登入Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay mas dumidikit si Junie sa kanya habang tumatagal. Tatlong araw pa lamang siya sa Torres Mansion, ngunit tila matagal na silang magkakilala ng bata.
Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi siya nito tinatantanan. Habang nag-aayos siya ng mga bulaklak sa living room, naroon si Junie. Habang nagtutupi siya ng mga damit sa laundry room, naroon pa rin si Junie.
At kahit nang magpunta siya sa kusina upang uminom ng tubig, nakasunod pa rin ang bata na tila maliit na aninong ayaw mawala sa kanyang tabi.
"Junie," natatawang sabi ni Graziel habang inaayos ang mga bagong labang tuwalya. "Hindi ka ba napapagod sumunod sa akin?"
The little girl shook her head.
"No."
Napailing siya. Mukhang seryoso talaga ito. Nakasunod pa rin ito sa kanya habang bitbit ang stuffed rabbit na halos kasinglaki na nito. At kahit wala itong ginagawa, sapat na ang presensya nito upang mapangiti siya.
Sa totoo lang, hindi niya inakalang magiging ganito siya kabilis malapit sa anak ng kanyang amo. Ngunit may kakaiba kay Junie. May lungkot sa likod ng mga ngiti nito. May pananabik sa likod ng pagiging madaldal nito.
At habang tumatagal, mas naiintindihan niya ang sinabi ni Kevin noong nakaraang gabi.
"Junie gets attached easily."
Hindi simpleng pagiging friendly ang ginagawa ng bata. Parang matagal na itong naghahanap ng taong makakasama. At sa hindi niya inaasahan… Parang siya ang napili nito.
Lumipas ang maghapon nang mabilis. Pagsapit ng gabi ay tahimik na muli ang mansion.
Tapos na ang hapunan at karamihan sa mga empleyado ay nasa kani-kanilang silid. Maging ang malawak na pasilyo ng mansion ay tila natutulog na rin. Habang naglalakad si Graziel papunta sa kanyang kuwarto, hindi niya maiwasang mapatingin sa mga malalaking bintanang tanaw ang hardin.
Madilim na sa labas. Tanging mga ilaw lamang sa paligid ng fountain ang nagbibigay-liwanag. Napakaganda ngunit kahit gaano kaganda ang lugar ay hindi pa rin nawawala ang pakiramdam niyang may kulang dito.
May lungkot na nakatago sa bawat sulok ng mansion. Napabuntong-hininga siya. Marahil ay epekto lamang iyon ng pagkawala ng asawa ni Kevin. Marahil ay hindi pa rin tuluyang nakakausad ang pamilyang ito.
Lalo na si Junie at lalo na si Kevin.
Napasandal siya sa dingding habang inaabot ang doorknob ng kanyang silid. Pagod na pagod siya. Ang gusto na lamang niya ay mahiga at makatulog.
Ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto—
"Aaaaahhh!"
Napasinghap siya at kasunod noon ang malakas na iyak ng isang bata. Nanlaki agad ang mga mata niya.
Si Junie ang umiiyak. Mabilis niyang nakilala ang boses.
Agad niyang binitawan ang hawakan ng pinto at tumakbo palabas ng hallway. Kasabay ng ilang kasambahay na nagmamadaling lumabas din sa kanilang mga silid.
"Narinig n'yo rin?"
"Opo!"
"Sa kuwarto ni Miss Junie galing!"
Halos hindi na siya huminga habang patakbong umaakyat sa ikalawang palapag. Pagdating niya sa silid ni Junie ay agad niyang binuksan ang pinto. At doon niya nakita ang bata.
Nakaupo ito sa gitna ng malaking kama. Yakap-yakap ang stuffed toy na rabbit. Namumula ang mga mata nito at basa ng luha ang mga pisngi. At nanginginig pa ang maliit nitong katawan.
Parang may humawak agad sa puso ni Graziel.
"Junie!"
Mabilis siyang lumapit at agad namang tumingin sa kanya ang bata. At nang makita siya ay lalo pa itong napaiyak.
"Graziel!"
Kaagad itong yumakap sa kanya nang mahigpit na parang natatakot na mawala siya. Napaupo si Graziel sa gilid ng kama habang hinahaplos ang likod nito.
"Shh... okay lang, nandito na ko."
Nanginginig pa rin ang bata.
"Ano'ng nangyari?"
"I had a nightmare."
Napakunot ang noo niya. "A nightmare?"
Tumango ito pero agad yumakap ulit sa kaniya at parang ayaw na nitong pag-usapan pa. Bago pa siya makapagtanong ulit ay may narinig siyang mga yabag mula sa hallway.
Paglingon niya ay bumungad agad ang matangkad na pigura ni Kevin. At sa unang pagkakataon, hindi ito mukhang perpektong billionaire. Mukha itong isang ama na nagmamadaling puntahan ang anak niya. Bahagyang magulo ang buhok nito. Nakarolyo ang manggas ng puting polo.
At tila kakagaling lamang sa trabaho.
"Junie."
Agad itong lumapit sa kama at umupo sa kabilang gilid.
Nakita ni Graziel kung paano lumambot ang mukha nito habang nakatingin sa anak. Isang bagay na bihira niyang makita.
"What happened?"
Junie lowered her head. "I had a nightmare, Daddy."
Kevin gently brushed her hair away from her face.
"What nightmare?"
Tahimik ang bata sa loob ng ilang segundo. Pagkatapos ay nagsalita.
"I couldn't find you."
Parang may kung anong dumaan sa mukha ni Kevin ngunit nakita iyon ni Graziel. At hindi niya alam kung bakit pero parang nasaktan siya para rito. Hindi sumagot agad si Kevin. Sa halip ay hinawakan lamang nito ang maliit na kamay ng anak.
"I'm here."
"What if you disappear?"
"I won't."
"But what if?"
Natahimik ang buong silid at sa pagkakataong iyon, walang nakitang sagot si Graziel sa mukha ni Kevin.
Makalipas ang halos dalawampung minuto ay tila kumalma na rin si Junie at humina na ang pag-iyak nito at naging maayos na rin ang paghinga nito. Akala ni Graziel ay makakatulog na ang bata. Ngunit nagkamali siya.
"I don't want to sleep alone."
Napatingin silang dalawa rito.
Kevin sighed. "Junie."
"No."
"You'll be fine."
"No."
Napakrus ng mga braso ng bata. At kitang-kita sa mukha nito na wala itong balak umatras.
"I want both of you here."
Nanlaki agad ang mga mata ni Graziel.
"Ako?"
"Yes."
Napalingon siya kay Kevin at mukhang nagulat din ito.
"Junie, it's late."
"I know."
"Then sleep."
"No."
At habang tumatagal ay mas lalo siyang natatawa sa loob-loob niya. Hindi niya inakalang may taong kayang kontrahin si Kevin Torres nang ganito kadali. At ang taong iyon ay pitong taong gulang lamang.
Sa huli ay natalo rin si Kevin at heto sila ngayon, nakaupo sa magkabilang gilid ng kama. Habang si Junie ay nakahiga sa gitna.
Pakiramdam ni Graziel ay mas naririnig pa niya ang tibok ng puso niya kaysa sa tunog ng air conditioner. Ayaw niyang tumingin kay Kevin. Pero sa hindi niya maintindihan, parang mas lalo siyang naaakit na mapatingin dito.
Siguro dahil ngayon lang sila nagkasama nang ganito katagal. Tahimik lamang sila sa iisang silid. Sa wakas ay si Kevin ang unang nagsalita.
"She likes you."
Napalingon siya. Sinabi na naman nito ang line na yon.
"Mukhang ganoon nga po."
Napatingin si Kevin sa anak nitong nakahiga sa gitna.
"She hasn't smiled this much in years."
Nawala ang ngiti ni Graziel. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong kumirot sa dibdib niya.
"After her mother died..." Huminto ito sandali. Parang pinipili ang mga salita. "Everything changed. I tried giving her everything." Napatawa ito nang mahina. Ngunit walang saya sa tunog niyon. "But apparently everything isn't enough."
At naisip niya kung gaano kahirap lumaki nang walang ina. Kung gaano kahirap maging magulang na kailangang punan ang kawalan ng dalawang tao. Sa wakas ay nagsalita siya.
"Sa tingin ko po..." Napatingin si Kevin sa kanya. "...mas mahalaga sa bata ang oras kaysa sa pera. Kahit gaano karaming laruan ang ibigay ninyo... iba pa rin kapag kasama kayo."
Hindi agad sumagot si Kevin at sa loob ng ilang segundo ay nagkatitigan sila.
At sa unang pagkakataon ay pakiramdam ni Graziel ay hindi niya kaharap ang malamig na billionaire na kinatatakutan ng lahat. Kundi isang lalaking sugatan. Isang lalaking sinusubukang maging mabuting ama.
At sa ilalim ng kumot, hindi nila alam na bahagyang nakangiti si Junie. At kuntentong-kuntento ito sa naging resulta ng ginawa nito.
Mission Accomplished ang atake ni Junie ngayon!
Kung may isang bagay na napansin ni Graziel nitong mga nakaraang araw, iyon ay ang katotohanang tila unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Junie. Mas madalas na itong tumawa ngayon kumpara nong umuwi ito sa school nong nakaraang araw. Mas madalas na itong ngumiti at magandang sign na rin yon. At mas madalas na rin nitong kinukulit ang ama nito. Bagay na tila ikinatutuwa rin ng lahat ng tao sa mansion.Lalo na si Mrs. Santos."Masigla ulit si Miss Junie."Nakangiting sabi nito habang pinagmamasdan ang batang tumatakbo sa gardin.Napalingon si Graziel at hindi niya napigilang ngumiti rin. Nakasuot si Junie ng light blue dress habang paikot-ikot na tumatakbo sa fountain. Mahigpit na yakap ang stuffed toy rabbit nito at parang wala itong problema sa mundo.At sa totoo lang, mas gusto niyang makita ang batang ganon kaysa iyong tahimik at malungkot. Hindi niya namalayang nakatingin na pala siya rito nang matagal. Hanggang sa marinig niya ang isang pamilyar na boses."You spoil her."Napasi
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero mula noong gabing iyon sa kwarto ni Junie, parang may nagbago. Hindi naman malaking pagbabago. Hindi naman iyong tipong bigla silang naging magkaibigan ni Kevin o bigla na lamang itong ngumiti sa kanya tuwing nagkakasalubong sila.Hindi naman ganon kasi nanatili pa rin itong cold, seryoso, tapos mas lamang pa rin talaga yong palagi nitong pananahimik.Ngunit may mga pagkakataong nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Mga sandaling mabilis ding nawawala. Parang hindi siya sigurado kung totoo ba iyong nakita niya. At sa bawat pagkakataong nangyayari iyon, siya naman ang unang umiilag ng tingin.Dahil sa hindi niya maintindihan, mas lalo siyang naiilang sa lalaki.Lumipas ang ilang araw. Mabilis ding naging bahagi ng routine ni Graziel ang buhay sa Torres Mansion. Gigising nang maaga at mag-aayos ng mga silid tapos tutulong sa kusina. Maglilinis ng iba't ibang bahagi ng bahay at siyempre ay makikipagkulitan kay Junie. Minsan ay naiisip niya na til
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay mas dumidikit si Junie sa kanya habang tumatagal. Tatlong araw pa lamang siya sa Torres Mansion, ngunit tila matagal na silang magkakilala ng bata.Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi siya nito tinatantanan. Habang nag-aayos siya ng mga bulaklak sa living room, naroon si Junie. Habang nagtutupi siya ng mga damit sa laundry room, naroon pa rin si Junie.At kahit nang magpunta siya sa kusina upang uminom ng tubig, nakasunod pa rin ang bata na tila maliit na aninong ayaw mawala sa kanyang tabi."Junie," natatawang sabi ni Graziel habang inaayos ang mga bagong labang tuwalya. "Hindi ka ba napapagod sumunod sa akin?"The little girl shook her head."No."Napailing siya. Mukhang seryoso talaga ito. Nakasunod pa rin ito sa kanya habang bitbit ang stuffed rabbit na halos kasinglaki na nito. At kahit wala itong ginagawa, sapat na ang presensya nito upang mapangiti siya.Sa totoo lang, hindi niya inakalang magiging ganito siya kabili
Kinabukasan matapos ang insidenteng may kinalaman sa drawing ni Junie, nagising si Graziel nang mas maaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa alaala ng batang babae.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na silid. Sa isip niya ay paulit-ulit na bumabalik ang drawing na ipinakita ni Junie sa kaniya kagabi.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung matatawa ba siya o dapat siyang mag-alala. Hindi niya alam kung normal lang ba iyon para sa isang bata o may mas malalim na dahilan kung bakit ganoon ang iniisip ni Junie.Dahan-dahan siyang bumangon saka niya nag-ayos ng sarili at pagkatapos ay lumabas ng silid.Tahimik pa rin ang mansion katulad ng dati. Napakalaki ng bahay ngunit parang walang buhay. Sa buong bahay, si Junie lang yata ang nagbibigay ng kulay sa lugar.Habang naglalakad siya papuntang kusina ay may nasalubong siyang dalawang kasambahay. Nginitian niya ang mga ito ngunit tila nagulat ang dalawa at pagkatapos ay mabilis na yumuko."Good mo
Kung may isang bagay na natutunan si Graziel matapos makilala si Junie Torres, iyon ay ang katotohanang hindi marunong lumayo ang batang iyon kapag may nagustuhan. At mukhang siya ang napili nitong bagong paboritong tao. Na para bang ginawa siyang literal na laruan ng bata at ayaw nitong mahiwalay sa kaniya.Akala niya mas okay kung close siya sa anak ng amo niya pero parang wrong move yata tong pinasok niya. Kasi mula umaga hanggang hapon ay halos hindi siya tinantanan ni Junie. Sunod talaga ito nang sunod sa kaniya.Nang matapos siyang maglinis ng hallway, sumunod agad ang bata. Nang magpunta siya sa kusina, naroon din si Junie. Nang maglinis siya ng guest room, sumunod ulit ito. Para siyang may maliit na anino o mas tamang sabihin...Para siyang may buntot. At hindi nakakatuwa iyon. Kulang na lang na pati sa CR ay sumama din ito. Dios mio, para yang nadagdagan ang bangs niya sa stress niya sa batang to."Junie," natatawang sabi niya habang inaayos ang mga bedsheet. "Hindi ka ba nap
Hindi naging maganda ang tulog ni Graziel noong unang gabi niya sa Torres Mansion. Maayos naman sana ang higaan niya pero ang utak naman niya ang hindi. Stress na stress talaga siya don sa nangyari sa kaniya. Akala niya talaga ay first day niya ay magiging last day na rin dahil don sa kapalpakan niya. Hindi tuloy siya halos makatuloy kakaisip, paulit-ulit kasing bumabalik sa isip niya ang malamig na mukha ni Kevin Torres."I hope you last longer than the others."Hindi man iyon sigaw o insulto, sapat na iyon para kabahan siya. Na para bang babala iyon sa kaniya. Parang sinasabi nitong huwag siyang maging kampante. Sorry na lang talaga sa Kevin na yon, dahil hangga’t kailangan niya ng pampagamot sa Mama niya ay kailangan niyang mag-stay dito. Napabuntong-hininga siya habang nakahiga sa maliit ngunit maayos na silid na inilaan para sa kanya. Sa totoo lang, mas maganda pa ito kaysa sa kwartong inuupahan nila noon, ang swerte pa rin niya kasi kahit maid siya dito ay maayos naman ang tin







