kael Cojuangco, the one with a pink umbrella,” ganti ko ring sabi.
Natigilan siya at dahan-dahang lumingon sa’kin. Parang unti-unti kong naramdaman ang tensiyon sa loob ng room.
“What did you say?” maawtoridad niyang sabi, habang ang mga mata niya ay direktang nakatingin sa’kin.
“Ah, ano, ikaw ‘yong lalaki na nagpayong sa’kin no’ng umulan,” sabi ko at pilit na ngumiti.
Kailangan ko pala makipagplastikan sa lalaking ‘to.
“Are you related to Martin Navarro?”
Umiwas ako ng tingin sa tanong niya. Binanggit ni Kael ang pangalan ng daddy ko. Does he know him?
“Yes,” tipid kong sagot, kabado rin, dahil posibleng magkaproblema sa application ng scholarship.
“Anong ginagawa ng isang Navarro sa Alera? Naghihirap na ba ang mga Navarro kaya naririto ka ngayon?” tumalikod siya saglit, kumuha ng mga papeles, na alam kong documents ng scholarship.
Pero hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya. Pinapalabas niya na dahil isa akong Navarro ay wala akong karapatan na kumuha ng scholarship.
“You don’t know anything, Mr. Cojuangco.”
“Is that so? By the way, here’s your contract,” sabay hagis sa’kin ng mga papel.
Gulat akong napatingin sa kaniya at bumaling din sa mga papel.
“Contract?” tanong ko na hindi makapaniwala, “eh, ‘di ba’t iinterbyuhin mo pa lang ako?”
“You’ve chosen. Congratulations.”
“What?! How? It’s not fair!”
“Let us say that you are fit for the role.”
Naglakad siya papunta sa isa pang table, pero mahaba at puno ng mga pagkain at wine. Nagbukas siya ng alak at nilagay ito sa wine glass. Habang ako, gulat na gulat pa rin, tinatanong ang sarili kung papaano, sa anong paraan ako naging fit sa role na iyon?
“Dahil ba brokenhearted ako ngayon kaya mo ako pinili?”
Nilingon niya ako, saka ngumisi. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa.
“Babasahin mo ba ang kontrata o hindi?” Bumaba ang tingin niya sa hawak ko na contract.
“Ito na nga,” sabay buklat ng binigay niya sa’kin.
“Read the contract… louder.”
Tinapunan ko siya ng tingin, inikutan ng mga mata, at binalik din ang tingin sa hawak ko na contract.
“Alera Scholars Program, Full Scholar Contract Conditions & Rules.” Tumingin ulit ako sa kaniya pero nakapikit ang mga mata nito, naghihintay sa babasahin ko. Huminga na lang ako nang malalim at pinagpatuloy ang pagbabasa.
“Tier,” napataas ang kilay ko at mas nilakasan ang boses, “Clause-Bound Full Scholar Endorsed and privately funded by Mr. Kael Alaric Drennan Cojuangco.”
Tumigil ako saglit para ayusin ang buhok ko dahil kumakawala ito mula sa pagkakaipit sa likod ng tainga ko.
“Meaning ako lang ang boss mo, the only funder of this program. Walang ibang magbibigay sa’yo ng allowance at tuition f*e, kun’di ako lang,” sabat ni Kael kaya napatingin ako sa kaniya. Minulat niya ang kaniyang mga mata, at diretsong tumingin sa’kin.
“Alam ko na ‘yon,” sabi ko na lang at binalik ang tingin sa contract. “Academic Privileges.”
“Iyan ang benefits na makukuha mo as a full scholar,” nilapag niya ang wine glass sa mesa at umupo naman sa sofa, “Full tuition coverage for the entire academic year. Monthly living allowance plus gadget and software grants. Exclusive access to Solaria Quarters, with mentorship lounge access. And lastly, priority recommendation for Cojuangco Labs internship. Next is, Fake Dating Clause, Clause 09: Companionship Simulation. Condition—”
“Teka nga, teka lang,” sabi ko, sinenyasan ko siya na tumigil sa pagsasalita, “akala ko ba ako ang magbabasa? Balak mo yatang basahin lahat ng nakasaad sa kontrata eh. Ikaw na kaya magbasa, tutal memorize mo naman.”Nilapitan ko siya at inabot ang kontrata, nakatingin lang siya rito kaya inis ko ring binawi.
“Babasahin ko ‘to nang mabilisan. ‘Wag kang sumingit,” tinaasan ko siya ng kilay, at lumipat sa kabilang page, “Fake Dating Clause, Clause 09: Companionship Simulation. Condition. Scholar shall partake in curated companionship with benefactor for public image enhancement.”
“Rules—” Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang hintuturo ko.
Natigilan kami saglit, natahimik, nagkatitigan, hindi sigurado kung anong ire-react sa isa’t isa.
“I need to talk to him—”
Bumukas ang pinto kaya natauhan ako bigla, maging si Kael ay natauhan din. Pareho ba kaming nawala sa sarili?
“Sinasabi ko na nga ba at may binabalak ang babaeng ‘yan,” galit na sabi ng new instructor at tinulak ako, “I knew it. Kaya siya nag-apply para landiin ka, Kael. Hindi naman talaga siya totally broke, nagpapanggap lang siya.”
Napakunot noo ako. Bakit parang may alam siya sa family background ko, eh bagong salta lang naman siya sa Valerio Del Sol?
“Excuse me po, Miss instructor. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Totoong kailangan ko ng scholarship. Tsaka, nandito ako hindi para maghanap ng lovelife.”
“Says who?”
“Says me.”
Nagsamaan kami ng tingin, walang balak na putulin ang namumuong tensyon sa pagitan namin ni Miss instructor.
“Excuse me, Miss Rodrigo, we’re currently discussing the scholarship program here. Put the drama on pause for a minute, will you?”
“But Kael—”
“This is Alera Quarters. You are not allowed here unless you’re a staff or a scholar. If not, the door is open for you to leave.”
Tinuro ni Kael ang pinto. Hindi maipinta ang mukha ni Miss Rodrigo sa sinabi ni Kael. Wala na siyang magagawa dahil si Kael mismo ang nagpalabas sa kaniya.
“Kael, believe me. She’s a fraud.”
Hindi nagbago ang expression ng mukha ni Kael, parang wala siyang pakialam sa mga sinabi ni Miss Rodrigo.
Walang nagawa ang instructor kaya umalis na lang siya ng office, bigo at dismayado.
“Please, continue.”
Napalunok ako sa biglang paglamig ng pakikitungo niya. Kanina lang ay ang bossy niya, dumating lang si Miss Rodrigo parang naging freezer ‘yong room, sobrang lamig.
Pinanood ko lang sina Troy at Solenn habang papalapit sila sa host. Mukhang masaya na siya. I even saw his genuine smile… that once mine.Why? Bakit ka nawala, Troy? Hinawakan naman kita nang mahigpit, ah. Kahit anong pagsubok na dumating sa’tin hindi ako bumitaw. Bakit ikaw… gano’n mo lang ako kadali bitawan?Marami akong tanong sa kaniya. Gusto kong marinig ang explanation niya… kung mayroon man. Pero sa tingin ko hindi ko na maririnig pa ang explanation na hinahanap ko.“Bakit bigla mo na lang akong iniwan sa ere?” mahina kong bulong habang nakatingin sa kaniya, na alam kong iniiwasan din ako.Alam kong nakita niya ako pero nagbulag-bulagan siya na para bang hindi niya ako nakilala at isang stranger na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa akong papansinin niya ako. I’m so pathetic.Pero kasi hindi naging maayos ang huling beses na nagkita kami, nag-away pa kami ni Solenn noon at hindi ko siya pinansin. Dahil ayoko pang marinig ang side niya.Sana… sana, nilingon
“Seriously, nag-away talaga kayo ni Ma'am Veronique sa school? ‘Buti walang nakakita sa inyo na staff do’n? Baka na-suspend ka pa ng wala sa oras,” bulalas ni Saffie after ko ikuwento sa kaniya ang mga nangyari kanina.Mabuti na lang at dumating si Kael, kun’di baka hindi pa ako nakauwi ngayon. At mabuti lang din na may nakalimutan siya sa school kaya naabutan niya kami ni Veronique na nagrarambulan.Confident pa si Veronique kanina na siya ang kakampihan ng ex niya, umasa siya sa wala. Believe na talaga ako sa acting skills ni Kael, dineadma ang pinakamamahal niyang ex. Lalo tuloy na-broken si Veronique.“Eh, ayaw ako tantanan ni Veronique, eh. Alam mo bang may group project tayo tapos ang napunta sa'kin na members ay puro sakit ng ulo? Sinadya niyang sila ang matira para wala na akong choice. Mabuti na lang at absent ka, kaya magiging magkagrupo tayo.”“Don't tell me, sa’tin napunta ‘yong four freaks na ‘yon?”“Hindi ka nagkakamali,” sagot ko at tumawa, ‘yong tawa na hindi ko alam k
Around 5 pm, umalis si Kael dahil may meeting daw siyang pupuntahan. Ako naman ang nagtaka dahil alas singko na ng hapon tapos magpapa-meeting pa siya? Eh, nakauwi na ‘yong ibang employees ng mga oras na ‘yan. Okay pa kaya siya? “Whatever. Buhay niya ‘yan.” Bumaba ako ng rooftop, dala-dala ang iced coffee boba ko, nakasukbit naman sa balikat ko ang backpack na may isang string. Astig na astig si Saffie sa bag kong ‘to pero ‘pag sinabihan ko naman na bumili, ayaw niya naman. Trip lang talaga niya ‘yong bag. Madilim na sa labas dahil malapit na mag-ala sais. Kaunti na lang ang mga students na nakikita kong pagala-gala sa mga corridor at sa quadrangle. Karamihan sa kanila may evening classes pa, mayroon namang trip lang magpagabi. 9pm ang curfew sa Valerio dahil may mga nakatira sa mga dormitory, kaya sa mga oras na ‘to sa galaan pa ang ibang nagdo-dorm. Speaking of the dormitory, gusto kong lumipat doon pero hindi ako pinayagan ng parents ni Saffie. Hindi raw safe para sa’kin. Mas m
“Calla, saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Miss Rodrigo. Lumabas lang siya ng room dahil may kukunin,” sabi sa'kin ni Sandy, ang seatmate ko.Mabilis kong sinabit ang bag ko sa upuan at umupo. Kakagising ko lang dahil nakatulog ako kanina sa Solaria. At ngayon late ako sa subject ni Veronique. Baka i-detention na naman niya ako.“Bakit niya ako hinahanap?” bulong ko kay Sandy na abala sa papel. May sinusulat siya na kung ano. Wala naman akong maalala na may assignment kay Veronique.“Hindi ko alam. Pero parang nambabanta siya kanina.”Imbes na matakot ako ay natawa na lang ako kay Sandy. Obvious naman kung saan nanggagaling ang inis sa'kin ni Veronique. Let's see kung anong gagawin niya sa’kin.“As I was saying…”Dumako ang tingin ni Veronique sa’kin at tinaasan ako ng kilay, pero nginitian ko lang para lalo siyang mainis. Inirapan niya naman ako kaya napayuko ako para tumawa nang mahina.“I will be giving you a project. Remember that that will be your final output in your fina
Nakayuko akong pumasok ng gate dahil iba ang ini-expect kong haharapin pagdating ng school. Nagsuot din ako ng eye glass at naglagay ng fake bangs para hindi nila ako makilala o mapansin. I’m not a popular student sa Valerio pero dahil sa nangyari tiyak kong mag-iiba ang takbo ng buhay ko lalo na sa school.“Grabe ‘yong Calla na kapatid ni Yvonne, pinahiya ba naman ang pamilya sa harap ng mga tao.”“Hindi naman natin masisi si Calla, matapos ng pinagdaanan niya sa mga Navarro, tatahimik na lang ba siya sa tabi? Isa pa, nadawit ‘yong mama niya.”“Pero nakaka-shock na siya pala ang girlfriend ni Mr. Kael.”“‘Di kaya fake dating lang? I mean, nag-apply siya dati sa Alera diba?”“Pero hindi naman daw siya napili.”“Baka habang iniinterview ni Mr. Kael si Calla ay na-fall ito.”Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil nakita kong papalapit si Yvonne, kaya naman ay dali-dali akong nagtago sa likod ng puno. Dapat ko siyang iwasan ngayon para hindi lalong lumaki ang away namin. Nak
“Are you okay?” tanong ni Kael nang huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay nina Saffie.Matapos ang eskandalong nangyari kanina ay nilayo ako ni Kael para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi kaagad kami umuwi, dinala niya ako sa lugar na kita ang buong city. Kahit papaano ay nakalimutan ko saglit ang mga nangyari. Pagkatapos no'n ay inuwi niya rin ako dahil nagsabi ako na inaantok na ako.“I think so,” walang ganang sabi ko.Bukod sa wala na akong energy, ay inaantok na talaga ako.“Umakyat ka na, matulog ka na.”“Thank you, Kael,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.“You did great, Calla. Paniwalang-paniwala ang family ko na girlfriend kita. At dahil diyan, ibibigay ko na kaagad ang allowance mo.”Kumislap naman bigla ang mga mata ko sa narinig at umayos ng upo. Bakit ang bait niya ngayon sa’kin?“Easy, easy, you look excited,” sabi niya na natatawa ng kaunti.Eh, kasi naman, malapit ko na maubos ‘yong laman ng alkansya ko. ‘Di ko rin naman ma-withdraw ‘yong savings ko dahil pina-freeze ni d