Sa loob ng hospital room ni Fiona Cruz, ang tunay na anak ng mga Smith, ay naroon ang kapatid nitong si Brent. Nakaupo ito sa upuan sa tabi ng kama ng dalaga, pilit pinapagaan ang kalooban ng babaeng kapatid sa kabila ng pinagdadaanan nito.
"Where's David, Kuya?" mahinang tanong ni Fiona kay Brent. Masama ang loob ni Fiona nang malaman na nakalabas na ng kulungan si Brianna, ang babaeng umagaw sa buhay at pamilya na dapat sa kanya. "Nandiyan lang siya sa tabi, baka papunta na rito iyon maya-maya." Fiona's eyes darkened in jealousy. "Galit si David kay Brianna at natitiyak kong hindi na niya babalikan ang babaeng iyon, Fiona, kaya 'wag kang mag-alala." "At paano ka naman nakasisiguro kung alam natin kung gaano katuso ang Brianna na iyon, Kuya? Kaya niyang baliktarin ang mga bagay, kaya niya akong pagmukhaing masama sa ibang tao. P-paano kung..." "Sshh... sabi ko naman sa'yo ay ako na ang bahala, 'di ba? Sino pa ba ang maniniwala sa Brianna na iyon? Bukod sa ninakaw niya ang katauhan mo, she cheated on him, remember?" "Well..." Makahulugang nagtitigan ang dalawa at sa huli ay napabuntong-hininga na lamang si Fiona. "You should stop worrying about it, hmm? Mag-focus ka sa pagpapagaling para makapagpakasal ka na kay David. Pangako, pagkatapos ng lahat ng ito, wala ng Brianna na manggugulo kay David, sa'yo, at sa kahit na sino sa pamilya natin." "Hindi naman niya malalaman, kuya, hindi ba?" "Walang ebidensya at walang nakakaalam. Stop stressing yourself too much." Mahinang ngumiti si Fiona sa kapatid at tumango na lamang sa huli. Ilang minuto pa ay pumasok na rin ang mag-asawang Smith ay nagbantay sa tunay nilang anak. Samantalang sa isang kwarto ay matamlay at nanghihina si Brianna. Nakahiga na ito sa hospital bed at naka-swero. Halos hindi niya na maramdaman ang katawan sa sobrang panghihina na maski ang mga mata niya ay medyo nanlalabo na. "We can't operate on her like this. Hindi kakayanin ng katawan niya," dinig niyang sabi ng doktor. Akala niya ay makakahinga na siya nang maluwag dahil sa narinig. At least ay may rason siya para hindi gawin ang bagay na pinapagawa sa kanya. Subalit nawala ang pag-asang iyon nang marinig ang boses ni Brent, ang minsang tinuring niyang kakampi. "Doc, my sister's life is on the line. Alam mo ang sitwasyon niya at hindi niya na kaya pang maghintay--" "Mr. Smith, hindi ko pwedeng ialay ang pasyente ko para sa isa pang pasyente. Parehong mahalaga ang mga buhay nila. Isa pa, may protocol tayo na sinusunod dito at hindi kang sa kung anong gusto ng kahit sino." Na-offend ang lalaki sa sinabi ng doctor at hindi man kita ni Brianna ang reaksyon ni Brent, batid niyang namumula na ito sa galit. "Kahit sino? Do you even know what you are talking about? Minamaliit mo ba ang pamilya ko? Ha? Just because you're a doctor? I can buy you and this hospital!" "Hindi sa ganoon. At hindi kita minamaliit, Mr. Smith. Alam ko at kilala ang pamilya niyo pero hindi ko pwedeng hayaan na lang na mamatay ang pasyente ko. Magiging delikado rin ito para sa pagdo-donate-an niya--" "Oh, shut up! Gusto mo talagang matanggal sa trabaho, ano?" Napapikit nang mariin si Brianna. Ang totoo ay siya ang nahihiya sa mga sinasabi ni Brent. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib na hindi lang dahil sa sakit niya, kundi dahil sa kaba, takot, at awa para sa sarili. Hindi niya alam na ganoon na pala kalala ang galit ng pamilya niya sa kanya. "We'll talk again next time, Mr. Smith. Pero sa ngayon ay hindi na magbabago ang desisyon ko." Sunod na narinig ni Brianna ang pagsara ng pinto. "O-ouch!!" mahinang daing niya nang hawakan ni Brent ang palapulsuhan niya ng madiin. "K-kuya, masakit..." "You're just acting, right? Nagkukunwari kang mahina para hindi ka makuhanan ng kidney! O baka naman nagpapaawa ka lang na naman? Stop playing games here, Brianna! Fiona's life is on the line!" "And mine is not important, Kuya? A-alam ko..." tumulo na naman ang mga traydor niyang luha. "Alam ko naman na may kasalanan ako, alam ko na kinamumuhian niyo ako, pero Kuya, ako pa rin naman ito. Hindi ba minsan na rin naman akong naging importante sa'yo?" Masama na ang tingin ni Brent sa kanya pero nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita. "I know hers is equally important... but wala na bang iba na pwedeng mag-donate? Kuya, she has everything already. You, mom, dad, the life that once was mine. Pero yung anak ko... ako na lang ay mayroon siya. Hindi ko siya pwedeng iwan, hindi ko pa kaya na mawala nang hindi man lang napapalaki ng maayos ang anak ko..." "Walang inagaw sa'yo si Fiona. After all, lahat naman ng dating nasa iyo ay inagaw mo lang sa kanya!" Padabog na binitawan ni Brent ang kamay ni Brianna habang nanatiling nakayukom ang mga kamao nito. "Hindi inagaw pero nasa kanya na ang lahat. Including..." bumuntong-hininga siya. "David." "Ha! Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha, Brianna? Alam--" Bumukas ang pintuan ng kwartong iyon at parehong nagulat at natigilan ang dalawa nang pumasok si David, malamig ngunit matalim ang tingin niya na nakadirekta kay Brianna. Sa kabila ng panghihina at sakit, mas masakit pa rin kay Brianna ang makitang ganito na ang tungo ni David sa kanya. Humakbang palapit ang lalaki na hindi pinuputol ang titig sa dalaga. Walang nagawa naman si Brent at umatras na lamang, hinayaan ang dalawa. "Inagaw?" his words echoed inside the room. "Watch your words, Brianna, I am not something you can just give and take. Walang inagaw kasi wala namang aagawin." "D-David, hindi iyon ang ibig kong sabi--" "I am not yours to begin with. And will never be." Tumalikod muli ang lalaki at humakbang palayo ngunit sa isa pang pagkakataon ay humarap ito at nagsalita. "Just donate your fvcking kidney. Your life is worthless anyway." "Narinig mo iyon? Nanggaling mismo sa bibig ni David," dagdag pa ni Brent pero hindi na iyon pinansin pa ng dalaga. Sunod niyang narinig ang malakas na pagsara ng pinto kasabay ng walang katapusang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Napahawak siya sa dibdib nang halos hindi na siya makahinga sa sakit. Matatapos din ito, naniniwala siya na kakayanin niya rin ang lahat ng ito. Kahit hindi na para sa kanya kung 'di para sa anak niya. "God, p-please... kahit ngayon lang, pagbigyan mo ako. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay kasama ng anak ko. K-kahit kapalit pa no'n ay ang hindi ko na makita pa ang dati kong pamilya... kasama ang lalaking mahal na mahal ko."MALAKAS ANG HANGIN sa mga oras na iyon at hinahangin ang buhok at damit na suot ni Yanna. Pumikit siya at dinamdam sandali ang lamig ng hangin bago muling dumilat upang makita ang malawak at payapang karagatan sa harap niya. Hindi madali na magka-amnesia, hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pakiramdam ni Yanna ay pinaglalaruan siya ng lahat. At ngayon sinasabi pa nila na naging malapit sila ni David bago ang aksidente. Paano mangyayari iyon gayong galit siya sa lalaki? "Ayos ka lang?" Natigilan si Yanna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin na si David ang nasa likuran niya. Humanap ng pwesto si David sa tabi ni Yanna habang binabasa kung ano ang nasa isip ng babae. Ilang minuto itong natahimik, hindi sumigaw o nagalit, pero hindi rin siya binati. David took it as a sign that it's okay to stay. "Sa mata ng iba ay masaya ka pero alam ko na sobrang nabibigatan ka na," sabi ni David habang nakatingin sa
Nalaman ni Yanna na naroon din si David para sa opening ng resort at isa ito sa mga VIP guest. Hindi niya magawang awayin ang kahit na sino dahil alam niya na bago pa maimbitahan ang team niya roon ay nauna nang naimbitahan si David. "Sobrang bait. Ino-offer nga sa kanya ang penthouse pero okay na raw siya sa room niya," dinig ni Yanna na sambit ng isang babae. Naghagikhikan ang tatlong babae na magkakausap. Kuryosong sinundan ni Yanna ng tingin ang pinag-uusapan ng mga ito at halos malaglag siya sa kinauupuan nang magtama ang mga mata nila ni David. Nakasuot ng sando at beach shorts ang lalaki. May mga kasama ito na mga iba pang lalaki. Ngumiti si David at kumaway kay Yanna nang magkatinginan sila. Umirap si Yanna bago tumikhim. "Girl? Nakita mo iyon? Kumaway siya sa atin!" Nagtatatalon pa sa tuwa ang mga babae at hindi magkandaugaga sa sobrang kilig. Muling umirap si Yanna. Mas lalo siyang nairita dahil doon. "Good morning, Ma'am..." bati ni Kendra na kararating lang."
HINDI MAPIGILAN NI YANNA ang kilig habang kasama ang favorite actor niya. At isa pang nagpapasaya sa kanya ay ang nalaman na kilala siya nito."Kumain na ako once sa restaurant mo sa Australia. That's in Melbourne, I think? Right after that, I used to order your food online," pagkukwento ni Frederick sa kanya.Halos tulala si Yanna at hindi alam kung paano kikilos sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa highschool at kaharap ngayon ang kanyang ultimate crush."P'wede naman kita lutuan, kung gusto mo," aniya at halatang wala pa sa huwisyo.*****SA KABILANG BANDA ay nakatingin si David sa gawi ni Yanna at ng kasama nitong lalaki. Nakilala niya agad si Frederick. Kung sa ibang tao ay magseselos siya pero ngayon na nakikita ang kasiyahan sa mukha ng babae ay wala siyang ibang maramdaman kung hindi saya para rito.Napangiti siya ng mapait. Balik na naman siya sa dati, nakatingin lang sa malayo."Sir, gusto niyo raw po ba gamitin ang penthouse?" tanong ng isa sa mga staff
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa