Share

CHAPTER 15

Author: Aera RODORA
last update Last Updated: 2023-12-14 16:28:13

Nasapo ni Klarisse ang ulo niya nang magising siya. Napaingit siya dahil kumikirot iyon. Marahil ay naparami ang nainom niya kagabi kaya tila binabarina ang ulo niya ngayon. Kumilos siya para tumayo. Ngunit ang gagawin niyang pagtayo ay natigil nang may biglang nagsalita sa kaliwang bahagi ng higaan.

“Good morning...” anang baritonong boses na kahit pa yata nakapikit siya ay matutukoy niya kung sino ang nagmamay-ari.

Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Michael na nakaupo habang naka-de-cuatro at may hawak na libro. Nakasuot ang lalaki ng puti at maluwag na long sleeve na gawa sa manipis na tela, ang pants naman nito ay maluwag din, pero kulay itim.

Sa ilang dipa na layo sa pagitan nilang dalawa ay naaamoy niya ang gamit na pabango ng lalaki mula sa kinaroroonan niya.

Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka kung ano ang ginagawa ng lalaking ito sa tinutulugan niya.

“Did you sleep well?” tanong ulit nito habang nakangiti. Itiniklop ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Billionaire EX-BOYFRIEND   CHAPTER 67

    Habang inihahatid ng tingin ni Michael si Audrey ay hindi niya maiwasan ang mapailing. He knows there is something she is hiding. At aalamin niya iyon kahit na ano ang mangyari. If he's being paranoid and being judgemental, ngayon pa lang ay magso-sorry na siya. Pero malakas talaga ang kutob niya. He trusts his human instincts. May nagsasabi sa likod ng isip niya na tama ang kutob niya. He feels it within his bones. Nang hindi niya na makita si Audrey ay saka niya tiningnan ang gawi ng taong nakita niya kanina. Wala na ang tao, pero ang kotse na kinatatayuan nito kanina ay naroon at naka-park pa rin. Napailing siya nang kumabog ang puso niya. Ang kabog na alam niyang hindi siya tatantanan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.Naglakad si Michael papunta sa kotse na kinatatayuan ng estrangherong hindi niya man lang nakita ang mukha.Nang makarating sa tapat ng kotse ay saka niya kinatok ang bintana ng kotse. Nagbabakasali siyang may tao sa loob at pagbubuksan siya ng bintana. But w

  • My Billionaire EX-BOYFRIEND   CHAPTER 66

    Audrey was begging. Begging for his love. He wanted to ask why? But does it matter?Hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Pero gusto niya itong hawakan at kabigin papunta sa kaniya para lang yakapin, pero hindi niya iyon ginawa. Ayaw niyang umasa ang babae. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga ginagawa niya.Paano kung naguguluhan lang din siya? Paano kung naghahanap lang siya ng pagbabalingan ng atensiyon niya para lang makalimutan si Klarisse?At kung gawin niya na kabigin ito, paano kung mag-assume ito na gusto niya rin ito? Mas magkakaroon siya ng malaking problema lalo pa at kilala na niya ang ugali ng babae na para bang what Audrey wants, what Audrey gets.Tumingin ulit si Audrey sa kaniya. Mas malamlam ang mga mata nito, mas malungkot. Nakikiusap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Heto, isang babae, isang matagumpay na babae ang kusang lumalapit sa kaniya para mahalin niya. Pero siya? Pilit niyang iniiwasan ang babae dahil sa maraming dahilan. Isa na roon si Klarisse.“W

  • My Billionaire EX-BOYFRIEND   CHAPTER 65

    “So, we meet again.”Napatingin si Michael sa babaeng nagsalita. Si Audrey. Simple lang ang suot nito. Nakapantalon at T-shirt na kulay black. Plain lang iyon kaya mas lumabas ang angking kaputian ng babae.Limang buwan niya rin itong hindi nakita nang personal, dahil parati naman itong lumalabas sa T.V dahil sa dami ng achievements nito sa pagiging doktor.“What is it this time, Audrey?” Malumanay lang na tanong niya kahit pa ang totoo ay napapagod na siya dahil lang sa pakikipag-usap dito. Nagpakawalawa pa siya nang mahabang buntonghininga.Natawa naman si Audrey na para bang may sinabi siyang nakakatawa.“Grabe ka sa akin, Mr. Ratcliffe, ah. Wala pa nga akong ginagawa, naiirita ka na. Wala bang nakapagsabi sa iyo na kapag naiirita ka sa isang tao, ay dahil gusto mo ito?”“What?” Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng dalaga.“Do you really like me that much, huh?”Naglakad siya palapit sa kotse niya , at iniwan ang babae. But what's weird is, he's expecting her to follow him. Kay

  • My Billionaire EX-BOYFRIEND   CHAPTER 64

    Pagdating sa bahay nila Sebastian ay namangha siya sa marangyang pamumuhay ng lalaki. Yes, he's wealthy now, but it doesn't change the fact that he still came from the slumber. At kung hindi pa yata sa ama niyang may pera ay hindi siya makakaahon sa buhay kahit pa magtrabaho siya habang buhay.Naniniwala siya sa swerte, pero hindi nakakabit sa kaniya ang salitang iyon, hanggang sa dumating si Honey sa buhay niya. Ang kapatid niyang nagsisilbing anghel niya.The thing is, this question is always running on his mind.Paano kung nagkataon na hindi si Honey ang kapatid niya? Paano kung nagkataon na gahaman ang kapatid niya at hindi siya nito hinanap?Baka hanggang ngayon ay nagbubuhat pa rin siya sa pier at napag-iwanan na ng buhay.But God made a plan only for him and that plan made him a better person now.“Are you all right?” A sudden voice appeared kaya naman halos mapatalon pa siya sa gulat.“Did I startle you?” Nakangisi pa ang nagmamy-ari ng boses nang tingnan niya. “Mukhang malali

  • My Billionaire EX-BOYFRIEND   CHAPTER 63

    “K-Klarisse...” anas niya ulit. “W-why are you d-doing this to me, Gang?” tanong niya kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga siya sigurado kung ang kinakausap niya ay ang babaeng tinutukoy niya. Dinaig niya pa ang batang bago pa lang nagsisimula na maglakad. Nangangapa pa siya. At hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin. “I-is that y-you, Gang?” tanong niya na nanginginig ang boses niya. Napangiti siya. Isang ngiti na dinaig pa ang namatayan dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya. Para siyang tanga na umaasa sa wala. This moment, it’s like he's waiting for rain in a dry desert. Hahakbang pa sana siya palapit sa bulto ng tao ngunit binalot ng kadiliman ang buong parking lot. A sudden brownout enveloped the parking lot. “Damn it!” mura niya sabay takbo papunta sa bulto. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang makalapit agad sa taong hindi niya naman sigurado kung iyon nga ang hinahanap niya. Nang mahawakan niya ang braso ng taong kausap niya

  • My Billionaire EX-BOYFRIEND   CHAPTER 62

    “K-Klarisse?” nanginginig ang boses na turan ni Michael.Maging si Honey at Eros ay biglang napatingin sa kaniya. May balak pa sanang agawin ni Honey ang cell phone sa kaniya subalit inilayo niya sa kapatid ang cell phone na hawak.Iminuwestra din ni Michael ang kamay para pigilan ang kapatid sa paglilikot kaya naman tumango ito bilang pagsunod sa sinabi niya rito.“K-Klar—” Umiling si Michael. Imposible na si Klarisse ang kausap niya. Bigla siyang natauhan sa kagaguhan. “Sino ito?” seryoso niyang tanong.“Psh! Oh, kumusta ka na?”Napakunot ang noo ni Michael nang mapagsino ang nasa kabilang linya. “Charlotte?”“Yes, that's my name. I’m glad na kilala mo pa ako.”Bumuntonghininga si Michael. Nakaramdam siya ng pagkairita pero hindi niya na lang iyon ipinakita sa kausap lalo pa at ang balita niya ay buntis ito.“Niloloko mo na lang ako parati.” Pumalatak siya bago tumingin sa mag-asawa at umiling. Dinukot niya na rin ang susi na nasa bulsa niya at ipinakita sa mag-asawa. “Alis na muna

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status