Share

CHAPTER 4

Nagising si Klarisse dahil sa tadyak sa paahan niya, kaya naman paigik siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Nakita niya si Michael na nakatunghay sa harapan niya, may hawak itong tasa na halata pang mainit ang laman dahil sa umuusok pa ito, habang nakangisi sa kanya.

“Ang sarap ng buhay natin, ah? Aba, anong oras na, tulog ka pa rin? Ganyan ba talaga kayong mga mahihirap, walang sense of responsibility? Get up!” sigaw nito matapos siyang tuyain.

Dahil sa labis na takot ay nagkukumahog siyang tumayo. Naglakad siya papunta sa dresser para kumuha ng T-shirt subalit nang dumaan siya harapan nito ay pinatid siya ng asawa kaya pasubsob siyang nadapa. Sa kagustuhan na huwag masaktan ang mukha ay ang kamay niya ang naitukod niya kaya naman isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan niya nang mabali ang kanang kamay niya.

“H-help m-me, Nathan, please...” umiiyak niyang samo rito habang hawak ang kamay na nasaktan.

Sa pag-aakalang nagbibiro lang ang babae ay tiningnan niya lang ito habang nakangisi. “You can’t fool me, Klarisse. Get up, o baka naman gusto mo pang kaladkarin kita patayo!” Umiinit ang ulo niya sa babae. Mainit na nga ang ulo niya ay dumagdag pa ito sa kaartehan.

He’s having a tough time right now. Palugi na ang negosyo niya. Plano pa ng pamilya niya na tumigil na suportahan siya ng pinansiyal dahil nalaman ng mga ito ang bisyo niya. Kung hindi lang dahil kay Klarisse, baka matagal na nga siyang itinakwil ng pamilya.

What he needs right now is to negotiate with a bigger company, pero kahit isa, maging ang mga kaibigan niya noon ay ayaw siyang tulungan. Kesyo pabagsak na raw ang construction firm na siya na mismo ang nagtayo 5 years ago.

“Tumayo ka na riyan—!” Ang pagsigaw niya ay natigil nang biglang bumagsak ang asawang namumutla na walang malay. “God damn it!” Sa pagkataranta ay binitawan niya ang kape at binuhat ang babae at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Kailangan niyang madala sa hospital si Klarisse. Hindi ito puwedeng mawala sa kanya dahil kapag nagkataon, baka pulutin na siya sa kalsada!

“HMMMM...” ungol ni Klarisse nang magising. Nasaan ako? tanong niya sa sarili sabay libot ng mga mata sa kinaroroonan niya.

Nakita niya ang kulay puting pintura ng lugar. Sa gilid niya ay may bakal na siyang pinagsasabitan ng dextrose niya na nakakabit pa sa kanang kamay niya. Nang subukan niyang igalaw ang kanang kamay ay napangiwi siya saka tila tubig na dumaloy sa alaala ang nangyari sa kanya.

Hayop ka talaga, Nathan! Masahol ka pa sa hayop!

Nagngingitngit ang kalooban niya pero wala siyang magawa! Ayaw niyang makagawa ng desisyon na pagsisihan niya. Kapag lumaban kasi siya, alam niyang hindi lang ito ang mangyayari sa kanya.

Pipikit na ulit sana siya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Nang tingnan niya iyon ay nakita niya si Mommy Tess at Daddy Louis. Ang mga magulang ni Nathan.

“How are you, hija?” nag-aalala na tanong sa kanya ng dalawa. Lumapit ito sa kaniya at inilapag ang dala ng mga itong fruit basket.

“I am fine, mom, dad. Mabuti po at nandito kayo...”

“Yeah. We came here yesterday, ang kaso ay tulog ka pa.”

“Po???” Nagulat siya sa sinabi ng ama ng asawa. You mean po, isang araw na akong nandito sa hospital? Oh my gosh! This can’t be happening...” nanlalaki ang mga matang saad niya.

Hindi puwede ito! Kailangan ko nang makauwi!

Dahil sa kaba, isama na rin ang takot sa asawa ay pahablot niyang tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kanya dahilan para mapasigaw ang ina ni Nathan. Agad naman siyang pinigilan ng ama nito.

“K-kailangan k-ko na pong lumabas dito sa h-hospital. Kailangan ko n-na pong u-umalis dahil lalaki p-pa lalo ang bill. Si Nathan—”

“I am here, Honey. Holy cow, what are you doing?” Lumapit ito sa kanya at agad na hinawakan siya sa kamay. Humarap ito sa mga magulang niya. “Please, nom, dad, call a nurse or a doctor. My wife is being hysterical...”

“All right, hijo. Bantayan mo nang maigi ang asawa mo.”

Nang makaalis ang mga magulang ni Nathan ay saka siya nito hinawakan nang mahigpit sa braso. “What the fvck are you doing, b!tch?!!”

“A-alam kong g-galit na g-galit ka, Nate, dahil sa b-babayaran mong b-bill dito sa hospital. T-that’s why I need t-to go home.”

“Owww, my sweet little Klarisse...” Itinaas nito ang kamay niya kaya bahagyang napailag siya dahil sa takot na baka sampalin siya nito. Pero hindi iyon nangyari. Bagkus ay inilapat nito ang kamay sa ulo niya at hinaplos pababa ang buhok niya. “Get it together, okay? Get it together. Iwasan mo ang pagbabaliw-baliwan mo kung ayaw mong masaktan!” Hinala nito ang buhok niya patalikod kaya umangat ang ulo niya. “Kung alam ko lang na magbibigay ng malaking halaga ang pamilya ko dahil sa pagkataranta sa nangyari sa iyo, sana pala, noon pa kita pinilayan.” Pabalya nitong binitawan ang buhok niya. “Magtino ka kung ayaw mong masaktan pa lalo!” mariin na babala nito sa kanya kaya napatango siya.

Mayamaya ay dumating ang mga magulang ni Nathan kasama ang isang doktor at dalawang nurse na lalaki.

The doctor examined her before giving her a sedative dahil na rin sa kasinungalingan ni Nathan na nagwawala siya.

Gabi na nang magising siya. At laking pasalamat niya nang makita niya si Greta at Charlotte.

“How are you?” magkapanabay pa na tanong ng dalawa.

Malungkot siyang napangiti. “Unfortunately, I am still alive... How did you know?”

“Auntie Tess called me. Tinawagan ko na rin si Greta dahil alam ko naman na magwawala siya kapag hindi ko sinabi sa kanya na nandito ka sa hospital.”

Tumango si Klarisse. Kahit papaano ay magaan na ang pakiramdam niya hindi katulad nitong nakaraang araw. Siguro ay dahil nakatulog siya nang maayos.

“Where is Nathan?” she asked.

“He left when we arrived. He has important matter to do. We don’t know. Why?”

Umiling siya. “Nothing important. So, tell us. Nahilo ka ba? May sakit ka ba?” tanong ni Greta sa kanya.

Naguguluhan siya dahil sa tanong nito.

But she answered her. “I am fine. Maliban sa pilay ko, wala nang ibang masakit sa akin.”

“Gaga, wala naman palang masakit sa iyo. Bakit nahulog ka? Ano iyon? Katangahan lang?”

Dahil sa sinabi na iyon ni Greta ay napamaang siya. Sandali siyang natigilan dahil hindi niya ito naintindihan.

“Ano ulit ang sabi mo?”

“Hindi ba at nahulog ka sa hagdan kaya ka nga napilay?”

What the fuck???

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status