LOGINKinabukasan matapos ang insidenteng may kinalaman sa drawing ni Junie, nagising si Graziel nang mas maaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa alaala ng batang babae.
Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na silid. Sa isip niya ay paulit-ulit na bumabalik ang drawing na ipinakita ni Junie sa kaniya kagabi.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung matatawa ba siya o dapat siyang mag-alala. Hindi niya alam kung normal lang ba iyon para sa isang bata o may mas malalim na dahilan kung bakit ganoon ang iniisip ni Junie.
Dahan-dahan siyang bumangon saka niya nag-ayos ng sarili at pagkatapos ay lumabas ng silid.
Tahimik pa rin ang mansion katulad ng dati. Napakalaki ng bahay ngunit parang walang buhay. Sa buong bahay, si Junie lang yata ang nagbibigay ng kulay sa lugar.
Habang naglalakad siya papuntang kusina ay may nasalubong siyang dalawang kasambahay. Nginitian niya ang mga ito ngunit tila nagulat ang dalawa at pagkatapos ay mabilis na yumuko.
"Good morning po."
Napakurap siya. Hindi pa rin siya sanay sa formakity ng mga tao rito. Sa café na pinagtatrabahuhan niya noon, lahat ay parang magkakapamilya pero dito parang lahat ay may invisible wall sa isa't isa.
Sabagay parang lahat kasi ay takot makagawa ng mali at baka matanggal pa sa trabaho.
Bandang alas nuwebe ng umaga ay abala siya sa pag-aayos ng mga bulaklak sa malaking living room nang makarinig siya ng mabilis na yabag. Ngumiti siya agad kasi kilala na niya ang may-ari ng mga yabag na iyon at hindi nga siya nagkamali.
Makalipas ang ilang segundo ay lumitaw si Junie. Nakasuot ito ng cute na dilaw na dress. Magulo pa ang buhok nito at tila kakagising lamang.
"Graziel!"
Napatawa siya. "Good morning."
The little girl immediately wrapped her arms around her waist. Napailing si Graziel habang hinahaplos ang buhok nito.
"Nag-almusal ka na ba?"
Junie shook her head. "Not yet."
"Bakit?"
The child frowned dramatically. "Because eating alone is boring."
Napatawa siya dahil sa kaartehan ng bata.
"Nasaan ang daddy mo?"
"Working."
Of course, hindi na siya nagtaka.
Sa loob ng tatlong araw niya sa mansion, napansin niyang halos hindi lumalabas sa opisina si Kevin. Palagi itong nasa office nito at nakaharap na naman sa trabaho. Hindi niya alam kung paano nito nakakaya na palaging nakatutok sa laptop. Kung siya ang ganoon araw-araw, baka matagal na siyang nabaliw.
Pagkatapos ng almusal ay muli siyang sinundan ni Junie. Halos buong umaga ay parang nakadikit ang bata sa kanya. Nang maglinis siya ng guest room, naroon si Junie. Nang magpunta siya sa laundry room, naroon din si Junie. Nang mag-ayos siya ng bookshelf, sumunod pa rin si Junie.
Napatawa na lamang siya.
"Junie, hindi ka ba nagsasawa sa akin?"
"No."
"Bakit?"
Napaisip ang bata sa tanong niya at pagkatapos ay simple nitong sinabi,
"Because you're nice."
Napatigil si Graziel, parang may kung anong kumurot sa puso niya. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil parang matagal nang naghahanap ng taong magsasabi noon sa kanya o siguro dahil naramdaman niyang hindi basta salita lang iyon para kay Junie.
At bigla niyang naisip...
Gaano kaya kalungkot ang batang ito bago siya dumating?
Ang tanong na iyon ay nanatili sa isip ni Graziel habang pinagmamasdan si Junie na nakaupo sa sahig at abalang binibihisan ang isang stuffed rabbit nito.
Naputol ang kanyang pag-iisip nang marinig niya ang boses ni Mrs. Santos.
"Miss Graziel."
Agad siyang napalingon at naroon ang matanda sa pintuan. Mahigpit pa rin ang ekspresyon nito gaya ng dati.
"Mr. Torres wants to see you."
Parang biglang bumigat ang sikmura niya. Lagot! Parang ito na ang kinatatakutan niya.
Napalunok siya. "Ngayon po?"
"Yes."
Agad siyang tumayo at nang lingunin niya si Junie, nakangisi ito.
"You're not in trouble."
Napakurap siya. "Paano mo alam?"
The little girl shrugged. "Daddy only gets that face when he's annoyed."
Napaisip siya. May iba't ibang mukha pala si Kevin Torres?
Dahil sa nakikita niya, iisa lang naman. Masungit at nakakatakot.
Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang nakatayo sa harap ng opisina ni Kevin. Mas kinakabahan siya ngayon kaysa noong unang beses na nagkita sila ng amo niya. Parang ito na yata ang first na mapapa principal office siya ah.
Huminga siya nang malalim bago kumatok.
"Come in."
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Tulad ng dati, nakaupo si Kevin sa likod ng malaking mesa nito.
Hindi man lang ito agad tumingin. Parang sanay na itong magtrabaho habang nakikipag-usap.
"Close the door."
Agad niyang ginawa ang sinabi nito at pagkatapos ay tumayo siya sa gitna ng opisina. Hindi alam kung uupo ba o mananatiling nakatayo. Sa huli, pinili niyang manatiling nakatayo.
Sa wakas ay iniangat ni Kevin ang tingin. At muli niyang naranasan ang kakaibang pakiramdam tuwing nakakatitigan niya ang lalaki.
Hindi dahil gwapo ito, bagama't totoo naman iyon.
Hindi rin dahil mayaman ito kundi dahil sa mga mata nito. Parang kahit kaharap mo na siya, hindi mo pa rin siya maabot. Napaka-intimidating talaga ng boss niya.
"Sit."
Agad siyang umiling. "Ayos lang po ako, Sir."
Ilang segundo siyang tinitigan ni Kevin at pagkatapos ay tila sumuko ito.
"Fine."
Muling bumalik ang tingin nito sa isang dokumento at muling tahimik ang buong silid at habang tumatagal, mas lalo siyang kinakabahan. Hanggang sa wakas ay nagsalita rin ito.
"This is about Junie."
Napakurap siya. Siyempre. Sino pa nga ba? Sa loob ng tatlong araw, parang umiikot na ang buong buhay niya sa batang iyon.
"Okay po."
Ipinatong ni Kevin ang hawak na ballpen at sa unang pagkakataon ay direkta itong tumingin sa kanya.
"She likes you."
Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang tamang sagot. Kaya ang nasabi lang niya ay—
"Mukhang ganon nga po, Sir"
Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Kevin parang hindi nito inaasahan ang sagot. Ngunit hindi ito nagkomento sa halip ay tumayo ito at naglakad patungo sa malaking bintana.
"Junie gets attached easily, especially to people who are kind to her."
"Sir, wala naman po akong balak na—"
"I know."
Mabilis nitong putol at napabuntong-hininga si Kevin.
"She has lost people before and when someone leaves... she takes it hard."
Natahimik siya. Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Mrs. Santos. Ang mga yaya at ang mga kasambahay, at ang mga taong umaalis sa mansion.
Ilan kaya sa mga iyon ang naging malapit kay Junie? Ilang beses kaya itong nasaktan? Ilang beses kaya nitong naramdamang iniiwan siya?
Kaya pala ganito ka-protective si Kevin. Hindi para sa sarili nito kundi para sa anak nito.
Naramdaman niyang bahagyang lumambot ang tingin niya sa lalaki. Hindi man niya lubos na naiintindihan si Kevin, naiintindihan niya ang takot nito. Dahil siya rin naman ay may taong mahal na ayaw niyang masaktan katulad ng kanyang Mama.
"I understand, sir."
Tahimik na tumango si Kevin.
"Good. Just don't make promises you can't keep."
Napatigil siya. At sa pagkakataong iyon, hindi si Kevin ang narinig niya kundi isang taong minsan nang nawalan. Isang taong natatakot na mangyari ulit iyon sa anak niya.
Tahimik siyang tumango at sumagot. "I won't."
At saka siya lumabas.
For the first time in years, Kevin Torres forgot what it felt like to think. He simply stood there. Looking at the woman in front of him.The woman who had quietly walked into his life months ago carrying nothing but a worn suitcase, a warm smile, and a heart too kind for a world that had never been fair to her.She was smiling through her tears."I... fell in love with you too."Those words echoed inside his mind over and over again. He had spent two months preparing himself for every possible outcome.She might reject him. She might ask him to wait longer. She might tell him she only saw him as her employer. He had accepted all of those possibilities.What he hadn't prepared for was hearing the answer he had secretly wished for every single day. His chest felt strangely light. Almost unreal.He found himself smiling before he even realized it. Not the polite smile reserved for investors. Not the calculated smile he wore during interviews.This one was real.~"I have one question."
Hindi mapakali si Graziel buong umaga. Ilang beses na siyang nagkamali sa pagtitiklop ng mga tuwalya. Dalawang beses niyang naibuhos ang tsaa sa maling tasa. At halos mailagay pa niya ang asin sa halip na asukal sa oatmeal ni Junie.Dios ko, Graziel! Umayos ka nga!"Ate?"Napakurap siya. Napatingin siya kay Junie na kanina pa pala siya pinagmamasdan.“Yes, baby?"The little girl tilted her head. "You're smiling."Agad niyang hinawakan ang labi niya. Akala niya lutang lang siya pero bakit siya nakangiti?"Talaga?"Junie nodded enthusiastically. "And you've been smiling since breakfast."Napailing siya. "Hindi ah.""Hindi?" The little girl grinned. "Then why did you call Mrs. Santos 'Mama' a while ago?"Biglang namula ang mukha niya. Heto na naman si Junie eh, gumagawa na naman ng kwento."A-Ano?""I heard it."Napahawak siya sa noo.Jusko! Lalo na yata akong lutang ngayon. Hindi ko maalala na tinawag kong Mama si Mrs. Santos. Eh, mula nong mapasok ako sa mansion na to ay Mrs. Santos na
Two Months Later...Hindi namalayan ni Graziel kung gaano kabilis lumipas ang dalawang buwan. Maraming bagay ang nagbago sa buhay niya. Unti-unti nang naging magaan ang bawat paggising niya sa umaga. Hindi na siya nagigising gabi-gabi dahil sa panaginip tungkol sa mama niya.Hindi na rin siya basta-basta napapaiyak kapag may naaamoy siyang paboritong ulam nito o may naririnig na kantang dati nilang sabay na kinakanta.Masakit pa rin at alam niyang mananatili iyong sakit habambuhay. Pero unti-unti na niyang natututunang mabuhay kasama iyon.Hindi na para takasan kundi para tanggapin. At sa buong panahong iyon ay may isang taong hindi kailanman umalis sa tabi niya.Si Kevin.Hindi na nito muling binanggit ang confession nito ni minsan. Hindi ito nagtatanong. Hindi ito nagpaparamdam ng pressure. Hindi rin nito ipinapakita na naiinip na ito.Sa halip ay mas ipinakita nito ang pagmamahal sa pamamagitan ng maliliit na bagay."Ate!"Napangiti si Graziel habang tinutulungan si Junie sa homewo
Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw na rin mula nang umamin si Kevin. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala itong binanggit kahit isang beses ang tungkol sa nararamdaman nito.Hindi siya tinanong. Hindi siya pinilit. Hindi rin siya binigyan ng ultimatum.Parang walang nangyari. Kung hindi lang niya paulit-ulit na naaalala ang gabing iyon, iisipin niyang panaginip lang ang lahat.Pero hindi kasi alam niyang totoo iyon. Dahil kahit hindi na ito nagsasalita tungkol doon ay ramdam niyang mas naging maalaga pa ito sa kaniya.~"Ate!"Napalingon siya kay Junie na kakalabas lang ng school van. The little girl immediately ran toward her and wrapped her arms around her waist."I'm home!"Napatawa siya. "Welcome home.""Guess what? I got a perfect score!"Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga?"Junie proudly pulled a quiz paper out of her school bag."See?"Napangiti siya habang tinitingnan ang papel."Wow, baby! Perfect nga.""I told you!"Napatawa siya. "I'm so proud of you."Biglang
Hindi halos nakatulog si Graziel buong gabi. Paulit-ulit niyang naaalala ang bawat salitang binitiwan ni Kevin."I love you.""I don't expect an answer tonight.""I'll wait."Napapikit siya habang nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala.Si Kevin Torres. Ang boss niyang halos hindi siya pinapansin noong una. Ang lalaking halos lahat ay kinatatakutan. Ang CEO na parang laging seryoso ay umamin sa kaniya. Napakahaba naman ng hair niya kung ganon, natalo pa niya si Rapunzel sa sobrang haba.Napabuntong-hininga siya.*Ano ba'ng gagawin ko?*Hindi niya alam ang isasagot. Hindi dahil wala siyang nararamdaman. Kundi dahil hindi pa niya alam kung handa na ba siyang magmahal ulit ng ibang tao sa buhay niya. Hindi pa nga siya lubusang nakakabangon sa pagkawala ng mama niya.Paano kung mali ang maging desisyon niya? Paano kung masaktan lang niya si Kevin?~Bandang alas-sais ng umaga ay napagpasyahan niyang bumaba na lamang. Baka sakaling makatulong ang pagigin
Tahimik ang buong garden. Tanging ang mahinang ihip ng hangin at ang banayad na tunog ng fountain ang pumupuno sa katahimikan.Hindi alam ni Graziel kung bakit pero pakiramdam niya ay parang huminto ang oras.Nakatayo lang siya roon habang nakaharap kay Kevin. Habang paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga huling salitang binitiwan nito."I think... the time has finally come."Unti-unti siyang napalunok. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Hindi rin niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay may malaking bagay na mangyayari ngayong gabi.Mahina siyang napabuga ng hangin."Sir?"Kevin kept his eyes on her. For a long moment, he said nothing. Almost as though he was gathering the courage to say words that could never be taken back.Finally, he spoke."For years, my life was simple. There was work, there was Junie and that was enough."Tahimik lang siyang nakatingin dito. Hindi niya ito inistorbo sa “speech” nito kahit gustong-gusto na niyang magtanong."I convinced m
Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay mas dumidikit si Junie sa kanya habang tumatagal. Tatlong araw pa lamang siya sa Torres Mansion, ngunit tila matagal na silang magkakilala ng bata.Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi siya nito tinatantanan. Habang nag-aayos siya ng mga
Kung may isang bagay na natutunan si Graziel matapos makilala si Junie Torres, iyon ay ang katotohanang hindi marunong lumayo ang batang iyon kapag may nagustuhan. At mukhang siya ang napili nitong bagong paboritong tao. Na para bang ginawa siyang literal na laruan ng bata at ayaw nitong mahiwalay
Hindi naging maganda ang tulog ni Graziel noong unang gabi niya sa Torres Mansion. Maayos naman sana ang higaan niya pero ang utak naman niya ang hindi. Stress na stress talaga siya don sa nangyari sa kaniya. Akala niya talaga ay first day niya ay magiging last day na rin dahil don sa kapalpakan ni
Nang araw na iyon, pakiramdam ni Graziel Fernandez ay sabay-sabay siyang sinampal ng tadhana.Nagsimula ang lahat sa isang simpleng meeting sa café na pinagtatrabahuhan niya. Nakahanay silang lahat sa harap ng counter habang nakayuko ang manager nila. Hindi na kailangang magsalita pa nito upang mal







