Home / Romance / My Billionaire Boss's Little Matchmaker / Chapter 2: The Little Girl Who Hugged Me

Share

Chapter 2: The Little Girl Who Hugged Me

Author: Senyorita
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-17 20:39:19

Hindi naging maganda ang tulog ni Graziel noong unang gabi niya sa Torres Mansion. Maayos naman sana ang higaan niya pero ang utak naman niya ang hindi. Stress na stress talaga siya don sa nangyari sa kaniya. Akala niya talaga ay first day niya ay magiging last day na rin dahil don sa kapalpakan niya. 

Hindi tuloy siya halos makatuloy kakaisip, paulit-ulit kasing bumabalik sa isip niya ang malamig na mukha ni Kevin Torres.

"I hope you last longer than the others."

Hindi man iyon sigaw o insulto, sapat na iyon para kabahan siya. Na para bang babala iyon sa kaniya. Parang sinasabi nitong huwag siyang maging kampante. Sorry na lang talaga sa Kevin na yon, dahil hangga’t kailangan niya ng pampagamot sa Mama niya ay kailangan niyang mag-stay dito. 

Napabuntong-hininga siya habang nakahiga sa maliit ngunit maayos na silid na inilaan para sa kanya. Sa totoo lang, mas maganda pa ito kaysa sa kwartong inuupahan nila noon, ang swerte pa rin niya kasi kahit maid siya dito ay maayos naman ang tinutuluyan niyang kwarto.

May sariling banyo, may malambot na kama at may air conditioner pa. Pero kahit gaano kaganda ang silid, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang ina.

Mag-isa lamang ito sa ospital ngayon at siya naman ay narito sa napakalaking mansion na tila kayang lamunin ang isang tao sa sobrang laki.

Napapikit siya. Kailangan niya talagang magtagal dito kahit gaano pa kahirap.

Para sa kanyang Mama.

Maaga siyang nagising kinabukasan. Alas singko pa lamang ng umaga ay nakabihis na siya ng maid’s uniform. Nasa kusina na rin siya bago sumikat nang tuluyan ang araw.

Tahimik pa rin ang buong mansion na para bang bawal talaga gumawa ng kung anong ingay dito. Mula nang dumating siya ay wala pa siyang narinig na nagpapa-music.

Bawal siguro mag-ingay.

At kung hindi lamang dahil sa mga kasambahay na naglalakad paminsan-minsan, iisipin niyang abandonado ang mansion na to. Habang nag-aayos siya ng mga gamit sa dining area ay hindi niya maiwasang magmasid.

Napakaganda ng loob ng mansion. Pati mga decoration na nakalagay ay magdadalawang-isip ka kung hahawakan mo ba. Mga chandelier, mga painting at kung ano-ano pa. Ngunit sa kabila ng lahat ng karangyaan, may kakaibang lungkot sa mansion.

Parang kulang. Parang may nawawala na hindi niya lang alam kung ano pero ramdam na ramdam niya iyon.

Nang matapos siya sa dining room ay inutusan siya ni Mrs. Santos na linisin ang isa sa mga hallway sa ikalawang palapag. Tahimik siyang nagpunta roon.

Bitbit ang cleaning supplies, nagsimula siyang magpunas ng mga mesa at picture frames na nakahanay sa pasilyo. Habang naglilinis ay napansin niya ang mga litrato. Karamihan ay larawan ni Kevin. 

Mayroon ding ilang larawan ng isang magandang babae at isang batang babae.

Napahinto siya, siguro iyon ang yumaong asawa ni Kevin. At ang batang babae ay ang anak nito. Naaalala niyang may nabasa siyang artikulo noon tungkol sa pagkamatay ng asawa ng billionaire. Namatay raw ito matapos manganak.

Hindi niya alam kung totoo ang lahat ng detalye, ngunit alam niyang malaki ang naging epekto nito kay Kevin. 

Muling bumalik sa isip niya ang malamig na tingin ng lalaki kagabi. Bigla niyang naisip na baka hindi naman talaga ito masama. Baka nasaktan lang.

Napailing siya. Hindi niya dapat iniisip ang personal na buhay ng amo niya.

Nandito siya para magtrabaho lang. Iyon lang ang dapat niyang isipin.

“Wag kang makialam, Graziel, okay?” pagkausap niya sa sarili.

Nagpatuloy siya sa paglilinis ngunit ilang minuto pa lamang ang lumipas nang may biglang yumakap sa kanyang baywang.

Napasinghap siya sa gulat. "Ay! Jusmiong pwet ng kalabaw!"

Muntik niyang mabitawan ang hawak na feather duster at agad siyang napalingon at natigilan. Isang maliit na batang babae ang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Malaki ang mga mata nito, mahaba ang buhok at may pinakamatamis na ngiting nakita niya sa buong buhay niya. Para itong manika.

"Uh..." napakurap siya. "Hello?"

Ngumiti lalo ang bata pero hindi ito bumitawsa kaniya sa halip ay lalo pa itong yumakap. Tila matagal na silang magkakilala. Tila normal lamang ang ginagawa nito.

Napatawa si Graziel. "Sino ka?"

Ngunit sa halip na magpakilala nang maayos ay ngumiti lamang ang bata. Pagkatapos ay sinabi nito ang bagay na nagpatawa sa kanya nang tuluyan.

"You're prettier than the last nanny."

Napahagalpak siya at hindi niya napigilan. Napaka-diretso naman ng batang ito at parang wala man lang itong balak mahiya.

"Talaga?" natatawang tanong niya.

Tumango ito. "Much prettier."

"Salamat, ah?"

Napangiti ang bata na tila natuwa dahil napatawa siya.

"What's your name?"

"I’m Graziel."

Ngumiti ito. "I'm Junie."

At doon niya tuluyang nakilala ang batang babae. Si Junie Torres, ang anak ni Kevin Torres. Hindi niya alam kung bakit pero agad niyang nagustuhan ang bata. Marahil dahil napakagaan ng enerhiya nito.

Kabaliwan man pakinggan, ngunit para itong maliit na sinag ng araw sa loob ng napakalungkot na mansion. Sa wakas ay may sunshine na rin siyang nakita sa loob ng mansion.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Graziel.

Agad naman na sumimangot si Junie at bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya.

"I'm bored na kasi. Wala akong ka-talk."

Napatawa na naman siya. Ang cute talaga ng bata kasi, para talagang barbie doll.

"Nasaan ang yaya mo?"

"I fired her."

Nanlaki ang kanyang mga mata. Nagulat siya sa sinabi nito. Tinanggal nito ang sariling yaya? Parang hindi pala si Sir Kevin ang katakutan niya, kundi ang mismong batang kaharap niya.

"Ano?"

Tumango si Junie na para bang nagtanggal lang ng dry skin sa kuko. 

"I didn't like her, you know. She’s so annoying, she’s so talkative and I don’t even like her voice."

Hindi alam ni Graziel kung matatawa o magugulat siya. Pitong taong gulang pa lang yata ito. Pero kung magsalita ay parang CEO. Siguro namana sa ama. Pati yata kamalditahan nito ay namana sa sariling ama.

Napailing siya na lang siya. Hindi niya alam kung ano pang sasabihin niya sa bata. Ayaw din pala nito ng maingay. Dilikado baka hindi rin nito magustuhan ang boses niya at masesante pa siya nang wala sa oras.

"Ako naman ang bagong maid dito," sabi niya na lang. Mas mabuti ng alam nito na maid lang siya dito at hindi nito yaya.

"I know."

Napakurap siya. "Alam mo?"

"I saw you yesterday."

Napangiti siya. "Talaga?"

Tumango si Junie. "You're nice."

May kung anong kumirot sa puso ni Graziel. Napakasimple lamang ng sinabi nito. Parang mabait naman itong si Junie. Baka hindi lang talaga nito nagustuhan ang dati nitong yaya dahil may ginawa ito na hindi nagutuhan ni Junie.

Siguro matagal nang naghahanap ang bata ng taong makakasama. Ng taong makikinig dito. Baka kasi diba hindi talaga yaya ang kailangan nito kundi kaibigan.

At sa kabila ng mamahaling damit at magandang hitsura nito ay para itong malungkot.

"Nag-almusal ka na ba?" tanong niya kay Junie..

Tumango ang bata.

"Yes."

"Buti naman."

"I'm still bored."

Napatawa siya ulit. Mukhang magiging madaldal ang batang ito at tama nga siya. Sa loob lamang ng ilang minuto ay para na silang matagal nang magkakilala.

Sunod-sunod ang tanong ni Junie, gaya ng ilang taon na siya. Saan siya nakatira. Ano ang paborito niyang pagkain. 

May boyfriend ba siya.

Halos mabulunan pa si Graziel sa huling tanong.

"Ha?!"

Tumawa si Junie.

Mukhang natutuwa ito sa reaksyon niya. Habang patuloy silang nag-uusap, unti-unting lumiwanag ang mukha ng bata. Mas madalas itong ngumiti. Mas madalas itong tumawa. At sa unang pagkakataon mula nang makita niya ito ay mukhang totoong masaya ito.

Tahimik na nakatingin si Kevin sa kaniyang anak. Kagagaling lang niya sa isang business call. Napahinto siya nang marinig ang malakas na tawa ng anak. Isang bagay na bihira niyang marinig nitong mga nakaraang buwan.

Napalingon siya at doon niya nakita ang eksena. Si Junie at ang bagong maid ay magkasamang nakaupo sa sahig habang nag-uusap at nagtatawanan.

Tahimik lang siyang pinagmamasdan ang dalawa na parang nakakatawa ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa tawa ng anak niya. Napansin niyang mas maliwanag ang mukha ng anak ngayon.

Isang bagay na hindi niya madalas makita.

Hindi niya namalayang ilang segundo na pala siyang nakatitig hanggang sa mapansin siya ni Junie.

Agad itong kumaway sa kaniya.

"Daddy!"

Agad siyang lumapit sa kaniyang anak at hinalikan ito sa bandang ulo nito. Mabilis din itong gumanti ng halik sa kaniyang pisngi.

Pero kung gaano kasaya ang anak niya ngayon ay siya namang ikinagulat niya sa sinabi nito.

"Daddy, I like her."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 75: Special Chapter

    For the first time in years, Kevin Torres forgot what it felt like to think. He simply stood there. Looking at the woman in front of him.The woman who had quietly walked into his life months ago carrying nothing but a worn suitcase, a warm smile, and a heart too kind for a world that had never been fair to her.She was smiling through her tears."I... fell in love with you too."Those words echoed inside his mind over and over again. He had spent two months preparing himself for every possible outcome.She might reject him. She might ask him to wait longer. She might tell him she only saw him as her employer. He had accepted all of those possibilities.What he hadn't prepared for was hearing the answer he had secretly wished for every single day. His chest felt strangely light. Almost unreal.He found himself smiling before he even realized it. Not the polite smile reserved for investors. Not the calculated smile he wore during interviews.This one was real.~"I have one question."

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 74: Wakas

    Hindi mapakali si Graziel buong umaga. Ilang beses na siyang nagkamali sa pagtitiklop ng mga tuwalya. Dalawang beses niyang naibuhos ang tsaa sa maling tasa. At halos mailagay pa niya ang asin sa halip na asukal sa oatmeal ni Junie.Dios ko, Graziel! Umayos ka nga!"Ate?"Napakurap siya. Napatingin siya kay Junie na kanina pa pala siya pinagmamasdan.“Yes, baby?"The little girl tilted her head. "You're smiling."Agad niyang hinawakan ang labi niya. Akala niya lutang lang siya pero bakit siya nakangiti?"Talaga?"Junie nodded enthusiastically. "And you've been smiling since breakfast."Napailing siya. "Hindi ah.""Hindi?" The little girl grinned. "Then why did you call Mrs. Santos 'Mama' a while ago?"Biglang namula ang mukha niya. Heto na naman si Junie eh, gumagawa na naman ng kwento."A-Ano?""I heard it."Napahawak siya sa noo.Jusko! Lalo na yata akong lutang ngayon. Hindi ko maalala na tinawag kong Mama si Mrs. Santos. Eh, mula nong mapasok ako sa mansion na to ay Mrs. Santos na

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 73: Bukas

    Two Months Later...Hindi namalayan ni Graziel kung gaano kabilis lumipas ang dalawang buwan. Maraming bagay ang nagbago sa buhay niya. Unti-unti nang naging magaan ang bawat paggising niya sa umaga. Hindi na siya nagigising gabi-gabi dahil sa panaginip tungkol sa mama niya.Hindi na rin siya basta-basta napapaiyak kapag may naaamoy siyang paboritong ulam nito o may naririnig na kantang dati nilang sabay na kinakanta.Masakit pa rin at alam niyang mananatili iyong sakit habambuhay. Pero unti-unti na niyang natututunang mabuhay kasama iyon.Hindi na para takasan kundi para tanggapin. At sa buong panahong iyon ay may isang taong hindi kailanman umalis sa tabi niya.Si Kevin.Hindi na nito muling binanggit ang confession nito ni minsan. Hindi ito nagtatanong. Hindi ito nagpaparamdam ng pressure. Hindi rin nito ipinapakita na naiinip na ito.Sa halip ay mas ipinakita nito ang pagmamahal sa pamamagitan ng maliliit na bagay."Ate!"Napangiti si Graziel habang tinutulungan si Junie sa homewo

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 72: Family Date

    Tatlong araw na ang lumipas. Tatlong araw na rin mula nang umamin si Kevin. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala itong binanggit kahit isang beses ang tungkol sa nararamdaman nito.Hindi siya tinanong. Hindi siya pinilit. Hindi rin siya binigyan ng ultimatum.Parang walang nangyari. Kung hindi lang niya paulit-ulit na naaalala ang gabing iyon, iisipin niyang panaginip lang ang lahat.Pero hindi kasi alam niyang totoo iyon. Dahil kahit hindi na ito nagsasalita tungkol doon ay ramdam niyang mas naging maalaga pa ito sa kaniya.~"Ate!"Napalingon siya kay Junie na kakalabas lang ng school van. The little girl immediately ran toward her and wrapped her arms around her waist."I'm home!"Napatawa siya. "Welcome home.""Guess what? I got a perfect score!"Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga?"Junie proudly pulled a quiz paper out of her school bag."See?"Napangiti siya habang tinitingnan ang papel."Wow, baby! Perfect nga.""I told you!"Napatawa siya. "I'm so proud of you."Biglang

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 71: Last Night

    Hindi halos nakatulog si Graziel buong gabi. Paulit-ulit niyang naaalala ang bawat salitang binitiwan ni Kevin."I love you.""I don't expect an answer tonight.""I'll wait."Napapikit siya habang nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala.Si Kevin Torres. Ang boss niyang halos hindi siya pinapansin noong una. Ang lalaking halos lahat ay kinatatakutan. Ang CEO na parang laging seryoso ay umamin sa kaniya. Napakahaba naman ng hair niya kung ganon, natalo pa niya si Rapunzel sa sobrang haba.Napabuntong-hininga siya.*Ano ba'ng gagawin ko?*Hindi niya alam ang isasagot. Hindi dahil wala siyang nararamdaman. Kundi dahil hindi pa niya alam kung handa na ba siyang magmahal ulit ng ibang tao sa buhay niya. Hindi pa nga siya lubusang nakakabangon sa pagkawala ng mama niya.Paano kung mali ang maging desisyon niya? Paano kung masaktan lang niya si Kevin?~Bandang alas-sais ng umaga ay napagpasyahan niyang bumaba na lamang. Baka sakaling makatulong ang pagigin

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 70: The Confession

    Tahimik ang buong garden. Tanging ang mahinang ihip ng hangin at ang banayad na tunog ng fountain ang pumupuno sa katahimikan.Hindi alam ni Graziel kung bakit pero pakiramdam niya ay parang huminto ang oras.Nakatayo lang siya roon habang nakaharap kay Kevin. Habang paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang mga huling salitang binitiwan nito."I think... the time has finally come."Unti-unti siyang napalunok. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Hindi rin niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay may malaking bagay na mangyayari ngayong gabi.Mahina siyang napabuga ng hangin."Sir?"Kevin kept his eyes on her. For a long moment, he said nothing. Almost as though he was gathering the courage to say words that could never be taken back.Finally, he spoke."For years, my life was simple. There was work, there was Junie and that was enough."Tahimik lang siyang nakatingin dito. Hindi niya ito inistorbo sa “speech” nito kahit gustong-gusto na niyang magtanong."I convinced m

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 5: Junie's First Mission

    Hindi alam ni Graziel kung bakit, pero pakiramdam niya ay mas dumidikit si Junie sa kanya habang tumatagal. Tatlong araw pa lamang siya sa Torres Mansion, ngunit tila matagal na silang magkakilala ng bata.Mula umaga hanggang gabi ay halos hindi siya nito tinatantanan. Habang nag-aayos siya ng mga

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 4: Rules and Boundaries

    Kinabukasan matapos ang insidenteng may kinalaman sa drawing ni Junie, nagising si Graziel nang mas maaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa alaala ng batang babae.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na silid. Sa isip niya ay paulit-ulit na bumabalik ang drawing

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 3: “Marry her, Daddy, please…”

    Kung may isang bagay na natutunan si Graziel matapos makilala si Junie Torres, iyon ay ang katotohanang hindi marunong lumayo ang batang iyon kapag may nagustuhan. At mukhang siya ang napili nitong bagong paboritong tao. Na para bang ginawa siyang literal na laruan ng bata at ayaw nitong mahiwalay

  • My Billionaire Boss's Little Matchmaker   Chapter 1: The Job I Couldn't Refuse

    Nang araw na iyon, pakiramdam ni Graziel Fernandez ay sabay-sabay siyang sinampal ng tadhana.Nagsimula ang lahat sa isang simpleng meeting sa café na pinagtatrabahuhan niya. Nakahanay silang lahat sa harap ng counter habang nakayuko ang manager nila. Hindi na kailangang magsalita pa nito upang mal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status