Share

Chapter 106

CHAPTER 106

"Anong nangyayare rito?" Agad na tanong ni Valerie sa mga eto.

Napayuko naman si Bella na patuloy pa rin sa pag iyak. Samantalang ang magkapatid naman na Nicole at Sarah ay mataman na nagtititigan.

"Wala naman po tita. Konting mis understanding lamang po," sagot ni Nicole. Tiningnan naman ni Valerie si Bella at Sarah.

"I think tita kailangan na muna namin umuwi ni Nicole," sabi ni Sarah.

"No ate. Hindi ako uuwi. Dito lang ako dahil ang gusto ni Vin ay dito lamang ako sa tabi nya," pagtutol ni Nicole sa sinabi ng kanyang ate.

"Please Nicole. Mahiya ka naman sa mommy ni Vin," sabi ni Sarah.

"Dito lang ako ate. Kung gusto mo nang umuwi ay maaari ka namang umuwi basta ako ay dito lamang sa tabi ni Vin," sagot ni Nicole at bumalik na sya sa upuan na nasa tabi ng higaan ni Vin.

"Hayaan mo na lang muna sya hija," sabi ni Valerie kay Sarah. Tumango tango naman si Sarah rito at nagpasya na manatili na rin muna roon.

"Ayos ka lamang ba Bella?" Tanong ni Valerie kay Bella ng umupo sy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status