Share

CHAPTER 3

5 years later...

"My Gosh,  Klara!" bulalas ng kaibigan n'yang si Greta nang dalawin s'ya nito sa bahay nila isang araw. Ayaw n'ya sanang papuntahin ito sa kanila kaso mapilit talaga ang kaibigan. "Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, sa t'wing magkikita tayo ay parati ka na lang may black eye at pasa! Hoy, Klara! Tao ka at hindi punching bag!" Nagngingitngit ito kaya malakas ang boses na nagsasalita. 

"Sshh! 'Wag kang maingay at baka marinig ka ni Nathan," pagmamakaawa n'ya rito.

"Nasisiraan ka na ba?" umiiling na tanong nito. "Nasisiraan ka na nga!" bulyaw uli nito sa kanya.

"Hayaan mo na..." Sinadya n'yang bitinin ang pagsasalita upang pakawalan ang mga luha. "Siguro, parusa 'to ng Diyos sa ginawa ko," aniya sa pagitan ng paghikbi.

"'Wag mong idamay ang Dios sa kahinaan ng loob mo, Klara!" Matalim ang mga matang tinitigan s'ya nito kasabay ng pagbuntong-hininga. "I miss my best friend. Iyong best friend ko na kayang kumilos ayon sa kagustuhan n'ya. Iyong Klarisse na hindi pumapayag na apihin s'ya. Tingnan mo nga ang sarili mo..." Tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Mamahalin nga ang mga alahas at damit mo pero mukha ka pa ring basahan dahil d'yan sa mga pesteng pasa mo! May suggestion ako!" Nang-uuyam ang titig nito sa kanya. "Bakit 'di ka na lang magpakamatay para di ka na mahirapan!" Puno ng sarkasmo ang boses nito kaya mas umiyak s'ya. 

Limang taon na buhat ng ikasal sila ni Nathan. 20-years old lang s'ya noon. Pumayag s'yang magpakasal dahil sa mga sinabi nito at sa mga pangako nito.

Naudyukan lang din talaga ang isip n'ya nang makita n'ya si Charlotte at Michael na kulang na lang ay magtalik o baka nga nagtalik ang dalawang iyon noong gabing iyon.

Hindi n'ya alam. 

She thought, as the years passed by, her heart would  mend itself pero kabaliktaran noon ang nangyari. Bawat segundo ng minuto; bawat minuto ng oras at bawat oras ng araw, si Michael pa rin talaga. 

If she could turn back the time,  she would have said no to Nathan. Ipaglalaban n'ya ang lalaking mahal n'ya kung sakali man. 

Noong ikinasal s'ya sa simbahan,  hiniling n'ya na sana pumunta roon si Michael para bawiin s'ya nito sa lalaki pero hindi ito nagpakita. Nabalitaan n'ya na lang din na umalis na ang mga ito sa lugar nila. Simula noon ay hindi na s'ya nagkaroon ng balita sa binata. 

Marami ang sinayang n'yang oras at pagkakataon kaya malaki ang pagsisisi n'ya. 

Ilang buwan matapos ang kasal nila ni Nathan ay nakita n'ya ang tunay na ugali nito. Mapangmata, babaero, lasenggero, sugarol,  lahat na lang yata ng bisyo ay na kay Nathan na. Sinasaktan din s'ya nito. Batok, suntok, tadyak,  sampal at kung ano-ano pang uri ng pananakit ang ginawa nito sa kanya sa t'wing sila lang dalawa sa bahay.

Ayaw rin nitong lumalabas s'ya ng bahay kung hindi niya ito kasama.

Matagal n'ya na rin na hindi nakikita ang mga magulang dahil nasa probinsya nila ang mga ito.  Pero mas okay na iyong ganoon para hindi na madamay pa ang mga ito sa kapalaran na sinapit niya.

Minsan nang isama s'ya ng asawa sa isang party ay bugbug ang inabot n'ya pagkauwi nila.  Nagalit ito nang may makitang lalaki na na nakatingin sa kanya.  Tinatanggap n'ya lahat ng sakit na pinaparanas nito sa kanya basta hindi lang nito sasalingin ang mga magulang n'ya. 

"I saw him..." Greta cleared her throat after whispering that words. 

Him? Who?  She wanted to ask her pero bigla na lang dumating si Charlotte.

"Ohh, hi Greta," bati nito sa kaibigan n'ya. Nang tumingin ito sa kanya ay napapailing ito.  "Panibago na naman 'yan, ah?" Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang pasa sa braso niya. "Papapuntahin ko rito mamaya si Liam para matingnan ka." Tukoy nito sa asawang doktor. Simula nang magkaasawa ang babae ay naging malapit sila sa isa't-isa. Marahil ay nag-mature din ang isip nito sabay ng pagdagdag ng edad. 

"'Wag na baka magalit na naman sa iyo ang kuya mo." Nakita n'ya ang pag-iling ng dalawa. 

"I really can't imagine myself portraying your roles. Willing kaming tulungan ka pero hindi mo naman tinutulungan ang sarili mo. Minsan kasi, ang mga tao ay paulit-ulit na pinagmamalupitan ka o ginagawan ng masama dahil hinahayaan mo lang silang gawin ito. They always thought that you're giving them the right to rule your life over you. Inaamin kong ayaw ko sa iyo dati pero mas ayaw ko sa iyo ngayon. You are weak and naïve. Isa kang damsel in distress na kahit kailan hindi sasagipin ng Knight in Shining Armor n'ya. Subukan mong iuntog ang ulo mo sa pader baka sakaling matauhan ka." Hinawakan s'ya nito sa balikat.  "Hindi ka nag-iisa. Nandito kami ni Greta. We'll help you. Let go.  Free yourself from any burden.  Forgive yourself. Give yourself a chance to live the way you always wanted to be."

"Tama si Charlotte, Klara. Maawa ka naman sa sarili mo." Umiiyak na ang mga ito habang inaalo din s'ya. 

She smiled bitterly. "You know I can't. Kasal na kami ni Nathan.  Nakatali na ako sa kanya kaya hindi ko na s'ya matatakasan."

"Hin—" Naputol ang sasabihin ni Charlotte nang dumating si Nathan, lasing.

"Tulungan mo nga ako, Klara, na umakyat sa silid!" Susuray-suray itong naglalakad kaya agad s'yang lumapit dito para alalayan ang asawa. "Umuwi na kayong dalawa," dugtong pa nito na ang tinutukoy ay ang dalawang kaibigan n'ya.

Aalma pa sana si Charlotte kaya umiling s'ya upang pigilan ito sa kung ano man ang gagawin o sasabihin. Nakuha naman nito ang ibig n'yang sabihin kaya nagpaalam na rin ang mga ito. 

Pagdating nila sa sariling silid ay agad n'yang inihiga ang lalaki.

Aalis na sana s'ya pero hinawakan s'ya nito at hinila kaya bumagsak s'ya sa katawan nito.

"Naligo ka na ba?" namumungay ang mga matang tanong nito sa kanya. 

"G-gumamit ka na naman ba ng b-bawal na g-gamot?" Nauutal s'ya dahil sa takot dito. Ngumisi lang ito na parang isang demonyo. 

"Wala kang pakialam!" sigaw nito sa kanya kaya napaigtad s'ya.  "Maghubad ka!" utos nito sa kanya.

"N-Nathan, p-please!" Kailangan niyang makiusap sa lalaki para lang hindi n'ya na naman maranasan ang pambababoy nito sa kanya.

Tumayo ito at hinatak nito ang kamay n'ya. Napadaing s'ya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya.

"L-let's just s-sleep, Nate, please." Iniharang n'ya ang dalawang palad bilang pagprotesta sa gagawin ng asawa sa kanya subalit tila wala itong naririnig dahil na rin sa droga na parati nitong ginagamit.

Pwersahang pinunit nito ang bestida n'ya. Tiningnan nito ang kabuuan ng katawan n'ya at ngumisi. "Wala ka pa rin talagang pinagbago simula nang una kitang tikman," saad pa nito sabay halik sa kanya.

Napahiyaw s'ya ng kagatin nito ang labi n'ya. Nalasahan n'ya ang dugo galing sa sugat sa labi n'ya.

Hinawakan ni Nathan ang buhok n'ya at pwersahan s'yang hinila sa kama at inihiga. Itinali nito ang magkabilaang kamay at paa n'ya habang walang saplot ang katawan n'ya. Nagsindi muna ito ng sigarilyo bago ito naghubad. Pumatong ito sa bandang sikmura n'ya at sinampal s'ya.

"Akin ka lang, Klarisse, naiitindihan mo?!" Mabalasik ang boses nito kaya mas nakaramdam s'ya ng takot. "Kapag nalaman ko na may kumakalantari sa iyo, babalatan kita nang buhay!" Marahas nitong dinama ang dibdib n'ya habang hinahalikan s'ya nito sa iba't-ibang parte ng katawan.

Nang hindi pa makuntento ay kinagat nito ang korona ng dibdib n'ya kaya napahiyaw s'ya sa sakit pero tumawa lang ito.

Naramdaman n'ya ang isang kamay nito na minamasahe ang  kaselanan n'ya pero wala s'yang naramdamang kakaiba sa katawan n'ya kundi pagkasuklam para sa asawa.

Matalim ang mga mata nito nang tumingin uli sa kanya. "Klarisse! Klarisse! Klarisse!" paulit-ulit na banggit nito sa pangalan n'ya na tila ba nahihibang na. "I really hate you for making me feel that I am being unloved by you. Fuck you, Klara!" At sa pangalawang pagkakataon ay nakatanggap s'ya ng malakas na sampal mula rito bago s'ya nito tinalikuran.  

Wala s'yang magawa kundi umiyak nang umiyak habang pilit tinatanggal ang mga tali sa kamay n'ya.

"Nako! Señorita Klarisse!"

Nagkukumahog na lumapit sa kanya pinakabatang katulong nila. Kasunod nito ang Mayordoma nila. Agad tinanggal ng mga ito ang nakatali sa kanya at binigyan s'ya ng damit.

"May mga paso po kayo sa katawan n'yo," mangiyak-ngiyak na saad ni Manang Bebang habang tinutulungan s'yang tumayo. "Hindi sa pangingialam, Señorita, pero bakit hindi na lang po kayo umalis sa bahay na 'to?"

Ngumiti siya nang mapait bago pinunasan ang mga luha na naglandas sa mga mata niya. "Sagrado para sa akin ang ipinangako ko sa kasal namin ni Nathan, Manang, kaya hindi ko babaliin iyon hanggang kaya ko pa..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status